The Felon Mark (Wattys 2020 W...

Galing kay Gregor_io

283K 16.5K 3K

WATTY AWARDS 2020 WINNER (Science Fiction Category) || COMPLETED || Limang Marka: Elite, Independent, Trooper... Higit pa

The Felon Mark
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Author's Note
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (Part I)
Chapter Twenty (Part II)
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Author's Note
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four (Part I)
Chapter Fifty Four (Part II)
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
[Finale] Chapter Fifty Seven
Thank You ♥
FAQs
Book Two

Chapter Thirty Four

3K 203 68
Galing kay Gregor_io

Ilang oras na kaming nagpupulong, at sa ilang oras na iyon ay aming napag-pasyahan ang lahat, mangyayari ang Rebelyon, ngunit wala pa ring ganap na pasya kung sa paanong paraan namin gagawin ang lahat at may mangilan-ngilan pang hindi buo ang pasya, bagay na sumusubok sa aming diterminasyon.

Mahirap tantyahin ang lahat, masyadong malakas ang Gobyerno, ang teknolohiyang hawak nila ay masyadong makabago, at marami sila kumpara sa amin. Ngunit sa anong paraan nga ba kami magrerebelde? Kailangan ba ng pahid ng dugo? Hindi! Hindi ako papayag. Ilang beses na iyang pumasok sa aking isipan, at sa tuwing naiisip ko iyon, nawawala ang aking kagustuhang magrebelde, dahil mas mahirap isakripisyo ang ilang buhay, mahirap isiping may dadanak na dugo para sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Iniisip ko ring hindi kami magwawagi kung kami lamang, hinding-hindi. Kailangan namin ang bawat mamamayan, pero paano? Paano namin sila makukuha? Paano namin sila gigisingin sa pagkalugmok sa napaka-dilim na bangungot? Bangungot na sa sobrang dilim ay hindi mo na iisiping mayroon pang daan upang makalaya, ngunit meron talaga, at kami iyon, kami ang daan palabas. Kami ang pinto, pinto na kailangang bumukas ngunit napipigilan ng Gobyerno, at ang tanging susi sa lahat ay ang pagtatatag ng Rebelyon, ngunit muli, sa paanong paraan?

"Sigurado ba talaga kayong kailangan nating magtatag ng rebelyon?" angal ni Denim. Babaeng sa tingin ko'y pinaka-simple sa lahat. Ang kanyang itim na mahabang buhok sa kanan ay naka-ipit papuntang likuran upang hindi nito matakpan ang kanyang marka, bagay na parehas sa aming buhok ni Sea.

"Ano pa bang mapagpipilian natin?" angal ko. Napag-desisyunan na namin ito kanina, ngunit sabi ko nga, mayroon pa ring mga hindi buo ang pasya.

"Malakas sila. Nasa kanila lahat ng makabagong teknolohiya na hindi natin kakayanin. Malaki ang kanilang magiging hukbo. Hindi tayo mawawagi sa labang ito," angal ni Crane, babaeng tumawag kay Sea kanina. Napalingon ako sa kanya ngunit agad kong napansin si Sea sa kanyang tabi. Seryoso at tahimik na nakikinig lamang, ngunit alam kong sa pagdedesisyon na ay doon siya magkikipag-talastasan. Ngunit nakikinig lang ba talaga siya? O nagmamatyag? Inalis ko ang lahat ng nasa aking isipan tungkol sa kanya, hindi iyon makakatulong sa oras na 'to.

Ini-angat ko ang aking katawan. Kalahating tayo, kalahating yuko. Ang aking mga kamay sa ibabaw ng puting lamesa. Tinignan ko si Denim at isinunod si Crane. Sa seryosong paraan, ako'y nagsalita. "Magwawagi tayo. Kailangan. At . . . hindi lamang ito patungkol sa pagwawagi. Magrerebelde tayo upang ipakita sa Gobyerno na hindi nila hawak ang lahat, na hindi nila kontrolado ang lahat, at ganoon din sa bawat mamamayan ng Circa, nasa sa kanila ang tunay na kapangyarihan, sila ang pag-asa, iyon ay kung tutulungan natin silang maisip ang bagay na iyon," direkta at matapang kong paliwanag, bagay na nagpatahimik sa lahat, bagay na kanilang sinang-ayunan.

Sa loob ng ilang segundo ay namalagi ang katahimikan, ngunit agad din itong nawala.

"Paano?" tanong ni Crane, isang paraan ng pagsang-ayun.

"Payag na ako. Paano?" sunod ni Denim. Ngayon ay payag na ang lahat, ngayon ay buo na ang pasya ng lahat.

"Buo na ang pasya ng lahat. Kaya maari mo bang ibahagi sa amin ang nasa iyong isipan?" wika ni Sea, bagay na bahagya kong ikinagulat. Bumalik ako sa pagkaka-upo at sinagot siya, mata sa mata ngunit walang tensyon, ang lahat ay anyo ng mungkahi. Kailangan naming mag-kaisa. Paano na lamang iyon gagawin ng aming nasasakupan kung kami mismo ay hindi iyon magawa-gawa? Kaya ngayon, siya'y aking kasanga, kasama ang buong kinatawan ng Felon Jury.

"Kaya nga tayo nagpupulong 'di ba? Upang imungkahi ang plano sa ating isipan sa bawat isa," sagot ko sa normal na tono.

"Giyera." Lahat ng tingin ay lumipat kay Zax. Malaki ang kanyang pangangatawan at malalim ang boses. Bagamat sinabi niya iyon sa seryoso't mapangahas at nakakasindak na paraan, walang pa ring saysay ang bagay na iyon pag dating sa amin. Sigurado ba siya?

"Hindi. Wala tayong laban kung giyera, hindi natin sila kakayanin kung gano'n." tutol ni Sea.

"Hangga't maari, wala sanang maraming buhay ang malalagas," dugtong ko.

"Eh paano?" wika ni Fern. Babaeng ang mahabang pulang buhok ay nasa kaliwang parte lamang at may tatlong hikaw sa magkabilang tenga, kita rin ang mga tattoo sa kanyang braso katulad ni Cluster. Ang kanyang itsura ay hindi tugma sa kanyang pangalan, kaya napapaisip na lamang ako na marahil ay hindi siya ganyang noon, na isa rin siyang inosenteng babae ngunit ngayo'y sinira ng mapag-larong kapalaran. Bawat isa sa atin ay may paraan upang matanggap ang sitwasyong kinalalagyan, at marahil ay paraan niya ang pagkakaroon ng ganyang itsura.

"Pwede kong pasukin ang ilan sa kanilang Computer," mungkahi ni Gray. Lalaki na hindi kalakihan ang katawan ngunit matalino kung tignan, tila magaling sa mga teknolohiya.

"Hindi. Wala iyong maitutulong at malalaman lang ng Gobyerno ang pinaplano natin," tutol ni Denim.

"Sa bagay," tugon ni Gray sa tonong tila wala lang ang lahat. "Ano na?" dugtong niya.

Muling nilamon ng katahimikan ang paligid.

"Paano kung magtanim tayo ng mga bomba," mungkahi ni Odium na katabi ni Zax at wala na ring masyadong pinagkaiba sa pangangatawan nito(Zax). Sa tono ng kanyang pagkakasabi ay masasabi kong hindi siya sigurado.

"Bomba?" ulit ni Gaia na nasa aking tabi. "Hindi 'yon magandang ideya, Odium," tuloy pa niya.

"Meron ang Gobyerno ng tinatawag nilang Genetically Enhanced Animals na kayang kilatisin ang paligid para sa mga bomba na maaring sumabog," singit ni Kith.

"Tulad ng Vendrocour," wika ni Denim.

"Vendrocour?" Nakakagulat ngunit nagsabay kami ni Sea sa pagsabi.

"Isang maliit na aso na nagagawang tukuyin kung mayroon bang nakabaong bomba o wala," paliwanag ni Denim. Ngunit paano nila alam ang mga bagay na 'yon?

"Bumalik tayo sa pag-iisip. Paano na?" singit ni Ace, isa rin sa mga lalaking kinatawan ng Felon Jury.

Siguro'y dapat ko nang sabihin ang kanina'y nais ko nang imungkahi, at sa tingin ko'y wala nang maiisip pa ang iba sa amin, kaya sasabihin ko na.

"Paano kung . . ." Ang lahat ng atensyon ay lumipat sa akin sa aking pagsasalita. "Paano kung tulungan nating mag-isip ang mga mamamayan, paano kung tulungan natin silang buksan ang kanilang mga mata sa katiwalian ng Gobyerno?" mungkahi ko sa malinaw at direktang pananalita.

"Malabo 'yon. Ang mga marka sa kanilang leeg," paalala ni Mar, babaeng kinatawan ng Felon Jury at katabi ni Sea.

"Nabago na ang kanilang likas na mga katangian at kakayahan. Hindi na nila kayang mag-isip para sa kanilang sarili, ni magalit at kwestyonin ang Gobyerno ay hindi na nila magagawa. Kaya sang-ayon ako kay Mar," mungkahi ni Idyll, babaeng pinapagitnaan nina Zax at Odium.

"Mali kayo. Magagawa nilang magalit, magagawa nilang magtaka at mangwestyon, iyon ay kung atin silang tutulungan upang magawa iyon. Para saan pang nandito tayong mga Felon na hindi nakokontrol kung hindi natin sila tutulungan," angal ko.

"Ngunit malabo at napaka-liit lamang ng ating pag-asang maging matagumpay doon," taliwas ni Idyll—Ay-dal.

"Ano pa bang mapag-pipilian natin? Kailangan nating kumapit sa katiting na pag-asang iyon," angal ko na halos pasigaw na. Sa aking pagkakasabi, agad na pumasok sa aking isipan si Camelot. Ngayon alam ko na. Ngayo'y naiintindihan ko na kung bakit siya kumakapit sa mga napaka-liit na pag-asa.

"Paano? Paano natin ibabalik sa kanila ang mga likas na katangian ng isang tao na siyang nawala?" Kalamadong at buong suportang tanong ni Sea. Ramdam ko iyon sa kanyang tono at kita sa kanyang mga mata. Ngunit bakit? Bakit niya iyon ginawa? Ang kanyang tanong ay paraan ng pagsuporta? Bakit? Upang hindi siya mahalata? Upang ipakitang kunwari ay handa rin siyang pabagsakin ang Gobyerno?

"Simulan natin sa kanilang kalagayan. Kung hindi nila nakikita ang kanilang kalagayan, ipakita natin iyon sa kanila. Paano? Sa pamamagitan ng mga tarapal. Nakalagay sa tarapal ang kanilang mga hindi katanggap-tanggap na kalagayan, ang kanilang pagdurusa sa ilalim ng mapang-abusong pamumuno ng Gobyerno, ikakalat natin iyon at hayaang makita ng lahat." Direkta at sigurado ang aking pagkakasabi at umaasang kanila iyong mamumutiktik ng maayos.

"Kalagayan na tulad ng?" pangingwestyon ni Crane.

"Gutom, Surveillance at kulang na rasyon," wika ko bilang pamumuna.

"May punto ka. Tama," sang-ayon sa akin ni Kith at Fern, tumango naman si Zax, Odium at Idyll. Sa tingin ko'y sang-ayon din ang lahat. Hindi ko alam pero sa tingin ko'y iyon ang pinaka-mabuting pamamaraan ng rebelyon, doon, hindi namin kailangang isugal ang maraming buhay, doon, maiiwasan ang malawakang pagdanak ng dugo, bagay na sa tingin ko'y tunay na katangian ng isang makabuluhang Rebelyon at Rebolusyon.

"At ano pa? Bukod sa kanilang kalagayan?" tanong ni Mar, at hindi na ako nakasagot pa nang sumingit si Sea.

"Siguro'y magagawa nating lahat na pag-isipan 'yan," medyo matalim na wika ni Sea.

"Pwede nating isama ang mga patungkol sa pagpatay sa mga nasa limampong taong gulang, total isa iyon sa ating mga ipinaglalaban," mungkahi ni Gray na siyang agad na nakatanggap ng pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagmumungkahi ni Denim.

"Pati na rin ang pagbura nila sa kasaysayan," wika ni Denim.

"Maging ang marka mismo sa kanilang mga leeg," wika ni Mar, at nagpatuloy. "Marka na tila kanilang sinsamba," tuloy niya.

"Paano?" pangingwestyon ni Fern.

"Ipaalam nating hindi nagiging susi ang mga marka sa kaayusan, ni wala nga talagang kaayusan. Marka ang dahilan kung bakit napapanatili ng mga Elites ang kanilang kataasan," paliwanag niya, bagay na aking mabilis na sinang-ayunan.

"At sa mga Slave," mungkahi ni Sea, dahilan upang bumaling ang lahat ng atensyon sa kanya. "Sila ang pinaka-mababang mamamayan at ang pinaka-nagdurusa sa lahat. Sila ang palaging nakakaranas ng siphayo, paninipula, abuso, at pag-mamaltrato," tuloy niya, ngunit napaisip ako, hindi ba't kung gano'n ay sa mga ibang marka sila magagalit kesa sa Gobyerno? At kung ganoon, baka maging hukbo pa sila ng Gobyerno, dahil una sa lahat, ang mga may ibang marka ang mumamaltrato sa kanila at hindi ang Elites, at sa tingin ko, iyon ang talagang motibo ng Gobyerno sa pagkakaroon ng Slave Mark.

"Huwag," tutol ko na bahagyang ikinataka ng lahat. "Huwag nating ipadama sa mga Slave na sila ang pinaka-mababa, kailangan ay madama ng lahat na sila ay pare-parehong namamaltrato ng Gobyerno, pare-parehong namamanipula, nakokontrol, naangkin, at nagdurusa sa kamay ng Gobyerno, dahil kung makikita nilang sila ang pinaka-mababa sa lipunan at sila'y minamaltrato ng ibang mga marka, maaring sa kapwa nila mamamayan sila magalit, at kung ganoon, maaring makadagdag lamang sila sa hukbo ng Gobyerno. Kailangan nating ipadama sa kanila ang galit para sa Gobyerno, hindi para sa isa't-isa, dahil sa Rebelyong ito, pagkakaisa ang sagot, pag-kakaisa ang magpapabagsak sa Gobyerno." Sa aking pag-tigil, naiwan at nanatili ang katahimikan, ngunit ang atensyon ay naroon pa rin sa aking sinabi, hanggang sa may isang pumalakpak. Si Gaia. Sinundan ni Zax, saka si Kith kasabay ni Crane, hanggang sa lahat na ay binigyan ako ng mainit na palakpakan, maging si Sea.

Pagkatapos no'n ay naging buo na ang aming pasya, ang pagtatatag ng Rebelyon, wala nang rason upang hindi iyon mangyari.

Nang tuluyan nang nakapag-pasya ang lahat, agad na naming sinimulan ang unang hakbang, iyon ay ang pagbubuo ng mga maiikling pangungusap na siyang magpapa-alala sa kalagayan ng bawat mamamayan at sa mga katiwalian ng Gobyerno, mga pangungusap na magpapakita sa hindi katanggap-tanggap na pamumuno ng Gobyerno, mga pangungusap na magbubukas sa kamalayan ng lahat. Kami ang pinto palabas sa napaka-dilim na bangungot ng bawat mamamayan ng Circa, at sisiguraduhin naming amin silang susuplayan ng liwanag, amin na silang palalayain sa pagkakakulong sa madilim at malalim na bangungot. Ang pinto, malapit na itong bumukas.

Sa pamamagitan ng isang Blueprint sa aming harapan—sa gitna ng bilog na puting lamesa—at sa maliit na Blueprint sa ibabaw ng lamesa sa tapat ni Gray na tunay ngang maalam sa teknolohiya, aming nailagay ang mga pangungusap na magiging susi sa lahat. Ang Blueprint sa lamesa ni Gray ay kamangha-mangha dahil kanya itong nahahawakan at doon niya pinipindot ang mga letra na siyang lumilitaw sa malaking Blueprint sa aming haparan.

Buong araw kami roon; nag-iisip, nagmumungkahi, at nangangatuwiran. Minsa'y dumarating ang isang babae sa puting uniporme upang dalhan kami ng makakain ngunit patuloy ang aming pagbubuo ng mga pangungusap. At habang tumatagal, aking napagtatanto ang isang bagay. Mas makapangyarihan ang salita kumpara sa kahit na anong sandata.

* * *

Matagumpay na natapos ang araw na ito, at bukas, handa na ang lahat. Bukas ay panibago na namang pagdadaanan, bagong araw ngunit hindi bagong simula, dahil nagsimula na kami, at amin iyon ipagpapatuloy.

Walang nagbago sa aming kuwarto, dito pa rin kami, total wala namang magiging Felon Prodigy dahil malayo pa kami sa edad apat na po, kaya marahil ay ito na rin ang aming kuwarto bilang Felon Leader, at masaya ako doon dahil naging komportable na rin ako rito sa kabila ng katotohanang sa itaas na kama ay nakahiga si Sea, na kasama ko siya sa isang kuwarto.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ako makatulog, hindi ko alam ngunit hindi ko magawa, bawat dugo sa aking katawan ay buhay na buhay sa pagdaloy. Masyadong maraming katanungan ang bumabagabag sa akin, mga katanungang hindi parin nasasagot at tila walang direktang makapagsasagot. Ang Felon Jury, hindi ko alam ngunit hindi ko maiwasang magtaka sa kanila minsa kung paano nila alam ang mga bagay-bagay na tanging mga Elite lamang ang nakakaalam, tulad ng Digital Training Realm, Technologically Enhanced at Genetically Enhanced, maging ang Vendrocour, mga bagay na lingid sa kaalaman ng lahat, mga bagay na hindi dapat alam ng isang normal na mamamayan maliban sa Elite. Ngunit paanong alam nila iyon? Paano nagkaroon ng mga kakaibang makabagong teknolohiya ang Stronghold? Paano naitayo ang Stronghold?

Ang mga katanungang iyan at iba pa ay namalagi sa aking isipan sa loob pa ng ilang minuto, o marahil ay isang oras, hanggang sa naalala ko ang isang bagay na siyang naging daan sa maaring kasagutan.

Naalala ko ang isang kasaysayang minsang ibinahagi sa aming paaralan, iyon ay ang isang Trial. Hindi iyon normal na Trial, dahil iyon lamang ang Trial na ibinalita ang ilang resulta, kaya itinuturing iyong makasaysayan, dahilan upang malaman ko iyon kahit na hindi pa ako ipinapanganak sa mga panahong iyon. Iyon ang Trial kung saan maraming Elite ang namarkahan ng ibang marka. Napaisip tuloy ako kung anong nangyari sa mga Elite na 'yon, kung paano sila nabuhay sa ibang marka, at kung bakit sila natanggal sa pagiging Elite.

At dahan-dahan, ang alaalang iyon ang tila naging kasagutan sa aking ilang katanungan. Aking napagtanto ang isang bagay. Una, kung kasinungalingan lang ng Gobyerno ang tungkol sa Millennium Mark, at pangalawa, ang Commander, ang Felon Stronghold, ang kanyang mga Rebelasyon, ang kanyang mga nalalaman patungkol sa mga marka, ang mga kasinungalingan ng Gobyerno at ang kanilang motibo, lahat ng iyon ay alam niya. Walang duba, ang Commander ay isang Elite.

Ngunit may isang katanungan . . . ganoon din ba ang Felon Jury?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

286K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
602K 38.8K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
823K 28.6K 47
#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arle...
11.1K 841 27
Aksidenteng naipagpatuloy ng magkapatid na Dominique at Zafier ang ritwal na lihim na isinagawa ng isang prominenteng grupo. Nagresulta iyon nang pak...