Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 10

7.5K 392 295
By peachxvision

Nakatunganga lang ako sa phone ko.

Okay lang naman yung buong linggo ko. Ganon pa rin kami ni Theo, di ko maintindihan kung nabestfriend-zoned ba ako o nafling-zoned.

Kung meron mang mantika-zoned, iyon ako.

"Bakit wala ka pa ring text?!" sabi ko sa phone ko. Wala naman ako karapatang mang-akin, pero naiinis ako na wala siyang text.

Yung wallpaper ko yung picture namin na kinuha ni Eli.

"Bwisit ka!" Pinitik ko yung cellphone ko na ako rin naman yung nasaktan. "Di mo ba ako naiisip?! Eh ikaw halos one plus one, ikaw na rin sagot eh."

Umikot ako sa kama. Naiinis ako na kinikilig ako dahil ang cute kasi namin doon sa picture.

Pumunta ako sa messaging at nagtype.

Paul

13:19

Tapos sinadya ko na i-send kay Theo.

After five minutes, saka ulit ako nagsend.

Ay sorry wrong send

13:24

Nababanas ako na wala pa ring reply. Maya-maya, nagtext si Paul.

PAUL

Bakit?

13:29

Huh? Bakit nagtext si Paul?

Nagreply ako.

Ha?

13:30

PAUL

Magkasama kami ni Theo. Sa kanya mo ata nasend? Bakit may gusto ka sabihin?

13:31

AY NAKO MAHABAGING LANGIT! Di ko naisip na magkasama sila! Napabangon tuloy ako sa kama.

Napakagat ako sa labi. Hello! Eh minsan lang kami mag-usap nitong si Paul. Ano namang dahilan bakit ko siya hahanapin?! Shunga din ako eh. Sige, self ah. Magsinungaling ka pa—ayan tuloy napala mo.

Wala lang.

13:42

Kailangan ganon yung text ko kasi kung magkasama sila, kailangan kong panindigan na si Paul ang crush ko.

Teka, bakit ko ba 'to ginagawa?

PAUL

Crush mo daw ako?

13:45

Nanlaki yung mata ko. Hindi, actually, yung kaibigan mo talaga yung crush ko tapos medyo—slight lang—na pinapaselos ko siya.

Wag ka maniwala kay Theo. Wala lang yan magawa.

13:47

Naghintay ako ng susunod na text.

PAUL

Actually, crush din kita HAHA

13:50

What the f—

Di ko na alam kung anong gagawin ko. Nagpaload ako doon sa kaklase naming may e-load business nung may unli call para matawagan ko si Eli kaso di naman siya sumasagot. Buti nag ring yung kay Allen.

"Girl!"

"Wag kang sumigaw," sabi ni Allen sa kabilang telepono. "Anyare?"

Kwinento ko kay Allen yung buong nangyari. Ang dulo, tinawanan lang niya ako.

"Allen naman eh!"

"Ikaw naman pala may kasalanan eh."

"Malay ko bang—"

"Teka, may naisip lang ako."

"Alin yon?"

"Magkasama sila di ba?"

"Oo."

"What if—what if lang ah—pinagtritripan ka nila?"

"Anong pinagtritripan?"

"What if, dinidictate lang ni Theo yung itetext ni Paul? Tapos, tinetest ka lang nila tapos ang gusto talaga nilang mangyari, ibuking ka na kay Theo ka talaga may gusto?"

"Mga gawain mo ah!"

Pero may point si Allen. Bigla akong nagka-adrenaline rush. Na parang may dugo na dumadaloy sa kin na "ah ganon pala ah" vibes.

"Bakit parang malakas loob ko na ganon nga?"

"Ako din eh. Girl instincts."

Napangiti ako. Di ko alam kung anong thrill yung nararamdaman ko pero nangingiti ako.

Wala na talaga yung babaeng mahilig lang sa torta and nothing else. Sa wakas, may nangyayari ng nakakaexcite sa buhay ko.

Specifically... Si Theo.

"Sige, naliwanagan na ako. Thanks, Allenlabs."

Binaba ko na yung telepono. May tatlong texts galing kay Paul.

PAUL

Wala lang. Crush lang naman. Natutuwa kasi ako pag kasama ka namin.

13:52

Pero si Theo gusto mo eh... Tama ba?

13:53

Tash? Umamin ako tapos di ka magrereply. Di naman ako humihingi ng sagot eh. Sinabi ko lang. Alam ko namang si Theo, di ba?

13:55

Napairap ako na napangiti. Baka tama si Allen? Bakit dalawang beses niya itatanong kung si Theo, the fact na kasama niya si Theo ah?

BWAHAHA. Buti na lang slight na may utak ako.

Hinga, buga.

Nakakainis naman si Theo eh. Sabihin mo bwisit siya.

14:16

PAUL

Tagal mo reply ah. Bakit?

14:18

Oo na. Crush kita. Happy lang din naman. Hehe.

14:19

Napangiti ako sa text ko.

Di na nagreply si Paul pagkatapos, at lalong walang text si Theo buong araw. Di ko tuloy alam kung Tama ba yung ginawa ko.

Nako. Kailangan ko to panindigan.

Paano kung crush pala talaga ako ni Paul tapos pinaasa ko siya?

Mas malala, paano kung crush ako ni Theo tapos nakita niya yung text ko kay Paul tapos naisip na lang niyang sumuko na lang sa kin?!

Ay nako anak naman kasi ako ng ano eh.

Alleeeeeeeeeen

19:23

ALLEN

Bakit?

19:33

Nakatulog na ako at lahat, wala pa ring reply si Paul.

19:35

ALLEN

Hala baka seryosong crush ka ni Paul? Pakeeps ka kasi.

19:36

Anong pakeeps???

19:38

ALLEN

Pakipot.

19:42

Gaguuuuu paano na?! Huhu help me Allen!

19:45

ALLEN

Eh di ang saya. Love triangle. Sulat mo yan sa Wattpad or sa University Files para magtrending.

19:47

Allen naman eeeh!

19:49

Hindi na nagreply si Allen pagkatapos. Tinatawagan ko pero mukhang nakatulog. Iniisip ko tuloy kung aamin ako kay Paul na si Theo talaga yung gusto ko at hipokrita akong pakeeps na kunwari si Paul ang hanap ko na sinend ko kay Theo pero joke lang 'yon.

Nyemas.

Ano bang nangyayari sa kin kasi?!

Ganon na nga yung tinatype ko nung biglang—

Theo calling...

Kinuha ko agad yung phone. Tiningnan ko lang dahil kinakabahan ako sagutin.

Ended.

Sa sobrang kaba ko, di ko nasagot.

"Please tumawag ka ulit, please tumawag ka—"

Theo calling...

Napangiti ako.

Tiningnan ko lang yung phone ko na magring. Ang ring tone ko pa, "Call Me Maybe." Sumayaw ako nung second call with matching lip sync.

Ended.

Theo calling...

Napangiti nanaman ako.

Di ko alam kung bakit for the third time, di ko nanaman sinagot. May thrill eh, knowing na tinatawagan niya ako. Di ko alam kung bakit.

Ended.

Naghintay ako ulit. Naghintay nang naghintay, pero di na dumating.

Napasimangot ako.

Ayan kasi, pakeeps ako.

"Pramis sasagutin ko na tumawag ka lang ulit—"

Theo calling...

YES THANK YOU LORD WOO THE UNIVERSE IS IN THE PALM OF MY HANDS TALAGA!

Lumunok ako ng laway. "Hello?"

"Bat di mo sinasagot?"

"Eh di ko naman alam na tatawag ka eh." Half-truth yon dahil di ko talaga alam na tatawag siya.

"Weh."

"Oo nga!"

"Sumayaw ka pa nga ng Call Me Maybe eh."

Nanlaki yung mata ko.

Binuksan ko yung bintana at mahabaging langit at lupa, ANDON SI THEO SA TAPAT NG BAHAY NAMIN. Sinara ko kaagad yung kurtina. Lichugas, wala pa akong bra! Ano na?!

"HOY BAKIT KA ANDITO?!"

"Bakit mo muna di sinasagot tawag ko?"

"Eh bakit ka nga andito?! Baka makita ka nina mama!"

"Eh di magpapakilala ako."

"Anong sasabihin mo?!"

"Hi, ako po si Theo, manugang niyo po."

"Gago!"

Alam niyo yung pagkakasabi ko ng gago pero nangingisay na yung mga laman loob ko dahil sa kilig na parang manganganak na ata ako ng mga paru-paro? O baka isang buong zoo? Tapos habang naglalaban-laban yung puso, utak, at baga ko sa kilig, naghahanap din ako ng bra at magandang t-shirt kasi may butas sa kili-kili yung shirt ko?! Halu-halong masaya na excited na ewan!

"Umayos ka talong ah!" pasigaw ko sinasabi sa phone. "Teka bababa ako. Wag kang magulo!"

Binaba ko yung phone kahit parang may sasabihin pa siya. Nagbihis ako sa banyo tapos nagtoothbrush ako na ikinapagtaka ng mga magulang ko.

"Ma, bili lang ako ng suka."

HAHA. WTF Tasha, bakit suka?!

"Ano, anong suka?! Para saan?"

"Joke lang, ma. Load lang."

"Bibili ng load pero nagtoothbrush? Hoy, Maria Natasha, saan ka pupunta?"

"Baka makasalubong ko crush ko dyan sa kanto."

Actually ma, nasa tapat na ng bahay natin.

"Nako Natasha, tigil-tigilan mo ko sa crush-crush mong yan."

"Bad breath na ako eh. Baka mahimatay si Tita Babes pag ka paload ko."

"Dalian mo. Bumili ka na rin ng pamintang buo."

Napabili pa tuloy ako ng paminta. Pero go lang. Kahit ipag-grocery pa ako nina mama, makikita ko naman siya eh.

And poof!

Gusto ko sana bumati ng "Hi, my prince charming" kaso kahit ako, kinilabutan sa inisip ko. So ang una kong nabanggit ay—

"Tae kang shung-shungs ka!"

There you go.

Iyon na ata yung pinaka nakakakilig na sinabi ko sa kanya ever.

"Tae na shung-shungs pa. Ano bang ginawa ko sa'yo?"

Pinakilig mo lang naman akong talong ka!

"Bakit ka andito?!"

"Bakit ka muna sumasayaw kanina tapos di mo sinasagot?"

"Nakaearphones ako non so di ko naririnig."

"Pero may Call Me Maybe tapos kapag tumitigil yung tawag, tumitigil ka din?"

"Wag nga tayo dito!"

Hinila ko si Theo medyo papalayo sa bahay namin at malapit sa tindahan para bumili ng paminta. Naka-score ako dahil nahawakan ko yung kamay niya. HAHAHA.

"O, so bakit ka andito?"

"Eh, malapit lang naman ako. Napagtripan lang."

"Ah ganon, napagtripan mo lang na puntahan ako?"

"Bakit, ano bang gusto mong sabihin ko, yung iniisip kita kaya pinuntahan kita?"

"Wala naman akong—"

"Oo, medyo ganon rin."

UTANG NA TALONG NAMAN TO O! Prituhin kita eh!

"Uy, ngumingiti."

Traydor pa tong ngiti ko. Bwisit!

"Tumigil ka, The Orpheus Romeo—"

"Nangingiti ka eh."

"Ano ba."

Pero yung totoo, ang gusto ko talaga sabihin ay "enebe" with matching buhok na ilalagay sa likod ng tainga ko.

"Pabili po ng paminta, yung buo," sabi ko sa tindahan tapos humarap na ako sa kanya. "So ano, bakit ka nga nasa bahay?"

"Ate pabili po ng dalawang RC." Inabot naman niya yung bayad niya at lumingon sa kin. "Dinadalaw ka nga."

"Ano ka, mens ko?"

Natawa siya sa sinabi ko. Para akong gaga. Sa lahat ng pagkukumparahan ko, mens ko pa, ano? Ako talaga yung shung-shungs sa aming dalawa eh. At yung fact na nasabi ko sa kanya 'yon na walang pigil-pigil.

"Anong mens mo? Di lang kita kada buwan dadalawin. Araw-araw pa."

Oy shet. Tama ba na kiligin ako doon? HAHAHA. Parang nakaka-shunga kiligin sa linyahang yon pero ganon eh.

"Nako, linyahang pa-fall. Sabihin mo na lang yan sa mga napkin."

Yung tindera, di ko alam kung kinikilig o natatawa sa mga sinasabi namin.

"Pati napkin dinamay mo pa"—sabay kuha nung dalawang RC na binili niya at inabot sa kin yung isa—"seryoso bang crush mo si Paul?"

AYAN NA. This is the moment we've all been waiting for.

"Sa'kin to?"

Tumango siya.

"Thanks."

"Yang paminta, sa'kin?"

"Gusto mo ba?"

"Joke lang! Galing mong sumegway ano. Tinatanong ka ng matino eh."

"Eh ano naman sa'yo kung crush ko si Paul?"

Sumipsip siya sa RC. Napatigil kaming dalawa.

"Masakit eh."

HALA SIYA mahabagaing langit! Ito na ba to? Ito na ba?! Pwedeng wag muna? Jusko, utang na loob The Orpheus Romeo, wala ka na bang pinipiling lugar para pakiligin ako?!

"Wushu! Ewan ko sa'yo."

"Di mo kasi alam."

"Ano bang di ko alam?"

Sabihin mo kasi.

"Paano ka nawrong send sa kin? Gaano kalapit yung Paul sa Talong o Theo o kung ano mang pangalan ko dyan sa phone mo?"

"Ewan ko. Bigla na lang sa'yo ko nasend."

"Nasa subconscious mo talaga ako. Ako talaga crush mo eh."

"Ay kapal ng apog."

Nagtawanan na lang kami. Pero paano ko ba sasabihin na sinadya ko talaga na kunwaring ma-wrong send sa kanya dahil di niya ako pinapansin? At oo, nagpapapansin ako at namimiss ko siya.

Mukhang effective naman, in a way.

"O di nga, bakit sa kin?"

"Eh kasi nga, ewan ko, siguro nga"—sabay sipsip sa RC—"nasa isip nga kita."

YOLO MGA MARS. Pag yan di pa niya sineryoso!

"Ako talaga crush mo eh."

"Ay buang ka ano? Bahala ka nga. Iba ang nasa subconscious sa tunay na crush."

"Weh, magkaiba bang talaga?"

Saan ba kinukuha ng lalaking to yung lakas ng loob niya? Yung totoo, pinapahulog ba niya ako o ano? Ano ba talaga?

"Teka ah, ikaw, bakit ka nasa bahay?"

"Di ba nasagot ko na nga kanina? Ang di mo pa sinasagot, yung bakit di mo sinasagot yung tawag ko."

"Nakaearphones nga ako."

"Kahit na—"

"Paikot-ikot kaya tayo. Nasabi ko na kaya kanina."

"Sasabihin mo lang na nagpapacute ka, ang hirap ba gawin non?"

Nanlaki yung mata ko. Ano ba tong talong na to, may telepathy?

"Ikaw, ang laki laki na ng ulo mo, kung ano-ano na iniimagine mo. Halika na."

Tinapon namin yung plastic ng soft drinks sa basurahan. Nagtatalo pa rin kami kung bakit siya pumunta sa bahay at kung bakit di ko sinasagot yung phone. Kahit anong paliwanag ng isa't isa, puro "weh" at "sinong nenang ang maniniwala sa'yo" yung sinasabi namin sa isa't isa.

Pagdating sa bahay, siyempre, nagpaalam na ako.

Bigla siyang napangiti.

"Hoy, mukha ka nanamang shunga dyan kakangiti mo," sabi ko, papalakad ng onti sa gate namin.

"May gusto ako itanong."

"Alin?"

"No offense ah."

"Ano?"

"Bakit ka nag toothbrush?"

Binato ko yung maliit na plastic ng paminta sa kanya. Saktong natamaan siya sa mata kaya natawa kami pareho. Umaray-aray siya tapos ako, "ssh" ako nang "ssh" kasi baka marinig siya sa bahay. Pinulot ko yung plastic at nilagay na yung susi para pumasok.

Bago ako pumasok, sinabi ko na lang, "Puro ka kalokohan."

Pagkapasok ko, inabot ko yung maliit na plastic ng paminta kay mama.

"Akala ko bibili ka lang ng paminta at load?" Umirap si mama sa kin na may halong joke yung tono. "Akala ko nangibang bansa ka na eh."

"Sabi ko sa'yo, Ma. Nakita ko nga yung crush ko."

Ngumiti ako at nagpaikot-ikot sa kama.

Nakakaaliw tong araw na to. At the same time, napaisip ako.

Kahit ilang beses pa kami magtanungan, maghahanap at maghahanap kami ng lusot.

Bakit ba ang hirap babaan yung pride ko para sabihin yung totoong nararamdaman ko?

Continue Reading

You'll Also Like

2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
102K 7.4K 101
Hindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala...
4.6K 424 102
"I will court you even if I'm a girl."
124K 9.8K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...