V31

7K 412 49
                                    

Vio Lakosta

Nag bulungan ang mga nasa paligid habang ang iba ay narinig kong nagtititili.

"Vio, help!" Boses ni dwarfy sa speaker. Wengya, ngayon pa talaga siya nahuli.

Agad akong bumaba sa field at hinila si piglet na wala paring reaksyon. Tumingala ako at namataan ko ang isang school officer na ginagala ang paningin sa buong field. Hanggang sa makita ako nito. Pambihira! Alam kong mangyayari 'to pero napakabilis naman ata? Hindi pa nga kami nakapag-usap nitong baboy na hinihila ko.

Sinalubong ko ang officer 'tsaka ako ngumiti sakaniya na nakakunot ang noo.

"In the guidance office. Now." Aniya.

"Yes, sir!" Natutuwa ko pang sabi.

Nilingon ko si piggy. Umirap siya sa akin at hinayaan lamang niya na hilahin ko siya patungo sa guidance. Damay-damay na. Kasalanan niya din ito.

Nang pumasok kami sa guidance office ay naroon na si dwarfy na hindi na maipinta ang mukha. Para siyang naiiyak pero matapang na hinaharap ang guidance head.

"Alam mo bang nanganganib na ang scholarship mo pagkatapos ay ginawa mo pa ito?" Pangaral sakaniya ng guidance head na si Miss Elaine Santiago.

Hinila ko ang ang kamay ni piggy at hinarap si Miss Santiago.

"Good morning, Miss. She's out of here. Ako po ang may kasalanan." Mula kay dwarfy ay lumipat ang mga mata ng head sa akin.

"Yes, Mr. Lakosta. Matalino kang bata at alam kong alam mo na ang ginawa niyo ay lumalabag sa school rules and regulations. But since this is your first offense. Ipapadala ko kayo sa detention room. And may I remind the both of you, this is your last warning." Aniya.

Tumango ako. Mabuti nalang ay detention lang na talagang inaasahan ko at hindi ang mag linis gaya ng ginawa ni piggy noon.

Dinala kami ng officer sa detention.

"Baka gusto mo ng bitawan ang kamay ko?" Masungit na sabi ni piggy ng nasa harap na kami nang pintuan ng detention room.

Nilingon ko siya at binitiwan ang kamay niya. Ngumiti ako 'tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi niya, bahagya kong inipit ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad dahilan para lumobo ang taba niya sa pisngi pati na ang kaniyang ilong at labi.

"Sasama ka sa loob dahil ikaw naman ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon." Nakangisi kong sabi.

Ayos! Ngayon ay makakapag-usap na kami.

--
Ano kayang mangyayari sa detention room? Isang piglet. Isang dwarfy. At isang skeleton. Abangan. 😂😂😂

The Anatomy Of Vio LakostaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu