Eyes Nose Lips (Knightinblack...

By Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... More

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 12

56 3 0
By Kyligms

~12~

MAAGA akong nagising kinabukasan. Nilalamig ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng katawan ko. Mahimbing parin na natutulog si Kib na nasa couch sa gilid. Napalingon ako sa bintana at napabuntong-hininga ng makita ang malakas na patak ng ulan. Madilim pa ngunit alas-kwatro na ng umaga.

Today was supposed to be my second day of school but here I am lying on the hospital bed. Ugh!

Tumayo ako at nanatiling nakatingin sa may bintanang nakahawi ang kurtina. The city lights are perfect when heavy rain are falling.

Muli akong bumuntong-hininga ng maalala ang mukha ni Kib kanina na hindi mapakali at lumuluha. Ayokong makita siya ulit na ganoon. I don't want him getting hurt just because of me. I hate you stupid body. I hate you for being so fragile.

Unti-unting nabasa ang mukha ko ng mga luhang hindi ko na mapigilan pa. Ang nararamdaman kong sakit ay parang katulad ng ulan na bumubuhos ngayon sa labas, malakas at hindi na mapigilan pa.

"Leukemia. Stage 1"

Umiling ako at pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang mga nanginginig kong palad. Ayoko ng isipin pa. Nasasaktan ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa isang taong maiiwan ko kung sakali.

Sabi ng doctor ay hindi nila alam kung gagaling pa ako, ngunit maaari akong uminom ng gamot at magpatherapy. Ngunit parang ayoko. Dahil alam kong sa huli ay wala ring mangyayari. Sa huli ay hindi rin naman ako gagaling. Sayang lang ang iwawaldas na pera kung ganon nga ang gagawin namin.

"Darling?" dali-dali kong pinunasang muli ang mata't mukha ko ng marinig ko si kib na nagsalita. Lumingon ako ng nakangiti at nakita siyang humihikad pa.

"Hmm?" tugon ko. Tumayo ito na may kunot sa noo.

"Bakit gising ka na? Bakit wala ka sa higaan mo? Anong ginagawa mo diyan? Malamig, wala ka pang suot na tsinelas." nag-aalala nitong sambit at niyakap ako. Naging ma-ingat ako sa pagyakap sa kanya dahil sa dextrose na nakakabit parin sa isa kong kamay.

"Maaga lang akong nagising, Darling." sagot ko na lamang at tsaka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. I let out another sigh habang nakapikit. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayap sa kanya. Why?

"Okay ka lang ba?" malambing na boses ang pinakawalan niya at sabay hagod sa aking ulo.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung okay nga talaga ako o hindi. Kailangan ko lang na malapit siya para magkaron ako ng lakas.

"Don't go. Ever." naisambit ko na lamang at hindi na muling nagsalita. Naramdaman ko ang pagtango niya at ang paghigpit ng kanyang yakap.

"I won't. Ever." napangiti na lamang ako kahit na meroong mga luha paring pumapatak sa aking mga mata.

Matapos nun ay hindi na kami muling natulog. Tanging pagnood na lamang ng tv ang aming nagawa dahil 'yun lang naman ang libangang meron dito.


"Today is your first day of treatment, are you ready?" tanong ni mama sa akin habang hawak-hawak ako sa kamay. Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti. Sa totoo lang ay hindi.

Pakiramdam ko'y mas lalo akong nanghihina habang ginagawa itong treatment na sinasabi nila. Napakaraming mga aparatus ang ikinabit nila sa akin. Tanging ang hospital gown lang ang bumabalot sa malamig kong katawan.

Ngumiti ako sa lalaking nakasilip sa may glassed window sa labas ng kwartong pinagdalhan sa akin. Nakangiti rin ito ngunit bakas parin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
It's okay, Love. I'm Okay.


Nakatulala lang ako habang ginagawa ang treatment na iyon. Ilang oras lang naman ang itinagal. Masakit pero pagkatapos ay nawala rin naman. Pakiramdam ko nga ay medjo gumaan ang nararamdaman ko.

"Oh, kumain ka muna nito para naman maging magaan ang pakiramdam mo." napalingon ako kay Kiera at nakita itong nakatayo sa gilid ko habang hawak-hawak ang dalawang ice cream na flavor chocolate. Nakangiti ito ngunit tulad din nila mama at kib ay bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Salamat." giit ko at tsaka kinuha ang ice cream na nasa kamay niya. Napakuyom ako ng maramdaman ang lamig nito na unti-unting bumabalot sa lalamunan ko.

"Gaga ka talaga." narinig kong sambit niya. Hindi ko siya nilingon dahil baka kapag ginawa ko 'yun ay mahawa ako sa pag-iinarte niya. Umiiyak na kasi siya hawak dumidila sa kanyang ice cream na unti-unti ng natutunaw dahil sa init ng araw dito sa may garden ng hospital.

"Ilang araw lang kitang hindi nakasama, Ilang araw lang na puro si kib ang nasa isip mo, nagkasakit ka na?! Ang malala pa ay hindi basta-basta ang sakit na nakuha mo." giit nito. Isang buntong-hininga lamang ang naisagot ko sa mga sinabi niya.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya habang paunti-unting inuubos ang ice cream ko. Habang siya ay mamamatay na sa kakaiyak at kakasinghot sa kanyang sipon. Kiera talaga kahit kailan! Ugh.

"Ano ng gagawin mo ngayon? Anong plano mo?" muli niyang giit. Bago ako nagsalita ay inubos ko muna ang natitira sa ice cream ko. Tumingala ako at dinama ang hangin na bumabalot sa buong paligid.

"Hindi ko rin alam. Siguro sa ngayon, wala pa. Baka bukas meron na." malumbay kong sambit at tsaka tumingin sa kanya. Ubos na rin niya ang ice cream niya at nakamove on na din sa kakaiyak.

"Anong sabi ni Kib nung malaman niya?" tanong nito na nagpanumbalik sa nangyari kahapon. I let out a deep sigh.

"Nasaktan? Nalungkot? Nag-alala? Nataranta? Hindi ko na alam pa. Hindi ko na inaalala ang sarili ko, dahil sa ngayon ang nasa isip ko ay kung paano ko siya hindi masasaktan kung sakaling mawala ako." giit ko habang nakatingin sa malayo. Nabablanko ang utak ko. Wala na akong luhang maiiyak pa.

Napaaray ako ng bigla niya akong batukan ng malakas. "Ano bang pinagsasasabi mo?! Anong mawawala?! Gago, hindi ka mawawala! Mawawala ka lang kapag kusa kitang binalik sa sinapupunan ng nanay mo!" humahangos niyang sambit habang ako ay kinukuskos parin ang batok ko.

"Grabe ka naman magreact! Ayaw ko man pangunahan ang lahat, alam kong dun din ang aking bagsak, Kiera. Doctor na mismo ang nagsabi na baka hindi na ako gumaling. Kaya hindi na ako aasa pa." giit ko na nagpatahimik sa kanya. Hindi siya kumibo at nakatingin lamang siya sa akin. Ayoko rin namang maiwan kayo, lalo na 'tong babaeng to! Mamimiss ko ng sobra ang kabuangan niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong yakapin. Rinig na rinig ko ang malalakas niyang hikbi. Umiiyak na naman siya? Ugh.

"Aray, Kiera! Nasasakal nako." pinilit kong tanggalin ang kamay niya dahil hindi talaga ako sanay na makitang umiyak ang babaeng 'to, ngunit masyado siyang malakas at ayaw niya talagang magpaawat.

"Kiera ano ba?! Hindi pa ako patay! Wag muna!" pagbibiro ko ngunit mas lalo lang atang lumakas ang mga hikbi niya. Peste!

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko si Kib na nagsalita. Nakapamulsahan ang isa niyang kamay habang ang isa niya namang kamay ay hawak ang kamay ni— "Tita?" napatayo ako ng makita si titang maluha-luha ng nakatayo sa tabi ni Kib.

"Ayaw magpaawat kaya dinala ko na dito." nakangiting tagon ni kib sa akin. Nagulat naman ako ng bigla na lamang akong yakapin ni Tita tulad ng ginawa ni Kiera. Ano ba, mag-ina ba kayo?!

"Kamusta ka, Hija? Ano bang ginawa mo at nagkasakit ka? Masyado mo sigurong pinabayaan ang sarili mo." maluha-luhang giit ni tita nang makawala ito sa pagkakayap sa akin.

Ngumiti lang ako dahil maski ako ay hindi rin alam ang sagot. "Siguro hindi ka inalagaan ng anak ko ng maayos, noh?" tanong nito at sabay hampas pa sa braso ni Kib. Natawa naman ako at tsaka umiling.

"Hindi po totoo 'yan. Masyado nga po akong spoiled kay Kib e. Kaya wag niyo pong isisi sa kanya." pilit-ngiti kong sagot sa tanong niya.

Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata at tsaka ngumiti. "Sana ay gumaling ka na, Hija." giit nito at muling ngumiti. Nagpaalam din agad siyang pupunta kila mommy para kausapin ito.

Kami naman ay bumalik na sa loob ng kwarto ko para kumain at manood ng Tv. Sa susunod na araw daw ay maaari na akong lumabas ng ospital basta raw ay araw-araw akong pupunta para magpatreatment at kailangang araw-araw rin akong uminom ng gamot pampalakas ng katawan.

Naupo na akong muki sa kama at inayos naman ni Kin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Ngumiti siya at tsaka tumabi din sa akin. Nanonood kami ngayon ng paborito niyang movie ang Home. Gah! Hindi ko alam kung ilang beses niya na ba napanood 'yan. Hindi siya nagsasawa pero ang cute cute niya tignan. Naalala ko noon na lagi niyang ikinukwento sa twitter ang mga scenes sa Home tapos minsan pabebe pa siya magkwento haha!

"Bakit ka ngumingiti ng mag-isa?" natigil ako sa pagt-throwback ng marinig ko siyang magsalita. May hawak na siya ngayong ice cream at isa lang ang kutsara!

"Penge!" naisambit ko na lamang tsaka napapout. Pustahan tayo dadamotan niya na naman ako.

"Sabihin mo muna kung bakit ka ngumingiti ng mag-isa?" tanong niyang muli kaya naman napangiti na lang ulit ako at tsaka siya kinurot sa pisngi.

"Naitanong ko lang sa sarili ko na 'bakit kaya hindi ka nagsasawa sa palabas na 'yan' tapos ayun napangiti lang ako 'nong maalala ko na lagi kang nagkukwento tungkol jan sa twitter 'nong hindi pa tayo nagkikita." natatawa ko sambit dahilan upang mapangiti naman siya ng matamis.

"Wag ka na ma-curious, ang c-cute lang kasi nila kaya ganon tsaka nakakaiyak ang story." giit niya sabay sandok sa ice cream at tsaka isinubo sa akin kaya napanganga na lang ako. Dinilaan niya pa 'yung kutsarang ginamit biya sabay kindat! waaahhh! buset ka talaga!!

Tumawa kang siya ng mapangiwi ako dahil sa ginawa niya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to! Jusko aatakihin ako sa puso ng wala sa oras!!

"Kinikilig ka na naman jan!" pang-aasar niya kung kaya't tiningnan ko siya ng masama. Feeling ko namumula na naman ako e. Pero balasiyajan!

"Subuan mo nalang ulit ako. Kinikilig nako ng sobra e." nahihiya kong sambit. Agad naman niya akong sinubuang muli ng ice cream gamit 'yung kutsarang ginamit ko ginamit niya rin. kyaaaah!


Magtatakip-silim na nang magpaalam si Kiera na uuwi na daw siya. Hindi ko naman na siya mahatid sa labas ng hospital gaya ng ginagawa ko kapag bumibisita siya sa bahay. Si tita naman ay kaninang after lunch nakauwi. Malayo-layo pa kasi ang byahe niya at si Kib naman ay dito na sa hospital matutulog.

Nagtakaka nga ako e, wala ba siyang pasok?!

"Hoy!" sigaw ko sa kanya na busing-busy sa panonood ng spongebob habang ako ay nagbabasa ng Hell University niyang libro. Dinala niya para sakin e.

"Bakit, Mahal?" lumingon siya sakin at may nakakalokang ngiti sa kanyang mga labi. Bigal naman akong nahiya ng tawagin niya akong 'MAHAL'. Munyeta, ayan na naman siya sa pagpapakilig!

"B-bakit ka nga pala hindi pumapasok?!" nauutal kong tanobg pero pinilit ko paring taasan ang boses ko.

"H-huh? Sunday na kaya. Nung friday wala kaming pasok. Ulyanin ka na ba Mahal ko?" pang-aasar niya. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa napagtanto. Buset!! Lagi niya akong pinapakilig!! Lagi rin akong napapahiya sa kanya!! Kyaaaah!

"Hayts, ang dami mo sigurong iniisip. Bigla ka nalang natutulala e." malungkot niyang sambit at tsaka tumayo sa couch na kinauupuan niya kanina at tsaka tumabi sakin at sabay pulupot ng mga braso niya sa braso ko. Inihilig niya rin ang ulo niya sa balikat ko. Napakalapit niya at ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa leeg ko dahil ibinaon niya doon ang mukha niya. Para akong naninigas dito!!! >~<

"Ang bango mo talaga, Mahal ko." papuri niya sakin. Sinilip ko naman ang mukha niya. Nakapikit siya habang inaamoy-amoy parin ako. Ang sweet niya ngayon!!!

"Ganon talaga pagmaganda!" taas noo kong sambit pero umubi lang siya na parang sinabi na 'weh!'

"Sama mo!" napairap ako at tsaka hinampas siya sa balikat.

"Aray! Yan ka na naman e! Napaubo lang tch!" pagtatampo niya pero nakakapit parin sakin. Natawa na lamang ako. Sana'y lagi nalang kaming ganito. Sana lagi ko nalang siyang kasama at sana wala nalang kaming mga problema.

Pero alam ko naman na kalakip ng kasiyahan namin ay ang kalungkutan at mga problemang sisira at magpapahina sa pagmamahalan namin ngunit naniniwala akong kahit kailan ay hindi niya bibitawan ang mga kamay ko at kahit anong mangyari ay hindi namin iiwan ang isa't-isa at magmamahalan ng buong puso.



To be Continued ;)

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 129 37
Harry Trainer Goddess Good looking guy. Matangos ang ilong bilogan ang kulay asul niyang mga mata makinis ang balat matangkad may mapupulang labi na...
3.8K 154 9
Ano kahihinatnan ng isang challenge na pawang katuwaan lamang at makakasama mo ang matapang niyong President na ma-lock sa loob ng isang library?
33.6K 968 62
Paano kung malaman ni Kyra... na ang kinikilala niyang KUYA ay hindi niya pala tunay na kapatid? At papaano naman kung may tutol sa pagmamahalan nila...
78.1K 3.6K 58
[Highest Rank Achieve in Tags] (No. 1 in CLANS) >>SEASON 1> I dedicate this story to the real RDRC members. Thanks for letting me use your clan name.