Xynthia's Mission To Love (Ra...

By xoKALELxo

71.6K 1.4K 40

(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not s... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER SIX

5.6K 128 3
By xoKALELxo


NAPANGITI na lamang si Xynthia nang kindatan siya ni Denver nang lumingon siya rito. Naroon siya sa kusina at nagluluto. Ito naman ay nakaharap sa laptop nito.

Nang maluto na ang ulam ay inilagay na niya iyon sa pinggan at inilapag sa mesa. Nilapitan niya ang binata.

"Kanina ka pa nagpapa-cute, ah."

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi iyon pagpapa-cute. Natural na 'yon."

Natawa siya. Kunsabagay, tama naman ito roon.

"Halika na nga. Kain na tayo ng hapunan."

Pagkatapos ng trabaho nito kina Tomas ay niyaya na naman siya nitong mamasyal. This time, doon na sa burol na malayo-layo rin sa bahay nila. Pero labis naman siyang nag-enjoy. Nagdala na rin sila ng pagkain at doon na nagtanghalian.

The place was simply captivating. Tama nga ang sabi nila, ang mga magagandang tanawin ay makikita lamang sa pinakatagong bahagi ng bansa.

"Nag-enjoy ka ba kanina?" tanong ng binata nang magsimula na silang kumain.

Nginitian niya ito. "Sobra. Ang ganda-ganda kaya roon."

He smiled at her. "Mabuti naman. Para na rin ma-relax ka."

Ngiti mo pa nga lang, nare-relax na 'ko.

She could not help but to dream that he was feeling the same way. Ipinapasyal siya nito at ginagawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Naka-dalawang nobyo na nga siya pero iba naman itong nararamdaman niya ngayon. Now, it was strong and irresistible. Ilang gabi na nga ba niyang napapanaginipan na hinahalikan siya ni ni Denver.

Nag-init ang pisngi niya sa naisip. Baka mamaya ay mahalata na ng binata na naaapektuhan na siya ng labis sa presensiya nito. She didn't want him to know.

Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan pa siya nitong maghugas. Nakasanayan na rin naman nila iyon. Tinutulungan talaga siya nito kapag wala rin lang itong ginagawa.

Nang matapos na nila ang ginagawa ay niyaya siya nito upang maupo roon. She agreed. Naupo lamang silang dalawa roon. She felt contented with him on her side. Kung mayroon man siyang natitiyak nang mga oras na iyon. Alam niyang kinikilig siya. Matagal-tagal na rin mula noong huli siyang kiligin. Hindi pa nga iyon ganito ka-grabe.

"How do you find working with me?" tanong nito sa kanya mayamaya.

Napatingin siya sa lalaki na noon ay nakatingin din sa kanya. She let out a smile. "You're great. Nag-e-enjoy akong ka-trabaho ka. Marami akong natutunan."

Ito naman ang ngumiti sa kanya. "Mas nag-e-enjoy akong kasama ka."

Nagbawi siya ng tingin dito at yumuko. She could not stand his stare. Pakiramdam niya ay hinihigop siya nito patungo sa loob ng puso nito. Ngayon nga, pakiramdam niya, parang bilanggo na siya sa loob ng puso nito. As crazy as it seemed, it was true. And it was just plain crazy. Sino ba namang mag-aakalang lalalim ng ganito ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki?

"Gusto ko nang matapos na 'tong trabahong 'to."

Napatingin siya sa lalaki. Akala ba niya nag-e-enjoy itong kasama siya? Bakit ito na yata ang nagmamadali ngayon?

"So we could have time knowing each other without any work to think of," wika ng lalaki.

Napatingin siya rito. And when he flashed his jaw dropping smile, she forgot what to say. Napalunok siya at pilit na ngumiti. Nakain na yata niya ang dila niya.

"Let's get some sleep, maaga pa tayo bukas. Alas onse na," anang binata bago siya inalalayan patayo.

Gusto pa sana niyang tumanggi nang igiya na siya nito patungo sa kuwarto niya, ngunit nang hawakan na siya nito ay hindi na siya nakapagsalita pa.

"So, goodnight, Xynthia..."

Tumango siya rito. "Yes, goodnight."

Ngunit binalot na siya ng pagkaasiwa nang hindi pa umalis ang binata sa harap niya. Although, she liked him near her, she felt really awkward because they already said good night.

Nagkatinginan sila ng binata. And before she could say a word, pumunta na sa pisngi niya ang kamay nito at marahang hinaplos iyon.

She shivered. He stepped forward, and they were so close to each other. Napalunok siya. Kusang pumikit ang mga mata niya nang bumaba ang labi ng binata patungo sa kanya. Napasandal siya sa dingding. Rumagasa sa iba't ibang bahagi ng katawan niya ang nakakakiliting sensasyon na nararamdaman niya sa tuwing nagkakalapit sila ng binata. But this time, it was wilder and hotter.

Nang muling sakupin ng binata ang labi niya ay napakapit siya sa leeg nito. Her knees were weak that she wanted to throw herself to him and just hug him the whole night.

Ginantihan niya ang halik ng binata. She wanted the kiss to last. He was biting her lower lip. And the next thing he did made her deliriously hot. His mischievous tongue played in every corner of her mouth. Binalot na siya ng kakaibang init na noon lamang niya naramdaman. She could feel the inside of her stomach making motions, as if butterflies were dancing.

Idinikit pa siyang lalo ng binata sa pader habang hinahalikan siya nito. Ang init ng katawan nito ay ramdam na ramdam niya sa suot niyang pajama at manipis na t-shirt.

Nang pakawalan siya ng binata ay kapwa pa sila naghahabol ng hininga. When he reached for her forehead and kissed it, she could not help but smile.

"Go to bed now..."

His voice was so sexy that she did not even want to go inside and sleep. Tumalikod na lamang siya rito bago pa siya alipinin na naman ng nararamdaman niya.


MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad sina Xynthia at Denver nang hapong iyon sa bayan. Nasa kaliwang kamay na ng binata ang pinamili nilang mga gulay kanina. Lihim na napangiti si Xynthia nang tingnan ang magkadaop na palad nila ng binata.

Kaninang umaga pagkagising niya ay nabigla pa siya nang maabutan ang lalaki na nasa kusina at nagluluto. He even insisted to prepare their breakfast alone. Ang ginawa niya ay naupo na lamang siya sa harap ng mesa. Ang pakiramdam pa nga niya nang mga oras na iyon ay asawa niya ito.

Kung pwede nga lang...

"Gutom na 'ko..." wika nito sa kanya mayamaya.

Hinila siya nito sa maliit na burger stall na nasa malapit lang. Napangiti na lamang siya. She was enjoying it. Really. Kasama pa lang niya ang lalaki ay na-e-energize na siya. And she was so inspired.

Dalawang burger ang in-order nito at dalawang softdrinks na rin. That was one of the man's quality the she admired the most. He was so manly. Kahit alam niyang may kaya ito sa buhay ay wala siyang makitang kaartehan sa lalaki.

"You're staring at me."

Napakurap siya. "Ha?"

"Nakatingin ka sa 'kin na parang gusto mo na 'kong i-take home."

Natawa siya. "Iti-take home naman talaga kita, ah. Sa iisang bahay lang naman tayo tumutuloy, ano."

Ito naman ang natawa sa sinabi niya. "Oo nga pala."

Napangiti na rin siya. She wanted every minute with him to last. Kung naroon lang sina Drew at Ondrea ay talagang sasabihin niya sa mga itong sobrang inspired niya dahil kay Denver.

Napatingin siya sa labas nang mahagip ng tinging niya ang pamilyar na pigurang iyon.

"Tomas?" mahinang usal niya. Napatingin siya sa kaharap na binata na abala sa pagkain ng in-order nitong burger. "Denver..."

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Bakit?"

"Nakita ko si Tomas, nandito siya sa bayan," aniya. Muli niyang binalikan ang direksiyon ng lalaki. Papunta ito sa kabilang eskinita. "Let's go, sundan natin."

Tumango ito at sabay na silang tumayo palabas. Nang makaliko na ang lalaki ay sabay silang nagtungo sa direksiyon na pinuntahan nito.

Nakita nila si Tomas na may kausap na lalaki. Walang masyadong tao sa lugar na iyon. Sinenyasan siya ni Denver na lumapit pa sila sa dalawa. Doon sila dumaan sa likurang bahagi at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng dalawang lalaki.

"Pagkatapos ng virus launch, kailangan mo nang bumalik ng Maynila para asikasuhin ang iba pang utos ni bossing. Alam mo naman iyong pinsan mo, gusto laging madali ang trabaho. Ide-deliver ng mga kasama natin sa susunod na araw ang mga files. Kapag nakuha mo na, siguraduhin mong mai-didispose mo kaagad. Ang sabi ni Dado, kumikilos na ang agency para i-track tayo. Aalis na siya pagkatapos ng grand launching," wika ng lalaking kausap ni Tomas.

May edad na ang kausap nito. Sigurado siyang miyembro rin ito ng Goblin.

"Sure, ako na ang bahala. Inihahanda ko na ang mga gagamitin natin. Sabihin mo kay Kuya, kokontakin ko siya. Everything will follow just as what he wished..."

"Good. Sige, aalis na 'ko."

Napalunok siya nang makitang sa kinaroroonan nila papunta ang lalaking kausap ni Tomas.

"Come on," wika ni Denver saka siya hinila ng binata. Nauna itong sumampa sa bangketa saka siya. Pahigang pumatong na siya sa binata. Mabuti na lamang at malaki ang bangketa. Nahigit niya ang hininga nang makitang nilampasan na sila ng lalaki. Isinusubsob niya ang mukha sa dibdib ni Denver. Nakakasulasok ang amoy sa loob. Mabuti na lamang at kahit papaano ay naamoy niya ang bango ng binata.

Ilang sandali pa muna ang pinalipas nila bago siya kumawala rito. Nagmasid na muna siya sa paligid, at nang masigurong wala na rin si Tomas doon ay bumaba na siya.

Napatingin siya sa binata. "Are you okay?"

Ngumiti ito. "Yeah. Umalis na tayo. May lulutuin pa tayong menu."

Napangiti na rin siya. She knew that menu--- their plan for Tomas, of course.



"MAY bibilhin lang ako sa bayan. Babalik din ako agad, bantayan mo ang bahay."

Napatingin si Denver kay Tomas na noon ay kausap ang katulong nito. Napangiti siya. He had to think what to do.

Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa hanggang sa marinig niya ang pag-andar ng sasakyan ni Tomas. Ilang sandali pa ay umandar na iyon palayo. Binilisan niya ang paglilinis ng kulungan. Mabuti na lamang at dala-dala niya palagi ang camera na ikakabit niya sa loob ng bahay. Uunahin niya ang kuwarto ng lalaki na nasa kaliwang bahagi lamang ng bahay. Marahil ay naroon din ang mga gamit nito. He had to move fast. Bago pa man dumating ang lalaki.

Dahan-dahan siyang sumilip sa likod-bahay. Naroon ang katulong at naglalaba. Humugot siya ng hininga at lumapit dito.

"Aalis na po ako."

Tumingin ito sa kanya at tumango.

Dahan-dahan siyang tumalikod dito. Nang muli niya itong tingnan ay nagpatuloy na ito sa paglalaba. Maingat ang kilos na pumasok siya sa loob ng bahay. Napatingin siya sa hagdan. Binagtas niya iyon, at nang makarating sa taas ay bumungad sa kanya ang dalawang pinto. Nakakandado ang dalawa.

Kinuha niya ang alambre na kinuha niya kanina sa sampayan. Kailangan niyang mabuksan ang pinto. Hinarap niya ang malaking pintuan. Marahil ay iyon ang master's bedroom.

Lumingon siya sa paligid bago ipinasok ang hawak sa seradura. Napangiti siya nang marinig ang pag-click niyon. Nang pihitin niya iyon ay bumukas na ang pintuan.

Napatingin pa siya sa nagkalat na gamit sa loob ng kuwarto ng lalaki. Tama nga siya na naroon ang mga gamit nito. Kinuha niya ang dalang maliit na kamera. Tumuntong siya sa upuan na naroon at ikinabit iyon sa ibabaw. Maliit lamang iyon at hindi agad makikita dahil kakulay lamang iyon ng puting kisame.

Nang makababa ay pinasadahan niya iyon ng tingin. Ibinaling naman niya ang mga mata sa tatlong malalaking personal computer na naroon. Napatingin siya sa computer na nasa gitna na naka-on. Napatiim-bagang siya nang makita ang logo ng Goblin sa screen. Kung bubuksan niya iyon malamang ay aabutin pa siya ng ilang minuto sa pagha-hack ng password. Makakabalik na ang lalaki.

Tiningnan na lamang niya ang mga drawers na naroon. Mga folder na wala namang laman ang naroon. He had to find something that they could use.

Ngunit nang sa isang drawer na sana siya maghahanap ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan ni Tomas. Nagmamadaling tiningnan niya ang paligid kung wala ba siyang nagulo. Nang masigurong wala ay lumabas na siya roon at ikinandado ulit ang pintuan. Nagmamadaling bumaba at nagtungo sa pintuan na nasa kusina. May kasunod iyong pintuan palabas.

Hinihingal na isinara niya ang pintuan. Naroon na siya sa labas ng bakuran ng bahay. Napasandal siya sa sementong pader.

"Nasa'n si Ivan?"

Napalunok siya sa tanong ng lalaki sa katulong nito.

"Umalis na po."

He sighed of relief. Doon na siya dumaan sa likod patungo sa bahay nila ni Xynthia.

Nang makarating siya sa bahay ay agad siyang pumasok sa loob. Naabutan niya si Xynthia na may binabasa sa laptop.

"Denver? Okay ka lang?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya at naupo sa tabi nito. Ini-on na niya ang kanyang laptop.

"Anong nangyari?" tanong ng dalaga sa kanya.

"Naikabit ko na ang camera sa kuwarto ni Tomas," sagot niya.

Sabay silang napatingin ni Xynthia nang buksan na niya ang program kung saan konektado ang camera na ikinabit niya. Bumungad sa kanilang dalawa si Tomas na noon ay nakaharap na sa computer nito at may iti-na-type.

"Natingnan mo ba ang mga 'yan?"

"Hindi, eh. Nagmamadali ako at kailangan pang ipasok ang password. It would take couple of minutes before I could hack the pass." Napasandal siya sa kanyang upuan. "We have to monitor him. Para malaman natin kung saan niya itinatago ang mga importanteng dokumento ng grupo nila."

"Okay," wika ng dalaga. "And oh, before I forgot..."

Napatingin siya sa katabi. Binuksan nito ang email nito.

"May bagong email si Lei. We have to move as fast as we can. Sa susunod na linggo na raw ilalabas ng Goblin ang virus. Maapektuhan nito ang lahat ng bank transactions pati na rin ang internet. They're moving like a lightning. Iyon ang tinutukoy ng kausap ni Tomas na grand launch."

Napatingin siya sa email at napabuntong-hininga.

"Denver?"

"Hmm?"

"Tungkol kay Tomas, we could hack him right here and now."

Napatingin siya sa babae.

Nagpatuloy ito. "Listen. Magagamit natin ang router. We just have to work on tracking his IP address. Kapag nagawa na natin 'yon, ma-a-access na natin ang mga files niya."

Napaisip siya. He didn't think about that. He thought of accessing the man's computer itself.

"We could do that. Pero mahabang oras din ang magagamit natin."

Nginitian siya ng babae. Natunaw yata ang puso niya sa nasaksihan ng mga mata niya.

"Magtutulungan naman tayo."

"You know how to do it?"

Natawa ito. "Oo naman. Lei gave me a complete training, don't worry."

Napangiwi siya. "It's not that I don't trust you. Akala ko kasi ay wala kayong training sa ganito. You don't get to handle hacking cases every year."

"Well, yeah. Pero iba naman ang ginagawa ni Lei, sinisigurado naman niyang mabibigyan niya ng kumpletong training ang mga agents niya."

Napatingin siya sa babae. She was just too awesome. Well, she could make him smile and work like it was the best thing in his life.

"Lahat ng agents ni Lei ay maaasahan mo. He's a great boss," patuloy ng dalaga.

Napatingin siya sa babae. She really looked up to his dear cousin then.

"Do you have a crush on him?"

Napatingin ito sa kanya. Pati siya ay nabigla sa tanong niya.

Napangiwi siya. "Well... uh..."

Narinig niya ang pagtawa ng dalaga.

"Come on, Denver. Nakakatawa ang tanong mo. Never akong nagka-crush kay Lei, 'no. Nakakatandang-kapatid lang ang tingin ko sa kanya."

Natawa na rin siya. Deep inside him, he was happy.

"Let's get started..." wika ng babae sa kanya mayamaya.

"Sure."

They smiled at each other.

Gorgeous.

Continue Reading

You'll Also Like

196K 777 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
231K 3.4K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
62.1K 1.6K 16
Published by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good me...