Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 23

826K 20.9K 4.2K
By simplychummy

Maldita 23

Kanina pa nangangati ang dila ko na itanong kina Mommy at Daddy kung iiwan na naman ba nila ako mag-isa dito at babalik na sila ng China kasama si Avy. Hindi pa rin kasi mawala sa utak ko 'yung ibinalita sa akin ni Avy. Kaya ito habang kumakain kami ng dinner, tahimik lang ako.

"Avah, hindi mo ba nagustuhan 'yung pagkain?" Tanong ni Mommy

"Sorry, medyo pagod lang po siguro ako." Sagot ko naman. Wala talaga akong ganang kumain kahit na sobrang sarap ng niluto ni Yaya Sally.

"By the way, I hired someone to renovate the School garden." Sabi ni Daddy.

"Nasabi kasi sa amin ni Ms. Bautista na kailangan irenovate ang School garden, mukha daw kasing pinabayaan." Dagdag ni Mommy.

"Sorry Mom, I didn't pay too much attention on the garden po kasi." Sagot ko naman.

"It's alright. Na-contact na nila 'yung architect kanina so by tomorrow ma-mmeet mo na sya Avah." Sabi pa ni Mommy.

"Bakit po ako ang makikipag-meet?"

"Ikaw na ang mamamahala sa School, kaya dapat ikaw ang mag-asikaso noon. That's your frist job. Avy will help you naman sa pag-a-administrate since may experience na sya sa pagpapatakbo ng business at kilala na din nya ang iba pang board members." Paliwanag pa ni Mommy.

"Ako po? I can't assist Avah, Mom. Babalik na tayo the day after tomorrow sa China di ba? Hassle naman po kung pabalik-balik ako dito sa Pilipinas para lang i-check si Avah. Kaya na po ni Avah 'yon. Di ba Avah? Saka may trabaho pa po ako sa China." Sagot naman ni Avy.

"Avy...yes, we are going back to China." Sabi ni Mommy at tumingin kay Daddy.

"Without you." Dagdag ni Daddy. Nanlaki naman ang mata ni Avy at napabitaw sa hawak nyang utensils.

"What?!" Napasigaw si Avy dahil sa pagkabigla. Nanlaki din naman ang singkit kong mata dahil sa narinig ko. Babalik sila sa China na hindi kasama si Avy? Bakit?

"Why?" Sunod na tanong ni Avy.

"Your punishment for making your sister suffer." Simpleng sagot ni Daddy.

"Dad! Isn't enought that you gave her the School?" May halong pagtatampo na sabi ni Avy. Gustuhin ko mang magsalita pero hindi ko magawa dahil baka maging iba ang dating kay Avy at kung ano pang maisip nya.

"Don't force yourself to be like me Avy. I know you don't want to live in China and run a cloth business." Sagot ni Daddy.

"What do you mean? I love China!"

"I know you wanted to be a singer and open up your own clothing line." Dagdag ni Daddy.

Si Avy? Gustong maging singer? Seryoso ba 'yon? Hindi ko napigilang hindi matawa sa nalaman ko. Ni hindi ko pa nga sya naririnig kumanta eh.

"Seryoso ka? Gusto mong maging singer?" Natatawa kong tanong. Hinampas naman nya ako. I didn't mean to said that out loud pero hindi ko napigilan eh.

"Avy has a great voice." Sagot naman ni Daddy. Napangiti naman si Avy.

"I learned my lessons Avy. I shouldn't force you to be someone you're not. I'm just so frustrated to have a son who can be like me. I put all the pressure on your shoulder and I know that's wrong. Go with your dreams, your mother and I are always be here to support you. Don't settle for less, you deserve more. Just be yourself and love yourself, ok? I'll will send you the capital you needed to start your own business here in the Phlippines. Is that ok with you?" Tanong pa ni Daddy.

"More than Ok. Thank you Dad!" Sagot ni Avy at tumayo para yakapin sina Daddy at Mommy. Bakas sa mukha nya ang saya.

Napangiti naman ako. Akala ko naman totoong paparusahan na sya dahil sa mga ginawa nya sa akin noon. Si Daddy talaga, minsan pa-suspense din eh. Masaya ako para kay Avy. At least ngayon gusto na nya ang gagawin nya at hindi na gusto ng iba. She deserves to be happy. Buong buhay nya iniisip nya 'yung iisipin sa kanya ng ibang tao. Hindi sya makakilos ng maayos dahil baka may masabi ang iba.

Patapos na kaming kumain ng dinner pero hindi na ata natapos sa pag-vibrate ang cellphone ko magmula kanina. Hindi ko naman masagot habang kumakain dahil masesermonan ako nina Mommy, alam nyo na...table manners.

As soon as I finished my meal, nag-excuse kaagad ako para sagutin 'yung tawag nina Aira.

"Oh?" Sagot ko.

"Aren't we going to celebrate your graduation day?" Tanong ni Aira. I heard the other girls from the background. Naka-loud speaker pa ata sya.

"We're here at Aira's bar!" Sigaw ni Dhonna. Sabi ko na, naka-loud speaker sila. Rinig ko pa ang 'Blurred Lines' as background music nila.

"I can't go out tonight." I said.

"Why not?" Pagtataka nila.

"My parents are here."

"And so? You're not in good terms naman with them di ba? Join us na!" I rolled my eyes when I heard Frances' high pitched voice.

"Ok na kami, pati ni Avy."

"Oh. Good. The more reason you have to go here. Mag-kwento ka!" Utos ni Aira.

"Fine. Magpapaalam lang ako." Paalam ko.

"Ang isang Avah Chen? Need a permission? That's new!" Natatawa pa nilang sabi.

"Whatever." Sagot ko and I ended the call.

Huminga pa ako nang malalim bago ako lumapit kina Mommy at Daddy na kasalukuyang nasa sala at nagkakape. I hid my left hand on my back and keep my fingers cross habang naglalakad ako papalapit sa kanila. Napansin naman nila ako at tumingin sa akin.

"Yes?" Nakangiting tanong ni Mommy.

"Can I...can I go out with my friends?" I bit my lower lip after I said that. Tumingin naman si Mommy kay Daddy waiting for his approval.

'Please say yes.' Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.

After a second. Dad nods at me. Nag-diwang naman ang buong pagkatao ko.

"Thank you." Sagot ko at mabilis akong umakyat sa kwarto ko para mag-ayos.

Hindi din naman ako magtatagal sa bar, gusto ko lang talaga silang makita ngayon kahit dalawang oras lang. I just missed them big time! Pagkadating na pagkadating ko doon, hinanap ko agad sila at niyakap nang mahigpit kahit na I am not a hugger. Nagulat pa nga sila and they gave me a look na akala mo alien ako.

"Who are you?" Aira asked mockingly.

"I'm Avah Chen, half-Chinese, pure maldita. Oh? Aarte pa?"

"Sira!" Sagot ni Dhonna at mahina akong tinapik sa balikat.

"Make kwento na!" Naiinip na sabi ni Frances. Ikinwento ko sa kanila kung anong mga nangyari magmula noong dumating ang parents ko hanggang sa napag-usapan namin sa dinner kanina. Leaving the part where I met that stupid bastard! Mahirap na, baka pagtawanan na naman nila ako. Pagkatapos noon, umuwi na agad ako dahil maaaga pa ako para bukas. Kaka-graduate ko lang, trabaho agad. Kaloka lang!

-

Tulad ng sinabi nina Mommy kagabi, ngayon ko mame-meet ang architect na mag-rerenovate ng School garden. Gusto pa nga ni Mommy pati 'yung garden dito sa bahay ipa-ayos din, buti na lang hindi pumayag si Daddy dahil ayaw nya na may mga ibang tao sa bahay nya kapag wala sya. Now I know kung saan ako nagmana ng kasungitan.

Tamad na tamad ako habang nag-aayos. Sino ba naman kasi ang sisipagin kung hindi ka naman interesado sa taong i-me-meet mo? Para tuloy akong makikipag-blind date. Yuck! Saan ko naman napulot 'yon? Eww, nakakadiri. Ako? Makikipag-blind date? Never!

"Hindi ka pa ba tapos?" Napalingon naman ako sa may pintuan ng kwarto ko. Naglakad si Avy papasok at umupo sa may gilid ng kama ko.

"Kailangan mong dumating sa School bago dumating 'yung architect."

"Let him wait." Sagot ko naman habang nagsusuklay.

"Avah! Hindi pwede ang ganyang attitude sa business!"

"My time is precious more than his existence." Yes, I know his gender. Sinabi sa akin ni Mommy. Pinaalalahanan pa ako na 'Be nice to him, sweetie.'

"I've heard he is one of the highest paid landscape architect here in the Philippines. Kapag 'yon nag-back out, malalagot ka kay Daddy."

"E di kumuha ng ibang architect!"

"Hay nako, bahala ka na nga!" Pagsuko nya. Napangiti na lang ako, hindi pa rin talaga kumukupas ang kamalditahan ko. Mukhang maayos pa pala ang maldita radar ko, akala ko kinakalawang na. Now I'm on a good mood.

-

With class akong bumaba sa kotse ko, I put on my Oakley sunglasses and flipped my hair. Naakapanibago ang katahimikan sa School ko, walang mga stupidents na nakatingin at natutulala sa kagandahan ko. I took a glance at my watch, 10:17 a.m, late ako ng 17 minutes ayon sa napag-usapang oras.

Naglalakad ako sa may School ground noong may napansin akong lalaking papunta sa direksyon ko. He's wearing gray polo and white pants. Habang papalapit sya nang papalapit sa akin, unti-unti ko din syang namumukhaan. Anong ginawa ng Kupal na 'to sa School ko? Napakunot ang noo ko noong huminto sya sa harapan ko.

"You're late." Sabi nya.

"Excuse me?" Nagtatakang tanong ko.

"Dadaan ka?" Sabi pa nya at medyo tumabi.

"Ok. What are you doing in my School?" I put emphasis on the word my. Napangisi naman sya.

"Bakit kaya hindi mo itanong 'yan sa Daddy mo?"

"Ikaw?!" Sigaw ko sa kanya noong ma-realize ko ang gusto nyang iparating. Nagkibit-balikat lang sya sa akin. Sya? Sya ang kinuha nina Daddy para mag-renovate ng School garden ko? Oh. Hindi! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng kuhanin sya pa? Ganito na ba talaga kaliit ang Pilipinas? Bakit? Karma ko na ba 'to?

"Ako nga. Tara na, tutunganga ka na lang ba dyan? Mahal ang oras ko." Mayabang na sabi nya.

"Bakit ikaw?"

"Dahil magaling ako." Grabe! Ang humble nya talaga!

"Shit! Ang lamig." Umarte pa ako na parang lamig na lamig dahil sa hanging dala nya.

Tinignan ko pa sya nang masama. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin kanina pa sya pinaglalamayan dito. Makabili nga ng madaming kandila mamaya, just in case na mamatay nga sya sa masamang tingin ko.

"Hey! Alam kong gwapo ako pero huwag mo naman akong masyadong titigan at pagnasaan. Marunong din akong ma-conscious!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi nya. 'Yon ang literal na makalaglag panga! Mabuti na lang matindi ang pagkakakapit ng mga paa ko sa lupa kung hindi kanina pa ako tinangay ng hangin na dala nya.

"Woah! MBSS! Mawalang galang na, pero hindi ka kagalang-galang. Hindi kita pinagnanasaan, ang kapal mo lang. Sinusubukan ko lang na patayin ka sa utak ko sa pamamagitan ng pagtitig ko. But I failed, dahil mayabang ka pa ding nakatayo sa harapan ko!" Inirapan ko sya at saka naglakad papunta sa garden.

"Anong MBSS?" Clueless na tanong nya. Iniwan ko syang nakatunganga. Bahala sya sa buhay nya. Masyadong bilib sa sarili! Ang yabang-yabang!

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 854 66
Do you wanna read my thoughts wherein you and SEVENTEEN is my highlight? 💕 highestachievementinwattpadrank#2 💖 |033019| 🍒 SEVENTEEN X YOU 🌻 Book...
281K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
14.2M 620K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
113K 8.6K 76
And so? An epistolary.