Unwanted Girlfriend [Publishe...

By vampiremims

21.4M 313K 24.8K

It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today. More

Unwanted Girlfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Mims.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
UG BOOK 2 : Amaranthine Love

Prologue

1M 11.5K 655
By vampiremims

 

 

“Mikael… kung magiging girlfriend mo ‘ko… anong itatawag mo sa akin?” umupo ako sa tabi niya. Andito kami ngayon sa bahay niya.

“Wala. Hindi kita magiging girlfriend e,” he smirked. “Ang sama mo!” tinulak ko siya ng mahina. Umayos nalang ako ng upo at nanuod.

“Wala ba kayong bahay at lagi kang nandito?” tanong niya sa akin. Kinuha niya rin ‘yung popcorn sa kandungan ko. Kadamutan!

“Wala akong maka-usap sa bahay. Wala sila Kuya…” I shrugged. “At least dito, may kasama ako.” I smiled.

“Tss. This is invading someone’s privacy, you know?”

“Hindi naman ako sumama sa pag-ligo mo… paano ko in-invade ang privacy mo?” I scoffed. Tinignan niya nalang ako ng masama. Kung makasabi kasi na in-invade ko ang privacy niya akala mo naman sinilipan ko siya habang naliligo.

“Ano na?” tanong ko sakanya habang kumukuha ng popcorn pero madamot talaga, pinalo ng mahina ang kamay ko. “ Aw! Kadamutan mo.” I pout. Popcorn lang pinagdadamot!

Tumalikod nalang ako sakanya at nanuod. Captain America. Magfofocus nalang ako sa kay Chris Evans. Kainis.

“Oh…” narinig kong sabi niya. Busy ako! Kainis ka. “Mika…” tawag niya ulit. Busy talaga ako. “Mika ko…”

Ano daw? Mika ko?

“Anong—“

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nilagyan niya ng popcorn ang bibig ko. “Arte mo e. Gusto mo tatawagin ka pang ‘Mika ko’. May strawberry sa ref. ‘yun ang sa’yo,” napangiti naman ako.  Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako sa braso, “Don’t do anything reckless in my kitchen. Try not to hurt yourself. May pagka-stupid ka pa naman,” he breathes.

I frowned. Kung maka-stupid naman ‘to. Kanina pa ako nilalait ng lalaking ‘to ah. Nakakahalata na ako. Pasalamat ka talaga… naku!

“Hey…” pinigilan na naman niya ako. “Ano?” tanong ko. May strawberry sa ref tapo pigil siya ng pigil! Kainis! Strawberry! Strawberry! Strawberry!

Nagulat ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko. “Ang kalat mo kumain e,” pagkatapos nun, umupo na siya ng maayos at itinutok ang mata sa pinapanuod.

Tumayo na ako. Kahit papano, bumabait na siya sa akin. Well, nag-aaway pa din kami. Inaaway niya ako, actually.

Kinuha ko ‘yung strawberries sa ref niya. Hindi mahilig si Mikael sa strawberry pero simula nung tumatambay ako dito sa bahay niya, lagi na siyang may stock niyan. Kesa daw kamatis ng kamatis kainin ko, strawberry nalang. Hindi kasi siya kumakain ng tomato.

Naisipan kong gawing bite size ang strawberry. Yeah, I know… pwede naman itong hawakan tapos kainin pero naisipan ko lang hatiin ito into two.

I am enjoying what I am doing ng biglang… “What are you doing?”

“Ay! Strawberry!” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mikael sa likod ko kaya naman nasugatan ko ‘yung daliri ko. Oh my! Blood! Ayoko sa dugo!

“Oh my gosh!” I gasped. Nakikita ko ‘yung paglabas nung dugo sa index finger ko. Oh my!

“What happened?” lumapit siya sa akin at  hinawakan ni Mikael ang kamay ko and examined it. “Nagulat ako sa’yo…” I told him. Iniiwasan kong tignan ang daliri kong dumudugo.

“Ako pa nasisi mo,” he huffed. Inakay niya ako papunta sa lababo at hinugasan ang kamay ko. Tinignan niya ulit ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Ang gwapo ni Mikael mag-alala… tapos, hawak niya pa ‘yung kamay ko…

“Hindi naman malalim ang sugat. Lagyan nalang natin ng gamot,” he looked at my face and I saw him smile… ngumiti talaga siya… o imagination o lang?

“It stings!” hinihila ko ang kamay ko sakanya.

“Ang arte mo! ‘yung iba nga mas malalim pa ang sugat kesa sa’yo pero wala lang,” hinila niya pabalik ang kamay ko.

“Mahapdi nga e!” I hissed. Buhusan ba naman niya ng alcohol e!

“Tiisin mo nalang!” asik niya sa akin. Inilapit ni Mikael ang daliri ko sa labi niya at naramdaman kong iniihipan niya ito.

“There. Tss. As expected, gagawa ka na naman ng krimen sa kusina ko,” He looked at me pero iniwas ko ‘yung tingin ko.

“Hindi ko naman sinasadya e. Nagulat talaga ako sa’yo,” I pout. Malay ko ba naman kasing susulpot siya bigla sa kusina.

“I’m just wondering what holds you at ang tagal mong bumalik,” sagot niya.

“Sorry… kung ginawa ko na namang crime scene ang kitchen mo,” napayuko ako, tinitignan ko ‘yung daliri kong ginamot ni Mikael.

“It’s okay,” he sighed. “The last thing I need is a clumsy girlfriend… so could you please, try not to be clumsy all the time? Try to minimize it.”

“What did you say?” napalingon ako sakanya.

“Uulitin ko pa, alam ko namang narinig mo.”

“So I am now your girlfriend?” I smiled.

“Yes. You’re my girlfriend. My unwanted girlfriend,” he smirked.

Okay na eh! May unwanted lang. Tss. 

--

Kerko Mikael Anderson on the side :)

Vote. Comment. Fan and SUPPORT :)

#UnwantedGirlfriend #MikMik

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...
26.2M 79.5K 10
#StanfieldBook1: Duke Steele "So which is it... are you leaving me because I'm a criminal? Or because you think I'm a liar?"...
67.9K 2.9K 25
He is off-limits. He has always been off-limits to her. Too bad, she's never been good at following the rules. After her failed attempt at happiness...
1.2M 45.4K 62
Ex-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous str...