Strange Magic

By lesliexxq

49 9 0

Warning: I'm a beginner so don't expect much, I'll just give it a try thou ;) More

Strange Magic
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6

Kabanata 5

5 1 0
By lesliexxq

Maria

Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa mga furnitures at designs ng hotel na to. Akala ko ay pupunta pa kami sa assigned room namin pero mukhang isang palapag talaga ang room nato. Mas magarbo pa yata ito kesa sa isang presidential suite. Ganito ba ka importante ang taong to dito? Baka isa siya sa mga stockholders ng kompanyang to? Hmm baka nga. Sa yaman ba naman ng pamilya nila hindi na dapat ako magtaka.

Brown at white ang accent ng kwartong ito. Mapapansin talaga na lalaki ang umo-ukopa dito dahil narin sa ambiance sa loob. Pumasok pa ako at mas lalo lang akong namangha. Ka pansin pansin na mamahalin talaga ang mga gamit. Parang nasa isang five star hotel na! Para rin itong isang condominium dahil may isang palapag pa sa itaas. At sa katotohanang nasa isang probinsya pa naka-distino ang hotel na to. Base sa experience ko sa mga hotels sa mga conferences namin isa to sa pinaka maganda!

Planadong-planado ang pagkakagawa ng mga furnitures at tiyak na galing sa isa sa mga kompanya ang may gawa nito. Hinawakan ko ang isa sa lamesang nakita ko at hindi ako nagkakamali, isa ito sa gawa ng kompanya nila. Nakapunta narin ako sa Cubao kung saan naka base ang paggawa ng mga furnitures ng FI at alam na alam ko kung gaano iyon ka-pulido.

Napansin kung umakyat si Seb sa ikalawang palapag at pumasok sa isang kwarto. Putik iwanan ba naman ako! Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naupo lang ako sa nakita kung sofa at chi-neck ang cellphone ko. Nakita kong may tatlong miss calls ito. Hindi ko napansin na naka silent pala ito. Si Tita Ysa pa naman. May iniwan rin siyang mensahe at agad kong binuksan.

"Iha, are you okay there? I believe that you're with Seb now."

Napangiti ako ng mabasa ko ang mensahe ni Tita. Napaka maalalahanin talaga. Nagtipa ako ng ere-reply pero agad na binura. Tatawagan ko nalang siya. De-nial ko ang numero nito at tatlong ring palang ay agad naman nitong sinagot.

"Hello po Tita, magandang hapon po."

"Good afternoon too iha, are you okay there? Is my son treating you well?"

Napatawa naman ako sa salubong tanong nito sa'kin. Kung alam niyo lang po ta. Sasabihin ko sana pero napag desisyonan kung wag nalang dahil ayoko namang pagalitan pa si Seb ng mama niya, uminit pa lalo ang dugo non' sa akin. Sinundo niya parin ako kahit papano at ito pa ang nagdala ng maleta ko ha!

"Okay lang po ta. Hindi ko akalaing si Seb po pala ang ipasundo niyo sa akin. Nakakahiya naman po sa kanya. Ako nalang sana mag-isa ang nagtravel papunta jan. Naabala ko pa siya. Pero okay naman po kami ni Seb."

"Sos hindi naman masyadong busy si Seb ngayon at gusto kong siya talaga ang kumuha sayo dahil hindi mo pa kilala ang driver namin, so okay lang yan. But good to hear na okay lang kayo. Nga pala iha, feel at home there dahil diyan muna kayo magpapalipas ng gabi ni Seb dahil masama parin ang panahon. Sana bukas ay hindi na umulan para makatuloy na kayo dito."

"No worries po. Ang ganda ganda nga po dito sa hotel na ito, parang nasa manila parin ako."

"Oww, actually isa yan sa mga hotel na mina-manage ni Seb ngayon." Proud na proud na sambit nito. At sa kanila pala talagaang hotel nato, hindi lang isa sa mga stockholders!

"Kaya po pala ang ganda ganda dito dahil sa inyo po pala talaga ito!"

"It's good to hear na magugustuhan mo jan iha. I believe na you're in Seb's penthouse right now so you're both safe. Oh sya magpahinga ka na jan dahil alam kong napagod ka sa byahe mo. Iorder mo lang kung anong gusto mo diyan, kung nagugutom ka wag kang mahihiyang mag pa deliver o di kaya kung mas gugustuhin mo ikaw mismo ang pumili sa restaurant sa baba. Okay?"

Mas lalo naman akong napangiti sa sinabi nito.

"Opo. Thank you po talaga Tita!"

Nagpa-alam na ito at ibinababa ko na ang cellphone ko.

At yun naman ang pagbaba ni Seb sa kwartong pinasukan niya.

Hinintay ko lang talagang makababa siya at nagpa busy-busihan sa pag-si-cellphone kuno. Nang makalapit siya sakin'y kinuha niya bigla yung maleta ko.

"Teka sa---,"

"Follow me."

Hindi nalang ako umalma sa pagputol niya ng sasabihin ko at agad tumayo.

Napansin ko naman yung maleta kong dala dala niya. Kaya ko namang dalhin yun kaya kukunin ko nalang.

"Ako nang magdala Seb kaya ko na yan."

Hindi ako sinagot at nagpa-tuloy lang, aba't! Bahala ka sa buhay mo, mas okay pa nga sa'kin to!

Patuloy lang kaming naglakad sa right ng parang hallway. Dito naglakad kanina si Seb. May mga pinto kaming nadaanan at sa tantsya ko mga kwarto ito. Ilan bang kwarto mayroon dito? Bali tatlo nayong nakita kong mga pinto. Huminto kami sa isang pinto at binuksan niya.

"This would be your room."

At lumabas din lang agad. Ano bang problema nang lalaking yun'? Parang palaging nireregla, daig pang babae kong umasta!

Luminga naman ako sa loob ng kwarto. Ang ganda. Bakit lahat ng nakikita ko sa penthouse na 'to ay maganda? Salungat sa may-ari hay.

Naglakad nako patungo sa kama at humiga, parang gusto kong matulog sa lambot nito. Tinatawag nako ng antok dahil narin sa pagod. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit. Inisip ko yung mga nangyari at nakatulugan ko nalang din.

***

Pagmulat ko'y madilim na ang paligid. Anong oras naba? Kinapa ko ang bedside table kung saan nalalagay yung cellphone ko. Ini-on ko to agad, alas siyete y media na pala. Matagal-tagal din akong nakatulog ah.

Grrr.

Waw parang nagalit yung tiyan ko. Kailangan ko nang kumain. Ngayon ko lang naramdaman ang pagka-gutom ng maka-isip ako ng pagkain. Hays, hindi pala ako nakapag-lunch kanina sa eroplano. Biscuit lang at tubig ang laman ng tiyan ko. Bababa nalang ako.

Magpapalit muna ako ng damit, nangangamoy nako, eww! Ini-on ko yung switch ng mga ilaw. Paglingon ko sa kaliwa ng kama ko may pinto. Sana cr to. Pagbukas ko'y dininig naman ng Diyos ang dasal ko. Iba talaga pag maganda ang humihingi ng pabor.

Pagtingin ko sa loob ang ganda parin! May nakita akong vanity mirror at may toothpaste at toothbrush akong nakita malapit sa sink. Malalaman mong bago pa ito dahil hindi pa nga nabubuksan. Ito nalang ang gagamitin ko mamaya.

Pumasok pa ako sa loob at may bath tub at shower akong nakita. May nakasabit ring tuwalya sa gilid. Parang nakaka-engganyong maligo dito ah, dahil nangangamoy na rin ako maliligo nalang din ako.

Bumalik ako sa loob at hinalungkat yung maleta ko. May nakita akong closet sa gilid pero diko na kailangan ilagay don' ang mga gamit ko dahil isang gabi lang din naman kami dito mag-papalagi.

Kumuha ako ng white spaghetti strap na pang-taas at cute na pink pajama naman sa baba. Usual pantulog attire ko. Diretso nato pantulog mamaya. Bababa lang ako para kumain.

Dumiritso na ako sa banyo't naligo na agad. Hindi na ako nagtagal dahil talagang gutom na ako. Basa pang buhok ko pero bahala na si batman.

Lumabas na ako't binaybay ang dinaan-nan namin ni Seb kanina. Nakakain na kaya siya? Sana naman nag-order na yun ng pagkain sa baba.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si Seb sa sofa at nanonood ng TV. Mukhang di niya ko napansin. Parang enjoy na enjoy sa pina-panood. Tiningnan ko't, Dragon balls? Seriously? Haha!

Mag-iilang taon na ba tong lalaking to? 28 ba yun? At Dragon balls nanonood pa nang dragon balls?

Nang makababa ako't napansin niyang pinapanood ko siya parang nataranta siyang kunin yung remote at pinatay yung TV. Napansin ko rin ang pamumula ng leeg at tainga niya! Haha huli kang damulag ka! Dragon balls pala ha!

Lumingon siya sakin at napansin niyang nakangiting aso ako.

"What are you laughing at?" Singhal nito.

Aba't may gana ka pang maninghal ha, 

"Ba't mo pinatay? Mukhang enjoy na enjoy ka naman ah?" Pang-aasar ko. Humanda ka!

"I don't want to watch it anymore, it's boring and besides I just accidentally transferred that to that channel! Wait, why am I even explaining it to you, tsk." Ang defensive natin kowyaa! At for the record isa to sa pinaka-mataas na sinabi niya sa 'kin.

"Hmm, owkaayy." At tinaas ko pang mga kamay ko't parang sumusuko pa sa sinasabi niya kuno para may drama pa haha!

"Wait, what are you thinking woman? Huh?" Nako nagalit na si kowyaa

"Hmm? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Pa-inosente ko pa ring tugon.

"I said I didn't intend to watch that cartoon!" Mukhang mas nagiging defensive ang kowya natin mga bess!

"Wala naman akong sinasabi ah?" Kung aasarin ko lang din, susulitin ko na!

"Don't play games with me woman, I know what you're thinking ... Argh why am I even talking to you!"

"Ang defensive, dragon balls pala ha." Bulong ko nalang.

"What did you say?"

Ooops ang talas ng pandinig natin ah. Napatawa naman ako sa isip ko. Mahirap ng matawa sa harap niya baka palayasin pa ako ng di oras!

"Wala po. Mukhang tiyan ko po ang narinig niyo. Ang sabi niya 'gutom na ako, pakainin mo na ako Maria'. Yun po hehe."

"Tsk. Whatever."

Ayan na naman tayo sa 2 to 3 words na salita natin.

"Seb, pwede nabang kumain? Hehe gutom na talaga kasi ako." Hala baka hindi ako pakainin nito dahil sa pang-aasar ko sa kanya.

"Tsk. Let's eat in the restaurant."

Restaurant? Hala.

"Wala bang pagkain dito? Nakakahiya kasi tong suot ko kung bumaba pa tayo, hehe." Parang baliw kong sagot! Nakakahiya ka Maria, ikaw patong papaka-inin ikaw pa tong choosy!

Mukhang don' niya lang din napansin yung suot ko. Parang na conscious naman ako bigla sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Tumingin siya pababa at pataas ulit at huminto sa may dibdib ko. Aba't! Pagtingin ko sa dibdib ko, nakikita yung cleavage ko! Hindi ko alam kung itataas ko ba o hayaan nalang. Mas nakakahiya kung itataas ko diba? Waaaah bakit ganito? Ba't parang uminit bigla yung pakiramdam ko?

"I thought you're going to eat? But it looks like you're going to sleep." Naku!

"Kung gusto mo magpapalit nalang ako sandali." Na awkward ako bigla.

Maglalakad na sana ako paakyat ng,

"I've been waiting here for hours for you to wake up and then you'll make me wait again? I thought you're hungry too? Let's go."

Hinintay niya ako? E bakit di na lang siya nauna kong magagalit din lang naman siya.

Alam mo ba kung saan ka pupunta pag nagkaganoon? Buti pa nga hinintay ka pa!

Ay grabi siya! Wala naman akong choice dahil naglakad na siya palabas ng pinto.

Napatingin ako sa suot niya at simpleng white v-neck t-shirt lang ito at nakasapaw yung jacket na hinila niya kanina sa couch. Sa pang ibaba naman ay simpleng sweatpants lang din. Parang pareha naman kaming ready nang matulog ah? Pero bakit ang hot niya paring tingnan?

Teka, teka, hot? Erase, erase hindi siya hot!

Pumasok na kami sa elevator at pinindot niya ang number two. And as usual ang tahimik namin. Alam niyo na kung saan patutungo kung may magsalita pa sa amin.

Huminto yung elevator at may pumasok na lalaking foreigner. Mga nasa mid 40 na yata to, kasingtaas ito ni Seb pero mas makisig lang ng kunti si Seb. Tumingin ito sa akin at ang lagkit ng tingin. Hi-nead to foot pa ako! Parang tumindig yung balhibo ko sa paraan ng pagtingin niya. Oo may ka-gwapohan ito pero mapapansin mong may edad na. Pero hindi ko to type no, ew!

Bali napapa gitnaan ako ni Seb at yung kano. Pagtingin ko kay Seb parang mas lalong nagalit. Ano bang problema nito?

"Hi beautiful. Wanna have some dinner with me?" Yung foreigner biglang nagsalita at hinawakan pa talaga yung braso ko't hinaplos. Nabigla ako't hindi naka pagsalita agad. Magsasalita na sana ako para edepensa yung sarili ko nang bigla akong hinila ni Seb sa side niya bali si Seb na ang nasa gitna.

Nakaramdam naman ako bigla ng tensyon sa loob.

"Hey man, why did you do that? I'm asking the lady. And don't tell me your her boyfriend?" Parang nagalit yung kano.

Magsasalita na sana talaga ako ng inunahan na naman ako ni Seb.

"And so what if I am? Back off and shut the fuck up because she.is.with.me." Ma awtoridad at may halong pagbabanta na sagot ni Seb.



Ano daw?

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...