Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.2M 1.2M 571K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

1 : Her name is Agatha

2.1M 55.8K 25.6K
By Serialsleeper

| Chapter 1 |


        "Cooper bumalik ka dito!"

        Umaalingawngaw sa buong pasilyo ng ospital ang isang napakalakas na sigaw. Narinig niya ito kaya naman mas lalo pa siyang kumaripas ng takbo.

         Nalaglag ang beanie na suot niya sa kanyang ulo kaya naman huminto siya sa pagtakbo at dali-dali itong pinulot. Muli niya itong sinuot upang matakpan ang buhok niyang nalalagas. Napalinga-linga siya, hindi na niya alam kung saan pa siya dadaan dahil paniguradong haharangin siya ng lahat ng mga makakasalubong niyang nurse o kahit na sinong empleyado ng ospital. Nahagip ng paningin niya ang isang kwartong para sa mga batang pasyenteng gaya niya kaya naman humahangos siyang pumasok dito.

         Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang ibang tao sa maliit na kwarto, maliban lamang sa isang batang babaeng mistulang ka-edad lamang niya na natutulog sa kama.

        "Hoy bata, huwag mong sabihin sa kanilang nandito ako ha? Sikretong malupit," giit ng batang si Cooper at dali-daling nagtago sa ilalim ng kama; wala siyang pakialam kahit na madumihan man ang suot niyang kulay puting pajama at t-shirt.

        Ilang minuto ang lumipas ay mistulang nabagot na ito sa pagtatago sa ilalim ng kama kaya naman gumapang siya paalis at umupo sa paanan ng batang babaeng nakaratay sa kama.

        Nagtaka siya nang mapansing natutulog parin ang bata kaya naman nilapitan niya ito at pinagmasdan ang mukha.

        "Alam mo bang masama ang matulog na parang mantika?" pilyong sambit ni Cooper, ngumisi na tila ba may nabuong kalokohan sa kanyang isipan.

         "Dahil hindi ko alam ang pangalan mo—" kinuha ni Cooper ang marker mula sa bulsa at iwinagayway ito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang oxygen mask ng batang babae; ginuhitan ng tuldok sa gilid ng ilong hanggang sa nagmukha itong nunal.

         "Tatawagin na kitang Gloria! Hello Gloria!" anunsyo nito habang humahalakhak. Muli niyang ibinalik ang tingin sa bata at nainis siya nang makitang natutulog parin ito.

           "Ayaw mong gumising ha?" inis niyang sambit at muling ginuhitan ang mukha nito, pero ngayon ay hindi na nunal ang nilagay niya kundi bigote na at dalawang tatsulok noo na nagmukhang sungay.

        "Hoy gumising ka nga! Bilis tingnan mo mukha mo!" Tawa lang siya nang tawa habang hawak ang tiyan. Sinusubukan niyang gisingin ang batang babae sa pamamagitan ng pagsundot sa pisngi nito ngunit hindi parin ito nagigising kaya naman lalo siyang nainis.

        "Ba't ba ayaw mong magising?!" napabusangot ang batang si Cooper at bahagyang yumuko. Tinitigan niya nang maigi ang mukha ng batang babae at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito.

        Iilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha nila sa isa't-isa nang muling kumurba ang pilyong ngiti sa mukha niya... Walang ano-ano'y bigla na lamang niyang pinisil ang ilong ng bata. Dahil sa ginawa niya ay pansamantala itong hindi nakahinga.

        "Aba nalang talaga pag hindi ka magising ni—" Nanlaki ang mga mata ni Cooper at natigil siya sa pagsasalita nang marinig niyang bumukas ang pinto.

        "Patay..." bulong ni cooper sa kanyang sarili at napalunok. Napabitaw na lamang siya sa batang babae at agad na humarap sa pintuan.

        "Ikaw bata ka, nandito kalang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Hindi naman masakit ang injection, para lang yang kagat ng langgam. 'Wag ka ng makulit please!" Pakiusap ng kanina pa humahabol sa kanyang lalakeng nurse. Tagaktak na ang pawis nito at humahangos pa.

        "Kuya Leo naman eh! Hindi rin naman masarap mangagat ang langgam! Kung gusto mo, ikaw nalang ang magpainjection! Pakasal kayo! Basta ako, ayoko sa injection!" giit ni Cooper na kulang nalang ay umupo sa sahig at mangisay dahil sa inis.

        "Cooper gusto mo naman sigurong gumaling na—" biglang natigil sa pagsasalita ang nurse at nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran ni Cooper, tila ba gulat na gulat ito sa nakikita.

        "Problema mo?" Napalingon si Cooper upang tingnan kung ano ang dahilan ng pagbabago ng ekpresyon nito.

        "W-wheres mommy..." mahinang sambit ng batang babaeng nakaupo na ngayon sa kanyang kama. Bakas ang takot at pagtataka sa kulay abo niyang mga mata. Hinang-hina man, sinusubukan parin niyang magsalita.

         "Diyos ko gising ka na!" manghang sambit ng nurse at bigla na lamang nagtatakbo palabas upang tawagin ang mga doktor, dahilan para muling maiwan si cooper kasama ang batang babae sa silid.

         Nagtataka man si Cooper sa naging reaksyon ng nurse ay hindi naman niya napigilang matawa sa ngayo'y maruming mukha ng batang babaeng tila ba may bigote na at sungay.

        "S-sino ka?" Nauutal na sambit nito nang dumako ang tingin kay Cooper.

         "Ako si Batman!" Taas-noong pagpapakilala nito sa kanyang sarili habang bumubungisngis at bigla na lamang nagtatakbo palayo.


*****


        "Kuya naman eh! Kailangan ba talaga akong magpa-injection?" iyak ni Cooper nang makitang inihahanda na ng nurse ang syringe at mga gamot.

         "Oo. Gusto mo naman sigurong gumaling diba? Ganito nalang, kung magpapa-injection ka ngayon, pangako hindi ko isusumbong sa daddy mo na tumakas ka na naman dito sa kwarto mo at kinailangan ka na naman naming habulin ng iba pang mga nurse. Deal?" suhestyon nalang nito.

         "Hmm. Injection or litanya ni Daddy? Teka pag-iisipan ko muna banker!" Giit ni Cooper sabay tingala sa kisame at himas ng kanyang baba kaya napangiwi na lamang ang nurse.

         "Nga pala Kuya leo, sino yung bata kanina?" Pag-iiba ni Cooper sa usapan.

         Napangisi ang leo."Ah yun? Bakit, crush mo no? Ayieee binata ka na pala? Ang tanong tuli ka na ba?" pang-aasar nito kaya naman agad siyang sinuntok ng bata sa braso.

        "Crush? Never akong magkaka-crush! Ang korni! Yuck!" giit ni Cooper na naiinis na.

        "Talaga? Eh bakit ka nagtatanong?" muling pang-uudyo ng nurse habang nakangiti ng nakakaloko at sabay taas-baba pa ng kilay.

         "Kasi pangit ka! Mukha kang paa!" sigaw ni Cooper at dahil sa inis ay dali-daling nagpatakbo palayo.

        "Lintek na bata." Mahinang sambit ng nurse at napangiwi na lamang. May edad na siya kaya naman nanlulumo siya sa kakailanganin na naman niyang habulin ito. Para sa kanya, Habol=Rayuma.

          Takbo ulit ng takbo si Cooper. Sa kabila ng pilyong ngiti ay nagkukubli ang matindi niyang takot. Takot dahil sa injection at takot sa sakit na araw-araw niyang iniinda.

         Natigil siya sa pagtakbo nang mapansin na malapit na siya sa pintuan ng silid ng batang babaeng nakita niya kanina. Nagtaka siya nang mapansing napakaingay sa loob kaya naman pasimple siyang sumilip mula sa bahagyang nakabukas na pinto.

        "Anong meron?" mahina niyang sambit nang makitang maraming doktor at nurse sa kwarto nito at tila ba napakasaya nila habang kinakausap ang batang babae.

         "Buti nalang naabutan kita." napapitlag si Cooper sa gulat nang bigla na lamang nagsalita ang nurse na tuluyan na palang nakahabol sa kanya. Humahangos ito habang pawis na pawis ulit.

         "Kuya naman eh!" Reklamo ni Cooper sabay kamot ng kanyang ulo.

         "Sorry! Ano ba kasing gi—" Natigil ito sa pagsasalita nang mapasulyap siya sa kwartong sinisilip ng alaga. Muli nitong nginitian ng nakakaloko si Cooper, tipong nanunukso nang mapagtantong kwarto ito ng batang babae.

        "Isusumbong kita kay Daddy na inaaway mo ako. He will fire you!" banta ni Cooper dahil sa sobrang inis.

        "Joke lang! Ikaw naman di na mabiro, bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ni Agatha?" bawi nito sa takot na mawalan ng trabaho.

         "Agatha? Anong meron at parang masaya ang lahat sa loob? Birthday ba niya?" mahinang sambit ni Cooper at muling napasulyap sa bata.

         Natawa na lamang si leo at tinapik ang ulo ni cooper. "9 years old ka pa, hindi mo pa maiintindihan."

         "Kaya nga nagtatanong para maintindihan diba?" Pilosopo naman nitong giit kaya napabuntong hininga na lamang si leo dahil sa kakulitan ng kanyang alaga.

         Bahagyang napaluhod si leo upang maging magkapantay sila ng bata. "Ganito kasi 'yan; kakaibang bata si Agatha. Bigla-bigla siyang nakakatulog kahit hindi naman siya inaantok. Last year nakatulog siya, akala naming lahat hindi na siya magigising pa kaya naman para sa amin isang milagro na nagising siya kahapon." paliwanag nito.

        "Ibig sabihin halos isang taon siyang tulog? Meron bang ganun?" kunot-noong sambit ni Cooper na kulang na lang ay sabihing sinungaling ang ang nurse na si leo.

        "Kaya nga sabi ko kakaiba si Agatha diba?" ang nurse naman ang naging pilosopo at inakbayan si cooper.

        "Ibig sabihin makakauwi na siya? Nakakainggit naman." nanlulumong sambit ni Cooper at napayuko sa kanyang ulo. Ramdam ni leo ang matinding lungkot at inggit na nararamdaman nito kaya tinapik na lamang niya ang balikat ng alaga.

        "Tara na. Magpahinga ka na muna. Takbo ka ng takbo eh." sabi nito at hinila na lamang si Cooper paalis.

          Hindi maiwasan ni Cooper na mapasulyap sa batang si Agatha sa huling pagkakataon.


*****

7 years later...


        "Cooper utang na loob bumalik ka na dito!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ang isang sigaw na halos araw-araw na yatang naririnig ng lahat ng mga nasa ospital. Narinig ito ni Cooper pero imbes na bilisan, mas binagalan nito ang pagtakbo at napalingon kay leo na nurse niya mula bata pa siya.

         "Habol tanda! Kaya mo yan! 'Wag kang susuko!" sigaw ni Cooper na tila ba pinapalakas ang loob--O galit--ng nurse na humahangos at parang mahihimatay na.

         "Cooper walang hiya ka!" mangiyak-ngiyak na sigaw ng matandang pagod na pagod at humahangos na.

         "Sige na! Wag nang maarte! Parang kagat lang yan ng langgam!" sarcastic na sigaw ni Cooper na ginagaya pa ang sinasabi ng matanda sa kanya noong bata pa siya.

         "Siraulo ka talaga! Hindi to injection!" Muling sigaw nito at tuluyan nang napaupo sa sahig dahil sa labis na pagod. Walang nagawa ang ibang mga nakakakita sa kanila kundi paypayan na lamang ang kawawang matanda.

         Huminga ng malalim si Cooper at muli nalang tumakbo. Takbo lang siya ng takbo, wala siyang pakialam kahit na napakasama na ng tingin sa kanya ng lahat. Wala siyang pakialam kahit na mapapagalitan na naman siya.

*****

          Pawis na pawis siya nang makabalik sa kanyang kwarto. Sa tagal niyang namalagi sa ospital dahil sa kanyang karamdaman ay nagkaroon na siya ng sariling kwarto kung saan siya namamalagi sa loob ng napakaraming taon.

         Papasok na sana siya upang magpahinga nang mapansing nakabukas ang ilaw at pinto sa katabing kwarto. Nagtaka siya dahil matagal nang walang namamalagi sa kwartong ito, at siya ang dahilan—takot ang lahat na maging kapitbahay ang isang loko-loko at pilyong gaya niya.

         Naisipan niyang pumasok dito upang tingan kung sino ang bagong "kapit-bahay" niya.

        Lalo siyang nagtaka nang makita ang isang dalagang natutulog sa kulay puting kama. Pamilyar ang sandaling ito para sa kanya kaya naman wala siya sa sariling naglakad patungo rito.

         "Dejavu," mahina niyang sambit nang tuluyang makita nang malapitan ang mukha ng babae. Bahagya siyang yumuko upang matitigan ito. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa buong silid.

        Sa isang iglap, bigla na lamang dumilat ang mga mata ng babae. Gulat sa presensya ng isa't-isa, umalingawngaw ang sigaw ng dalawa. 



END OF CHAPTER ONE.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

471 149 37
In a group of friends that's an epitome of perfection and sisterhood, one big incident will happen. An incident that will ruin everything between the...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
152K 4.3K 34
Pinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 we...
493K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...