The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 6 (THE WEDDING)

4.7K 153 2
By AteLunax

--

**********

*THIRD PERSON's POV*

Tumayo ang lahat ng makitang bumaba na si kys sa sasakyan.

"Ang ganda nya"

"Parang sya si jean"

"Bagay na bagay sa kanya ang gown nya"

"Sigurado kayang sya ang nasa propisiya?"

"Papakasalan ba ni sue kong hindi sya?"

Maraming bulong bulongang naganap sa loob ng simbahan nilang mga bampira.

Hindi nalang pinansin si kys yon kundi mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman nya.

Kinakabahan sya dahil alam nyang puro bampira ang mga nandito iniisip nya kong paano sya makakatakas.

Iginala nya ang paningin nya sa paligid lalo syang nawalan ng pag-asa dahil maraming nag kalat sa labas ng kasamahan ng binata.

Habang si sue nakatingin lang siya kay kys nailang naman si kys napayuko nalang ito.

Hindi nya kayang makipag titigan sa binata dahil para syang natutunaw sa mga titig nya

Napatingin sya sa hawak nya napatawa ito dahil nakita nya ang bawang hindi nya alam kong takot ang mga ito sa bawang.

"Bawang ikaw ang pag-asa ko ngayon" Mahinang sabi nya sabang nakatingin sa may bawang tinago nya na ulit yon.

Nang makating na sya sa pwesto ni sue agad namang kinuha ni sue yong kamay ni kys kinabahan lalo ang dalaga.

Sabay na silang naglakad papunta sa altar hindi alam ang gagawin ni kys dahil naiilang sya sa binata.

"Bagay sayo" Tipid na sabi ni sue kay kys feeling ng dalaga ay namula ang pisngi nya kase uminit ito.

"Hi-hindi naman" Nahiyang sagot ni kys tsaka tumawa ng mahina para maitago ang kaba.

"Anong ginawa sayo ni mavi? Bakit ka napapayag? Sinaktan kaba?" Sunod-sunod na tanong ng binata sakanya.

"Hindi nila ako sinaktan pero babawi ako sakanila dadagdagan kopa ng isang lingo ang paglilinis nila" Sagot ng dalaga sakanya napangisi nalang ang binata.

"Mokong kapag ba tapus na ang kasal natin papatayin muna ako?" Tanong nya sa binata napakunot naman ng noo si sue.

"Bakit gusto muna bang mamatay?" Pabalik na tanong sakanya ng binata umiling iling naman agad sya.

"Hindi pa wag mo muna akong papatayin agad" Agad nyang sagot ngumisi lang ang binata sakanya.

Kinabahan naman sya hindi nalang sana sya nag tanong pa.

"Bakit nga pala ang daming bampira sa labas?" Tanong nya ulit kay sue.

"Bantay mo yan kong sakaling mag tatangka kang takbohan ako palabas ka palang hindi kana tuluyang makakatakas" Pagsisinungaling ng binata sakanya.

"Ano namang gagawin mo kapag tatakas ako?" Tanong ulit nya sa binata tumingin sakanya si sue tsaka biglang naging pula yong mata nya.

"Edi papatayin na kita total ayaw mo akong pakasalan diba? mas okay pang patayin kita para walang makinabang sayo" Napalunok ang dalaga at lalo kinabahan dahil sa sinabi ng binata sakanya.

Tumawa nalang ang dalaga para hindi halatang natatakot sya sa binata pinagpawisan yong kamay nyang may bawang.

____

Samantala ang grupo ni senezia ay nahakanda na sa pag sugod inaabangang nilang maging pula ang buwan.

"Mukhang matatagal ata ang pag pula ang buwan!" Sabi ng isang kasamahan nya habang nakatingin sa buwan na sobrang laki at ang baba.

"Paano kong patapus na silang ikasal?"

"Kailangan na nating gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila"

"Tika may naamoy ba kayo?"

"Parang amoy bawang" Sabi ng isa nilang kasama habang inaamoy-amoy ang paligid.

Wala silang kamalay malay na meron palang mga bawang sa kanilang pwesto napaatras silang lahat.

Isa ang bawang na kinakatakotan mga bampira. [Papanindigan kona tong bawang na wala akong maisip ngayon HAHAHAHA]

"PAPULA NA ANG BUWAN!"Sigaw ni senezia sakanila humanda na silang lahat.

"SUGOD!!" Sigaw nila.

Sumugod na silang lahat nakahanda narin ang grupo ni sue.

Handa silang protektahan ang mga nasa loob para lang matuloy ang kasal ng kanilang pinuno at ang babaeng nasa propisiya.

---

"Anong nangyayari sa labas?" Tanong ng isang bisita ng mapansin na parang may mga nag lalaban laban.

"Wag nyo nalang pansinin iyon" Sagot ni jacob tumingin ito sa labas napailing nalang sya.

Dahil sa nakita nya isang madugong labanan nanaman ang nagaganap.

Hindi sapat ang rami ng mga kasamahan nila dahil marami din ang grupo ni vanezia.

Tumingin ulit sya kila sue at kys na katatapus lang masuot singsing.

"You may kiss your bride."

Tumingin si sue sa buwan namumula palang ito

Siniil nya ng halik si kys matagal halos mag agaw hininga na si kys.

Nang maghiwalay ang labi nila ay hingal na hingal ang dalaga.

Nagsipalak pakan na ang mga bisita nila masaya sila dahil naikasal na ang binata sa babaeng nasa propisya nag sitayoan na silang lahat.

Sakto namang may nakapasok na kalaban sa loob.

Nagkagulo na ang nasa loob naging pula narin ang mga mata nila pinalibutan agad nila ang magasawa.

Agad naman nawala si sue dinala nya si kys sa kwarto nya kong saan andon ang ibang kasamahan nila.

"Kamusta sa baba?"-Ayame

"Nakapasok na ang grupo ni venezia" Sagot nya dto napatingin sila kay kys na aligaga na.

"Napaka talaga ng babaeng yan" Naiinis na sabi ni mavi.

"Sue malapit ng tuloyang maging pula ang buwan" Seryosong sabi ni kiva na nakatingin sa buwan

Tinignan ng binata si kys na kanina pa natatakot nanlalamig na ito.

Hindi nya alam kong ano ng nangyari sa labas dahil dinala sya ni sue sa silid nito

"Handa kana ba?" Tanong ni sue sa kanya na pula na ang mata kahit hindi alam ng dalaga kong ano ang ibig sabihin nito ay tumango-tango nalang sya.

-----

*KYS EUNA's POV*

*****

Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang hinihintay tuluyang maging pula ang buwan.

Kitang kita ko ang mga mata nya kong gaano ito kapula may mga ugat-ugat sa gilid ng mata nya at napakatulis ng pangil nya.

Natatakot ako na baka kong anong gawin nya sakin.

"UMPISAHAN MUNA SUE!!" Sigaw no ford hindi siya nag dalawang isip na kagatin ako sa may leeg napaiyak ako dahil sa sobrang sakit.

Halos itulak ko na sya pero napakalakas nya hindi ko sya maitulak.

Bakit? Bakit nyo ginawa sakin to?.

Feeling ko mamatay na ako naramdaman kong niyakap nya ako dahan dahan nyang inilayo ang mukha nya sa leeg ko tumingin ulit sya sakin nakita ko nanaman ang pula nyang mata this time pulang pula na.

Ngumiti siya sakin lalo akong naiyak ganito ba sila? 

Kapag nakuha na nila ang gusto nila papatayin na nila ako?.

Bakit ganito parang namamanhid ang buong katawan ko ramdam kong ipinahiga nya ako sa kama.

*BBBLLLLAAAGGGG*

Napatingin kameng lahat sa may pintuan kahit nahihirapan ako lalo akong naiyak ng makita ko ang bampirang pumatay kay mama.

"SUE!!" Sigaw ni venezia nilapitan nila ako mavi. 

"Huling huli kana venezia!" Sagot nya kita ko ang galit ni venezia.

"HINDI PA AKO HULI PAPATAYIN KO ANG ASAWA MO!!" Sigaw nito habang nakatingin ng masama kay sue.

Sumugod na sila ng mga kasama nya sumagod narin sila sue pinalibutan naman ako ng iba.

Hindi kona makita kong ano na ang nang-yayari.

"AAAAHHHH!!" Sigaw ko dahil sa sakit parang may kakaiba akong nararamdaman kumikirot yong kinagat ni sue

"PAPATAYIN KO SYA!" Narinig kong sigaw ni venezia pilit kong bumangon ayuko ng may mamatay pa habang prenoprotektahan ako.



"Wag ka munang bumangon naguumpisa palang kumalat ang dugo ni sue sa katawan mo!" Sabi ni mavi habang pilit akong pinapahiga.

Nanigas ang buong katawan ko feeling ko may lumalabas na pangil sa ngipin ko napahawak ako sa bed seet ng kama ni sue.

"AAARRRGGGGGHHHH!!" Sigaw ko ulit dahil sa sobrang sakit na parang hinatati ang katawan ko.

"AAYYUUKKOO NNAAA!!" Mangiyak ngiyak kong sigaw napahawak ako sa leeg kong kinagat nya wala na yong bakas ng kagat nya. 

Anong nang-yayari sakin bakit ganito bakit?.

Napabangon ako sa pagkakahiga tumingin ako sa paligid pakunti na ng pakunti na ang nakaharang sakin tumingin ako kay sue sugatan narin sya.

Marami ng namatay hindi narin maintindihan ang silid nya.

Napayuko nalang ako wala akong magawa wala akong silbi.

Ito na ata ang katapusan ko may luhang tumulo sa mata ko hindi ko manlang sila magiligtas wala akong kakayahang lumaban!.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla naninikip.

"AAAAARRRAAAAAYYYYYY!!!!!" Sigaw ko ulit halos mamilipit ako sa sakit may mga naririnig na din akong mga nag sasalita.

Napakaingay! Mga sasakyan mga huni ng ibon napatakip ako sa tenga ko.

Nanlaki yong mata ko maramdaman akong parang may kakaiba sa ngipin ko kinapa ko ito.

Ma-may pa-pangil na ako bampira naba ako? 

Tumingin ako sa paligid nakikita ko ang mga mangyayari gulong-gulo ang isip ko.

"BAMPIRA NA SYA!"

------

*JEON SUE's POV*

*******

Pilit parin akong lumalaban kahit nararamdaman kong nanghihina na ako marami na akong sugat sa katawan.

Marami nading namatay kailangan naming lumaban kundi mauubos kame!.

Napatingin ako sa kanya nakayuko lang sya sa mga oras na to bampira na sya.

Muli akong nakipag laban para matapus na ang labanang ito marami naring sugatan saka nila alam koring pangod narin sila kanina pa sila nakikipag laban.

"BAMPIRA NA SYA" Sigaw ni mavi na nagbabantay sa kanya napatingin ako sa kanya sobrang pula ng mata nya halata sa mukha nyang gulong-gulo pa ito sa mga nangyayari.

Agad akong lumapit sa kanya ng makita kong susugorin na sya ni venezia.

Sinipa ko siya sa tagiliran dahilan non para tumilapon sya.

"Ayus ka lang?" Tumango tango naman sya pero nakatingin parin sya sa paligid.

Nagulat ako ng agad syang nawal sa tabi ko nakita kong hawak hawak nya si venezia.

"PAPATAYIN KITA TULAD NG GINAGAWA MO SA MAMA KO!!" Nangigigil na sigaw sya habang sinasakal nya si venezia.

Ngumisi naman si venezia kita ko ang galit ni kys sa mga mata nya

"SI-SIGE KO-KONG KA-YA MO!"

"TALAGANG PAPATAYIN KITA!!" Sigaw nya ulit nakatingin lang ako sa kanya.

"Hugaw kang papatay kong galit ang nasa puso mo" Sabi ko sa aking isipan alam kong maririnig nya yon napatingin sya sakin.

Mabilis syang nasa harapan ko hindi sya nagdalawang isip na paikotin ang ulo ng kalabang na nagtangkang saksakin ako.

"May gana kapang umupo dyan!" Medyo inis nyang sabi ngumisi na lamang ako sakanya 

"SIBAT NA!" Sigaw ni Venezia agad naman silang na wala.

Hahabol sana sya kaso hinawakan ko sya sa kamay tumingin sya sakin.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para maghiganti ka hindi mo pa kayang kontrolin ang sarili mo!" Seryosong sabi ko sakanya 

"Kailangan ko syang tapusin!" Madiin nyang sabi.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin nakuha naman nila ang gusto kong sabihin ang iwan kameng dalawa.

"Kailangan mong kontrolin ang sarili mo kundi ikaw din ang papatay sa sarili mo! Hindi puro galit ang pinapairal mo! walang mangyayari sayo!" Galit kong sabi sa kanya yumoko naman sya.

Pilit kong tumayo pero pinigilan nya ako.

"Wag ka ng tumayo mahiga ka nalang dyan kukuha lang ako ng gamot" Seryoso nyang sabi pula parin ang mata nya.

"Hindi wag na gagaling din to" Pero tila wala syang narinig nagpatuloy parin sya sa paghahanap ng gamot sa drower ko.

Bumangon ako lumakad ako palapit sa kanya hinila ko sya paharap sakin.

"Magpahinga kana maaga pa tayo bukas para sa insayo mo"

Ngumiti lang sya ng pilit, Tinalikoran kona sya lumakad na ako palabas ng kwarto ko.

"Maraming nasawi"Bungad sakin ni sunny.

"Mag pahinga na kayo" Utos ko sa kanya.

Tumango nalang sya nagpatuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan.

"Kamusta si kys?" Tanong ni kiva

"Nagpapahing na sya" Maikling sagot ko

"Bakit ikaw gising kapa?" Tanong ni mavi sakin

"Ano sa tingin nyu makakatulog ako sa nangyaring to?" Pabalik kong tanong sakanya 

"Mas maraming nasawi sa grupo ni venezia"

"Hindi tayo nakakasigurong titigil na yon maghanda parin tayo hindi natin alam ang mga balak nila." Seryosong sabi ko habang nakatingin sakanila.

Kilala ko si venezia hindi titigil ang babaeng yon hanggat hindi nya napapatay si kys.

"Tama hindi natin alam ang susunod nilang pagataki" Pag sasang-ayon naman nya

"Dapat bantayan nating mabuti si kys!" Nag-aalala paring sabi ni adelisa.

"Hindi nya pa kayang controlin ang sarili nya" Sabi naman ni ford.

"Ako ng bahala sa kanya kayo na sa mga kasamahan natin" Malamig kong utos sakanila "Magpahinga na kayo" Pagkasabi ko yon pumunta na ako sa silid ko.

Mahimbing na syang natutulog sa may kama ko.

Umupo ako sa gilid ng kama nakatingin lang ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin.

"Maganda ka pala"

_____________

Continue Reading

You'll Also Like

654 74 23
"Wait ikaw ba ung totoong Sandrine?" "Hindi ka namin kapatid." Sino nga ba ang babaeng ginamit ang mukha ni Sandrine Anne Perries?
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
31.8K 2.1K 50
Anastasia Marie Del rio /Ana Marie Cruz. Simple, mabaet, matalino at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang. Dalagang masayahin at kuntento na sa...
95.7K 2.9K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...