The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 22

3.5K 98 1
By AteLunax

*KYS EUNA's POV*

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung nalaman ko ang totoo pero hito parin ako nakakulong sa kwartong to.

Sa dalawang linggo yon medyo maayosi na ang lagay ko.

Napagtanto na dapat wag akong mag paapekto sa mga nangyari dapat maging malakas ako para sa baby ko may responsibilidad pa pala ako ayuko madamay ang anak ko napahawak ako sa tyan ko napangiti ako.

"Dalawang buwan ka na sa tiyan ni mama" Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang tyan ko.

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon isasantabi ko nalang muna lahat yon ayukong maestress buntis ako baka kung anong mangyari sa anak ko.

"Bilisan mong lumabas para makita ka ni mama" Hinaplos haplos ko yong tyan ko ng may narinig akong ingay mula sa labas tumayo ako sa pagkakaupo para tignan sa may bintana kong sino ang mga yon.

Sila mavi lang naman pala gusto kona silang makita.

Agad akong pumunta sa salamin para mag ayus.

Matagal kong tinignan ang sarili ko sa may salamin ang laki na nga ng ipinag bago ko wala na yong dating kys na palangiti ngayon isang seryosong kys na.

Hayts tama na nga to lumakad na ako palabas ng kwarto hinawakan ko na yong door knab lalabas na kaya ako?.

Dahan dahan kong binuksan yong pintuan tumingin muna ako sa labas tinignan kong may tao inihakbang kong yong isang paa ko yong isa naman ng makalabas na ako dahan dahan kong isinara ang pintuan ng kwarto ko.

Habang pababa ako ng hagdan napa tingin sila sakin.

"K-kys?" Tawag nila sakin na halatang nagulat napatayo pa silang tatlo hindi kase ako naglalabas ng silid ko lagi lang akong nandon.

Ningitian ko sila tumakbo na sila palapit sakin niyakap nila ako pagka baba ko ng hagdan.

"UUUWWAAA GIRL AKALA NAMIN HINDI KA NA LALABAS SA KWARTO" Maiyak iyak na sabi ni ayame halos araw araw nya akong kinakatok pero hindi ko sya pinagbubuksan.

"Namiss ka namin" Sabi ni kiva habang sumisinghot ng sipon.

"Buti naman lumabas kana" Masayang sabi ni mavi sakin buti okay na sya nag aalala din ako sa kanya.

"Wag mo ng uulitin nagkulong hah" Umiiyak na sabi ni ayame kumalas na sila sa pagkakayakap sakin ni ngitian ko sila.

"Kamusta ang baby mo?" Tanong ni kiva habang nakatingin sa tiyan kung lumalaki na.

"Halika umupo ka papakingan namin kong sumisipa na" Masayang sabi ni ayame.

"Gaga dalawang buwan palang yan sisipa na agad kong sipain kaya kita" Natatawang sabi naman ni mavi sakanya napasimangot sya.

Natawa naman ako para parin silang mga aso't pusa wala paring ipinag bago mas lalo pa ata silang kumulit.

Pinaupo nila ako sa sofa pagkaupo ko ay lumuhod si mavi sa harapan ko idinikit nya yong tenga nya sa may tyan ko.

"Baby bilisan mong lumabas para may kalaro na kame" Nakangiting sabi ni mavi.

"Ano kayang magiging anak mo ? Sana babae" Sabi naman ni kiva habang hinahaplos yong tyan ko.

"Kong maging babae ang anak mo ano ang ipapangalan mo?" Tanong ni ayame sakin 

Umayos na ng upo si mavi at kiva nakatingin na silang tatlo sakin.

"Abs Cd" Nakangiti kong sagot na pataas sila ng kilay ko.

"Abs Cd?" Sabay sabay Nilang sabi natawa naman ako 

"Yeah abs cd para kakaiba" Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Kapag lalaki?" Tanong naman ni mavi.

"Ulysses" Tipid kong sagot napangiti naman sila.

"K----"

"Aha sabi na nga ba dadalawin nyo si kys hindi talaga kayo nag-aaya" Nakangusong sabi ni kiko mula sa pintuan ng bahay ni ayame kasama sila ford na nakasimangot may mga dala silang plastic na may laman na pagkain.

"Bakit kayo nandito mamaya makahalata si sue wala tayong lahat sa tambayan" Nag aalala na sabi  ni ayame.

"Alam nyang naghahanap kame kay kys kaya hindi yon makakahalata" Sagot naman sa kanya ni max.

"Pinapahanap nya parin ako?" Tanong ko sakanila napabuntong hininga sila tsaka silang tumango

"At ang masaklap kame na mismo papatay sayo syempre hindi namin sya susundin kahit lagi nya kameng pinapagalitan bakit hindi ka pa namin nahahanap" Sagot ni steven lumakad na sila palapit samin inilapag nila yong mga pinamili nila sa lamesa.

"Nga pala kys ikakasal na si sue pero hindi pa alam kong kailan anong balak mo?" Tanong sa akin ni ford bigla namang kumirot ang puso napayuko ako.

"Ano ba ford bakit mo pa tinatanong wala dapat gawin si kys hayaan nyang magsisisi si sue sa ginawa niyang to!" Galit na sita sa kanya ni mavi.

"Nahanap nya ba?" Tanong ko tumango tango naman sila.

"Pero iba parin kutob ko don napakabait nya kapag kasama si sue" Mataray na sabi ni mavi.

"Baka naman sadyang mabait lang sya" Pagtatanggol naman ni kiko don sa babae.

"Asus kiko nakakita kalang ng malaki ang hinaharap at sexy pinagtatangol muna" Umiling iling naman sabi ni kiva.

Nahanap nya na pala so hindi nga talaga ako para sa kanya gosh kys dapat maging masaya ka sana hindi niya lokohin yong babae tulad ng ginawa nya sakin at sana maging masaya napa buntong hininga ako dahil akala ko okay na ako parang bumalik ang sakit na nararamdaman ko dati.

"Ayos ka lang ba kys?" Tanong sakin ni ford napatango nalang ako tsaka ngumiti.

"Kailangan ko lang siguro magpahinga" Sabi ko sa kanila ngumiti ako bago ako tumayo sa pagkakaupo.

Lalakad na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan napatingin kaming lahat don.

May apat na lalaking nakatayo sa pintuan nakatakip ang mga mukha nila pero kita ang mga mata nilang galit na galit na nakatingin silang lahat samin agad naman akong nilapitan mavi naging pula na yong mga mata nila.

Sino ang mga to kalaban ba sila isa rin ba sila sa inutusan ni sue para patayin ako? Katapusan naba naming lahat to? Hindi sila pwede madamay dito ayukong may mamatay nanaman ng dahil sakin.

Inalis ng isang lalaki ang maskara nya.

"Lord Filtiarn" Gulat na gulat nilang tawag don sa lalaking medyo may edad na.

Nagulat ako ng lumuhod silang lahat nakatingin lang ako sa may pintuan.

"Kamusta?" Malamig na tanong nila na nakapagbigay kilabot sakin parang nag si taasan ang balahibo ko sa katawan.

"Maayos naman kame lord filtiarn" Sagot ni mavi na halatang natatakot.

"Sino kayo bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila tumingin sila mavi sakin suminyas na lumuhod ako pero hindi ko sila pinakinggan.

Napa tingin sakin yung lalaki seryoso pa rin ang mukha nito.

"Parehas na parehas kayo ng iyong ina hindi kayo marunong gumalang saakin" Napakunot naman ako ng noo kilala nya si mama?.

"Siya ba ang asawa ni sue? Nasa sya?" Sunod sunod na tanong nito hindi kaya sya ang papa ni sue teka bakit nabuhay siya hindi pa ako namamatay.

Ayy oo nga pala hindi na pala ako yung nasa propesiya oh my god hindi kaya namatay yung babae ang bilis naman.

"Nasan si sue?" Muling tanong nya na nakapag balik ulirat sakin.

"Wala dito ang bampirang hinahanap mo hindi din kame tanungan ng nawawalang bampira" Taas noon na sagot ko dito nagulat ako ng hilain ni ayame paluhod.

"Pasensya na po kayo sa inasal ng babaeng to lord filtiarn buntis po kase sya kaya ganito ang asal nya" Nakayukong sabi ni ayame sakin pinag papawisan na ito tatayo na sana ako ng pigilan nya ulit ako.

"Ano ba kys mapanganib ang lalaking yan hindi mo siya kilala!" Madiin nyang bulong sakin.

"Manatili ka dyan sa pwesto mo kys ayuko pang mamatay!" Mahinang sabi din ni kiko pero nakayuko parin.

"Masaya akong nakita kita Kys Euna Sebastian" Kinabahan naman ako dahil alam nya ang pangalan ko.

"Matagal na kitang hinahanap at sa wakas nahanap na kita mahal kong anak" Nagulat ako sa sinabi niya napa tingin ako sa kanya pati rin sila napa tingin sa kanya kita sa mga mata nila ang gulat at maraming katanungan tulad ko.

"S-si k-kys a-ang anak nyo?" Nauutal na tanong ni kiva habang nakaturo sya sakin.

"Tama kayo ng narinig sya ang anak kong nawawala maraming taon na ang lumipas sya ang anak namin ni ulrica" Seryoso paring paliwanag nito napatingin ako sa babaeng kakapasok lang.

"Zarahi" Tawag niya dito ngumiti ang babae sa kanila.

"Teka ikaw!" Turo ko don sa babae nakangiti lang sya sakin.

"Ikaw ang babaeng tumulong sakin noon sa pinagtatrabahuhan kong restaurant" Sabi ko sa kanya tumango tango ito sakin.

"Nice to see you again lady kys" Magalang nyang sabi sakin tsaka yumuko.

"Anong nangyayari zara?" Tanong ni kiko na kanina pa naguguluhan.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita samin?" Tanong ni mavi sa kanya.

"Tsaka na ako magpapaliwanag ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni kys makinig kayo sakin sya ang nawawalang anak ni lord Filtiarn kailangan nya ng sumama sa kanyang ama para sa ikabubuti ng lahat at kaligtasan nilang mag-ina" Seryosong sabi nya samin may inilabas syang libro galing sa kamay nya lumulutang ito.

"Nasakin ang totoong propesiya bilang mata ng mga bampira hinahanap ko ito kaya matagal akong nawala dahil dito kong itatanong nyo kong sino ang nasa propesiya ay hindi ko masasagot---" Hindi nya natuloy yong sasabihin nya ng magsalita si mavi.

"Bakit? Hindi bat hawak muna yan?" Nagulat ako ng tumilapon si mavi.

"Pataposin mo ako mavi wala ka paring ipinag bago malilintikan kana talaga sakin! Kaya hindi ko alam kong sya ba talaga ay dalawang tao ang nakalagay dito maski ako nagulohan ng mabasa ko wala nakalagay na kahit anong detalye tulad na nasa isang libro na nandon lahat ng katangian at kapangyarihan kaya kys kailangan mo ng sumama sa iyong ama sa mga nangyayari ngayon at binabalak ni sue ay seryoso sya gusto ka nyang mamatay at ang magiging anak niyo bukas na bukas ang kahariang karapat dapat sayo matagal ka na nilang hinihintay at nasasabik sa pagbabalik mo" Ngumiti sya sakin gulong gulo ang utak ko habang nakatingin sa kanya napatingin ako sa lalaking sinasabi nilang tatay ko hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon halo-halong emosyon hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

"Papa" Tawag ko sa kanya matagal ko tong hinintay akala ko patay na sila at hinding hindi ko na sila makikita pa pero hito nakatayo sya sa harapan ko buhay na buhay.

"Papa" Muling tawag ko sa kanya tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya nag iiyak lang ako habang nakayakap sa kanya.

Ramdam kong niyakap nya din ako lalo akong naiyak ganito pala ang pakiramdam ng niyakap ka ng tatay mo ang sarap sa pakiramdam pakiramdam ko hindi na ako nag iisa may kasama na ako may magtatanggol na sakin sa mga nag tatangka sa buhay ko.

"Matutuwa ang iyong ina dahil nag kita na tayo ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito ang mahanap ka at mayakap ng ganito babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo" Mahinang sabi nya sakin ramdam ko ang pag higpit ng yakap nya sakin.

"Anong magiging plano lord Filtiarn?" Tanong ng isang lalaki na nasa kanan nya nakatakip pa rin ang mukha nito 

"Gusto kong may nagpanggap bilang anak ko at gusto kong si sue mismo ang papatay don ayoko ng mag cross ang landas namin ni sue!" Malamig nyang sagot habang nakayakap parin sya sakin.

"Pero panginoon oras na namatay si kys ay mabubuhay ang mga bampirang namatay na" Naguguluhan sabi ni ayame.

"Dalawa ang pinagpipilian nila ms ayame hindi naman si kys ang nasa propesiya hindi ba? Hindi yon mahahalata ni sue!" Nagkatinginan silang lahat at tumango.

"Ito ang bangkay na to ang magpapangap bilang kys" Seryosong sabi ni zarahi tsaka may inilabas syang bangkay ng isang babae may binabangit itong salita pero hindi ko matindihan nagulat ako ng maging kamukha ko na ang babae.

"Siguraduhin niyong hindi kayo papalpak" Banta nya kila mave.

"Kailangan na po nating umalis panginoon" Magalang na sabi ng isa pang lalaki.

"Sandali pwede bang dito muna ako gusto ko lang muna silang makasama" Sabi ko sa kanila pagkakalas ko ng yakap ko sa kanya.

Tumingin ako kila mavi gusto kong magpasalamat dahil marami akong utang na loob sa kanila handa nilang ubuwis ang buhay nila para sakin kahit hindi sila siguradong ako ang nasa propesiya.

"Sige kong yan ang gusto mo pero hindi ako papayag na iiwan kitang mag-isa dito" Seryoso paring sabi nya napatingin sya sa lalaking nasa kaliwa nya. "Fenris maiwan ka kasama mo syang bumalik sa kaharian" Yumuko naman ang lalaki para sabihing sumasang-ayon ito.

"Nagagalak akong makilala ka lady kys" Magalang nyang sabi sakin sabay alis ng maskara nya nagulat naman ako ng makita ko ang mukha nya.

Bakit ang perfect wala akong makitang kapintas pintas sa kanya para syang diyos na bumaba sa lupa gwapo na si sue pero iba ang dating ng lalaking to.

Laking gulat ko ng kunin nya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Wag mong pairalin ang pagka babaero mo dito fenris" Sita sa kanya ng isang lalaki na nasa kanan ni papa.

"Hindi ko kailangan pairalin ernouf dahil hindi ko naman isasama sa listahan ko si lady kys dahil sigurado na akong sya na ang babaeng para sakin" Nakangising sabi nito.

"Baka nakakalimutan mo fenris nasa harapan nyo ako kung magsalita ka parang sigurado ka na sa sinasabi mo" Tumawa naman sya dahil sa sinabi ni papa.

"Hindi ko sasaktan ang anak nyo panginoon" Sabi nito pero tumatawa parin.

"Ingatan mo ang anak ko oras na may nangyari sa kanya malalagot ka sakin" Pagbabanta nito ngumisi lang sya na akala mo hindi nasisindak kay papa.

Niyakap nya ulit ako ng sobrang higpit bago sila nawala sa harapan namin.

"Kailangan nating sulitin ang natitirang araw natin" Sabi ko sa kanila tsaka ngumiti.

Tatakbo na sana ako ng mapatid ako sa bangkay ng babae kanina nanlaki yong mata ko pati din sila napapikit ako nang babagsak na ako.

Napamulat ako ng mata ng wala akong maramdaman babagsak ako may nakayakap sakin napatingin ako sa likoran ko yong lalaki kanina hapit hapit ako sa bewang.

"Magiingat ka naman kys" Nag aalalang sabi nila halos makahinga ako ng luwag dahil akala ko katapusan na naming mag ina.

Napatingin ako sa babaeng magpapangap bilang ako ng gumalaw ang kamay nyang nasa paa ko nagmulat ito ng mata halos mapasigaw kameng dalawa ng makita namin ang isa't-isa.

_________

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 1K 61
Stephanie crisel drieloc A cold girl and expressionless but not a heartless girl.
51.3K 880 33
Isang babaeng masiyahin pero nagbago ang lahat nang mawala ang mga magulang nito. Naging mamatay tao s'ya, naging bato ang puso n'ya. Namuhay s'ya sa...
82.3K 1.9K 38
Its just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully h...
118K 3.2K 26
It's my first time writing a story in the genre of romance so read at your own risk! Happy reading everyone!