The Anatomy Of Vio Lakosta

By PogingBlack

592K 30.6K 6.2K

VIOLAK ang batang may balak. More

Warning ⚠
Simula
V1
V2
V3
V4
V5
V6
V7
V8
V9
V10
V11
V12
V13
V14
V15
V16
V17
V18
V19
V20
V21
V22
V23
V24
V25
V26
V27
V28
V29
V30
V31
V32
V33
V34
IMs
V35
V36
V37
V38
V39
V40
V41
V42
Your Claire Collamar
V43
V44
V46
V47
Claire Collamar version 2.0
V48
V49
V50
V51
V52
V53
V54
V55
V56
V57
V58
V59
V60
V61
V62
Wakas
Note
In the name of my eight abs. 😎

V45

7K 399 86
By PogingBlack

Vio Lakosta

Maingay na ang buong dance floor ng makapasok kami sa club na pagmamay-ari ng pamilya nila Damien.

Nasa likuran lamang nila akong tatlo at panay ang tigil namin dahil sa mga nakakasalubong naming kakilala ni Damien. Nang mapansin kong may makakabangga kay dwarfy ay agad ko siyang hinila sa gilid ko 'tsaka ko siya inakbayan. Tumingala siya sa akin at nagtatanong ang mga mata nitong tumitig sa akin.

"Madali kang mawawala sa ganitong lugar. Ang liit mo pa naman. Isang buhat lang sayo, matatangay kana." Nakangisi kong sabi. Inismiran niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa iminuwestra sa amin ni Damien ang mukhang pinakamalaking lounge sa buong bar.

Pagkaupo palang namin ay mayroon na agad lumapit sa aming pwesto.

"Hi Vio! You look so hot tonight." Panunukso ni Sayuri sa akin. She's my former classmate in Film and Visual studies. Kinuha ko ang kursong iyon dahil sa mga isinusulat ni mama. I want to give life with her books visually. Sa dami na ng nagawa niyang libro ni isa doon ay ayaw niyang gawing movie.

Ang lounge na ata namin ang pinakamaingay dahil sa dami ng mga lumalapit na mga kakilala. Nilingon ko si Amethy na nakakailang shot na. Sumulyap siya sa akin at iniabot ang isang shot. Tinawanan ko siya at kinuha iyon 'tsaka ko lamang inilapag ang baso sa aming mesa.

"May problema ba 'yan at naglalasing siya ng ganyan?" Bulong ni dwarfy sa aking gilid. Nagkibit balikat lamang ako at iniabot ang juice sakaniya.

Nag ayang sumayaw ang mga kasama namin sa dance floor ngunit nagpaiwan lamang ako. Nahila ni Damien si dwarfy at Amethy habang tumango lamang ako sakanila.

Nang mapag-isa sa lounge ay isinindal ko ang aking ulo sa backrest ng sofa. Bahagya kong ikinikibot ang aking ulo kasabay ng tugtog.

Nakaidlip ako sa ganoong ayos. Nagising lamang ako ng may maramdaman akong umupo sa aking kandungan.

Napaayos ako ng upo ng makitang titig na titig sa akin si Amethy. Kung hindi lamang siya ito ay siguradong kanina ko pa siya naitulak.

Pinalo ko ang sofa sa tabi ko upang doon siya umupo ngunit itinulak lamang niya ako pasandal ulit sa sofa. Umayos siya ng upo sa aking kandungan at inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin. Shit.

"I'm feeling a little off today, can you turn me on?" She teased.

"You're drunk Amethy." natatawa kong sabi. Amoy na amoy ko ang alak sakaniyang hininga.

Nawala ang mapaglarong ngisi sakaniyang mga labi at sumeryoso ang mukha nito.

"What do you see in me, Vio? Do I look beautiful?" Tanong niya.

"Yes. You should rest Amethy." Sabi ko ngunit lalo lamang niyang idiniin ang katawan sa akin.

"Do you know that I'm falling for you every single time?" aniya at akmang hahalikan ako ngunit iniiwas ko ang aking mukha sakaniya.

Hinawakan ko ang bewang niya at pinaupo ko siya sa tabi. Tumitig siya sa akin at sumandal sa backrest ng sofa.

"We can try it. If it doesn't work then I will do everything to make it work." Seryosong sabi niya.

Ngumiti ako. "Ayhen is right. You're not inlove with me Amethy, you are inlove with someone else. Look around and see it for yourself."

"No! I love you. This is my feeling not yours! My heart is beating for you, Vio. Can't you see it?" She hissed.

"Oh! Do you like Ayhen?" Hindi siguradong tanong niya.

Gumapang siya palapit sa akin ngunit tumayo ako at lumayo ng bahagya sakaniya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya sa ginawa ko ngunit hindi ako nakaramdam ng pagsisisi.

"Just give me a chance. I'll prove it to you!" Aniya. Umiling lamang ako at tinitigan siyang umiiyak sakaniyang kinauupuan.

"What's happening?" Nagtatakang tanong ni Damien na unti-unting nawawala ang tuwa galing sa dance floor.

Kumunot ang noo niya ng makitang umiiyak si Amethy.

"Please give me a chance." She said in between her sobs.

Umiling ako sakaniya pagkatapos ay naramdaman ko na lamang ang kamao ni Damien sa aking mukha. Natumba ako at napaupo sa sofa.

"What the fck dude?!" He retorted.

Susugod pa sana ito sa akin ngunit itinulak siya ni Amethy at humarang sa gitna namin.

"You bastard! Why did you punch him?!" sigaw niya rito. Tinulak-tulak niya si Damien palayo sa akin.

"Because you are crying kid. Bullshit!" Galit na sabi ni Damien at sinalo ang mga kamay ni Amethy na tumutulak sakaniya.

"I'm not crying! Let go of my hand!" Sigaw naman pabalik ni Amethy. Ngunit imbes na bitawan siya ni Damien ay hinila siya nito palayo sa lounge hanggang sa mawala sila sa aking paningin.

Nang malasahan ko ang sariling dugo ay pinunasan ko ang gilid ng aking labi gamit ang likuran ng aking kamay.

"Anong nangyari?" Tanong ni dwarfy ng makabalik sa aming mesa. Tumayo ako at iniabot sakaniya ang kaniyang bag.

"Let's go." Sabi ko. Nakakaramdam na ako ng hilo. Hindi dahil sa alak kundi dahil sa reaksyon ng aking katawan sa dumadaloy na dugo sa gilid ng aking labi.

Damn. I really need to go back.

--

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
3.2M 88.4K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...