CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: T...

By prudence_19

2.4K 69 46

CROOKS-TO-GO Book 2 Antonio: The Deceitful Crook Recurring dreams. Repeating nightmares. It has haunted the d... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 2

195 5 0
By prudence_19

NAPABALIKWAS SIYA MULA SA PAGTULOG DAHIL SA SIGAWAN NG MGA TAO SA LABAS NG BAHAY. "Ang ingay naman!" Bumangon siya mula sa pagkakahiga at bumaba sa kama. Sumilip siya sa slat ng bintana at nahintakutan sa eksenang natunghayan.

Ang Demonyo, nagsisisigaw at nagmumura sa harap ng gate nila! May kaaway ito at sinisigawan sa mismong tenga ng mga mura at pagmamaliit na hindi nya masikmura.

"Putang ina mo! Mamamatay ka sa 'kin hayup ka! 'King ina ka!" Singhal nito habang hawak hawak ang ulo ng kausap. Tutok na tutok ang umaapoy nitong bunganga sa tenga ng kausap na akala mo'y bingi na. Ang Anghel! Pinaparusahan na naman ng Demonyo ang Anghel! Bigla nitong hinaltak patayo ang Anghel na walang nagawa kundi ang umiyak at tumiklop mula sa nakakarimarim na mukha ng Demonyo!

"Tama na, maawa ka!" Pagsusumamo nito sa Demonyong bingi sa katwiran.

"Tangina mo, anong maawa?! Papatayin kitang hayup ka!"

Nakita nyang paulit ulit na sinasaktan ng Demonyo ang Anghel, kanda iwas at kanda ilag ito ngunit hindi masalag ng maninipis na braso ang mga hataw ng dusa at pagmamalupit. Bawat unday ng Demonyo ay humahagupit at lumalatay sa katawan ng patpating Anghel na hindi na makagulapay sa gulpi.

Hindi na siya nakatiis at lumabas na siya ng bahay.

"Tama na 'yan! Awatin n'yo! Parang awa n'yo na!" Tiningnan niya ang mga miron, ang mga kapitbahay na wala man lang balak tumulong, lahat ay takot din sa Demonyo.

Dahil sa pagsigaw ay napatutok sa kanya ang mapupulang apoy na mga mata ng Demonyo. Tinitigan siya nito ng mariin, at kusang nagtayuan ang mga balahibo niya sa buong katawan. Bahag ang buntot na napaatras siya.

"Huwag, huwag mo na s'yang idamay, ako na lang! Parang awa mo na!" Sigaw ng Anghel na sinusubukang ibaling ang mukha ng Demonyo pabalik dito. Masidhi itong nangunyapit at yumakap sa Demonyo, na para bang ipinipilit na isangkalan ang gulpi at bugbog saradong katawan.

Subalit huli na, nakita na siya ng Demonyo. Isinalya nito sa lupa ang Anghel. At saka siya dinuro ng daliri nitong mahahaba ang kuko at punong puno ng abo.

"Ikaw! Puking ina mo! Isa ka pa! Uunahin na kita!" sigaw nito sa kanya.

Napaatras siya mula sa kinatatayuan. Hindi malaman kung saan susuling. Sumugod ang Demonyo sa kanyang pwesto, dinaluhong siya nito na animo'y tigreng lalapa sa isang walang labang usa. Isang sapak agad ang tumama sa mukha niya 'di pa man ito tuluyang nakakalapit. Nang bumagsak siya sa lupa ay kinubabawan na siya nito at saka paulit ulit na binira, hinataw, sinuntok, sinaktan.

Sa di kalayuan ay naririnig niya ang impit na palahaw ng Anghel. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya itong pagapang na nagpipilit lumapit upang madaluhan siya. Ngunit bali na ang pakpak ng Anghel. Hindi na ito makalilipad pang muli.

At tulad niya ay pareho silang hindi na nakayanan ang pananakit na tinamo. Hindi lang mukha o katawan ang masakit sa kanya. Sa pakiwari, durog na rin ang kaluluwa niya.

Papalapit na naman ang isang sapak sa kanyang mukha. At nang tumama ito ay nagdilim na ang lahat.





MAAGANG NAGIGISING SI FATIMA. Alas kwatro y medya pa lang ay nagsisimula na syang gumawa ng mga gawaing-bahay, bagay na nakasanayan na niya simula pagkabata.

Magsasaing, magpapalambot o di kaya naman ay magbababad ng karne para i-marinate at mailuto sa tanghali, magpe-prepare ng almusal depende kung ilan ang kakain, at saka maglilinis ng bakuran ng mansyon, at sa paligid ng resort. Kung minsan, kapag mahahaba na ang mga damo ay ginagamit pa nya ang grass cutter at saka tinatabas ang mga damong ligaw. Chay na chay talaga ang peg nya! Achay!

Kasalukuyan syang naghahawan ng damuhan nang sumikat si Haring Araw. "Good morning Mr. Sunshine! Charot! Kala mo naman sasagot yang araw sa kin!" Natigilan sya saglit. "Kinakausap ko na naman ang sarili ko para kong timang dito! Eh may ibang tao naman sa isla! Gaga ka talaga Fatima, nagpapaka-atchay ka dito eh may mga papa-bles sa mansyon!" Mga papa-bles na may maitim na balak.

Naalala nya ang mga tagpo nang nagdaang araw. Umaming mag-jowa yung lalaking may breeding na Gelo daw ang name, at yung lalaking tumpak sya na bading na Paul naman daw ang pangalan. Akalain mo yun?! Ang gagwapo ng dalawa, isipin mong sila pala?!

Buti na lang di sya nagka-crush kay Gelo! Badesa pala!

Mula nang dumating ang mga ito, hanggang sa maka-settle sa kani-kaniyang kwarto, at maging nang mag-umpukan na nakapalibot sa bonfire nung gumabi na, ay maya't maya nya itong binulabog. Tipong unexpected bawat entrance nya, ni hindi nila nararamdaman na nasa tabi na pala sya.

Ninja moves kung ninja moves!

Iyon lang ang naisip nyang paraan para makapagmanman sa mga ito. At effective naman! Ilang beses na muntikan na nyang mahuli ang mga ito, pero maya't maya din ay sumusulpot ang lalaking dungo na Antonio pala ang pangalan. Buti pa yung higanteng si Kevin, parang dedma sa lahat ng bagay. Pag kinakausap eh parating mga balikat ang sumasagot, na para bang iba't iba ang ibig sabihin ng bawat pagkibit ng mga balikat nito.

Pero ang Antoniong iyon, iba! And she was wrong on so many levels. Hindi ito patpatin. Dahil bukod tanging ito lang naman ang nag-swimming nung nakaraang araw, hubad ang pang-itaas na naglakad ito sa dalampasigan. Animo'y ninuno si Poseidon kung maka-strut ito sa beach ng isla.

Everyday is a fashion show, and the world is my runway.

Narinig nya minsan sa Miss Gay sa barangay nila, and the guy reminded her of that kasabihang pang-pageant. Kahit simpleng board shorts ang suot nito, parang iyon ang pinakamahal at pinakamagarang board shorts in the world, the universe rather. Confidently beautiful itong lumakad sa dalampasigan, at maya-maya ay parang slow-mo itong tumakbo ala Baywatch sa tubig, at saka nag-dive pakontra sa alon.

Nang umahon ito ay iwinasiwas pa ang buhok na parang nasa commercial ng shampoo. He is simply beautiful. Not the K-pop type of beauty na parang retokado kada kurba ng mukha at abs. Her eyes are drawn to those sharp jaws, gustong gusto na nyang isigang ang panga nito kahapon pa!

She thought he was shy, timid and dull. Pero parang noong una lang ito mahiyain. Parang nung mga sumunod na minuto ay nag-ibang anyo na ito at pilit na sinabayan ang agos nya. Narinig nyang tinawag itong hunyango ni Paul, at tumpak ang beki! Medyo hunyango nga ang kumag, pero may itinatago rin itong si Paul na di nya mahulaan.

Narinig pa nyang tinawag syang impakta ng baklitang iyon kagabi. Pagkatapos nyang magpipindot at gumawa ng palitaw! Palitaw! Effort yun ha! Nagkayod pa sya ng niyog! Manual! As in kudkuran ng niyog ang ginamit nya! Tapos tatawagin lang syang impakta! Baklang yon! Wrong grammar na, panay bloopers pa! Laki daw sa Germany, eh parang laking iskwater! Mas magaling pa kong mag-English!

Pero hindi nya maitodo ang pag-eespiya dahil nga kabi-kabila ang pagpapa-cute ng singkit na tuna panga. She was able to gather snippets of information, despite the obvious distractive tactics of Antonio. Hindi talaga mag-jowa ang dalawang gwapo pero parang doon sila patungo, at may gusto ang higante sa unano. Love triangle!

Nang makita nyang magkapatong na halos ang dalawa sa buhanginan, hinila sya ni Antonio palayo sa lovebirds. Nakita nyang nagtatagis ang bagang ni Kevin sa di kalayuan, pero hindi naman sumusugod para manggulo.

"Miss Fatz, wag mo na munang intindihin yung mga yon. Samahan mo ko, luto tayo ng sisig." Sabi ni Antonio sa gilid nya na nakahawak pa rin pala sa kamay nya.

"Hoy! Kanina ka pa tsansing nang tsansing!" Nakakahalata na ko sayo ha!" If I know, dini-distract mo lang ako! Gagong to!

"Nagagalit, pero hindi bumibitaw!" Naningkit ang mga mata nito sa pambubuska.

Bigla nyang na-realize na nakahawak din pala siya sa kumag. Parang nakuryente na bumitaw sya dito at nauna nang nagtungo sa kusina.

"Huy! Wait lang! Tulungan na kita!" Nang maabutan sya nito ay hinila nito ang kamay nya at pabigla syang hinila, napaikot tuloy sya pabalik. Kaso sumobra yung hila ng lalaki, muntik na syang matalisod. Imbis tuloy na romantic yung scene eh natawa sila pareho.

Nakanganga pa sya sa pagtawa nang bigla syang hinila patayo ng lalaki, sabay smack sa lips.

Nanlaki ang mga mata nya at naiwan syang nakanganga, ni hindi namalayan na tumuloy na pala ang lalaki sa kusina habang tumatawa.

"Isara mo na yang bibig mo, Miss Fatz! Baka pasukan ng gamu-gamo!"

Saka pa lang nya naisara ang bibig at umuusok ang ilong na sumugod sa kusina.

"Hayup ka! Bakit ka nanghahalik! Tarantado ka!"

Naghahanap pa sya ng pwedeng ipukpok dito, pero paglingon nya ay wala na ito sa kusina. Parang mauupos na kandila na napasandal sya sa counter. Mariing ipinikit ang mga mata.

"May oras ka rin sa kin, singkit ka! Isi-sigang ko talaga yang panga mo!" Kagigil!

Nasa ganoon syang estado nang masilip nya sa bintana ang nagaganap na MMA slash umbagan nina Gelo at Kevin. Nakahanap ng mapagbabalingan ng gigil, kumuha sya ng baldeng may tubig, nilagyan ito ng ice cubes, binuhat ang balde papunta sa dalawang haragan, at saka ibinuhos dito ang malamig na tubig! Ice bucket challenge! Para sa ALS! Mga buset!

"Ting-ting ting-ting!"sigaw nya sa dalawa. "Kanina pa ting-ting nang ting-ting yung bell di pa rin kayo tumitigil! Isang round lang! Kaloka kayo! Yung pinag-aawayan nyo magbibigti na ata!"

Di na nya sinundan ang mga kaganapan matapos iyon. Parang drained na nagtungo sya sa kwarto at saka nahiga.

"Walangya kang singkit ka, bukas ka sa kin. Dadalhin kita sa kweba!"

Nang maalala ang balak ay napangiti sa sarili ang achay.

"Miss Beautiful, bakit ang ganda ng ngiti mo?" biglang sabi ni Antonio na nasa tabi na pala nya. Ang hunyango, mukhang pati ang ninja moves na espiya tactics nya ay nagagaya na nito! He managed to sneak up on her, bagay na ayaw na ayaw nyang nangyayari.

"Asshole ka, you still owe me for that kiss. But since guests kayo ng balyena, saka na ko maniningil. Ano bang itinerary nyo?" sabi nya dito.

"Bakit ang galing mong mag-English? Pano ka napadpad dito?" tanong nito.

"Wag mong problemahin ang back story ko, hindi ako ang main cast dito. Kayo ang mga bisita kaya kayo ang main attraction. Kung wala kayong balak today, pwede tayong mag-trekking at spelunking. May kweba dyan sa may gilid ng burol, lawa ang nasa ilalim, tagusan sa kabilang parte ng dagat. Gusto nyong puntahan?"

"Ok we can do that. Kaso baka hindi makasama si Gelo, gulpi-sarado kay Kevin kagabi eh! Buti nga naawat mo."

"Aba magaling! Tapos hindi din sasama si Paul kasi shempre may sakit ang jowa at kunwari sy ang magbabantay no? Eh di tayong tatlo lang ng higante ang aalis?" Sana magpaiwan na rin ang higante. Hindi nya kakayanin ang kuweba, bwahahahaha.

Sa almusal, obvious nga na hindi na makakasama ang mag-jowa. May something sa ngiti ng mga ito. Kaso, kakasimula pa lang nyang mang-asar nang humirit ang hayup na Antonio.

"Parang ang saya mo, Miss Fatz." pambubuska nito. Napasimangot tuloy sya nang wala sa script. Buset na panga yan!

"Ikaw din naman brad, parang ang saya mo. Anong meron?" Tanong dito ni Paul.

"Ikaw lalo, tol. Di ka naman nasapak pero parang namamaga yang labi mo!" baling dito ng lalaki. Ayaw talagang magpatalo ng hunyango. Maging si Kevin ay napatingin sa dalaga, parang may kirot para dito ang isipin na matapos mabugbog at magmukhang lampa si Gelo ay ito pa rin ang pipiliin ni Paul.

Ang ending, silang dalawa lang ni Antonio ang nag-ayos para magtungo sa kweba.

Ngiting ngiti ang dalaga habang kaagapay nya sa paglalakad sa burol si Antonio.

"Tingnan ko kung umubra ka sa Kweba de Kapon. Ang kwebang nangangapon ng mga sutil na bulugan!"

Continue Reading

You'll Also Like

696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...