Pwede Ba? | Ricci Rivero

By baby976

165K 2.9K 398

'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmama... More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
A/N
46
47
48
49

1

11.5K 105 7
By baby976


"Class, dismissed" Finally, natapos na. The only words that I've been waiting this passed hour.

Dali dali kong linigpit ang mga gamit ko àt nilagay ko sa bag saka ako tumakbo out of this room not bothering to close it anymore

"Sorry" I said when I almost bumped to a student but buti nakaiwas agad ako. I continued running palabas ng LS Hall at dumiritso agad ako sa SJ walk.

Kailangan kong umabot sa game nina Ricci kasi it's their first game sa UAAP80 round 2. I promised him na pupunta ako even though kanina pang alas dos nagstart game nila vs FEU.

Acads kasi muna si aCœ and as if naman may magbabago kung on time akong nakapunta. Hindi naman sakin nakasalalay ang kanilang panalo

And also, may last subject pa ako pero mamaya pang 5:15 mags-start. I look at the time at kaka-3 lang ng hapon. And then 3 o'clock prayer came on that makes everyone stopped from what they were doing.

Myghad, sana aabot pa ako. Huwag sana yung 4th quarter. Kahit 3rd man lang. Sumabay na din ako sa pagdadasal sana manalo sila at sana makaabot ako.

Nang matapos na ang 3 o'clock prayer, I continued running at nakalabas na din ako ng campus, I instantly saw our car. I told kasi manong driver kanina pa morning na magpapahatid ako sa MOA by 2:45

Binuksan ko ang pinto and pumasok na sasakyan.

"Manong, tara na po, bilisan po natin baka pagdating natin tapos na yung game" Sabi ko

"Sige"

As we drove the street, I can't help but feel nervous. Kailangan ko talagang umabot or else magtatampo yun si Ricci. Ang OA pa naman nun pagnagtatampo especially sa event na 'to. I know how much special this event to him.

"Alam mong bata ka, gusto ko na talagang isipin na may relasyon kayo ng Ricci na iyun. Daig mo pa ang mga magkasintahan" Birong sabi ni manong sakin at napatawa ako.

"Kayo talaga manong, pwedeng supportive friend lang? Special kasi tong event sa kanya and nagpromise ako sa kanya na pupunta ako."

Napailing lang si Manong "Basta, kung ganoon, relax ka lang, makakaabot ka."

Ngitian ko si Manong at ibinaling ko ang tingin ko sa daan.

Hindi po kami magkarelasyon ni Ricci. Magkaibigan lang po kami. We're just really really close friends. Somewhat part na siya sa buhay ko. Siya kaya ang pinakamalapit sa buhay ko aside kay Jesus of course at sa family ko at ewan ko ba kung paano nagstart friendship namin, all I remember is that, basta last year lang yun. When I transferred here for college. Siya yung una kong nakilala kasi classmates kami most of our classes. Course kasi namin related.

Hindi ko namalayan when manong pulled over the car and we're in front na sa MOA.

"O, andito na tayo" Sabi ni Manong sabay hinto sa sasakyan.

I gathered my things at bumaba na ako ng sasakyan. "Manong, baka gusto niyo ring manood sa laro? Bibilhan ko po kayo ng ticket" I offered baka sakaling may hilig din si manong sa mga basketball.

"Naku, salamat pero wag na. May pupuntahan pa ako."

"Okay sige po. Alis na po ako. Sorry po sa abala, kailangan ko lang po talaga ng masasakyan agad." I said once again.

"Okay lang, nagtatrabaho ako sa inyo e."

"Sige po. Ingat po kayo" I said once again before I slammed the door at pumunta na sa main entrance.

Kinuha ko ang VIP ID ko at isinuot ko sa aking leeg. Nagbigay din ako ng ticket sa guard.

And with that pumasok na ako sa MOA Arena to be greeted by loud music at mga hiyawan ng mga tao.

"Melecio, for 3" Sabi ng announcer. Tumingin ako sa malaking screen sa itaas at 3 minutes nalang malapit ng matapos ang 3rd quarter. Napa-yes ako when I saw that leading ang La Salle ng 11 points. 91-80.

And then humanap ako ng bakanteng maupuan yung malapit sa mga players.

"Alana, hija." May tumawag sakin at nakita ko si Tita Abby. Mom ni Ricci.

"Ay, hello po Tita" Bati ko ng nakangiti at lumapit kay Tita para makapagbeso.

"Buti, nakaabot ka, Ricci's been looking for you kanina pa. Halika, may seat ka na?" Tita Abby asked on her usual smile to me.

"Wala pa nga po e. Kadadating ko lang po kase may class kami kaninang alas dos." I told her

"Ah talaga? Sige, do'n ka na sa amin, may vacant seat pa doon." Aniya sabay turo sa kanilang pinaguupuan at nakita ko ang pamilya ni Ricci. Nag thank you ako and I'd just followed Tita Abby.

"Ricci Rivero, jam!" Napalingon ako when I heard Ricci's name at mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. Andaming tao as in.

Nang makarating kami, bumati din ako kay Tito Paolo, dad ni Ricci at finally, I sat in between Tita Abby and Rasheed, younger brother ni Ricci at ni Prince.

"Eto, Alana, may extra La Salle shirt ako dito, suotin mo para uniform tingnan." Sabi ni Tita Abby sakin as she hands me a green T-shirt.

Hindi na ako nakapag green kasi I forgot to bring e and nakahalter top lang ako tsaka skinny jeans.

"Thank you po."

Hindi na ako nagbihis kasi malayo-layo yung CR kaya dineretso ko nalang itong sinuot, sakto din naman kasi medyo maginaw at sleeveless yung suot ko.

And then, I went back to watching the game.

Nasa DLSU ang bola ngayon at nasa court ngayon ay sina Mbala, Ricci, Andrei, Kib at Aljun.

Bilis pinasa ni Andrei ang bola kay Mbala at nakita kong pinasa ni Mbala ang bola kay Ricci na siyang bakante, walang nagbabantay sa kanya at dun, nai-shoot ni Ricci ang bola at pumasok naman ulit sa basket.

"Ricci Rivero, three!" Naghiyawan kami after nun at nagcall ng time out ang FEU.

"Go La Salle!" I yelled at dahil siguro sa lakas ng sigaw ko, napatingin si Ricci sa side namin. Ngumiti siya ng malaki nang makita niya ako at kumaway ako sa kanya mouthing 'Godbless'. We don't say 'Goodluck' instead, we say 'Godbless'. I also saw him mouthing 'Thank you' at lumapit na siya sa kanyang team.

I grab my phone at pumunta ako sa IG account ko para makapagInstagram story. I took a picture at linagyan ko ng text saying 'Go La Salle' and then put it to my story.

"Rasheed.." Tawag ko at nung lumingon siya, I snapped a picture at tumawa ako sa kinalalabasan na picture.

"Pangit mo dito." Tawa ko sa kanya. I put another text saying 'Hi daw po sabi niya'. I put it to my day and tumunog yung buzzer telling na, tapos na ang time out.

Players went back to the court at nakita kong nagpahinga si Ricci at pinalitan ni Prince.

Only 35 seconds left for the 3rd quarter and nasa FEU ngayon ang bola. Within the 24 shut clock, naka score ang FEU ng 3 points.
15 seconds left, at dahan dahan lamang nagdribble ang mga GA, para masolo na nila ang remaining time. Pinaabot muna nila ng 3 seconds hanggang sa naishoot ni Santillan kaso hindi napasok sa basket pero Prince was there to shoot it back. Naka score ng 2 points.

And now, end of 3rd quarter, still leading parin ang La Salle ng 98-85.

10 minutes passed, bumalik na ang mga player teams for the last quarter. Pumasok ulit si Ricci at si Brent naman ang lumabas.

Nagsimula na ang laro and I went back to cheering. Pati nga si Tita Abby napasabay na rin.

And then Ricci dunk once again. Di talaga mawawala ang pagiging Dunk King niya. Hindi dahil sa kaibigan ko si Ricci, I can say that out of basketball players that I have seen dunked, kay Ricci talaga ako hangang-hanga. Galing niya kasi.

As time goes by, fast forward, there's only seconds left at matatapos na ang 4th quarter. Mas lalo ng lumakas ang cheerings ng mga tao knowing na panalo na kami on the first game sa UAAP Season 80. The buzzer went on at natapos na ang game.

We cheered and clap for the GA, at nakita namin ang players, tuwang tuwa that they won on their first game. After their victory, our De La Salle came on. We did our arm raising as a sign of respect, glory and honor to De La Salle, sabay kanta ng Hail, Hail Alma Matter.

"Congratulation De La Salle University, Green Archers! with 115 points over 94 points!" Sabi ng announcer as soon as natapos ang kanta.

Everyone starts leaving at pumunta kami kila Prince at Ricci para salubungin sila.

"Congratulations boys!" Sabi ni Tita Abby sa kanyang dalawang Anak at hinalikan ito sa mga pisngi. Si Tito Paolo naman ay yinakap sila at ganun din si Rasheed.

Inuna ko munang binati si Prince since occupied pa si Ricci by Tita Abby na pinupunasan pa ang pawis nito.

"Congrats Prince!" I told him and we went for a quick hug.

"Thank you Alana." He replied smiling.

After congratulating him, lumapit na rin ako kay Ricci para batiin din siya. "Congrats!" Tuwang bati ko sa kanyang and I throw my arms at him para yumakap sa kanya. Gaya kay Prince, napatiptoe ako ng masyado ng masyado, kasi ang tatangkad nila. Hanggang chin lang ata ako kay Ricci kaya nga when I stand infront of him or when he's behind me, napapatong niya ang kanyang chin sa ulo ko. Yes, ganun po ako kaliit, pero pretty naman. HAHA.

"Thank you ah, I thought 'di ka makakapunta kasi diba may klase kayo?" Tanong niya nung humiwalay na kami.

"Yup, but hanggang alas 3 lang yun. As soon as our class ended, dumeretso agad ako dito. And also, actually, babalik pa ako ng campus ngayong 5:15 kasi may last class pa ako" Sabi ko sa kanya.

"Huh? Diba hanggang 4:30 lang class mo?"

"Oo but just for this day lang naman daw kasi baka raw may gustong manood sa game niyo, makakanood. Kaya namove sa 5:15" I explained.

"Boys, tara kain tayo, let's celebrate at sumama ka na rin Alana...." Aya ni Tita Abby sakin at ngumiti ako "Sige po."

"Mag s-shower muna kami ni Kuya Ma and magbibihis na rin" Wika ni Ricci at tumango naman si Prince in response.

"Okay sige, dito nalang kami maghihintay, bilisan niyo."

Pumunta na sila sa isang silid where kung saan andun ang assigned locker rooms nila.

We waited for them at napaupo muna kami sa bench. I then saw Brent together with his parents lumapit kina Tita Abby at Tito Paolo, and they all went for a hug.

"Congratulations! Bilis mong nakaligo ah at nakabihis" Sabi ko sa kanya nung lumapit din siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Thank you. Special skill ko yan e." Sabi niya dahilan sa pagtawa ko.

Naging kaibigan ko si Brent through Ricci. Pinakilala niya ako kay Brent nung first time kong pumunta sa practice nila. Like, basically, friends ni Ricci ay friends ko na din. I do have some friends pero like casually lang kami nag-uusap not the friendship I had with Ricci. Char.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
192K 8.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...