Unang Tingin (gxg) (Completed)

By jergi_cabeyow

463K 10.3K 628

Nakakainip maghintay sa pila, pero biglang nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang babae na payat tas... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 20

11.7K 306 31
By jergi_cabeyow

(Patugtugin ang Ikaw Lamang by Silent Sanctuary)

Pauwi na kami ni Lexi.

Bago umuwi pumunta muna kami sa maliit na mall.

Nilibre ko siya sa mang inasal.

Batak pala tong babae na to sa unli rice. Said na said yung tatlong kanin.

"Salamat ah. Sa panlilibre." Sabi niya at parang nahihiya.

"Wala yun." Sabi ko.

Nilibre ko siya kasi... ewan ko rin. Feeling ko kasi kailangan kong bumawi sa kanya sa di malamang dahilan.

Habang naglalakad kami tahimik lang at walang imikan.

Komportable naman yung katahimikan at hindi awkward. Yun ang huli kong gustong mangyari samin ni Lexi. Ang maging awkard sa isa't isa.

Kaya hindi ko masabi sakanya na gusto ko siya kasi baka layuan niya ko.

Baka gaya lang din siya ng ibang babae na iiwan lang ako at papaasahin.

Hindi ako handang mawala yung friendship namin dahil lang sa feelings na to.

"Bat ka nakatingin sakin?" Tanong niya.

Lagot. Di ko namalayan na nakatingin lang pala ako sakanya.

"Wala lang." Sabi ko.

"Lahat ng bagay sa mundo may dahilan Gabe." Sabi niya at tumingin palayo.

"Pag kasama kita, di ko na kailangan ng kung anu anong dahilan, kasi ikaw na mundo ko."

Sabihin ko na ba sakanya yon?

"Pag--"

"GABE!!! MUSTA NA?!" Pasigaw na sinabi ni Gale mula sa kabilang kalsada.

Sa lahat ba naman ng oras na meron ako sa mundong to bakit ngayon pa?!

Kung kelan sasahihin ko na?!

Pero... san ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sakanya yon? Astig.

Tumakbo si Gale mula sa kabilang kalsada at umapir sa akin.

"Nice one Gabe. Sinong tong minalas at na scam mo? Wag ka maniwala sa networking na sinasabi neto." Sabi ni Gale habang nakatingin kay Lexi.

Mental note: patayin si gale habang tulog

"Lex, si Gale kaibigan ko. Wag mong gaanong pansinin sinasabi kasi yung turnilyo niyan sa utak lumuwag kaya nalaglag. Kaya nga nandito yan hinahanap niya eh." Sabi ko at natawa kaming dalawa ni Lexi.

"Eto na ba yung crush mo Gabe? May kinukwento sakin yan, may crush daw siya Lexi pangalan. Iniisip niya raw yun tuwing ga---" sabi ni Gale.

"Sinungaling ka. Ilang buwan na nga tayong hindi nag-uusap." Sabi ko at humarap kay Lexi. "Sakin ka maniwala Lexi." Sabi ko at pinisil pisngi niya.

"Ayoko sayo, pinipisil mo pisngi ko." Sabi ni Lexi.

"Ouch! Hindi pa nanliligaw nabasted na! HAHAHAHA" sabi ni Gale. "Ayos lang yan, may kakilala akong chix. Sagot na kita. 150 per night."

"Chix hanap ko hindi callgirl!" Sabi ko.

Nagtawanan kaming tatlo at panay asar lang sa amin si Gale. Kay Lexi parang wala lang natatawa lang siya.

Sa tingin ko nababasa ni Gale ang isip ko alam niyang gusto ko si Lexi.

"Kailan mo sasagutin tong si Gabe? Tagal na netong single ah. Panat na to eh matanda na." Sabi niya.

Kahit ako natawa sa sinabi niya eh.

"Pano ko sasagutin hindi naman nanliligaw?" Sabi ni Lexi at tumingin sakin. 😜(mukha ni lexi habang nakatingin kay gabe)

Napatigil ako

"Ligawan mo na kasi." Sabi ni Gale. "Simula ngayon, dinedeclare kong nililigawan na ni Gabe si Lexi." Sabi ni Gale.

What da pak of the paker in the paking pak.

"Dalhin mo bag ko." Hinubad ni Lexi bag niya at binigay sakin.

Kinuha ko naman.

Wait nagloloading pa lahat ng mga nangyayari sakin.

"Maya ka nalang mag thank you sakin. Burger steak at tuna pie sa jollibee." Bulong ni Gale sakin.

"Osige Lex at Gabe mauna na ako. Ingat kayo! Magdiwang ang bagong kasal." Sabi niya.

"MAGDIWANG!!" Sinigaw ko.

Nagulat din ako bakit ako sumigaw ng ganun eh.

Nabuhay siguro yung animal spirit ko.

Kaming dalawa nalang. Kakabahan na ako neto kasi kaming dalawa nalang.

"Seryoso yun Lex?" Tanong ko.

"Oo. Seryoso yun. Bakit? Magagalit ba crush mo?"

-------

To be continued...

------- JOKE.

"Magagalit ka ba?" Tanong ko.

Eto na.

Lulunukin ko na hiya ko. Lahat ng insecurities ko. Lahat ng pag aalinlangan ko. Di ko na sasayangin tong pagkakataon na to.

Tumigil kami sa paglalakad at nakatingin lang ako sakanya at nakahawak sa kamay niya.

"Anong magagalit ba ako?" Tanong niya.

"Sabi mo kasi kung magagalit ba crush ko. Kaya tinatanong ko kung magagalit ka ba."

(Patugtugin ang Pag-ibig by spongecola. Astig to)

Nung sinabi ko yun, parang nabunutan ako ng tinik ng whale sa lalamunan.

Nasabi ko na sakanya woooooh!

"Uh-uhmm. Gabe-"

Rejected.

"Ok lang Lex, gusto lang kita. At alam kong di mo ko gusto. Ayoko talaga tong sabihin eh. Kasi baka layuan moko. Pero nadala lang ng emosyon pati na rin ng sitwasyon kaya nasabi ko to ngayon." Sabi ko.

Mga 5 seconds nakatingin lang siya sakin at aalis na dapat ako.

Nang bigla niya akong niyakap.

"Gusto kong tumawa ngayon kasi ang cute mo pag malungkot at masyadong seryoso. Subukan mong umalis ngayon at maglakad palayo hindi kita sasagutin." Sabi niya at lalong hinigpitan ang hawak sakin.

Nanaginip ba ako? Walang gigising sakin. PLEASE.

"Gusto rin kita Gabe. Wag ka umalis kasi hindi ako lalayo." Sabi niya.

Niyakap ko rin siya.

"Lexi.. wala akong masabi sa totoo lang. Gusto ko lang magpasalamat sa Diyos kasi gusto mo rin ako. Pero alam mo naman na mahirap tong ganitong relasyon diba? Baka ayaw ng pamilya mo? Are you willing to stay?" Sabi ko.

Walang kahit na anong bagay na makakapantay sa kasayahan ko ngayon. Sana may time machine, para pag namimiss ko tong pakiramdam na to babalik balikan ko lang itong oras na to.

"Una sa lahat, alam nila mama na bisexual ako kaya hindi ko nga sinagot si Lance kasi more on girls talaga ako. Pangalawa, hindi pa tayo hindi pa kita sinasagot. Di ko nga alam kung bat ako nakayakap sayo eh!" Sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap ko.
"Pangatlo, yes I am willing to stay basta kasama ka."

"Wala akong masabi... speechless si aq." Sabi ko at natawa siya.

"Kaya ligawan mo ko at uwi na tayo kasi inaantok na ako." Sabi niya.

"Yes boss." Sabi ko at hinawakan kamay niya.

Habang naglalakad kami ay sumimpleng halik ako sa likod ng palad niya.

Nakita ko siyang nagblush pero.imbes na sabihing kinilig siya, pinagpapalo ako kasi bawal ko pa raw gawin yun.

Hinatid ko na siya sakanila.

Ang simple lang ng bahay nila pero maganda.

Umuwi na rin ako at chinat si Gale, Shane at Amara tungkol sa nangyari kanina.

Kinausap ko rin si mama tungkol dun at daig pa ang nanalo sa lotto kung makapag celebrate.

Balak pang magmeryenda sa kapitbahay.

Bago matulog ay chinat ko muna si Lexi.

Gabriel: Goodnight.

Lexi: Bat yan lang?! 😠😠

Lexi: Ayokong ganyan ka lang magchat!

Ano bang mali sa goodnight ko?!

Gabriel: Bakit?

Lexi: Basta, feeling ko di ako importante sayo at may iba kang gustong kausap bukod sakin.

Now I know

Gabriel: Sorry na, bawi ako sayo bukas. ☺😊😀😁😂😃😄😅

Lexi: Ang dami niyan masyado masakit sa mata. Pero bukas huh. Goodnight. Dream of me.

Gabriel: Ofcourse baby girl. 😍

Lexi: Baby girl ka jan. Pang-ilan na ako na sinabihan mong ganyan.

Tamang hinala baby girl ko.

Gabriel: Pangalawa.

Lexi: Iba-block kita.

Gabriel: Joke syempre first and last na.

Lexi: Good.

Gabriel: Kasi babe tawag ko sa ex ko.

Lexi: Anong pangalan ng ex mo sa fb? 😊😊

Gabriel: Gly Dene

Lexi: Jejemon.

Gabriel: Hahahaahahaha!!

Lexi: Hehehe. Mas maganda ako.

Gabriel: Lagi ka naman  talagang maganda.

Lexi: Matulog ka na bukas mo na ko bolahin.

Gabriel: Tabi ka sakin 😢😢

Lexi: Bawal, pakasalan mo muna ako bago kita tabihan.

Gabriel: Oo naman. Willing to wait nga ako sa chicken ng jollibee eh. Sa chic ko pa kaya. Hehehe.

Lexi: Chick ka jan. Ginawa mo pa akong sisiw. Baka isa lang ako sa mga side chick mo ah.

Gabriel: Isa ka lang na chick ko? Oo.

Lexi: Matulog ka na bwisit. Gabing gabi na pinapakilig mo pa ko. Goodnight Gabe.

Gabe: Goodnight 😍🙈

Lexi: Kamukha mo mas cute lang siya. 😜😝😋

Gabriel: 💩

Lexi: Seen 8:45 pm.

------

Enjoy ba?

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
171K 4.1K 75
Will you take the risk with the person who hurt you once? Will it still be the same feeling after the damaged has been done? .... Find out ***NOTE:...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
12.1K 48 2
1st story ko po ito kaya sorry sa maling grammar o kahit ano HAHAHAHA taena magbasa kayu kung gusto niyo o kung ayaw niyo wag mona basahin ganun lang...