Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

By GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 32: God on My Side

8.7K 481 24
By GYJones

Malakas ang agos ng gripo ng CR habang naghihilamos ng mukha si Father Markus sa lababo. May sabon sa kanyang tabi. Nahubad na niyang kanyang kulay puting sutana at purple na stole na siya namang nilalabahan ni Brother Paul sa kabilang lababo gamit ang detergent. Maya-maya'y may kumatok, bumukas ang pintuan at sumilip si Wendell.

"Father, heto daw po ang towel," sabi ng binata at inabot ang dala sa pari.

"Salamat, Wendell."

Nagpunas ng mukha si Father Markus.

"O-okay na kayo, Father?" tanong ni Wendell. Napatingin si Brother Paul, inaantay ang magiging kasagutan ng pari.

Hindi agad nakasagot si Father Markus. Maging siya ay gusto ring itanong iyon sa sarili. Kung okay nga ba siya. Kung okay pa ba siya. Kung kaya pa ba niya. Tumingin siya kay Wendell mula sa salamin at tumango lamang. Tumango rin ang binata pagkatapos ay lumabas. Nagpatuloy si Brother Paul sa paghuhugas ng stole, na nag-iisa lang na dala ni Father Markus kaya't paspas niya itong nililinis.

Naramdaman ni Father Markus ang tingin na binigay ng dalawa sa kanya. Naisip niya, sila ba'y nagdududa kung magtatagumpay pa ang exorcism? Ang pagdududang ito'y magpapahina lang sa kanila. Hindi dapat manaig ang pagdududa kung nais nilang magtagumpay sa dimonyo. Nguni't hindi lang si Wendell o si Brother Paul, sa labas, dinig naman ang pagtatalo ng iba.

Sa sala ng Bahay na Bato ay may nagaganap na diskusyon. Pasado-alas nuebe sa orasan, nag-distribute si Manong Guard ng mga kape sa styro, at naghain si Karen ng mga minicrowave na sandwiches.

"Bad idea siya from the start pa lang," bitaw na pananalita ni Hannah. "First hierarchy na demon at nilagay natin siya sa kanyang puder. Jules, what were you thinking?!"

"Pero, may advantage tayo. Alam natin ang pangalan niya!" utal na depensa ni Jules habang in-adjust ang salamin niya sa mata.

"Obviously, hindi enough na alam natin ang pangalan ng demon," pagback-up ni Karen kay Hannah.

Si Mayor naman ay nasa side ni Jules.

"Look, people, kailangan lang nating lakasan pa ang loob natin. We don't give up easily!" sabi niya at bumaling kay Hepe. "'Di ba, Hepe?"

"Well...ah..."

Neutral si Hepe dahil ugali niyang hindi pumanig nang basta-basta. Kaya wala siyang tiyak na stand. Sina SP04 Rosales at P02 Paterno sa kanyang tabi ay tahimik lang din, tinatagong kanilang mga opinyon at humigop na lang ng mainit na kape.

"Delikado ito, Jules," serious na sabi ni Hannah.

"'Malakas ang demon dahil nand'yan ang portal, baka pati tayo madamay," pangamba ni Karen.

Uminit ulo ni Mayor, lalo na't hindi pa sila tugma ng opinsyon ni Karen. "Gusto mong mag-give up na lang tayo?" aniya sa kanya. Mukhang nanganganib ang Bali.

Nang marinig iyon ay lumapit sina Kanor at Wendell.

"Ititigil nyo ang exorcism?" tanong ni Kanor.

"Paano si Berta?" dugtong ni Wendell.

Hinarap sila ni Hannah.

"Hindi namin ititigil," paliwanag ng psychic. "Siguro, ibalik na lang sa kubo si Berta at doon na lang ituloy ang exorcism. Maniwala kayo, nag-aalala lang ako para kay Berta dahil ramdam ko ang lakas ng dimonyo sa kuwarto na 'yon. Mas malapit siya sa kanyang dimension, mas madali niyang mahahatak si Berta paloob."

Sa sinabing iyon ni Hannah ay napaisip ang iba at nagpalitan ng mga tingin.

Sa loob ng CR, nakatitig si Father Markus sa repleksyon niya sa salamin, sa kanyang likuran, naaninag niyang naka-hanger na sutana na kanyang pampalit sa nasukahan—this time, iyo'y ang kanyang kulay itim. Sinuot iyon ni Father Markus habang lumapit si Brother Paul para ilagay sa leeg niya ang purple na stole na kanyang nilabhan.

"Salamat," sabi ng pari.

Lalakad na sana palabas si Brother Paul nang tawagin siya ni Father Markus.

"Brother Paul..."

Huminto ang brother at lumingon.

"Yes, father?"

"Ikaw, anong sinasabi ng saloobin mo?"

Saglit na natahimik ang brother. Kontra sa akala ni Father Markus, malakas ang paniniwala nito sa kanya.

"Naniniwala ako sa iyo, Father," sabi nito. "Naniniwala ako na mapapagaling natin si Berta. Ang pananalig natin ang magliligtas sa kanya. Nasa panig natin ang Diyos."

Bakas sa mukha ni Brother Paul ang sinseridad. Nagtanguan sila at kapuwa lumabas ng CR tungo sa sala. Naglingunan agad ang lahat paglapit nila. Mula sa CR ay narinig na ni Father Markus ang mga pinagdiskusyonan nila, at alam na niya'ng sasabihin sa kanila. Na kailangan nilang ituloy ang exorcism sa Dead Room, na iyon lang ang pag-asa nila na mapagaling si Berta. Tinanggap naman ng lahat ang desisyon na iyon. Nagsitayuan ang lahat para magsipaghanda uli habang nilapitan nina Hannah at Jules si Father Markus.

"Sigurado ka ba, Father?" concerned na tanong ni Hannah. "Malakas si Berith dito, naramdaman ko."

"Alam ko, Hannah," sabi ni Father Markus. "Pero ito lang ang talaga best chance natin. Naramdaman ko din ang lakas niya nuong nasa bahay kami. At aaminin ko sa 'yo, wala akong magawa doon. Helpless ako, tulad ng..."

"...tulad ng nangyari kay Sister Juanita?" pagtuloy ni Jules.

Natigilan si Father Markus at lumungkot ang mukha.

"Si Berith ang dimonyo na sumapi sa kanya, hindi ba, Father?" tanong ni Jules.

Tumango ang pari.

"Yes, Jules. Ngayon sigurado na akong si Berith ang nag-possess kay Sister Juanita. Noong mga huling araw niya, nakita ko ang korupsyong ginawa ng dimonyo sa kanya. Wala akong nagawa. Ganun din ang mangyayari kay Berta 'pag hindi natin napatalsik si Berith. Kahit na alam na natin ang pangalan niya, hindi siya basta susuko. Lalaban siya. Kaya kailangan nating gamitin ang portal niya laban sa kanya."

Nag-agree sina Jules at Hannah. Kilala nila ang pari. Kapag nagbitaw ito ng ganitong pananalita, dapat lang na sila'y magtiwala, at magbigay suporta. Pabalik na sila sa Dead Room nang nagmamadaling lumapit si Hepe hawak ang kanyang cellphone. May sense of urgency sa kanyang mukha.

"Ano 'yon?" tanong ni Father Markus.

"Tinawagan ako ng kaibigan kong pulis na hepe ng Lucena CIty," sabi ng pulis.

"At?"

"May aksidente daw na nangyari. Banggaan ng isang Toyota Revo at trailer truck."

"Anong kinalaman nun sa atin?" nagtatakang tanong ni Jules.

"Kay Father Markus, meron," sabi ni Hepe.

Nagulat ang pari.

"Father," tingin ni Hepe, "may kilala ka bang Bishop Reginald Israel?"

Nanlaking mga mata ni Father Markus.

"Siya ang naaksidente. Critical ang condition niya."

#

Nagmamadali palabas ng Bahay na Bato sina Hepe at SP04 Rosales, habang nagsusuot ng kulay dilaw na mga kapote na may tatak ng Dinagatan Police sa likuran. May kalakasan ang ulan sa labas at mukhang lalakas pa. Dama nila ang malakas na ihip ng hangin. Nasa entrance sila ng bahay kung saan may bubongang canopy.

"Saan punta natin, Hepe?

"Sa Lucena tayo, Rosales."

Maya-maya'y lumabas din sina Mayor Arteza at Father Markus.

"Hepe, mabuti pa yung Pajero ko na'ng gamitin natin," sabi ni Mayor.

Napatingin si Hepe sa bulok niyang Toyota Corolla na police car na walang aircon at sa malakas na ulan.

"Mabuti pa nga," tango niya.

Nagkataon na kilala pala ni Mayor ang direktor ng Lucena General Hospital kung saan dinala si Bishop Israel, at dahil hindi makaalis si Father Markus gawa ng nasa kalagitnaan sila ng exorcism kung saan nanganganib din ang buhay ni Berta, ay ang alkalde ang nag-volunteer na sumama kina Hepe at SP04 Rosales. Lubos na nagpasalamat si Father Markus. Nangako si Mayor na tatawag agad once na malaman nila ang kalagayan ng obispo.

Pumarada ang Pajero namaneho ni Manong driver at nagsisakayan sina Mayor, Hepe at SP04 Rosales atsila'y umalis. Pinanood ni Father Markus ang pagalis nila at dinasalan angkanilang paglalakbay. Pagkatapos ay hinarap niya ang bahay, binigyan niya itong matalim na tingin. Hindi pa tapos ang laban. Sa loob, hinihitay siya niBerith. At naalala ni Father Markus ang ipinangako niya kay Berta na kaniyang itongpapagalingin.

"God is on my side," mariin niyang sabi sa sarili bago pumasok sa loob.

NEXT CHAPTER: "Respite"

Continue Reading

You'll Also Like

41.9K 552 7
THIS IS MY REVENGE...... HUMANDA KAUNG LHAT NA NANGLAIT,NANAKIT,AT PUMATAY SA PINAKAMAMAHAL KONG BESTFRIEND MATITIKMAN NIYO ANG BAGSIK NG PAGHIHIGAN...
320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018
5K 379 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
30.7K 393 11
pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana pinaramdam lang talaga ang pagmamahal sa akin Sheena Escalante Clark Gomez #HTTI