Steal thy heart (PUBLISHED BY...

AnnSyvil द्वारा

1.1M 24.1K 1.9K

**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just... अधिक

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 -SPG-
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 -SPG-
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 FINALE

Chapter 13

29.6K 491 52
AnnSyvil द्वारा

Natalie

Napanguso ako matapos kong ibaba ang binoculars na sinisilip ko kanina. Hinawi kong pasara ang kurtina saka ako pumihit upang harapin ang hudyong si Caleb.

"What do you think you're doing?!" 

Tawa ng tawa ang siraulo. "What?" pabagsak siyang nahiga sa kama ko na kanina lamang ay inuupuan lang niya.

"Imbis na tulungan mo 'ko. Nangunguyakoy ka lang d’yan! Ano ba, Caleb?!" hinablot ko ang unan ko na bigla na lang niyang niyakap. "Mangangamoy ikaw ‘yan eh!"

"What's so wrong with that?" he asked, his eyes dancing with amusement. "You like how I smell. Gustong gusto mo nga pag niyayakap kita eh, diba? Diba?" sinundan niya iyon ng nakakayamot na tawa.

Alright, alright. Hindi sya nakakayamot. In fact, I love the sound of his laugh. Crisp, and.. God, I really don't wanna admit this but it’s sexy.

Hindi ko alam kung anong problema ng nilalang na 'to. I mean, he was all grumpy a few hours ago. And I can fully understand that. He was offended. Naoffend siya sa sinabi kong ang role lang niya sa operasyon naming ito ay taga supply ng pera. Financer.

Eh bakit ba? 'Yun naman ang totoo diba? Heto nga at dahil din sa pera niya, nakuha namin ang suite na katapat ng suite nila Axel, na nasa kabilang wing ng hotel na 'to. Kaya ngayon, malaya ko silang namamatyagan. 

"Kung tulungan mo na lang kaya akong—"

"What? Mag-spy? That’s boring. At alam mo bang voyeurism ‘yang ginagawa mo?" he said snatching my pillow back and putting it under his head. Hinayaan ko na lang sya this time. "Besides, hindi ka ba nasasaktan sa mga nakikita mo? They kiss, they hug, they - eherm - aren't you even jealous?"

Natigilan ako. "I-I don't know.." I hesitated.

Bumangon siya mula sa kama at hinawakan ang braso ko. He slowly pulled me towards the bed. Napaupo ako doon.

"What do you mean you don't know?" his dark eyebrows were pulled together.

Nagkibit balikat lang ako. Sa totoo lang, parang wala naman nang dating sakin ‘yung nakikita kong ka-sweetan nung dalawa. Hindi ko talaga maintindihan. Siguro sa tinagal na nakikita ko silang ganoon, nawawalan na ng epekto sa’kin. Namanhid na 'ko kumbaga. Shit! I really don't understand myself anymore!

"Hindi ka nagseselos.. So, that means you're probably over him, right?" usisa ni Caleb. "Eh di nagaaksaya lang pala tayo ng oras dito?!" nahampas niya ang sarili niyang mga hita.

"Hindi ‘yun ganun!" naiinis na angal ko. "Maybe.. Maybe I'm just.. Baka namanhid na 'ko."

Even I, was not sure of my own answer. How in hell are you going to convince him, Natalie?!

"Or maybe you don't love him anymore." Caleb deadpanned. "Oh baka naman—" hinarap niya 'ko, a mischievous grin plastered on his handsome face. 

"W-what?" parang di ko ata gusto yung tono niya. Panigurado, may kasamang pambubwisit ang sasabihin niya.

"Baka naman sakin ka na inlove?" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ang kapal mo naman! Ilusyunadong 'to! Feeler much?!" hinampas ko siya sa balikat.

Siya naman ay napahigang muli sa kama ko sa katatawa. "Ako pa talaga ang ilusyunado ha? Oh God, Natzkie, you could really be funny sometimes!"

Inirapan ko siya. Letse 'tong lalaking 'to! Hindi porket naamin ko na sa sarili ko na crush ko siya, ibig sabihin na nu’n, may chance na mainlove ako sa kanya! Nunca! Asa! Nganga! Kay Axel lang ako! Si Axel lang ang mahal ko. At si Caleb, hanggang crush lang, kahit pa sobrang sama ng ugali nya kung minsan.. Sige lang, Natalie, kumbinsihin mo ang sarili mo!

"Wala namang kaso sakin kung inlove ka na sakin eh." he said thoughtfully afterwards, he was scratching his stubbled chin while looking at the ceiling. "Just say it. Let it out. Let it go."

Inignora lamang nya ang pagpoprotesta ko at patuloy sa mga sapantaha nyang wala namang basehan. God! This guy! Nasobrahan ata sa hangin ang utak nito! 

Hindi kaya ng powers ko ang bilib niya sa sarili niya! What is he? God's gift to women?

Bakit? Hindi ba? Minsan talaga may kontrabidang part 'tong utak ko eh. Lakas maka bipolar!

"Masama ‘yung pinipigilan mo ‘yung nararamdaman mo, Natzkie. It's like.. Like taking a dump.." patuloy niya. Tumingin siya sakin ng makahulugan. "Mas lalo mong pinipigilan na matae, mas lalong nagpupumilit na lumabas diba? Hanggang sa sumakit na lang yung tiyan mo."

I giggled.

"What?" nakangiting tanong niya sakin. Itinukod niya ang siko niya sa kama at tumagilid ng higa.

"You know, for someone as rich as you.. You sure sounded like you were raised in the gutters." sabi ko. Sa totoo naman eh! Kung makapagsalita siya minsan kala mo sa squatter siya nakatira.

Natawa naman siya. "Bakit? Porket laking aircon ako, bawal na 'kong gumamit ng words like, tae? Are you kidding? What else should you call your feces?"

"You can use a term like, dumi, or something like that."

"Dumi?! Who the hell uses words like that? Those are terms used by pussies." tawa siya ng tawa. "Anyway, enough of this. Naiinip na 'ko!"

Bumangon siya mula sa kama at hinigit ang dalawang kamay ko, sanhi para mapatayo ako. "What are you doing, Caleb? Ano nanaman ba naisip mo? May gagawin pa tayo!"

"We're at the beach, Natzkie!" he pointed out. "Let's go swimming! Nakakainip ka nang panuorin na silipan ang ex boyfriend mong payatot."

"Hey!" protesta ko. "Hindi ko sila sinisilipan, I'm spying! At hindi siya payatot, okay? Hindi lang sya batu bato na katulad mo."

Kay lakas ng halakhak na pinawalan ni Caleb. "Batu-bato? Stop making me laugh, Natalie, I know you dig hunk guys like me. No need to be sour graping about it."

"I'm not sour graping." I pouted.

"You are."

Kinindatan niya 'ko bago sya tumalikod.

--

"I told you," Caleb said outside the dressing room. "This stalking thing ain't gonna get us anywhere, Natzkie. Nagaaksaya lang tayo ng panahon sa kakasunod sa ex mo."

"I have plans." my voice was muffled by my tshirt.

"What?"

Hinubad ko ng tuluyan ang tshirt na suot ko bago ko sya muling sinagot. "I said, I have plans!"

"And what are those, if I may ask?"

"I'll discuss it with you later!" I called out. I was busy fumbling with the knot of my bikini. Kung bakit naman kase pumayag akong bilhan ako ng mokong na 'to ng bikini ay hindi ko maintindihan. Pwede naman kase akong magsuot na lang ng tshirt at shorts, bakit kailangan pang nakabikini?

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. I was wearing a navy blue two piece. Strapless ang pang itaas niyon at sa tingin ko mahuhulog at luluwa ang dalawang pinakaiingatan koi sang maling kilos ko lang.

"Are you done, Natzkie? Ang tagal naman." 

"W-wait!" I gathered my Tshirt and covered my body with it saka ko binuksan ang tabing ng dressing room.

Naabutan ko si Caleb na nakatayo sa tapat niyon at taas ang kilay na nakatingin sa’kin. "W-what do you think?"

"Maybe I'll be able to give an unbiased opinion if you stop covering yourself up like that." he walked towards me and unceremoniously pulled the Tshirt off me.

Sabay kaming natigilan sa nangyare. He was staring down at my body while I was holding my breath, waiting for him to say something. His eyes sparkled as he took on my physique. He looked at me as if I was something of great discovery. Like I'm a new element from the periodic table. Hanggang sa magbago ang tingin niya na iyon, nagdilim ang kanyang mga mata. He looked as if he wanted to devour me, consume me. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi. Tila noon naman siya natauhan.

"Uhh.. You need something to.. Uhh, cover you up." tumalikod siya at hinablot ang isang kulay itim na cover up. Iniabot niya iyon sakin.

Kanina hinablot niya yung tshirt na pantakip ko, ngayon I need to cover up? Bipolar much?

Hindi na niya pinagaksayan ng panahon na panuorin akong suotin iyon. He looked anywhere but me. Nahiya naman tuloy ako kaya binilisan ko ang pagsusuot. When I finished, saglit lang niyang sinulyapan ang ayos ko at tumalikod na. He paid for the swimsuit and left. Kinailangan ko pang tumakbo para mahabol siya. Hindi ko na nagawang hubarin ang suot kong swimsuit at magpalit dahil sa pagwowalk out niya.

"Hey, sandali naman!"

"Bilisan mo, nagugutom na 'ko." yun lang at tila siya hinahabol ng sampung demonyo sa bilis niyang maglakad.

What on earth was up with that?

---

"What's that?"

Inilahad ko sa kanya ang ilang pirasong mga litrato namin ni Axel nu’ng kami pa. Nginisihan ko si Caleb habang siya naman ay kumunot ang noo sa’kin.

He raised his eyebrows as if waiting for me to explain. Bumuntong hininga naman ako at inilapat ang mga palad ko sa mesa kung saan kami kumakain. "For a multi millionaire, Caleb, you sure are dense."

He doesn't appear perturbed with what I said and just casually leaned on his chair and waited for an explanation.

"I had someone take this from Axel's apartment." I casually said.

"You what?" he sputtered. Tinitigan niya 'ko nang maigi, as if inaarok kung totoo ba ang sinabi ko. "That's trespassing—"

"Relax! Ano ka ba? Sinabi ko ngang pinakuha ko sa iba diba?"

"Pero kahit na—"

"Shh." I leaned over the table and planted the tip of my finger on his lips. Ang lambot. Agad ko ring binawi ang daliri ko at pinalis ang isipin na iyon sa ulo ko. "'Wag kang magalala, hindi ka sasabit dito."

Napabuntong hininga siya at humalukipkip. "So, what are you planning to use that for?"

I grinned at him. "Mamaya mo malalaman." may nilabas pa 'kong botelya mula sa bag ko at nilapag iyon sa lamesa. 

"Ano naman 'yan?"

"Laxative." balewalang sabi ko.

"Laxative?"

"Ano ba? Hindi mo ba alam yung laxative? Pampatae? Diba mahilig ka sa tae?"

"Mahilig ako sayo? Hindi ah!" tatawa tawang sagot niya.

Nagsimula nanaman po siya sa pang iinis niya. Kanina akala mo sinisilihan ang puwet niya na nagmamadaling umalis dun sa binilhan namin ng swimsuit. Sabi niya gutom na daw siya pero ang tagal tagal naman niyang umorder. Makailang ulit ko siyang nahuling nakatitig sa’kin. Akala ba niya hindi ko mahahalata? Bah? ‘Kala niya sakin? Mapagmatyag kaya 'to!

Of course, hindi naman ako tanga para hindi isiping na sexy-han siya sa’kin, kaya heto ako, gandang ganda sa sarili ko. Naguumapaw tuloy ngayon ang confidence ko. Stomach in, Chest out ang peg!

"So, para saan mo nga gagamitin yang laxative na 'yan?" untag niya.

I smiled smugly at Caleb. "Gagamitin ko para sirain ang bakasyon nila."

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

MISS YOU LIKE CRAZY _casper_ द्वारा

सामान्य साहित्य

418K 7.5K 31
Jace Michael Villaluz Nyah Valero
206K 7.5K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
70.2K 168 4
Twinnie Manalastas has ahuge crush on Travis Mallari. She will do everything for her to notice by Travis. And unfortunately, Travis got notice her pr...
TVFN 5 : Pure Magdalene Gaile द्वारा

सामान्य साहित्य

1.5M 20K 30
Sa likod ng inosenteng kagandahan ay nagtatago ang isang maruming pagkatao na kailanman ay hindi matatanggap ng lipunan.