I Found a Man

By Gelailah

930K 32.9K 1.1K

It was supposed to be an ordinary day for Krisandra as she tries to achieve her ultimate goal in life; to be... More

I found a Man
Simula
Kabanata 1
Kananata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Katapusan

Kabanata 19

19.9K 743 8
By Gelailah

Naramdaman kong may dumadapo sa pisnge ko, tapos sa leeg ko, ngayon naman sa noo ko. Lahat ng madapuan ng insektong yun pinapalo ko. Hanggang sa dumapo ang insekto sa labi ko. Mabilis kong hinampas ang labi ko at pinunasan yun. Grabe, iba na talaga ang maganda. Pati langaw na-iinlove na sakin.


Bigla akong nakarinig ng tawa. Dahan-dahan kong binuklat ang mga mata ko at nakita ko si Zec na tumatawa. My goodness, ang ganda ng view. Nakabukas ang pinto sa gilid ko, nasa labas siya, nakatayo at nakaharap sa akin.

"Aah there, the beautiful princess has finally woke!" Sabi niya habang tumatawa. Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. Beautiful princess? Ako ba yun? Bumangon ako at tumigin sa paligid. Wala namang ibang babae dito. "I'm talking to you babe."

Kinusot ko ang mata ko. "Nandito na tayo?" Umiling naman si Zec na todo ang ngiti.

"No. Let's buy you clothes for tonight first." Napatingin ako sa paligid. Maraming tao na naglalakad sa paligid, halata mo sa damit nila na mayayaman sila base sa matataas na takong ng sapatos at magagarang damit.

Napatingin ako sa damit ko. Nakasuot ako ng maong na short na abot sa itaas ng tuhod, at puting fit na t-shirt. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"A-ano Zec sige ibili mo nalang ako. Hihintayin nalang kita dito." Inirapan lang niya ako at sinubukang hilahin palabas ng kotse pero humawak ako ng mahigpit sa upuan ko para hindi ako makalabas. Napansin ko ding nakatingin na sa amin ang mga taong dumadaan.

"Jesus, Krisandra. Kailan ka pa nahiya sa mga tao? Isa, kapag hindi ka bumaba diyan.." Pagtatakot ni Zec. Pero hindi ko parin sinunod. Bigla akong napatingin sa isang babaeng may hawak na aso mabalbon at nakasuot ng superman. Ang cute naman ng asong yu—

"Zec ibaba mo ko! Ibaba mo ko sisipain ko yang ano mo!" Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin sa balikat niya na parang sako ng bigas.

"Go on. Try it Krisandra at nang hindi na tayo magkaanak. You want that?" Bigla akong natigil sa sinabi niya. Pamilya? Anak? "I can sense that you're blushing."

Binaba niya ako sa harap niya at hinawakan sa balikat. "I want to see you blush."

"Naman eeeeh!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko.

"Damn, I love you. Tara na nga." Nasabi nalang niya habang tumatawa pagkatapos ay kinaladkad na ako papunta sa isang tindahan ng mga damit. Pagpasok na pagpasok palang lahat ng tao sa loob ay napatingin sa direction namin. Nagtago ako sa likod ni Zec.

"Good afternoon Sir Mark!" Lumapit sa amin ang isang babaeng mukhang espasol. Ang lapad ng ngiti niya kay Zec. "Long time no see sir."

"Uhm yes. Good afternoon." Bati din ni Zec na parang hindi alam ang sasabihin. Problema nito? "Please assist her."

Tumingin sakin ang babae ng taas-baba. Napataas ang isang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Maid niyo sir? Kawang gawa po ba ito?" Malambing na sabi ng babae. Lalong napataas ang kilay ko. Wow lang ha? Kung maka maid siya, nahiya naman ako sa itsura niyang mukhang tutong na espasol. Magsasalita palang sana ako pero naunahan ako ni Zec.

"She's my girlfriend." Seryosong sabi niya sa babae tapos tumingin siya sakin. "Let's go to other boutique."

"S-sir t-teka po." Natigil kami parehas sa paglabas ng boutique at tinignan ang babae. "Sorry po Sir. Hindi na po mauulit."

"I'm not the one you insulted." Tumingin sakin si ateng espasol.

"I-m sorry ma'am. Please wag po kayong umalis. Pagagalitan po ako ng manager namin." Nakayukong sabi niya. Tumingin ako sa likod niya at nakita kong nakatingin sa amin ang isang babaeng mukhang principal dahil sa sobrang seryoso ng itsura. Naku, nakakatakot nga.

At dahil mabait naman DAW ako. Pinatawad ko na si ateng espasol na Dina pala ang pangalan.

Lumabas muna si Zec dahil may aasikasuhin daw siya kaya naiwan ako dito sa boutique. Kanina pa bigay ng bigay si Dina ng mga damit sa akin, pero wala akong magustuhan.

"Here, I know this will suit you." May babaeng nag-abot sa akin ng isang kulay violet na damit, simple lang ito at may kaunting sequence sa may bewang. Ang ganda.

Tinignan ko ang babaeng nagbigay sa akin ng damit. Matangkad siya at hanggang balikat ang buhok. Sopistikada ang itsura, pero simple lang ang suot niya. Naka-itim na blusa, pulang palda at sapatos lang siya. Ngumiti siya sa akin.

"Kanina pa kasi kita tinitignan. And all those gowns that the sales lady is lending you are hideous. I think she doesn't have a taste in fashion. Although, bagay naman sayo ang mga damit. But none of those fits your gorgeousness."

Yun din ang iniisip ko. Magaganda lahat ng damit dito pero wala akong nakikitang damit na maglulutang ng sobrang kagandahan ko.

"S-salamat." Ang ganda niya at ang bait pa. Kung wala akong boyfriend malamang na-tomboy na ko sa kanya.

"You're not from here, are you?" Tanong niya. Tumango lang ako habang nakangiti. Syetee, ang ganda talaga niya. "Anyway, you're so pretty, you have a nice body and you're tall too. My friend is looking for a model, if you're interested you can contact me. By the way, I'm Isabelle."

May binigay siya saking card na may nakalagay na pangalan at contact number niya.

Isabelle Loren Gomez
09*********

"Ako naman si Krisandra."

"Isabelle?" Napatingin ako sa may pinto. May lalaking pumasok na nakasuot ng itim na tshirt at pantalon. Itim na itim ang buhok niya at mestizo. Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang gwapo ng lalaki. "Let's go?"

Natawa ako kay Isabelle dahil bigla siyang parang kinilig.

"Sure baby." Ngumiti siya sa lalaki ng pagkatamis-tamis. Tapos humarap siya sakin. "Nice meeting you Sandra."

Kumindat siya sakin pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa lalaki. Kinuha nito ang paperbag na hawak ni Isabelle at hinawakan ang kamay. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa makalabas sila. Ang sweet naman.

Tinignan ko ang damit na binigay sa akin ni Isabelle. Maganda nga ito.


Nandito na ako sa isang salon. Pagkatapos bayaran ni Zec ang damit na napili ko, na ang price lang naman ay $250—Oo dollars ang price ng mga damit sa Claire's— dinala niya ako sa isang salon, ang sabi niya ay uuwi muna siya para magbihis dahil isang oras nalang bago magsimula ang party at susunduin nalang niya ako dito. Ayos lang naman sakin dahil mababait ang mga bading na make up artist dito.

"Ay ikaw na talaga ateng! Bonggacious ang beauty mo oh!" Sabi ng isang bakla. Hinarap niya ako sa salamin at pati ako nagulat sa itsura ko.

Ginawa niyang malalaking kulot ang buhok ko at light lang ang make up na nilagay niya sa mukha ko pero na-emphasize ng sobra ang kagandahan ko. Bagay na bagay din ang violet na damit ko at ang silver na sapatos ko na binili din ni Zec kanina na nagkakahalagang $142. Big time na talaga ang mokong na to. Hindi na ako tumanggi, first time kong makasuot ng dollars eh.

"Fafa Markee! You're here na paley. Itetch na si jowa mo. Oh di ba ang galing kets? Gandola ng girlalou mo!"

Salita ng salita si ang bakla pero nakatitig lang ako sa mga mata ni Zec sa salamin. Unti-unti akong humarap sa kanya, para may effect.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin pagkatapos ay hinawakan ang konting hibla ng buhok ko.

"Wow. You look.. ravishing."

Ano daw? Rabising? Ganun na ba talaga ako kaganda at nakakabaliw ng parang nakagat ng asong gala ang itsura ko?

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya at nang maglakad siya papunta sa driver's seat hindi ko mapigiling maging kiti-kiti sa kilig. Kanina pa ako nagpipigil kaso pa-demure ang drama ko ngayon. Sakto namang tumigil ako ng makapasok si Zec sa kotse niya.

"Turn around." Naguluhan ako pero tumalikod ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang malamig na bagay leeg ko. Pagkatapos ay itinaas niya ang buhok ko.

"I know I said this before but I'll be damned if I won't say this again. You... really... look...stunning." Hinahalikan niya ang balikat ko habang sinasabi ang huli.

Hinawakan ko ang pendant ng kwintas. Hugis bulaklak ito. Napansin ko ang nakalagay sa likod.

ZK

"To remind you that I will always love you Krisandra. Always and in all ways." Hinalikan niya ako pero mabilis lang. "Now I don't wanna ruin your lipstick. Maybe later."

Pagkatapos ay kumindat siya sakin. Syete lang talagaaaa. Ang swerte ko sa boyfriend ko, Lahat na yata ng gugustuhin mo sa lalaki nasa kanya na. Kung baga sa lotto Jackpot, at kung baga sa ulam all-in-one, kumpleto rekados, huli ang linamnam! Yummy!

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
123K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
443K 10.2K 36
QUARTET SERIES #2 Lavender fontanilla ~ Lavender needs to find a wife to fulfill his grandfather's wish para makuha ang mana niya. Wala naman siyang...