"The Good Samaritan" by Kumi...

Da KumiKahlo

718K 15.4K 697

Dahl's Good Samaritan is suddenly her husband. Altro

TEASER
Pt. 1
Pt. 3
Pt. 4
Pt. 5
Pt. 6
Pt. 7
Pt. 8
Pt. 9
Pt. 10
Pt. 11
Pt. 12
Pt. 13
Pt. 14
Pt. 15
Pt. 16
Pt. 17
Pt. 18
Pt. 19
Pt. 20
Pt. 21
Pt. 22
Pt. 23
Pt. 24
Pt. 25
Pt. 26
Pt. 27
Pt. 28
Pt. 29
Pt. 30
Pt. 31
Pt. 32
a word from the author.

Pt. 2

28.6K 592 47
Da KumiKahlo

KAGAT-LABI si Dahl nang masilip si Sam sa salamin sa itaas ng pinto ng recovery room. Tulog na tulog pa rin ito pero sabi ng nurse na nakausap niya, mamaya lang nang kaunti ay gigising na ito.

Tumingin siya sa oras sa cell phone. Gagabihin na sila masyado ni Zaq. Nakontak na niya ang kuya niya at sinabi niyang hihintayin niya ito sa Tarlac, sa bayan na sinabi ni Zaq na hometown nito.

Tinawagan niya ang mama niya. "Ma, bilis! Maiinip 'yong kasama ko."

Nasa Kenny Rogers pa rin si Zaq. Ni hindi siya sure kung sincere ba ito sa sinabi na hihintayin siya roon dahil ayaw niyang pumayag na sunduin nila ang mama niya sa bahay. Mahirap na kasing ma-sight pati kotse nito. Baka pati ito madamay pa sa problema ng pamilya nila.

"Eh, 'nak, iginayak ko si Cheska. Hindi ko sila kakayaning dalawa ni Belle habang nakabantay kay Sam. At least si Belle, kaya nang magsarili sa pagpasok sa school. Puwede namang um-absent si Ches, tutal kinder pa lang naman."

"Okay, Ma," sabi na lang niya. May magagawa pa ba siya? Sana lang ay huwag masamain ni Zaq. Bahala na, naisaloob niya. "Kaso, paano kayo, Ma?"

"Bahala na kung saan kami makikituloy pansamantala."

"Ingat kayo, Ma. Punta na kayo rito."

Fifteen minutes pa bago niya nakitang hangos na dumating ang maglola. Hindi na sila nag-usap na mag-ina pagkatapos niyang ibilin si Sam, saka niya hinagip ang malaking bag na pinaglagyan ng mama niya ng mga gamit nila ng pamangking si Cheska at hawak sa kamay ang bata na nilakad-takbo nila ang exit ng ospital, malapit sa Kenny Rogers.

Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang puting Camry sa parking. Bago pa man siya makalapit ay bumukas na ang pinto sa backseat at pinasakay sila ni Zaq. Hindi na nagtanong ang lalaki at nagmaneho na lang. Kahit hindi niya sinabi, mukhang gets nito na nagmamadali siya kaya mabilis ang pagmamanehong ginawa nito.

Nakatulog agad si Cheska at saka pa lang niya nagawang kausapin si Zaq. "Pasensiya ka na, ha?"

Kinindatan lang siya nito at nginitian sa rearview mirror.

Napabuntong-hininga si Dahl. "Salamat, Doc. Okay lang na mamaya na lang ako mag-explain?"

"No problem."

"At, Doc..."

Sinulyapan siya nito sa salamin.

"Kuwan, may alam ka bang puwede naming tirhan pansamantala sa Tarlac?"

"Sa amin. Malaki ang bahay namin, maraming kuwarto."

"Hindi. Hindi puwede. Kuwan, makakasama kasi namin ang kapatid ko. Tatagpo siya sa Tarlac." Nakagat niya ang labi. Napabilis yata ang bibig niya. Sabagay, puwede naman silang umalis ng Tarlac agad-agad at hayaan si Zaq na maniwalang nandoon pa rin sila.

"O, di doon na rin siya sa bahay. Anim ang kuwarto ng bahay namin, bukod ang servant's quarters. May room sa attic, workshop ng kapatid ko pero nag-eermitanya ngayon sa bukid namin kaya libre rin 'yon. Puwede ang kapatid mo do'n kung hindi siya puwedeng magpakita sa ibang tao."

Napamaang si Dahl sa lalaki.

Ngumiti ito. "Lipat ka rito sa front, usap tayo."

Hindi siya nakasagot pero inihinto na ng lalaki sa shoulder lane ang kotse kaya napilitan siyang ayusin ang puwesto ni Cheska, saka umibis at pumuwesto sa front passenger seat.

"Nadinig ko 'yong sinabi ng kausap mo sa phone," panimula ni Zaq nang umandar na ulit ang kotse. "On the run ang kuya mo? Hinahabol ng mga pulis?"

Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng blouse niya.

"It's all right, you can trust me. May bad blood ako sa mga pulis. Pulis ang pumatay sa dad ko noong maliit pa kami ng kapatid ko. Hindi na siya namulatan ng sister ko."

Hindi niya alam kung maniniwala o hindi sa lalaki, pero nasa kotse siya nito at nasa kahabaan sila ng SLEX. May choice ba siya? Hindi na rin naman siya makakababa kung sakali. Nanalangin na lang siya na huwag sana silang itimbre sa pulisya, na maawa naman sana ito sa kanila.

"I'm listening," sabi nito mayamaya.

"Huh?"

"Tell me the story."

Huminga nang malalim si Dahl. "Mahabang kuwento."

"Mahaba rin ang biyahe."

Tumawa siya nang walang saya. "Baka ibaba mo 'ko sa pinakamalapit na police station."

"Bakit, wanted ka ba? Ikaw ba'ng may kaso?"

"Hindi ako, ang kuya ko. Saka wala pa siyang kaso. Sabi ng abogado, thirty days daw pagkatapos n'ong raid maipa-file ang kaso sakaling kakasuhan nga nila si Kuya."

"So, wala pang kaso pero hinahabol na siya ng mga pulis?"

Alanganin siyang sumagot. "Wala siya sa bahay nang mangyari ang raid pero tinaniman nila ng shabu ang kuwarto niya..." At itinuloy-tuloy na niya ang kuwento, pati na iyong anggulo tungkol sa pulis na karibal ng kuya niya kay Mariz.

Nang matapos magkuwento, kunot na kunot ang noo ni Zaq. "Jopet Santamaria?"

"PO2 Jose Pepito Santamaria, Jr."

Biglang napakabig sa kanan sa shoulder lane si Zaq at huminto ang sasakyan doon. Titig na titig ito sa kanya.

"Bakit?"

"Jose Pepito Santamaria ang pulis na pumatay sa tatay ko... ex-boyfriend ng mommy ko."

Nagulat si Dahl. Kung totoo ang sinabi ni Zaq... Like father, like son, naisaloob niya. Unless ibang Jose Pepito Santamaria ang nakapatay sa ama ni Zaq.

"Patay na rin si Sgt. Santamaria, noon pa."

Tumango na lang siya. Sana ay totoo ang kuwento ng lalaki para talagang magkakasimpatya ito sa kanila.

Hindi na sila nag-usap ni Zaq. Naging busy na siya sa pangungumusta sa mama niya sa text. Nagsalita lang uli ang binata nang ianunsiyo na malapit na sila sa bahay nito. Gising na si Cheska noon.

Pumasok sila sa isang kanto sa kabayanan at huminto sa tapat ng isang mataas at malaking gate. Mansiyon ang bahay nina Zaq. Bumusina ang lalaki at mamaya pa ay bumukas na ang gate.

"Dito ka muna," sabi ni Zaq nang huminto ang kotse sa loob ng garahe. Tumingin ito sa labas, sa may balkonahe kung saan nakaupo at nakangiting naghihintay ang dalawang matanda. "Kakausapin ko lang muna sina Mommy at Lola."

Tumango siya at hinabol ng tingin ang binata nang makaibis ng kotse. Dumeretso ito sa balkonahe, nagmano at humalik bago nakipag-usap sa dalawa, na sabay namang tumanaw sa kotse. Nakita niyang nagsitango ang dalawang matanda at binalikan na siya ni Zaq.

"Okay na," sabi nito nang pagbuksan siya ng pinto. Isinunod nito ang backseat at kinuha si Cheska roon, na hindi naman tumutol at agad pumayag na kargahin ng lalaki.

Binitbit ni Dahl ang malaking bag at sumunod na kina Zaq at Cheska patungo sa balkonahe. Nagmano siya at bumati sa dalawang matanda, ganoon din si Cheska. Pagkatapos ay iginiya sila ni Zaq patungo sa mga hilera ng silid sa second floor.

"Magpahinga muna ako. Mag-e-explain pa ako kina Lola at Mommy."

"Alam na ba nila...?"

"Pahapyaw. Binanggit ko lang ang Jose Pepito Santamaria at pumayag na sila agad. You'll be safe here, pati ang kuya mo pagdating niya."

"Tatanggapin n'yo kami rito, pati si Kuya?"

"Oo. May pagdadalhan kami sa kuya mo habang hindi pa siya puwedeng lumitaw."

"Saan?"

"Medyo recluse 'yong kapatid ko--she's an artist. May ipinatayo siyang bungalow na nakuha niya ang design sa Internet. Tiny house na parang garden shed lang siguro pero kumpleto raw. Nakita kong nag-upload siya ng picture sa Facebook, very rustic at sinadyang magmukhang luma pero sabi ni Mommy, kumpleto naman daw sa loob kaya lang makaluma. Ni walang faucet at hindi de-flush ang toilet, walang gas stove. Iba ang trip ng kapatid ko. Nagbubuhay-pioneer. Sabi rin ni Mommy, ang sukal-sukal daw doon ngayon kaya mas okay na matirhan ng lalaki para matabasan ang paligid. Nasa Nepal pala ang kapatid ko, last week pa raw."

Tumango na lang si Dahl. "Sana kumontak na si Kuya."

"Sabihin mo lang kapag malapit na siya at susunduin ko siya, deretsong hatid sa bahay ni Tabby."

"Sige. Zaq?" aniya nang buksan na ng lalaki ang isang pinto na nasa pinakadulo ng pasilyo.

Nilingon siya.

"Salamat."

Ngumiti ito. "You're welcome. And welcome kayo dito sa bahay."

Nang ma-settle sa malaking guest room na kumpleto sa loob mula sa pantry na may personal refrigerator at maraming stocks ng pagkain hanggang bath tub, iniwan na sila ni Zaq. Tutulong daw ito sa paghahanda ng late dinner dahil naghintay pala talaga ang dalawang matanda sa pagdating nito.

"Tita, ang cozy dito," sabi ni Cheska na pa-bounce-bounce pa sa malambot na queen-size bed.

"May cozy-cozy ka pang nalalaman," natawang sagot niya. Pero totoo ang sinabi nito. Parang isang sosyal na condo unit o silid sa hotel ang kuwartong iyon.

Nang tumawag ang mama niya, nagulat siya dahil iba na ang number nito. At sa isang hindi gaanong active na number ito tumawag. Naka-dual SIM kasi ang phone niya at kahit hindi Globe user, napilitan siyang saksakan ng Globe SIM card ang isang slot. Doon siya tinawagan ng ina sa bago nitong number.

"Nagpalit ako ng SIM, 'nak. Tumawag kasi ang Tita Salud mo, may mga umaaligid daw na lalaki sa bahay natin ngayong dumilim na." Pinsang-buo ng papa niya si Tita Salud. Matandang dalaga ito na kasamahin nila sa bahay.

"Ma, ano ba 'yan? Paano kayo uuwi niyan?"

"Iyon nga ang problema. Bukas discharged na si Sam. Pinapunta na ro'n ni Salud sina Menchu at Arianne para do'n na patuluyin nang may makasama siya." Magkapatid na second cousins niya ang tinutukoy nito. College student si Arianne at empleyada si Menchu sa isang kompanya. Naka-apartment ang dalawa at usapan na talagang doon sa kanila titira pagkatapos ng bakasyon ng kuya niya. Uubusin lang daw ng mga ito ang deposit sa apartment at lilipat na pero mukhang napaaga ngayon.

"Hindi naman sila natatakot?"

"Hindi naman daw. Nag-aalala lang sa atin. Hindi naman siguro sila aanuhin. Sabi ko, sabihing mga boarder natin 'yong magkapatid. Ang problema ko ngayon, sinabi mismo ni Attorney baka tayo ang gisahin at ipitin para ma-pressure na lumantad ang kuya mo."

Napakagat-labi si Dahl. Iyon din ang sinabi ni Mariz kanina sa phone. "Hayaan mo, Ma, mag-iisip ako ng paraan."

Pagkatapos makipag-usap sa ina, nag-isip ng paraan si Dahl. Eksaktong kumatok sa silid si Zaq, nakapagpasya na siya.

"Halika na, dinner's ready."

Inakay niya si Cheska palabas ng silid pero bago sila makalabas ay nagsalita si Zaq. "Dahl?"

Tiningnan niya ito.

"Sinabi kong girlfriend kita."

"Ha?"

"Baka kasi magulat sila kapag nalamang kanina lang tayo nagkakilala."

Nakakaunawang tumango si Dahl. "Pero baka mag-urirat sila at mabuking tayo?"

"Three months na tayo at mahal natin ang isa't isa," napangiting sabi nito. "Zaqueo Erazo ang pangalan ko. Sa UST ako grumaduate. Allergic ako sa seafoods. Mahilig akong magbasa. Ngayon ang birthday ko. Si Tabitha ang kapatid ko, twenty-four years old. Dalawa lang kami. Ang mommy ko, si Esmee, short for Esmeralda. Teresa ang lola ko, pero tawagin mo na lang na 'Lola Tetchie.' Si Dino naman ang best friend ko, doktor din dito naman sa bayan namin--Dr. Medino Marupit."

Sinaulo niya lahat ng sinabi nito. "UST, Tabitha aka Tabby na reclusive artist, Mommy Esmee, Lola Tetchie, Doctor Dino. Allergic sa seafoods, mahilig magbasa. Patay na ang daddy mo, pinatay ni Santamaria noong bata ka pa. Okay. Meron pa?"

"Doctor din dati si Lola, pediatrician. Member of the board siya ng Saint John the Baptist Medical Center." Iyon ang ospital na kinaroroonan ni Sam ngayon, kung saan sila nagkakilala ni Zaq. "May ospital din siya dito. Sacred Heart of Jesus Hospital. Doon nagpa-practice si Dino. Doctor din ang tatlong pinsan ko na puro lalaki pero lahat sila nasa States na. Dalawa lang ang anak ni Lola, ang daddy ko nga at ang Tita Rebecca ko na nasa US."

"Okay."

"Ikaw?"

"Dahlia Almar, pangatlo sa apat na magkakapatid. Twenty-seven years old, sa January eighteen magtu-twenty-eight. Ang panganay namin, si Rose, nasa London. Biyuda 'yon, siya ang nanay nitong si Cheska at 'yong isa ko pang pamangkin na si Maybelline o Belle. Ang sumunod kay Ate, si Kuya Junior--Oscar Almar, Jr. Thirty si Kuya. Ang bunso namin, si Sampaguita aka Sam, twenty-six. Dalaga pa 'yon."

"Ah, I see. Three flowers and one thorn."

"Er... Zaq? Wala ka bang girlfriend na, alam mo na... magagalit or something."

"Wala. Ikaw, baka may boyfriend ka na, alam mo na..." Ginaya nito ang tono niya.

"Wala. Once lang ako nagka-boyfriend, sa first job ko, pero mahigit one month lang 'yon. Hindi ako ligawin."

Mukhang nagulat si Zaq doon. "Hindi nga?"

Ngumiti na lang si Dahl. Hindi ako malandi, gusto niyang sabihin. Kinuha ni Sam lahat ng kalandian at hindi nag-share sa akin. "So, okay na siguro 'yon?"

"Okay na," nakatawang sagot nito. "Pero wawarningan kita. Ipi-pressure ka nina Lola at Mommy na bigyan sila ng apo."

Tumawa siya. "Wow. 'Buti sana kung may matris ako."

"Bakit, wala ba?"

Tumawa ulit si Dahl. "Hindi ko pa nate-testing kung meron nga."

Tumawa na rin si Zaq. "Madali lang ma-testing 'yan."

Medyo nailang si Dahl doon pero hindi niya binigyan ng malisya. Doctor si Zaq. Na-'finger' nga nito si Sam at tiyak na marami pang iba na wala namang malisya. Saka wala naman sa karakas nito ang manyakis.

Napansin ni Zaq ang biglang pagkailang niya kaya tumawa ito. "Don't mind me. Halika na, they're waiting."

Sa hapag, kahit lima lang sila ay masaya ang naging hapunan dahil makuwento ang ina at lola ni Zaq. At gaya ng babala ng binata, binuksan nga ni Lola Tetchie ang topic tungkol sa apo-sa-tuhod.

"Alam mo, hija, I'm eighty-one years old. Ang hiling ko nga sana sa mga apo ko, mabigyan nila ako ng great-grandchildren pagtuntong ko ng otsenta. One year nang overdue. Baka naman sakaling matupad sa inyo ni Zaq kapag eighty-two na ako."

Napatingin si Dahl kay Zaq. Ngingiti-ngiti lang ang lalaki at sa ekspresyon ay tila sinasabing, I told you.

"Basta ganito kaganda, nakuuu!" Gigil na pinisil ni Mommy Esmee ang baba ni Cheska. "Tsinitang morena."

"Saan ka kukuha ng morena, hindi naman maitim si Dahl," sabi ni Lola Tetchie. "At tisoy itong anak mo."

Napangiti si Dahl. "'Yong nanay ho n'yan, maitim. Pati 'yong kuya ko. Baka sakaling makakuha sa kanila kung morena ang special request n'yo," pagsakay niya sa biruan. "Fifty-fifty chances ho sa family. Sa aming apat, dalawa kaming maputi at dalawang maitim. Sa mga pamangkin ko, maputi rin 'yong ate nito at itong si Ches ang naging morena." Napansin niyang kuminang lalo ang mga mata ni Zaq sa pagkakangiti.

Bakit ba paguwapo yata ito nang paguwapo sa paningin niya? Hindi na totoy ang tingin niya rito. Parang lalaking-lalaki na. Considering iilang oras pa lang silang magkakilala, pero nag-iba na agad nang husto ang tingin niya rito.

"Aba, okay na ang fifty-fifty kaysa sa amin, puro mapuputla. Kaya lang, twenty-five percent na lang ang chances ko na magkaroon ng apong morena. But twenty-five percent is still good," sagot ni Mommy Esmee na inayunan ni Lola Tetchie habang pangiti-ngiti pa rin si Zaq na parang amused na amused sa usapan.

Pagkatapos ng hapunan, naghikab na si Cheska at deretsong nakatulog. Hindi naman ito mahirap alagaan kaya nga paborito niya ito. Pareho daw silang mabait at maraming ugali niya ang namana nito. Maski noong baby, hindi ito iyakin. Kung magigising ito, hindi ito iiyak pero baka hanapin siya at sa laki ng bahay ng mga Erazo, baka mag-panic ito kapag hindi siya nakita. Kaya medyo alinlangan siya nang magyayang magkuwentuhan sina Lola Tetchie at Mommy Esmee sa lanai.

"Ako na ang bahala kay Cheska," pagboboluntaryo ni Zaq. Katapat n'yo lang 'yong room ko. Hindi ko na lang isasara ang pinto ko para kita ko kung lalabas siya para hanapin ka."

"Sige. Salamat, Zaq."

"It's alright, babe." Hinawakan pa siya nito sa kamay at pinisil iyon.

Babe. Right. Dapat masanay na rin siya na 'nakikipaglambingan' sa lalaki kapag kaharap ang ina at lola nito. "Thanks... babe."

Kuminang na naman ang mga mata ni Zaq.

Shit, 'cute talaga ng lintik. Medyo nag-alala tuloy siya sa naramdaman. Ingat-ingat 'pag may time, Dahlia. Baka ma-fall ka. Palabas lang ito, 'wag dibdibin.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
12.4K 54 55
This is one-shot compilations that I did. I own these stories. Please don't plagiarize. I'll post all my one-shot stories here.
1.2M 35.6K 54
He doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...