The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 19

3.6K 100 3
By AteLunax

---
"JEON SUE's POV"
-
Andito ako sa office nakatingin sa kawalan habang naka upo kamusta na kaya sya nasan na kaya sya ngayon.

Bakit ba iniisip ko sya nahanap kona ang babaeng para sakin hindi kona dapat sya isipin.

"Lunch time" Napatingin ako sa pintuan ng office ko ng mag sumigaw si rosalva may dala itong pagkaen nakangiti ito sakin.

"Hindi ako gutom" Walang ganang sagot ko sakanya.

"Masama ang nag papagutom" Inilapag nya yong pag kaen sa table ko"Baka gusto mong ako nalang ako kanin mo" Malandi nyang sabi.

"I SAID HINDI AKO GUTOM GET OUT!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang init nanaman ng ulo mo" Malambing nyang sabi tinignan ko naman sya masama.

"YOUR FIRED!!" Sigaw ko "Tapus na ang trabaho mo dito ginamit lang kita para lumayo sakin si kys kaya umalis kana rosalva!" Madiin kong sabi sakanya kita ko ang pagkagulat sa mukha nya.

"No wag mong gawin sakin to! Kong wala na si kys ako nandito ako gagawin ko ang lahat" Nagmamaakaaw nyang sabi sakin

"Nahanap kona ang totoong nasa propesiya wala akong panahon sayo rosalva kaya umalis kana!"

"Anong meron?" Napatingin kameng dalawa sa pintuan sila ayame naka uniform ng uniform dito sa campany Anong ginagawa nila dito.

Bakit nandito tong mga to pinapahanap ko sakanila si kys pero nandito sila ni wala pa nga silang balita sakin!.

"Sila ang kapalit mo kaya umalis kana rosalva" Malamig kong sabi sakanya

"Hindi sue hindi ako makakapayag" Sigaw nya kasabay ng pag kawala nya.

"Nasan yong babaeng nasa propesiya?" Nakangising tanong ni mavi nong makapasok na sila.

"Nahanap nyo na ba si kys" Seryoso kong tanong sakanila "Kailangang mahanap nyo na sya at kailangan ng patayin ang batang nasa tyan nya" Dagdag ko nag ka tinginan naman sila.

"Sigurado kana ba sa desisyon mo sue anak mo yon ang taga pag mana mo!" Seryosong sabi sakin ni mavi.

"Nahanap kona ang totoong magbibigay sakin ng tagapag mana! Gawin niyo ang inuutos ko sainyo! Patayin nyo ang batang nasa tyan ni kys!" Madiin kong utos sakanila napabuntong hininga silang tatlo.

"Nasisiguro mo bang sya talaga ang nasa propesiya? Ni wala ngang kat-----"

"Ano ba mavi sya ang totoong anak ni rosalinda" Sigaw ko sakanya tinignan nya ako ng masama.

"Pero sue dalawa ang pinag pipilian isang lobo at yong anak ni rosalinda nahanap muna ba yong lobo?" Ganting sigaw nya sakin napakuyom ako ng palad.

"Matagal na tayong walang ugnayan sa mga lobo at walang nakapapag sabi sakin kong nasa ang anak ng hari nila! Hangang ngayon wala pang balita anong gagawin ko tumunganga hihintayin sya!" Galit kong paliwanag sakanya.

"Dahil pinutol ang ugnayan na yon!! Yan din ang mahirap sayo nagpapaniwala ka sa mga sinasabi ni adelisa!! Pagsisisihan mo ito sue!! Tiyak kong mag sisisi ka!!" Madiin nyang sabi sakin

"Makakaalis na kayo and do your work be nice wag kayong gagawa ng ano mang gulo kundi malilintikan kayo sakin"  Pagbabanta ko sakanila ayuko ng pag usapan pa basta ang mahalaga nahanap kona ang nasa propesiya.

Gagawin ko ang lahat mahanap lang kita kys hindi pwede mabuhay ang batang nasa tyan mo!.

--

*AYAME's POV*

Andito na ako sa bahay ko galing trabaho umakyat na ako para pumunta sa silid ko ng maadaanan ko yong silid ni kys napatingin ako don gusto ko syang kausapin pero lagi nalang nya akong hindi pinag bubuksan kong bibigyan ko ng pag kaen iniiwan ko nalang sa may pintuan pag ka ubos nya inilalapag nalang din nya kong saan nya kinuha.

Lakasan mo ang loob mo kys para sa baby mo kong pwede lang na akohin ko yong ibang bigat ng nararamdaman mo bakit hindi para bumalik kana sa dati.

Pinunasan ko yong luha ko hindi kona mapigilan tong emosyon ko dalawang araw na syang hindi lumalabas sa kwarto sobrang nag aalala na ako.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito si mavi pumasok na ako sa silid ko.

"Hello mavi" Agad kong sabi sakanya

"On the way kame ni bruha dyan sa bahay mo" Masaya nyang sabi kumirot lalo ang puso ko.

"Sige sige" Pilit pinasiglang sagot ko.

"Marami kameng dalang prutas para kay kys para sumigla siya ng husto" Masaya nyang sabi napaiyak nanaman ako hindi na ako sumagot oras na mag salita ako malalaman nyang umiiyak ako.

"Napatahimik ka bruha! Oh sya see you later babush" Inilapag kona yong cellphone ko sa may mesa ko.

Kong alam nyo lang kong gano sya naapiktohan for sure mararamdaman nyo tong mararamdaman ko.

Inayos kona yong sarili ko para hindi halatang umiyak ako.

"AYAME!!KYS!!" Sigaw nilang dalawa mula sa baba agad na akong lumabas ng kwarto ko.

"Buti napadalaw kayo?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.

"Hindi ikaw ang dinalaw namin si kys" Nakangising sabi ni kiva napanguso naman ako.

"Asan na sya?" Tanong ni mavi napatingin ako sa taas.

"Kaya nga tinatago mo ata sya eh" Sabi ni kiva

"Nasa taas" Tipid kong sagot agad naman silang tumakbo pataas dinaanan lang nila ako.

Kinatok nila yong pintuan ng kwarto nya.

"KYS! KYS!" Tawag nila sa kanya pero walang sumasagot.

"Hindi sya lumalabas sa kwarto simula nong nalaman nya yon" Sabi ko pag ka lapit ko sakanila napatingin naman sila sakin.

"Ilang besis ko syang kinatok nag babakasaling pag bubuksan nya ako pero--"  Napahinto ako tumulo nanaman yong luha ko  " Hindi nya parin ako pinag bubuksan sobrang nag aalala na ako hindi ko naman pwedeng buksan basta basta yang kwarto baka magalit sya sakin napaka walang kwenta kong kaibigan guys hindi ko manlang sya matulongan eh"  Basag na yong boses ko habang nag sasalita niyakap nila akong tatlo umiiyak narin sila.

Napatingin kameng lahat sa may pintuan ng may papel na lumabas doon.

Kinuha naman agad ni mavi.

"Patawarin nyo ko gusto ko lang talagang mapag isa wag kayong mag alala okay lang ako wag nyong sisisihin ang sarili nyu ako ang may gusto nito" Pinunit punit ni mavi yong papel.

Kinalampag nya yong pintuan.

"BUKSAN MO TO KYS!! BUKSAN MO! WAG KANG MAKASARILI BUKSAN MO TONG PINTUAN!!" Umiiyak na sigaw ni mavi habang kinakalampag yong pintuan ngayon ko lang nakitang umiyak si mavi pusong bato kasi yan patuloy parin sya sa pag kalampag kame naman ni kiva iyak lang ng iyak

Wala ng umimik kahit isa samin nanatili parin kameng nakatayo sa harapann ng kwarto nya baka sakaling buksan nya pero wala kameng napala hindi nya kame pinag buksan hangang sa nag paalam na sila sakin.

---
*KYS EUNA's POV*
--
Ilang linggo ng lumipas pero naririto parin ang sakit, sakit na pilit kong kinakalimutan pero paulit ulit parin saking isipan bawat pag pikit ko silang dalawang nag hahalikan ang nakikita ko.

Masama ba akong tao bakit nila ginagawa sakin to, bakit ako bakit hindi nalang sila?.

Anong wala sakin na meron sya?

Anong kulang sakin na sobra sya?

Pinunasan ko yong luha kong umaagos nanaman hangang kailan ako ganito.

Hangang kailan kita iiyak ng paulit ulit.

Hangang kailan ka matataohan?

Hangang kailan mo marerealize na mahal kita?

Kailan? Kapag wala na ako?.

Kong kailan huli na ang lahat?.

Gustong gusto kitang tanongin pero mas pinili kong lumayo sayo na ang akala ko ay magiging okay ako pero nag kamali ako.

Lumayo nga ako sayo pero nangungulila ang puso ko ang sakit sakit na sobrang sakit na siguro masaya kana sa piling nya pipilitin kong maging masaya para sainyong dalawa kahit mahirap sobrang hirap pero kakayanin ko para sa kaligayahan mo.

Pero ang masaklap bakit kailangan mo akong ipapatay? Lumayo na ako sayo inilayo kona ang anak natin

Oras oras na maging okay na ako kong kailan handa na kitang harapan kong wala ng sakit dito sa aking puso tsaka lang ako mag papakita sayo.

Sisiguradohin kong pag sisisihan mo tong ginawa mo sakin sue wala akong ibang inisip kundi ikaw ang kapakanan mo bilang pinuno nila ang kaligtasan mo at ang mga kasama mo peri ganito ang iginanti mo sakin!

Patawad sa mga taong nadamay sa problema ko.

Pinikit kona yong mga mata ko para makapag pahinga nga.

Sana pag gising ko okay na ang lahat sana ganun kadali yon. Sana.

--
*JEON SUE's POV*

"Nakita nyo sya?" Tanong ko sa mga kasama ko umiling iling silang lahat andito kame sa madalas na puntahan niya pero wala sya.

"Wala kana bang alam na pwede nyang pintuhan?" Tanong ni kiko

"Sibukan natin sa luma nilang bahay" Sabi ko sabay sabay na kameng nawala.

Pagkarating namin don sarado ito sakto namang may lumabas na tao sa tabi ng bahay nila.

"Andito po ba yong anak ng may ari ng bahay" Tanong ko sabay turo sa bahay nila kys.

"Ay wala ehh matagal ng walang nakatira dyan simula nong namatay yong mama nya" Sagot nya sakin tsaka tumingin sa mga kasama ko.

"Ganun ba salamat" Sagot ko lumapit na ako sakanila.

"Wala na daw nakatira dyan" Sabi ko sa mga kasama ko napakamot naman sila ng ulo alam kong pagod narin sila kanina pa kasi kame nag hahanap.

"Mag pahinga muna tayo sa tambayan mamaya na natin ituloy ang pag hahanap" Utos ko nauna na akong nawala sakanila.

Nang makarating na kame don nadatnan namin sila ayame na  nakaupo sa sofa.

"Andito pala kayo" Sita sakanila ni kiko ng makapasok kame.

"Kararating lang" Pagod na sagog ni mavi

"Hindi namin sya nahanap" Balita samin ni kiva

"Pati rin kame lahat na napuntahan namin" Lantant gulay na sabi ford.

"Paano kaya kong mag patulong tayo sa mga police" Sabi naman ni max

"Baliw kaba oras na nalaman nilang bampira siya papatayin sya!" Umiiling iling na sagot ni ford sakanya.

"Nasan pala si adelisa hindi kona sya nakikita?" Tanong ko sakanila nagkatinginan naman silang lahat sabay sabay na angkibit balikat.

Marami pa akong dapat itanong sakanya kong may iba pa syang nalalaman tungkol kay kys.

"Baka busy kase tong nakaraang araw laging may lakad eh" Sabi ni mavi tsaka sumandal.

"Minsan kase may sariling mundo din yon" Sabi naman ni kiko.

"Sabihin nyo sakanya kapag nakita nyo gusto ko syang kausapin" Seryosong bilin ko sakanila tumango naman sila.

"Magpapaniwala ka nanaman sa mga sasabihin nya tsk!" Malamig na sabi ni mavi.

"Hito nanaman ba tayo mavi?!" Medyo inis ko ng sabi sakanya hindi talaga kame magkasundo nito hindi purket pinsan ko sya kong makipag usap sya sakin parang hindi nya ako nakatataas.

"Bakit sue kong sasabihin ba ni adelisa na hindi sya ulit yong nasa propesiya maniniwala ka?" Seryosong tanong nya sakin

Hindi ko na sya pinansin pumasok na ako sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama habang nakatingin sa labas.

Alam kong marami akong kasalanang nagawa sayo sana naman mag pakita kana.

Napatingin ako sa pintuan ng silid ng ko ng bumukas ito si rosemary nakangiti ito sakin.

"Hon pwede mo ba akong samahan?" Mahinhin nyang tanong sakin napatayo naman ako sa pag kakaupo sa kama sa sobrang busy ko sa paghahanap kay kys nakalimutan kong may naghihintay pala sakin.

"Bakit may pupuntahan kaba?" Tanong ko sakanya tumungo nanaman sya habang nakangiti.

"Mavi samahan nyo nga si rosemary" Utos ko sakanila napatingin sila samin.

"Pagod kame sue kaya naman nyang pumunta mag isa sa pupuntahan nya" Malamig na sagot ni mavi.

"Maraming kalaban mavi baka kong ano pang mangyari sakanya" inis kong sagot sakanya.

"Sya ang nasa propesiya dapat hindi sya nakaasa samin mas malakas sya samin!" Madiin nyang sabi tsaka tumingin sakin ng masama.

"Sasamahan nyo ba sya o makakatikim kayo sakin!!" Pagbabanta ko sakanila nagkatinginan silang lahat.

Ano bang problema nila noong si kys kong tratohin nila parang reyna at naging kaibigan pa nila pero bakit kong sino pa ang totoo nasa propesiya sya pa ang hindi nila matangap.

"Hahanapin nalang namin si kys hindi pa nasasayang ang oras namin sa walang kwentang bagay!" Malamig na sagot sakin ni mavi habang sila nanatiling tahimik nakatingin samin.

"MAVI!!" Galit kong tawag sakanya pero hindi manlang sya nasindak tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Honey okay lang ako nalang mag isa" Awat sakin ni rosemary.

"Kaya naman pala nya eh! Sobrang bait ah ganyan naba ugali mo oh may tinatago kang sungay?" Mataray na tanong ni mavi sakanya.

"Ano bang problema niyo sakin wala naman akong ginagawang masam sainyo bakit kailangan nyo akong tratohin ng ganito" Umiiyak ng sabi ni rosemary tumingin ako ng masama kay mavi inirapan nya lang ako.

"Kahit umiyak kapa ng dugo dyan hindi ka namin gugustohin!" Malamig nyang sabi.

"Mavi tumigil kana!! Hindi na ako natutuwa sayo!!" Sigaw ko sakanya bago ko tuluyang ipasok si rosemary sa silid ko ay tinignan ko muna sya ng masama tulad ng inaasahan ko hindi sya nagpatalo.

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
654 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
18K 392 33
"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentab...