SARANGHAE

By Azel-phr

23.5K 429 33

Completed na po ata ito? hehe More

Part 1
Part 2
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10

Part 3

1.8K 30 1
By Azel-phr


MAAGANG nagising si Sapphire kinabukasan. At nang lumabas siya ng kwarto, nagulat pa siya nang masalubong niya ang Mama niya. Mukhang hindi ito bagong gising. Nakabihis na nga ito pero mukhang hindi naman paalis. Ibig sabihin kakauwi lang nito?

"Hindi ka umuwi kagabi?" tanong niya dito.

"Pasensiya na anak, nakiusap kasi sa akin si Miguelito na doon ako sa apartment niya matulog kagabi."

"Ikaw doon niya pinatulog pero ang kaibigan niya dito niya itinapon sa atin? Magaling."

"Anak sinabi ko na naman sa iyo 'di ba? Ako naman talaga itong nakiusap na dito tumira sa atin si Chandler. Hindi rin kasi pwede ang maingay doon sa tinitirhan ni Miguelito kaya hindi siya pwede doon."

Biglang umarko ang isang kilay niya. "Sa simula pala alam niyo na ang trip niya? Ma naman, hindi niyo man lang ba ako naisip? Panggabi ang trabaho ko, kailangan ko ng tahimik na araw para makapagpahinga tapos nagdala kayo ng mag-iingay sa bahay natin?"

"Hindi ko naman kasi akalain na ganyan pala siya makapagpatugtog. Ang sabi lang kasi sa akin ni Miguelito, ayaw ni Chandler ng tahimik. Palagi daw nagpapatugtog. Ang nasa isip ko naman, mahilig ka rin naman magpatugtog ng hindi mo pa nga naiintindihan kaya pumayag ako."

"E kung ayaw pala niya ng tahimik, bakit hindi na lang siya maglagay ng earphone sa taenga niya ng buong araw. Hindi iyong nangdadamay siya."

"Pagtiisan mo na lang muna anak."

"Pagtiisan? Ng isang taon? Well, baka nga hindi na rin umabot kasi sa susunod na buwan baka nabingi na 'ko."

"Sabi mo naman maghahanap ka ng perang maibabayad natin sa kanya. Kapag nabuo mo na ang pera, e di sabihan natin siya na humanap na lang ng ibang matitirahan."

Napasimangot siya. "Para namang ang dali makahanap ng ganoon kalaking pera. Magnanakaw ba ng bangko ang lalaking iyon at nagkaroon ng ganoong pera?"

"Ang sabi sa akin ni Miguelito, mayaman daw ang pamilya nila Chandler."

"Mayaman? E bakit nakikisiksik pa dito sa atin? Mayaman naman pala, umalis na lang siya."

"Aba'y malay ko, bakit hindi mo tanungin ng malaman mo.Sandali, may nangyari ba kagabi?."

"Nangyari?" naalala niya ang nagawang pagbuhos ng malamig na tubig dito kagabi. "S-Sa kanya? Parang binangungot ata siya?" sagot niya na kunwari hindi siya sigurado.

"Binangungot? Naku, baka nakalimot magpatugtog. Sabi kasi ni Miguelito, binabangungot daw iyon kapag nakakatulog ng tahimik. Nakahiyaan ko na nga lang itanong kung bakit e, natatakot rin akong malaman kaya hindi ko na inalam."

Panandalian siyang natahimik. May dahilan pala ang pagpapatugtog nito. Pero ano naman kaya ang nangyari dito at nakakabangungot para dito ang katahimikan?

"Bakit niyo nga po pala naitanong kung anong nangyari kagabi?"

"Nadatnan ko kasi siyang natutulog sa sahig. Baka lang kasi naglasing o kung ano pero wala naman akong nakitang bote ng beer, pitsel lang ang nandoon."

"Baka nalasing sa tubig."

HINDI siya nakapaglaba kahapon dahil sa pag-iwas niyasa maingay nilang bahay kaya gabundok pa rin ang labahin niya. Masyado na rin yatang busy ang Mama niya sa trabaho nito maging sa boyfriend nito kaya hindi na rin nagawang maglaba kaya naman, isinama na rin niya ang labahin nito. Naka washing machine naman kasi siya. Habang naghihintay, nagbasa na lang muna siya ng pocketbook pampalipas ng oras. Kilig na kilig na siya sa binabasa nang may sumira na naman sa mood niya. Nagsimula na naman kasi ang makasira eardrum na tugtog.

Sa nasabi sa kanya ng Mama niya, kahit papaano naiitindihan niya kung bakit nagpapatugtog si Chandler. Pero kailangan ba talaga kahit ang taas ng sikat ng araw, mag-iingay pa rin ito? May binabangungot bang gising? Wala ba itong trabaho at nang kahit isang araw man lang, maiwasan niya ang pag-iingay nito?

Sinubukan niyang tiisin pero nakakainit talaga kasi ng ulo ang tugtog. Kung hindi man siya mabinge sa mga susunod na araw, baka mamatay naman siya sa sobrang inis kaya habang buhay pa siya, dapat na siguro niyang ipaalam dito ang mga rules niya bilang may-ari siya ng bahay. Iniwan na muna niya ang labahin at hinanap si Chandler. At kagaya ng inaasahan niya, nasa living room nila ito. May kwarto naman ito pero bakit ba gustong-gusto nitong doon pumirme?

Wala siyang pakialam kung magalit man ito. Pinatay niya ang music bago niya ito hinarap. Siguradong nakuha niya ang atensiyon nito sa ginawa niya dahil nakatingin na pala ito sa kanya.

"Wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi mag-ingay?" nakapameywang niyang sabi dito.

"Huwag mo na lang akong pakialaman pwede ba?"

"Huwag pakialaman? At bakit naman ako hindi makikialam? Sa loob ng pamamahay ko ikaw nag-iingay! Bakit ba hindi ka na lang doon mag-ingay sa loob ng kwarto mo at gumamit ka ng headphone ng 'di ka nakakaisturbo!"

"At bakit ko naman susundin ang gusto mo? Gusto mo ba 'kong mabingi?"

"Aba at alam mo naman pala na nakakabingi ang mga kanta mo, bakit ka pa nagpapatugtog?"

"Huwag ka na lang makinig kung hindi mo gusto."

"Huwag makinig? Sa lakas mong mag-ingay? Kahit magsuot pa ako ng ear plug, hindi makakatulong. Kung bakit kasi dito ka pa pinatira ni Mama,nakakasiraka ng tahimik kong mundo! Kung may mabilis lang na paraan para mapaalis kita, ginawa ko na!" nanggigigil niyang sabi dito.

"Gusto mo ng mabilis na paraan?"

"Kasasabi ko nga lang 'di ba? Nagka-resulta na ba agad ang pag-iingay mo at hindi ka na makarinig?!"

"Well, may gusto lang naman akong i-offer sa 'yo. Hindi mo na kailangan bayaran pa 'ko sa lahat ng ibinayad ko sa inyo," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Bigla siyang na-conscious sa tingin nito sa kanya. Natakpan niyang bigla ang katawan pero hindi naman lahat, kamay lang naman kasi niya ang ginamit niya. "Bakit mo 'ko tinitingnan ng ganyan?"

"Iniisip mo bang katawan mo ang hihingin kong kapalit? Huwag ka ng mangarap. Hindi ko tipo ang mga babaeng pinaglihi sa matchstick."

Matchstick? Ang katawan niya? Malabo ba ang mga mata nito? Kung sumali nga lang siya sa binibining pilipinas, malamang nanalo na siya sa tangkad at sexiness niya. Lalo na kapag idinagdag pa ang brains.

"Excuse me? Mata mo lang ang may problema, hindi ang katawan ko."

"Be my girlfriend for a week and that's gonna be the end. Aalis ako ng bahay niyo pagkatapos," bigla nitong sabi.

Napakunot ang noo niya. "Anong sinabi mo?" tanong niya. Baka kasi nabingi na siya at mali ang narinig.

"Sumama ka sa bahay namin and meet my Mom, my siblings. Kailangan mo lang magpanggap maging girlfriend ko ng isang linggo."

"At bakit naman kaya ako papayag? Gusto mo pa talaga akong manloko sa Mama at mga kapamilya mo? Baka naman terror sila at gusto mo lang akong ipahiya."

"I'm giving you an option to get rid of me the fastest way. Kung ayaw mo, pagtiisan mo 'ko ng isang taon," sabi nito sabay tayo at muli na namang pinatugtog ang kantang mortal na yata niyang kaaway.

Isang linggo? Hindi na rin naman siya agrabyado kumpara sa isang taon na pagtitiis. Pero ano naman kaya ang dahilan at gusto nitong gawin niya iyon? Bahala na lang, ang mahalaga mapabilis ang pagkawala nito sa buhay niya.

"Oo na sige na!" nakasigaw niyang sabi dahil maingay na naman kasi ang paligid nila. "Basta, hanggang isang linggo lang talaga!" pagbabanta pa niya dito.

"Hindi mo na dapat sabihin pa 'yan dahil wala akong planong i-extend. Wala lang talaga akong ibang pwedeng maipambala."

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko mag-leave ka na next week."

Sigurado siyang hindi iyon ang narinig niyang sinabi nito pero hinayaan na lang niya. "Huwag mong ipapaalam kahit sino ang pagpapanggap natin!"

"Talaga.Baka ikaw pa nga ang magsimulang magkalat. Hindi ba nga kamukha ko ang idol mo? Baka bigla mo na lang akong kunan ng litro at ipagyabang mong may boyfriend kang gwapo."

Maingay pero ng mga oras na iyon, dinig na dinig niya ang mga pinagsasasabi ni Chandler. Paano nito nalaman na kamukha ito ng idol niya? Ang Mama niya! Bakit kailangang ipagkalat pa! Nakakahiya!

"Magkamukha kayo pero hindi magkaugali. Isa pa kahit daliri mo hindi ko kukunan ng litrato, baka masira pa ang cellphone ko," sabi niya sabay talikod dito.

"On Monday! Be ready!" paalala nito sa araw ng alis nila.

"Hindi pa 'ko pwede next week, sa susunod pa," on leave rin kasi ang isa mga katrabaho niya kaya malamang, hindi agad siya payagan.

Sa sinabi niya, tumango lang naman ito kaya siguro ayos lang.

"WHAT?" si Chanyeol gusto kang maging girlfriend? Kahit one week, okay na rin 'yan!" kilig na kilig na sabi ni Rocky nang dalawin niya ito ng araw rin na iyon.

Nakasimangot niya itong hinarap. "Ang kamukha nga lang 'di ba? Isa pa, magpapanggap lang."

"Disappointed ka? Bakit, gusto mo ba true to life? Pang-forever?"

"Ano ka! Pumayag lang ako para mapaikli ang panahon na titira siya sa amin, iyon lang ang dahilan at wala ng iba."

"Sinabi mo e. Pero bakit nga ba gusto ka niyang magpanggap?"

"Malay. Hindi naman sinabi."

"Naku baka gawin ka lang pangpaselos sa ex niyan. Baka may family gathering sila at invited ang ex kasi close na sa pamilya. Baka gustong ipalabas na naka-move on na siya. Naku, maghanda ka, baka bigla kang masabunutan doon."

"Kung ganyan nga ang mangyari, subukan lang ng ex niyang hawakan kahit damit ko, babaliin ko ang mga daliri niya."

"Wow, ang tapang ng present girlfriend a. Baka maging totohanan iyan ha, masaktan ka lang. Ang puso my friend, protektahan."

"Fake girlfriend lang Rocky. At gaya ng sabi ko, kahit kamukha pa niya ang idol ko, hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon."

"Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo. Madalas ang puso iba ang ipinipintig sa sinasabi ng utak, baka bigla kang malito niyan at umuwing luhaan."

"I'll never fall inlove with that jerk Rocky, remember that."

"Puso mo ang sabihan mo, hindi ako."

0%;2WW-

Continue Reading

You'll Also Like

98.9K 1.6K 14
Isang pangako ng kamusmusan ang pilit niyang kinakalimutan. Gaya ng gasgas ng linyang "promises are meant to be broken", alam niyang ang pangakong bi...
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
60.2K 1.3K 12
This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imagine what my life would be without you in...