Unwanted Girlfriend [Publishe...

By vampiremims

21.4M 313K 24.8K

It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today. More

Unwanted Girlfriend
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Mims.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
UG BOOK 2 : Amaranthine Love

Chapter 1

735K 9K 529
By vampiremims

Twitter – vampiremims

Askfm – vampiremims

Facebook – fb.com/purplevampx

Group – Bedwarmers

Page – Vampiremims’ stories

 

 

Vote. Comment. Fan. Thanks!

 

-------

 

 

Maaga akong nagising dahil na din sa may lakad kami ngayon. May photoshoot kami nila Mikael sa isang beach. We will be there for a week. I’m not really sure and okay lang naman sa akin kahit na ilang lingo kami dun… kasama ko naman si Mikael e.

I checked my phone kung nagmessage na ‘yung boyfriend ko. Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing sasabihin kong boyfriend ko si Mikael. I know I’m the unwanted girlfriend here pero pwede namang magustuhan din ako nun e. Walang imposible.

Walang message from him. What a sweet boyfriend! My gosh! Sana man lang kahit isang tuldok nagtext siya para man lang malaman kong buhay pa siya at naiisip niya ako. Psh!

As usual… ako na naman ang mauunang magtext. Ganun naman lagi e! Kapag naunang magtext si Mikael sa akin, iisipin ko na nun na in love na siya sa akin! Tss.

To : My other half  <3

Hey. Good morning. See you later =)

Magtatype sana ako ng ‘I love you’ kaso, huwag na. Lagi nalang din ako ang nagsasabi nun. Huwag na muna ngayon. Mamaya nalang.

I stare at my phone’s screen pero almost 10 minutes na ang lumipas pero wala pa ding siyang reply. Kainis namang lalaki ‘yun! Buti pa sa facebook, may ‘seen’ e. nakikita mo kung nakita ng sinendan mo ‘yung message mo at binalewala ka. Eh sa text? Pero baka naman kasi hindi pa niya nababasa? O kaya… lowbatt? Pwede ding naliligo siya kaya hindi siya makareply?

D-amn! Ako pa ang nagbigay ng reasons kung bakit hindi ako nirereplyan nung tao. Inilapag ko nalang ang cellphone ko sa bedside table ko. Siyempre, naka-todo ang sound ng alert tone ko para if ever mag-reply siya.

Tumayo na ako para mag-ayos. Naka-ayos naman na ang gamit ko for this activity. OA ba kung tatlong malaking bag ang dala ko kung 1 week lang kami? Hindi diba? Eh madami akong gamit e! Buti nga napilit ako ni Yaya Lourdes na tatlong bag lang. Lima dapat ‘yan e.

Papasok na ako sa bathroom ng marinig ko ang alert tone ko. Nagmamadali kong pinuntahan ang cellphone ko para tignan kung si Mikael na ‘yung nagreply.

“Ouch!” I tripped and stumbled. D-amn! Napaupo ako sa sahig. “S-hit!” I cussed. Naipitan ata ako ng ugat! Ang tanga mo talaga, Mikaela!

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung sino ang nagmessage. It was one of the coordinator. ‘See you later’ daw. Patayin ko kaya siya mamaya? Napilayan ako dahil sakanya! Ugh!

I tried to get off my feet pero masakit talaga kaya naman kumuha pa ako ng suporta mula sa kama para makatayo. F-uck! Ang sakit! I swear, I’ll kill that useless creation of God later!

Paika-ika akong nagtungo sa banyo. Hindi ako pwedeng hindi sumama sa photoshoot! Andun si Mikael ko and andun din ‘yung mga babaeng models na kung makapagpose sa harap ng camera kapag ito ang kumukuha eh kulang nalang maghubad! Kainis!

After a while lumabas na ako. Napatingin ako sa mga gamit ko. I guess, iiwan ko ang isang bag na puro heels ang laman. Hindi ko kayang mag-heels ngayon. Nabubwisit na naman tuloy ako sa nagsend nung message! Wala akong pakialam kung siya ang coordinator! Lunurin ko siya mamaya e. Kakainis!

Nagbihis na ako. Isang thin-strapped black mini-dress ang napili kong suotin. Revealing ng konti dahil kakikitaan ng cleavage pero uso naman ang shawl para maipantakip ng konti and honestly, hindi ko naman kailangang mahiya sa suot ko. Instead of wearing heels… nauwi ako sa flats. Nararamdaman ko pa din ang kirot sa paa ko. I just hope hindi ito mamaga mamaya. Ayoko sa lahat nagpapacheck-up! 

“Ma’am Mika, nandyan na po sa baba si Sir Thunder,” narinig ko ang pagkatok ng isa sa mga kasambahay naming sa mansion. “Come in,” I told her. Alangang pagbuksan ko pa siya ng pinto… nananakit na nga paa ko! 

Pumasok na siya sa loob at lumapit sa akin, “May kailangan po kayo, Ma’am?” tanong niya. Itinuro ko ‘yung mga naka-empakeng gamit ko. “Dalawa nalang ang dadalhin ko. Leave the shoes, okay?” I told her. “Magpatulong ka nalang sa pagbaba,” dagdag ko , tumango naman siya sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. God! Torture ito! Ang sakit ng paa ko at hindi pwedeng malaman ni Kuya or else, hindi niya ako papayagan!

“Kuya!” I called him as I reached the floor. I grimaced in pain. Yari ka sa aking coordinator ka!

“What are you wearing?” hinagod ng mata ni Kuya ang suot ko. “Dress?” I replied.

“Magpalit ka,” he commanded. No way! Ayoko ng umakyat!

“Okay naman ang damit ko e!” I pout. Hindi na kaya ng paa ko umakyat, please lang!

“Mikaela Michelle…” f-uck! He used my whole name! Huwag ganyan!

“I got this with me.” Kinuha ko ‘yung purple jacket ko at isinuot. “Okay na?” tanong ko.

  

“You’re showing too much legs. Magpalit ka na nga!” mas lumakas ang boses niya.

“Kuya… ang KJ mo ha! Tara na nga!” nagpatiuna  na akong maglakad pero namali ako ng tapak kaya naman hindi ko maiwasang mapa-aray.

“What happened to you?” lumapit sa akin si Kuya Thunder at hinawakan ako sa siko.

  

“Nothing…” I shook my head. Lechugas naman kasing sakit sa paa ‘to!

“You look pale. Are you sure, you’re okay?” hinawakan niya ang noo ko. “I’m fine,” agad kong pinalis ang kamay niya. “Tara na…” naglakad na ako papunta sa kotse ni Kuya at nakahinga ng maluwag ng maka-upo na ako.

“May sasabihin ka ba, Miki?” tanong niya sa akin. I looked at him and sighed. “Kailan ba kayo magkaka-ayos ni Kuya Hunter?” I asked him.

  

“Mas magandang huwag ka na magtanong,” he replied. Nakita kong nag-igtingan ‘yung ugat ng kuya ko sa kamay. Meaning ayaw niyang pag-usapan ang ganung bagay.

Nakakalungkot lang na tatlo na nga lang kaming magkakapatid, hindi pa sila magkasundong dalawa… ang dahilan? Nevermind! Ayokong masira ang araw ko. Magkikita pa kami ng boyfriend ko.

“I have a question…” nilingon ko si Kuya Kulog. “What is it?” 

“Do you already have a boyfriend?” he gave me a fleeting look. Hindi ako nakahuma sa tanong niya. Saan galing ang tanong na ‘yan?

 “I… I…” I blink… boyfriend ko naman si Mikael diba? Official naman kami… “I…”

 “We’re here,” he looked at me and smiled. “Okay lang mag-boyfriend, Miki… dadaan nga lang siya sa butas ng karayom. Hindi man kami magkasundo ni Hunter… I assure you, sa pagkilatis sa mga lalaking lalapit sa’yo… magiging partners pa kami.”

 Nakatingin lang ako sakanya… “Okay?”

“Baba na…” utos niya. Bumaba na si Kuya para ilabas ang mga gamit ko and swear! Pinagtinginan siya ng mga co-models ko. Ngayon lang nakakita ng gwapo? Tss.

“Call me or Hunter kung pauwi na kayo para masundo ka,” he told me. I nodded. Nilingon niya ‘yung mga models na nasa tabi ng shuttle na sasakyan papunta sa beach. “Kapag may nagkamali sa mga ‘yan na galawin ka… alam mo ang mangyayari, Miki, so please… do not do anything stupid, okay?”

“Oo na!’ I hissed. ‘yung mga tao sa paligid ko… laging indirect magsabi ng ang stupid ko. Nahiya pa, ‘yun din naman ang gusto nilang sabihin! Kainis!

  

“Kasama siya?” nilingon ko ang inginuso ni Kuya sa akin. Si Mikael!

“Of course!” I smiled. Nagulat ako ng bugalang maglakad ang kuya ko papunta sa direksyon ni Mikael.

“Kuya!” I tried to stop him pero sumakit na naman ang paa ko. D-amn it! Nasaan na ‘yung coordinator!

Nakita kong nag-uusap silang dalawa and sumusulyap sa akin. I saw Mikael chuckled. Anong pinag-uusapan nila?!

  

After a while, lumapit na sa akin si Kuya. “What was that?” I asked him. He shrugged. “Take care of yourself, Miki. Pumayag akong wala kang kasamang PA o bodyguards so prove to me that you can handle yourself, okay?” he smiled.

“Oo na!” I rolled my eyes. “Huwag ka magpapagod. Naiintindihan mo?” hinawakan niya ang ulo ko at marahang tinapik.

“Kuya! Hindi na ako bata!” pinanlakihan ko siya ng mata. Kainis kasi!

“I have to go, bye!” niyakap niya ako at pumasok na siya sa kotse niya.

Napalingon ako sa pwesto ni Mikael. Nakatingin lang siya sa’kin. Ni hindi siya ngumiti o ano. Walang reaksyon.

  

Lumapit sa akin ang isang staff at kinuha ang gamit ko. Sila na daw magdadala sa sasakyan. Pipigilan ko sana sila dahil baka sa shuttle nila dalhin. Ang alam ko kasi, sariling kotse ang dala ni Mikael. As his girlfriend. Dapat dun din ako sasakay diba?

 Lumapit na ako sa ibang models. Mabagal ang lakad ko dahil na din sa paa ko at naiinis ako dahil wala ‘yung coordinator!

“Yo!” napatingin ang lahat kay Mikael. Hindi ko alam na rapper siya. Kidding! It’s his way of getting everyone’s attention. “Lahat sa shuttle sasakay. I have my own car and I’ll just be right behind you. Wala naman na tayong hinihintay,let’s move!” naglakad na si Mikael papunta sa sasakyan niya.

  

“Mik—“ 

Dinaanan niya lang ako. As in nilagpasan niya lang ako. Tinignan ko siya at dire-diretso lang siya sa sasakyan niya. Like what the hell?

Nagpasukan na sila sa loob ng shuttle. Ako… nakatayo pa din dito. Ni hindi man lang ako pinansin o ano? Seryoso ‘to? I looked at his car again pero tinted kaya wala akong makita.

 Hindi man lang ako inaya! Anong klaseng boyfriend ‘yan?

 “Miel, let’s go?” napalingon ako kay Lance.

 “Stop calling me ‘Miel’, Lance. I’m not your honey,” I rolled my eyes.

 “Oo na, MM.” he smiled. Hindi ko din alam kung anong trip ni Lance sa buhay. Masungit siya sa lahat pero ang lakas niya mang-asar! Promise!

“Tatayo ka nalang ba diyan?” tanong niya sa akin. Nilingon ko muna ulit ang sasakyan ni Mikael. “No. Let’s go.”

Kahit na masakit, pinilit kong lumakad ng maayos para walang makapansin sa paa ko. Pumuwesto ako sa gilid at umupo. Katabi ko si Lance. Pang-dalawahan lang ang napili naming upuan.

 Naiinis ako kay Mikael. Siya naman nagsabing girlfriend niya ako e. pero bakit parang wala siyang pakialam sa akin? Given naman na hindi niya ako mahal pero sana naman diba? Boyfriend duty!

 Kinuha ko nalang ang phone ko sa purse ko at isinuot ang headset. Ayokong makipag-usap sa kahit na sino. Badtrip ako!

 I am listening to Taylor Swift’s Red. Isinandal ko ang ulo ko at pumikit.

 Ang tagal naman umandar ng shuttle na ‘to! And I’m wondering kung saan nilagay ang gamit ko! Isasama ko sa pagpatay kay coordinator si kuyang staff kapag hindi ko nahanap ang gamit ko mamaya!

~Losing him was blue like I never know

Missing him was dark gray all alone 

Forgetting him was like trying to know somebody you never met

But loving him was red

Re-e-e-e-ed

Re-e-e-e-ed

Loving him was red.~ 

Natutuwa na ako sa kanta ng may biglang humila ng earphone ko.

“What the—Mikael?”  anong ginagawa niya dito?

“Stand up and move,” utos niya sa akin. “Huh?” naguguluhan ako sakanya.

“Tss. Sumama ka nalang sa akin!” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

“Kerko, huwag mong pilitin si MM kung ayaw niya,” tumayo si Lance at hinawakan si Mikael sa braso.

“She’s my girlfriend so I guess you need to back-off, Saavedra.” Nilingon ako ni Mikael. “You’re coming or not?” he asked me.

“I’m okay, Lance.” Tumayo na ako at lumapit kay Mikael. Pinagtitinginan na kami ng mga co-models namin and he just said na girlfriend niya ako!

Bumaba na kami ng shuttle at nagpunta sa sasakyan niya. “Can you hurry up?” he asked me, annoyed.

Masakit po ang paa ko! My gosh! Hindi ko pa din nakikita si coordinator kaya hindi ko pa naigaganti ang naipit kong ugat! My precious veins!

Finally, nakapasok na ako sa sasakyan niya. Feeling ko tagaktak na ‘yung pawis ko! May may tissue ako sa gamit ko e.

“S-hit! ‘yung gamit ko!” I exclaimed.

“Why?” nilingon niya ako. “My things! Nasa shuttle… kinuha nung staff kanina, sila na daw magdadala sa—“

“Nasa likod ‘yung gamit mo,” putol niya sa sasabihin ko. “Huh?” napalingon ako sa backseat and there’s my things!

“Paanong—“

“I told them to put your things on my car. Alangan namang dun kita pasakayin?”

“Pero nilagpasan mo ako kanina…” ni hindi niya nga ako pinansin e! “Kaya paano ko iisipin na gusto mo akong kasama dito?”

“Sinabi kong gusto kitang kasama?” tanong niya. “Like duh? Pinuntahan mo pa ako sa shuttle and broadcast to the world that I am your girlfriend tapos sasabihin mong ayaw mo ‘kong makasama?” ang gulo ni Mikael!

“Sinabi ko din bang ayaw kitang makasama?” he smirked. Okay… now, I’m lost!

Hindi ko na sana siya papansinin kaya lang hindi ko maiwasang hindi kiligin ng bigla niyang sinabing, “Just be with me, I don’t share what’s mine and as far as I remember… you’re mine.”

--

Mikaela on the side.

Kerko's FB account sa external link :)

Continue Reading

You'll Also Like

1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...
5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
568K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
709K 25.4K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.