The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 27 [Zarahi's Died]

3.2K 72 3
By AteLunax


*KYS EUNA's POV*

___

Tulad ng sinabi nila na itutuloy namin ang pamamasyal sa ibang araw ay ngayon namin naisipan dahil wala naman kaming magawa sumasakit na din ang likod kakahiga sa kama ko nandito kami sa isang talon mas maganda ito kaysa sa una kong nakita.

Hindi namin kasama si fenris ngayon dahil inutosan sila ni ama na mag libot libot sa kagubatan kaya kaming mga babae lang ang nandito.

"Ito suotin mo kys hindi pa naman kalakihan ang tiyan mo" Pagpupumilit ni ulva sakin na isuot ang swim suit.

"Wag muna kasing pilitin ulva nagsasayang kalang ng oras!" Mataray na sabi ni daciana inirapan naman siya ni ulva.

"Pwede bang tumahimik ka hindi ikaw ang kinakausap ko" Pagtataray na rin dito na pailing nalang ang dalawa pa naming kasama.

Para walang gulo ay kinuha ko nalang yong pina pasuot sakin ni ulva pumunta na ako sa ginawa nila kiera kanina na pag papalitan namin pumasok na ako don at nag palit isunoot kona ang kulay pulang two piece.

Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko parang ang sagwa tignan hindi pa naman kalakihan ang tiyan ko pero nakakahiya pa rin  napa buntong hininga na lang ako.

"Oh pak taray kys sexy ka siguro nong hindi ka pa nabubuntis" Nakangiting sabi ni ulva sakin napakamot naman ako ng batok.

"Ligo na kys" Sabi ni tala sakin sabay saboy sakin ng tubig napaatras naman ako dahil napaka lamig.

"Wala bang mainit na tubig?" Tanong ko sa kanila nagtatawanan naman silang lahat habang nakatingin sakin napanguso nalang ako bakit ba sa ang lamig eh.

"Alam mo halika na" Tumatawang aya sakin ni louve lumapit sila sakin ulva tsaka nila ako hinila at tinulak sa tubig napatili naman ako dahil sa nabigla ako paglubog ko sa tubig ay nagmulat ako ng mata kita ko ang mga iba't-ibang uri ng isda. 

Napasinghap naman ako dahil napaka lamig ng tubig buti na lang marunong akong lumangoy.

"Kiera wag kang madaya dyan baka gusto mong ako ang humila sayo?" Natatawa na tanong ko sa kanya wala siyang nagawa kundi tumalon na din.

"Ang sarap sa pakiramdam nakakaginhawa" Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Kapag gusto mong mag relax sabihan mo lang kame sasamahan ka namin dito" Nakangiti na naman nasabi ni louve.

"Sa iba naman tayo gusto kong mag libot" Sagot ko sa kanya.

"Nga pala kys nasan na ang nakabuntis sayo?" Tanong sa akin ni tala bumuntong hininga naman ako tsaka ako nag kibit balikat.

"Ayuko na siyang gulohin pa masaya na siya kong ano mang meron siya ngayon" Malamig kung sagot sa kanya galit ako kay sue dahil tinalikuran nya kami ng anak niya.

"Bakit naman buntis ka dapat panagutan ka niya" Sabi naman ni ulva.

"Tinalikoran nya na kameng mag ina kaya hinayaan ko na niloko niya ako tapos may ibang babae na ulit siya masaya na ako kung anong meron ako ngayon at hindi ako nag sisising may dumating na anghel sakin aalagaan ko siya kahit wala siya sa tabi naming mag ina" Mangiyak ngiyak kong sagot sa kanya nagulat ako ng lapitan nila ako at yakapin maliban kay daciana inirapan niya lang ako.

"Nandito lang kami para sa magiging pamangkin namin" Sabi ni tala.

"Lakasan mo ang loob mo dapat sa lalaking yon ay hindi na binibigyan ng isa pang pagkakataon" Naiiyak naman na sabi ni louve.

"Sino ba ang lalaking yan dapat bigyan natin tag isang suntok" May pag ka inis na sabi ni ulva.

"Ano ba kayo nandito tayo para mag saya!" Mataray na sita samin ni daciana.

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng niloko palibhasa ikaw ang manloloko" Taas kilay na sagot sa kanya ni ulva inirapan lang sya nito bago lumangoy.

"May mga paparating mag tago tayo sa ilalim ng tubig" Seryosong utos ni kiera kaya nag madali kameng nag lumubog sa tubig.

Nag mulat ako ng mata pina kiramdaman ko ang paligid meron ngang paparating napatingin ako kila ulva ng kalabitin ako suminyas silang umahon kame kaya umahon agad ako.

"Doon tayo mag tago sa likod ng umaagos na tubig" Turo ni ulva tumango naman kame tumalon na sila pa punta don agad naman akong sumunod sa kanila.

"Tignan mo muna dyan sa mga paligid baka may mga nagkalat pa" Rinig naming sabi ng isang lalaki.

"Grabe na talaga ngayon may namatay nanaman isang matalik na kaibigan ni lord filtiarn" Sabi naman ng isang lalaki halata sa boses dito kung gaano siya ke desmayado.

"Walang puso ang gumawa sa bampirang yon talagang siniguradong patay siya" Sabi naman ng isa pa napa kunot naman ako ng noo dahil sa naririnig ko bampira? Sino naman yon hindi ko alam bakit ako biglang kinabahan.

"Siya ata ang sinasabi nilang mata ng mga bampira" Sabi ng isa lumaki ang mata ko dahil sa narinig ko para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Hindi hindi maari wag naman sana hindi sana si zarahi ang tinutukoy nila.

"Oo siya yon nakita kona yon dati zarahi ata ang pangalan niya" Sagot nito halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa narinig ko hindi kona din maiwasang hindi mapa iyak.

"Kys okay kalang?" Nag aalalang tanong nila sakin umiling iling ako kasi hindi naman talaga ako okay.

"Hindi hindi to totoo" Umiling iling kong sabi habang nag uunahan ang luha ko sa pag labas sa mata ko.

"Anong nangyayari sayo?" Nag aalala na tanong ni ulva sakin.

"Kaibigan nya ang pinag uusapan ng mga lalaki" Seryosong sagot ni kiera habang nakatingin sa paligid.

"HINDI!!!" Sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman ko dahil sa lakas ng sigaw ko ay tumilapon sila ulva sa may tubig rinig ko ang mga ibon na nag si liparan galing sa mga puno.

Tumingin ako sa sarili ko pakiramdam ko napakalakas ko i-isa na akong lobo tumingin ako sa paligid nakikita ko ang paparating sila fenris kasama ang iba niyang kasamahan.

Tumalon ako palabas sa pinagtataguan namin kanina nasa harapan kona ngayon ang mga nag uusap usap kanina.

"Awooh" Malakas kong alulong (ano yan aso jusko) halata sa mata nila ang gulat at agad na lumuhod sa harapan ko.

"Queen Ulrica" Tawag nila sa akin nagtaka naman ako umahon na sila ulva sa tubig at lumapit sakin.

"Anong ginagawa nyo dito pinapa sabi ni lord filtiarn na hindi na kayo pwede na gumagala dito dahil sa nangyari bumalik na kayo doon" Seryong sabi ng isang lalaki.

"Sino ang pumatay kay zarahi? Sabihin mo sa akin" Malamig kung tanong sa kanya.

"Hindi pa matukoy kung sino kaya abala ang lahat para sa pag iimbestiga" Seryosong sagot niya sakin.

"Wag kayong tumigil hanggat hindi nyo nahahanap!" Utos ko sa kanila.

"Anong nangyaya—" Hindi na natuloy ni fenris ang sasabihin nya ng makita nya akong naka anyong lobo.

"Kys?" Tawag nya sakin.

"Kailangan kitang makausap fenris" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Kys kong mag anyong tao ka doon ka sa tubig wala kang magiging saplot" Utos sakin ni kiera agad namang akong tumalon don maya maya pa ay nararamdaman ko ng bumabalik na ako sa pagiging tao.

"Umalis na kayo ituloy nyo na ang pag lilibot kayo kiera bumalik na kayo sa palasyo masyado ng mapanganib dito" Utos ni fenris samin tumango naman kame.

Umalis na din sila binigay sakin ni kiera ang rubang hawak nya sinuot na din nila ang sakanila.

"Hindi nanaman tayo makakapasyal nito" Nakangusong sabi ni ulva.

"Kaya nga nakakainip pa naman kapag walang ginagawa" Pagsang ayon naman ni louve.

"Sayang gusto ko pa naman mapunta ang ibang mapapasyalan dito" Nanghihinayang na sabi ko habang naglalakad pabalik sa palasyo.

"Gumawa tayo ng paraan para hindi tayo mainip" Sabi naman ni tala.

"Tsaka na natin pag usapan ang tungkol dyan kailangan ko ng magpahinga salamat sa inyo" Pagpapaalam ko sa kanila tumango naman sila sakin lumakad na ako papunta sa silid ko nakasunod lang sakin si kiera.

"Kiera pwede mo bang sabihin kay fenris na mag uusap kami mamaya" Sabi ko sa kanya.

"Makakarating wag mong masyadong dibdibin ang nangyari makakasama yan sa baby mo" Nag aalalang sabi nya sakin ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Magpapahinga na ako kiera kapag hinahanap ako ng aking ama sabihin mong masama ang pakiramdam ko salamat" Pag kasabi ko yon ay pumasok na ako sa loob ng silid ko.

Nagtungo agad ako sa banyo para makapag linis ng katawan hinayaan ko lang umagos ang tubig sa katawan ko habang nakaupo.

Bakit kailangan laging may nawawalang malalapit sakin gagawin ko ang lahat zarahi para mahanap kong sino ang pumatay sayo ano ang ginawa sayo gagawin ko din sa kanya sisiguraduhin kung maliligo sya sa sarili niyang dugo.

Pagkatapos kung maligo ay tumambay ulit ako sa terrace ng silid ko nakatingin lang ako sa langit.

"Isa kana sa mga butiwin zarahi wag mo sana akong pababayaan kasama muna ang aking ina ngayon alam kong masaya na kayo kong nasan kayo sana bigyan nyo ako ng lakas sa pang araw araw at lakas ng loob hindi ko alam kong sino ba talaga ang kakampi at kalaban ko" Hindi ko na mapigilan ang luha dahil sa lungkot na nararamdaman ko isang kaibigan na naman ang nawala sa akin napakapait talaga ng buhay ko kailangan ba matatapus ang paghihirap kung ito.

Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit parang ipinagkakait sakin hindi naman ako naging masama pero bakit ganito napatigil ako sa pag mumuni ng may kumatok sa pintuan ng silid ko binuksan ko naman ito gamit ang kapangyarihan ko.

"Hindi ka daw nag dinner kanina kaya dinalhan nalang kita ng prutas" Nakangiting sabi sakin ni fenris ng makapasok ito inilapag nya sa lamesa ang dala nyang prutas.

"Maraming salamat fenris wag kana sana nag abala pa" Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Anong atin?" Tanong nya sakin naging seryoso naman ang mukha ko.

"Gusto kung manmanan mo ang bawat kilos ni rollin sayo lang ako may tiwala fenris malakas ang kutob kong may kinalaman siya dito kapag napatunayan kong siya ang may gawa papahirapan ko siya!" Malamig kung sabi sa kanya.

"Makakaasa ka kys magiging maayos din ang lahat wag kang masyadong mag isip baka makakasama sa bata yan buntis ka baka nakakalimutan mo" Napangiti naman ako sa kanya.

"Maayus ako fenris wala ka dapat ipag alala gusto ko sanang alamin mo kung sino ang kasabwat nito pag babayarin ko sila sa ginawa nila sa kaibigan ko" Madiin kong sabi sa kanya.

"Sinabi pala ng iyong ama kanina gusto ka niyang makausap bukas pumunta ka sa silid aklatan nya may sasabihin siya importante sayo at wag muna daw uulitin hindi kumain gusto ka niyang kausapin kanina pero pinigilan sya ni kiera kaya hindi na sya tumuloy pa" Napa iling na lamang ako habang nakatingin sa kanya.

"Pangako hindi na mauulit salamat ulit dito sa prutas samahan mo din ako bukas gusto kong makita ang bangkay ng kaibigan ko" Sabi ko sa kanya tumango naman siya.

"Maraming salamat fenris sige na magpahinga ka na alam kong pagod ka ngayon araw na ito magkita na lang tayo bukas" Nakangiti kong sabi sakanya ngumiti din sya sakin.

"Ikaw din mukhang napagod ka kakalangoy hayaan mo kapag hindi na delikado ipapasyal kita sa hindi mo pa napuntahan magandang gabi kys aalis na ako" Paalam nito tumango naman ako tumalon na siya mula sa terrace ng silid ko.

Napa buntong hininga naman ako sana maging maayos na ang lahat ayukong lumaki ang magiging anak ko na magulo pa rin dito gusto ko kapag meron na sya maayos na ang lahat wala ng gulo.

"Kapit kalang baby gagawin ni mama ang lahat para maging maayos na ang magulong mundo na ito" Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang tyan ko.

Bilisan mo ding lumabas dahil nasasabik na ako sayo ikaw lang ang lakas ni mama sana hindi dumating yung araw na hahanapin mo sakin ang iyong ama hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ayukong magtanim ka ng galit sa kanya kahit na gusto niya tayong patayin at galit na galit ako sa kanya ama mo parin siya hays ang gulo ng buhay ko. 

_____________

Tulad na sinabi ko kagabi kay fenris na samahan nya ako sa bangkay ni zarahi ay sinamahan nya nga ako halos kagigising ko palang ay may kumatok na sa pintuan ng silid ko mas maaga pa ata syang nagising sakin.

Pinapasok ko muna sya sa loob agad naman syang pumunta sa terrace.

"Maiwan muna kita dyan gagawin ko lang ang morning routine ko" Paalam ko sakanya hindi kona sya hinintay na sumagot pa lumakad na ako papunta sa banyo nilock ko ang pinto at nag umpisa na akong maligo.

"Kys kukuha lang ako ng makakain natin bago tayo pumunta sa bangkay ni zarahi" Sigaw nito hindi na ako sumagot pa nag focus nalang ako sa pag ligo ko.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi iniisip ko parin kong bakit pinatay si zarahi at kung paano na ang libro ng propesiya napa buntong hininga nalang ako.

Pagkatapos kong maligo ay nag palit na ako bago ako lumabas ng banyo wala pa si fenris kaya umupo nalang ako sa may terrace.

Napatingin ako sa paligid maraming nag kalat na tauhan ni papa mukhang hindi kame makalusot kong sakania mang gusto naming mamasyal.

Napatingin ako kay fenris na may dala dala itong tray may dalawang basong kape at tinapay siyang dala at prutas ulit.

"Salamat fenris" Nakangiti kong sabi sa kanya tumango lang sya bilang sagot.

Kinuha kona ang kape ko pag kalapag nya ganun din siya Tahimik lang kameng dalawa habang nagaagahan hanggang sa matapos kaming dalawa.

Nauna siyang nag lalakad kaysa sakin kaya kitang kita ko ang likoran nito halatang maalaga sa katawan ang lalaking to at halatang sanay na din sa pakikipag laban.

"Fenris pwede bang papuntahin ang mga kaibigan ko dito gusto kong malaman nila tong nangyaring ito" Pakiusap ko sa kanya.

"Sa ngayon mukhang hindi pa sila makakapunta dito dahil sa nangyaring ito hayaan mo kapag pwede na ako mismo ang pupunta sa mga kaibigan mo para sabihan sila" Napangiti na lamang ako sa kanya hindi na muli ako nag salita pa hanggang sa makarating kame kung saan nandoon ang bangkay ni zarahi.

Halos maduwal ako ng makita ko ito wala itong puso mata at wakwak ang kanyang tiyan napaka brutal  ng ginawa sa kanya hindi ko na din nakayanan napaiyak na lamang ako dahil sa sinapit nya.

"Zarahi" Tawag ko sa kanya napahagulgol na ako ng iyak agad ko syang nilapitan at niyakap nanatili akong nakayakap sakanya wala akong pakialam kahit puro dugo na ako.

"Mag babayad ang may gawa nito!" Sigaw ko napatingin ako sa mukha nya "Patawarin mo ako hindi kita nailigtas" Halos pabulong kong ng sabi sa kanya.

Napaka walang puso ng gumawa nito talagang siniguradong patay talaga siya mag babayad ang may gawa nito sinisigurado ko.

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo pinipilit kong ibuka ang mga mata ko para makita si zarahi pero umiikot na ang paningin ko.

"Kys ayus kalang?" Tanong sa akin ni fenris  sasagot na sana ako ay biglang ng nagdilim ang paningin ko bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay ramdam kong may sumalo sakin 

Continue Reading

You'll Also Like

18K 392 33
"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentab...
2M 69.5K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
22.2K 847 29
He forget and She remember Bad Girl Series 01 C.G
654 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?