Retired Playboy

By JFstories

13.5M 385K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 30

434K 12.4K 4.7K
By JFstories

WALA halos tao sa mga supermarket at malls. Wala rin gaanong sasakyan sa mga kalsada. Walang traffic. Siguro ay dahil hindi pa rin maka-get over ang mga tao sa concert. Kahit isang araw na ang lumipas matapos masaksihan ng mga tao mag-perform ang Black Omega Society sa Montemayor Coliseum ay hindi pa rin sila maka-move on.


BOS fever is real. Kabilang na si Ate Nita doon bilang isang die hard fan ni Macario Sandoval at Kyo Montenegro.


Napuno ang coliseum. Kumuntik na nga magkaroon ng stampede sa labas. Pero siyempre, ang talagang nakapasok sa loob ng coliseum ay iyong may mga Black Ticket. Iyong mga taong yayamanin. And Ate Nita is one of them. Handa siyang ubusin ang laman ng kanyang bank account matanaw lang ang kanyang iniidolong banda.


Ngayon ay problemado si Ate Nita. Paano niya ipapaliwanag kay Kuya Theo na nakagastos na naman siya gamit ang credit card nito. P100,000 kasi ang halaga ng black ticket para mapunta sa VVIP. Sagad ang cards ni Ate Nita kaya card na naman ni Kuya Thero ang napagdiskitahan niya.


Mabuti pa nga sila, iyon lang ang problema. Samantalang ako namomroblema sa requirements ko. It's been a week matapos ang proposal ni Donald sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang annulment papers namin ni Macoy. Isang buwan lang ang ibinigay kong taning sa sarili ko. Kapag hindi pa ito naayos, lagot ako.


"Ma'am, nandyan na po si Sir sa office." Lumapit sa akin ang secretary ni Donald.


Finally. Pakiramdam ko kasi ay tinubuan na ako ng ugat sa paa. Halos dalawang oras na akong naghihintay dito sa lobby.


Pumasok ako sa office ni Donald. Bumungad sa akin ang kalat-kalat na mga papeles. Una ko ngang napansin ang nilalanggam na mesa. Kutob ko ay may natapong kape dito at hindi na napunasan.


Si Donald ay abalang nakaharap sa kanyang computer habang may ipit siyang cellphone sa pagitan ng kanyang tainga at balikat. Kulang na lang ay murahin niya iyong kausap niya sa kabilang linya. I'm sure na empleyado niya iyong kausap niya.


Nabanggit sa akin ni Ate Nita na abala ang mga Salcedo ngayong buwan dahil sa surprise visit ng CEO.


Nilingon niya ako. "Hey!" May hinugot siyang folder sa loob ng kanyang drawer. "I'm almost done completing my papers para sa kasal natin. CENOMAR na lang ang kulang dyan."


Napaatras ako. "CENOMAR?" Certificate of Non Marriage.


"Yup. Gusto mo ikuha na rin kita–"


"No. Ako na lang ang kukuha," baka mamaya ay makita niya pa sa CENOMAR na kasal pa ako kay Macoy.


"May nalakad ka na bang requirements? Once kasi na dumating ang CENOMAR, pwede na tayong kumuha ng marriage license."


Napalunok. "Ha? O-oo, nilalakad ko na rin."


"Good." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ilang araw na lang at asawa na kita."


Hindi ako kumibo. Bahagya ko siyang itinulak. "'Nga pala, ito 'yung application form ko para sa modeling." Inabutan ko siya ng resume.


Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha matapos niya iyong tanggapin.


"K-kailan ba ang contract signing? K-kailan ba ako magsisimula?"


Bumalik siya sa kanyang table at naupong pinagmamasdan ang papel. "Well..."


Pumaling ang aking ulo at naghihintay sa kanyang sasabihin.


Mayamaya ay napahilamos siya sa kanyang mukha. "Listen, Pamela..."


Kinabahan ako.


"May nakuha na kasi silang model."


Bumagsak ang balikat ko. "H-ha? A-akala ko ba..."


"I did everything. Ang kaso ay ayaw ni Mom na ikaw ang kuning model."


Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.


"But don't worry, susubukan ko pa rin na ipilit ka." Tumingin siya ulit sa papel. "They need someone who has experience. Ano ba ang mga minodel mo?"


Napayuko ako. "Carpet."


May sinulat siya sa resume ko. "What else?"


"Toothpick."


"Ano pa?"


"Eskoba."


Napakamot siya. "Seriously? Wala ba iyong maipagmamalaki natin?"


Napakamot ako. "T-tabo."


I saw disappointment in his face. "See? Paano natin ipapasa ito?" Napatayo siya mula sa pagkakaupo. "Give me something that can impress them."


Napayuko ako at matagal bago nakapagsalita. "T-turnilyo?"


"Naging model ka rin ng turnilyo?"


Tumango ako. Sa isang bagong bukas na hardware iyon sa Magallanes.


Mahina siyang napamura. "If you really want to push this, kausapin mo si Mom."


Marahan akong tumango sa kanya bago ko siya tinalikuran.


Hinabol ako nang salita ni Donald. "I'll text you tomorrow night about something, okay?"


Hindi ko siya sinagot. Paglabas ko ng office niya at nagmarcha ako patungo sa office ni Mrs. Salcedo. Nadatnan ko siya doon na kausap ang kanyang secretary. "Ang tanga mo kasi!" Dinuro niya ito sa noo.


Parang maiiyak na ang babae. "Sorry po, Ma'am."


Napatingin sa akin si Mrs. Salcedo, pero binalingan muna ang secretary. "Get out of here bago pa kita sesantehin!"


Nagmamadaling lumabas ang empleyado.


"What do you need?" Tanong niya sa akin bago hinarap ang mga papeles na nasa table niya.


Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko kahit anong oras ay sasabog ako. "Galit po ba kayo sa akin?" Kahit ang boses ko ay nanginginig.


Tiningala niya ako mula sa pagkakaupo. "Excuse me?"


"Ano pong nagawa kong kasalanan sa inyo? Ayaw niyo po ba sa akin? Bakit niyo po ako pinalitan as a model?"


Sumandal siya sa pagkakaupo at tinaasan ako ng kilay. "You don't deserve it!"


"Ang alin po? Ang mapangasawa ng anak niyo o ang maging modelo ng panyo?"


"Both," mariin niyang sambit.


Napapikit ako. "Ano po bang mali sa akin?"


"Everything. Ipinanganak kang mukhang pera. Kayo ng pamilya mo, mga mukha kayong pera!"


Naikuyom ko ang aking kamao. "Puwede niyo pong tutulan ang kasal namin ng anak niyo. Pero 'wag niyo naman po sanang harangan ang career ko. Pangarap ko po ito. Gusto ko pong maging modelo." Bahgyang nabasag ang boses ko.


Tumayo siya at sinampal ako. "Bastos!"


Nasapo ko ang aking pisngi.


Pinandilatan niya ako. "Maswerte ka dahil mahal ka ng anak ko! That's the only reason kung bakit ako pumayag sa kasal niyo!"


Pumatak na ang mga luha ko.


"Dukha! Kayo ng pamilya niyo, alam ko naman na pera lang ang habol niyo sa amin!"


"Kung ganyan po ang tingin niyo sa amin, bakit hindi niyo na lang po i-cancel ang kasal namin ni Donald."


Napahalukipkip siya at napangiti. "Why should I do that? Eh, gusto kong makita kitang maghirap katulad ng Ate Nita mo."


Natulala ako.


Bigla niya akong tinalikuran. "Get out."


Pinunasan ko ang aking mga luha. Palabas na ako ng pinto nang magsalita pa siya.


"Just to let you know, hindi mo rin deserve maging isang model. At kung pumayag man ako sa recommendation ni Donald na gawin kang model, dadaan ka pa rin sa butas ng karayom. This company is Sandovals'. Number one brand product hindi lang dito sa bansa natin kundi sa buong mundo."


Tulyan na akong lumabas at ponili ko na lang na wag ng kumibo. Baka kasi may mabitawan na naman akong salita na "bastos" daw sa pandinig niya.


...


AS USUAL, pagpasok ko ng pinto ay sinalubong ako ni Ate Nita. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata dahil hindi na siya nakatulog nang maayos after niyang makita sa personal ang BOS. 


"Ano na naman ang ginawa mo?" Bungad niya sa akin. "Theo told me na binastos mo raw ang mom nila?"


"Hindi ko siya binastos, Ate." Garalgal ang boses ko. "I just asked her kung ano bang kasalanan ko sa kanya?"


Napasentido siya. "She's the mother of your fiancé, kaya hindi ka dapat nagsalita sa kanya nang ganoon."


Sabi na nga ba. Kasalanan ko na naman. Masama bang ipaglaban ang career ko? Bawal bang tanungin ang taong pumipigil sa pangarap ko?


Padabog akong lumabas ng pinto. Hindi na ako sinubukang habulin ni Ate Nita dahil alam naman nyan wala ring patutunguhan kung sesermunan niya ako. Nangyari na ang nangyari.


Pumasok ako sa gate ni Macoy. Bago ko hinarap ang kanyang pinto ay pinunasan ko muna ang mga luhang tila ba naging muta na sa aking mga mata. Sinuklay ko rin ang aking buhok, na nanigas na dahil sa usok ng mga sasakyan kanina, gamit ang aking daliri.


Kakatok pa lang ako nang bumukas ang pinto. "Oh, musta?" Kaswal na salubong sa akin ni Macoy. Halata naman na kanina pa siya nakaabang sa pinto.


He's wearing a fake mustache again and a long wig. Pajama na yellow na may design na hotdog sa pang-ibaba.


Gayunpaman, parang gusto kong umiyak sa dibdib niya. "H-hindi ba ako nakakaistorbo?" Tanong ko. Kahapon lang kasi ginanap ang big night concert nila.


Umiling siya. "Not at all. Come on in."


Pumasok ako. "N-nasaan si Macky?"


Inginuso niya ang kwarto. "Tulog na sila." Ang mga bata ang tinutukoy niya. "Dadalhin ko na lang siya sa inyo first thing in the morning."


Tumango ako. Napatingin ako sa lamesita niya kaharap ng sofa. May beer siya doon. Kinuha ko iyon. "Painom, ha?"


Akma ko pa lang iinumin iyon nang awatin niya. "Whoa... easy." Inagaw niya sa akin iyon. "May problema ba?" Sinilip niya ang mukha ko. "Namumugto ang mga mata mo."


Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala ito." Inagaw ko sa kanya 'yung beer.


Pero naiiwas niya ito na makuha ko. "Sabihin mo muna kung ano problema,"


Mukhang hindi papatalo ang isang ito. "Wala lang iyon. About sa modeling ko."


Umupo siya at dume-quatro. Para siyang manunuod ng TV pero sa akin siya nakatingin. "I'm listening."


Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Akala ko kasi matutupad na ang pangarap ko na makapag-model ng isang sikat na brand. Kaso hindi pala."


"Why? What happened?"


"Pinigilan ni Mrs. Salcedo iyong recommendation ni Donald sa akin as model."


"Mrs. Salcedo?"


"Mom ni Donald."


"Bakit daw?"


"Hindi daw ako deserving."


"But the chance is higher when Donald recommended you?"


Tumango ako. "Okay na? Painom na?"


Itinago niya sa likuran niya ang beer. "You mean, kaya ka broken ngayon dahil pangarap mo sana ang mag-model ng brand na ito kaso hindi natuloy?"


Tumango ulit ako.


"Anong company ito?"


"Bigatin, eh. Hindi nga yata ako deserving."


"Just tell me."


"Sandovals'."


Napahimas siya sa chin niya. "I see. Pero gusto mo ba talagang mag-model ng Sandovals' brand?"


"Sino bang hindi?"


"Hand me my phone." Itinuro niya cellphone niya sa lamesita.


Kinuha ko naman iyon at iniabot sa kanya.


Nagtipa siya. Ilang sandali lang ay may kausap na siya sa kabilang linya. "I want Pamela Beltran to be the model of our new product."


Napatigagal ako. Ano raw?


"Yes. Make it done. Now." Pagkasabi ay pinatay na niya ang linya. "Congratulations. Ikaw na ang model ng product namin na handkerchief."


"H-ha?" Parang wala pa rin ako sa sarili. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang kanyang sinabi.


"Don't tell me hindi mo alam na ako ang CEO ng Sandovals'?"


Right, kaapelyido niya. Hindi ko nga lang naisip na posibleng may kinalaman siya sa malaking kompanya na iyon. I just knew that he came from a rich clan, he was a member of an elite fraternity, a member of a famous band, and his father was the country's current president... Pero ang maging CEO ng Sandovals'? Hindi ko iyon alam!


Macoy's father, the president of this country, President Juancho Sandoval. Although rich, he was a very humble man. He never once mentioned that he was the son of the old tycoon who owns Sandovals'. Katulad ng hindi nito pagbanggit na anak nito ang sikat na si Macoy Sandoval. Ang mga media na lang ang naglabas ng balitang iyon.


Gayunpaman, ibang usapan ang malaking kompanya na Sandovals'. Siguro dahil wala namang pakialam ang presidente sa kompanyang iyon at may ibang nangangasiwa roon, ay kaya hindi na iyon inuusisa ng press. 


"I've been working there ever since I graduated from college. Kahit sumali ako sa banda, I still do my job there. Sa akin ipinagkatiwala ng grandfather ko ang branch sa Italy. I have proven myself to him over the time. And two years ago, when I came back to the country, that was the time when I completely inherited the company. That made me now the CEO of Sandovals'."


Namait ang panlasa ko. May kinapuntahan naman pala ang buhay niya matapos naming maghiwalay. Bukod sa miyembro siya ng isang sikat na banda, naging responsableng negosyante na rin siya. Good for him.  


"So?" Nakangisi siya sa akin. "Are you impressed, Pamela? Maayos na ang buhay ko. Nagsikap ako sa mga nagdaang taon."


Eh, ano naman? Kinalaman ko roon?


Sumimangot ako. "CEO ka pala, eh. Bakit lagi ka lang nakatambay dito sa paupahan na 'to?"


"I don't work for money anymore. Money works for me."


Yabang, o!


Empleyado niya lang pala sina Donald sa kompanya niya. Empleyado niya lang si Kuya Theo at ang mga magulang ng mga ito. Mayaman ang mga ito dahil sa kanya.


Ang ipinagmamalaking kayamanan ng Ate Nita ko kay "Amag" ay pasahod lang lahat ni Macoy!

I'm sad for them. Kaharap ko ngayon ang lalaking dahilan kung bakit sila mayaman.


"Oh, bakit si ka mukhang masaya? Model ka na," puna niya sa akin.


Naluha ang aking mga mata. "Macoy, thank you..."


Lumapit siya sa akin at kinurot ako sa baba. "Basta ikaw. Lakas mo sa'kin, eh."


Sinalubong ko ang kanyang mga mata. "Macoy, bakit ginagawa mo ang lahat ng ito?"


Nangunot ang kanyang noo. "Ang alin?"


"Ito."


"Masama bang tulungan ka?"


"You said you still love me. Hindi ako naniniwala na totoo yun? I know you, Macario Sandoval. Alam kong gusto mo lang maka-iskor."


Tumitig siya sa akin.


Napalunok ako. Bigla na naman sumeryoso ang kanyang mukha.


"Everything I told... Lahat 'yun totoo–"


"Ikakasal na ko."


"Huh?" Napatulala siya sa akin.


"Ikakasal na kami ni Donald at matagal na tayong tapos."


Nagdilim ang kanyang mukha.


"Please, pakiasikaso yung annulment natin. Ayokong magka-aberya." Bakit ba habang sinasabi ko ito ay bumibigat ang dibdib ko?


Wala siyang imik. Nakayuko lang siya.


"Uy..." kinalabit ko siya. "Kailangan ko ng papers sa kasal namin. Magagawan mo ba ng paraan para mapabilis yung annulment process natin?"


Tumango lang siya. "Goodnight, Pamela. Pakisara na lang ang pinto." Naglakad siya nang marahan papasok sa kwarto. Para siyang nalugi sa negosyo.


Bumigat ang pakiramdam ko. 


Bumalik ako sa bahay at dumerecho sa kwarto. Humiga ako sa kama at ilang oras nagpagulong-gulong. Hindi ako makatulog. Kahit pilitin kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ako maigupo ng antok.


Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Macoy nang malaman niyang ikakasal na agad ako ngayon buwan. Bakit ako nasasaktan na makita siyang nagkaganoon?


Tumayo ako at tumanaw sa bintana. Inisip koang mag-isip-isip muna at pagurin ang aking mga mata sa bituin.


Pero iba ang nakita ko. Natanaw ko si Macoy na nasa labas ng gate namin at nakatanghod sa harapan ng bahay namin.


Patakbo akong lumabas ng bahay at nilapitan siya. "A-anong ginagawa mo dito?"


Madilim ang kanyang mukha kaya halos hidni ko makita. Naka-bull cap siya.


"O-okay ka lang?" Heto na naman iyong bigat sa dibdib ko.


Bumuga siya ng hangin. "May concert kami sa Paris bukas."


Nakatingin lang ako sa kanya.


"I want you to come with me."


"H-ha?"


"I'll wait you sa airport until evening. Kapag dumating ka, it means ako ang pinili mo."


Napaatras ako. "A-anong ibig mong sabihin?"


"You need to choose. Ako... o si Donald." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako.


Naiwan akong tigagal nang mga sandaling iyon.


...


HINDI ko matandaan kung nakatulog ba ako o hindi. Basta ang natatandaan ko lang ay kanina ko pa narinig ang huni ng mga ibon. Pagbangon ko, tanghali na pala. Nadatnan ko pang naninirador ng ibon si Macky pero hindi ko na lang siyang pinansin.


Nagluto ako at naglinis ng bahay. Pagkatapos niyon ay tinawagan ako ng Sandovals' para i-inform na ako nga ang nakuha nialng model. Pwede na raw ako pumirma ng contract anytime this week.


Inabala ko pa ang aking sarili sa paglalaba. Gusto kong makaramdam ng pagod. Gusto kong makatulog.


Pero hindi talaga ako inaantok. Hindi kasi mawala sa isip ko iyong sinabi sa akin ni Macoy kagabi. Pinapipili niya ako. Siya ba o si Donald.


Kapag sinipot ko siya mamayang gabi sa airport, it means na siya ang pinili ko. Bagay na nagpapahirap sa akin ngayon kaya hindi ako makatulog.


Practically, kahit sinong babae ay siya ang pipiliin over Donald. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi naman buo ang tiwala ko sa kanya.


Ni hindi ko nga alam kung totoo ba ang mga sinasabi niya. Kesyo mahal niya pa raw ako. Paano ko paniniwalaan iyon eh ilang beses na niya akong niloko noon?


Ang hirap maniwala ulit. Ang hirap sumugal ulit. Ang hirap nang masaktan ulit.


Hindi ko namalayan na nagdidilim na pala. Parang countdown sa pandinig ko iyong orasan. Habang lumilipas ang oras ay lalo akong nape-pressure.


May nag-text sa akin at binasa ko iyon. Napapikit ako matapos kong basahin. Ano'ng gagawin ko? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko? HIndi ko alam kung sino ang pipiliin ko?


Susundin ko ba ang puso ko o ang isip ko? Doon ba ako sa karapat-dapat o doon sa taong mahal ko?


Bahala na. Kung ano man ang kahinatnan nito ay desisyon ko ito. Wala namang ibang kahahantungan ito kundi ang desisyon ko.


Dali akong naligo at nagbihis. Kumuha ako ng ilang piraso ng damit sa aparador ko at inilagay sa bag ko. Nagbaon din ako ng make up at pads. Nang makaayos ako ay lumabas na ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam kila Papa at Mama dahil alam na nila iyon. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa airport.


Habang nasa sasakyan ay parang maluluha ako. Hindi ako mapakali at paulit-ulit pa ring tinatanong ang sarili. Tama ba itong desisyon ko? Tama ba na siya ang piliin ko?


Pagbaba ko ng cab ay nanakbo na ako papasok ng airport. Nadatnan ko siya na nakaupo sa lobby at mukhang kanina pa ang naghihintay.


Tumayo siya nang makita niya ako. "You're late. Kanina pa kita tinext ha?" Sabi niya.


"Sorry."


Lumapit siya sa akin. "Let's go." Hinuli niya ang pulso ko at hinawakan nang mahigpit.


Nang mahawakan niya ang pulso ko ay niyakap ko siya. Gumanti naman siya nang yakap sa akin.


"Is everything all right?"


Pumiyok ako. "P-pakakasalan mo ako, di ba?" Tinext niya ako kanina na may business trip siya sa Macau at gusto niya akong isama. Hihintayin na lang daw niya ako sa airport.


"Ikaw ang gusto kong mapangasawa, Pamela. Of course, I'm gonna marry you."


Ako na dapat ang pinakamasayang babae sa mga sinabi niya. Pero bakit ako nasasaktan nang ganito?


Bakit ako lumuluha nang ganito? Dahil ba na siya ang pinili ko? O baka kasi iba na ang laman ng puso ko? Sinikap kong ngumiti matapos sumiksik sa kanyang dibdib. 


"S-salamat – Donald."


JAMILLEFUMAH

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 48.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
800K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...