Mr. Sungit and Me (REVISING...

By chygmin

233K 5.9K 516

In Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't fee... More

Mister Sungit & Me
🔰 Thank You 🔰
Chapter 1 - Crossed Pathways
Chapter 2 - Tangled
Chapter 3 - Blessings
Chapter 4 - Tattletale
Chapter 5 - Boxes
Chapter 6 - Girl
Chapter 7 - Challenged
Chapter 8 - Relatives
Chapter 8.5 - Relatives
Chapter 9 - Friendly Disguise
Chapter 11 - Sticky
Chapter 12 - Practice
Chapter 12.5 - Practice
Chapter 13 - The Carpenters
Chapter 14 - Plan
Chapter 15 - Butterflies
Chapter 16 - Princess-like
Chapter 17 - Mountains
Chapter 17.5 - Mountains
Chapter 18 - Stairs
Chapter 19 - Ethan H.
Chapter 20 - The Story
Chapter 21 - The Plan
Chapter 24 - Scandal
Chapter 25 - Eerie Convo (Special Chapter)
Chapter 26 - Thank you!
Chapter 27 - The Ball: Part 1
Halloween Special
Chapter 28 - The Ball: Part 2
Short Special Chapter
Chapter 29 - First Kiss
Chapter 30 - Sound Move
Chapter 32 - New Way
Chapter 33 - The New Investor
Valentines Special
Chapter 34 - New Rival
Chapter 35 - FAIL
#NoMoreBullying Chapter
Chapter 36 - Confused
Chapter 37 - Sydney Hyanice
Chapter 38 - Advice
Chapter 39 - Apologizing: Part 1
Chapter 40 - I think... (Apologizing: Part 2)
Author's Note
Chapter 41 - Selca
Chapter 42 - Date?
Chapter 43 - Meet River Lee
Chapter 44 - Childhood Friend
Chapter 45 - Double Date
Chapter 46 - Help!
Chapter 47 - I need you
Chapter 48 - Saved?
Chapter 49 - NO!
Chapter 50 - Found
Chapter 51 - In Sickness and in Health
Chapter 52 - Last but not the Least
Epilouge
ANNOUNCEMENT!
Special Chapter
SPOILER
YAAAY!

Chapter 10 - School Activities

3.7K 97 8
By chygmin

Dedicated to: my cousin, Kathy, who was truly a supporter of everything I do. I thank God for you.

***

CHAPTER 10 - SCHOOL ACTIVITIES

CHAIIRA'S POV


The weekends passed by in a blink of an eye. Feeling ko natulog lang ako ng ilang oras ta's paggising ko, Monday na naman - at makikita ko na naman po ang pagmumukha ng anak ng may-ari ng school at pinakademonyong taong nakilala ko all through out my life, no other than that Mr. Maximilian Porsche.


Hindi naman siya gano'n ka-demonyo, pero may kung ano lang talagang bagay sakanya na nagpapakulo ng dugo ko sa oras na makita ko siya, kaya ayon ang nile-label kong term sakanya.


Kung suswertehin ka nga naman talaga. School should be fun; learning stuff and friends. Pero kabaligtaran ata itong napasukan namin.


Anyhow, andito naman na kami at nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa kundi panindigan ang mga sinabi at ginawa ko. What can I do?


I just wanted to be a normal student with a normal life. Hindi ko naman aakalahin na dahil lang sa isang insidente sa classroom nung first day, ganito na mangyayari saakin.


Kung alam ko lang na mangyayari 'yon, then I would've never said and acted that way.


But, like what I've said, it already happened. At wala na akong magagawa kung hindi gawin ang mga dapat kong gawin.


In the weekend, Ate Clarisse excused herself from us kasi nga niyaya siya ni Ice na lumabas. And, hopefully, meron na kaming intel as to why and how we could make all these things stop.


Baka naman tender love and care lang ang kailangan ni Max? O 'di kaya humihingi lang ng atensyon mula sa Papa niya.


Like what Ate said, baka nga may pinagdadaanan. Pero, hindi pa rin kasi talaga sapat na rason 'yon para gawin niya 'yon e.


Anong kasalanan naming mga new students sa kanya? Ang gusto lang naman namin makapagtapos sa isang magandang eskwelahan katulad ng university na ito.


Still, the same questions ran inside my head. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring mga kasagutan sa mga tanong kong ito. Paulit-ulit lang silang takbo nang takbo hanggang sa mapagod ako't uulit na naman ang pag-ikot dito.


Anyway, hindi ko pa kasi nakakausap si Ate Clarisse kaya wala pa akong alam. Kapag nasa bahay kasi siya, it's either nanunuod siya ng movies sa Netflix or naglalaro ng Mobile Legends sa phone niya. Ako naman, busy sa pagluluto at pag-eexperiment ng mga pagkain. Didn't I mention that my hobby was cooking?


Well, now you all know.


"Chaiira!" Nakarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko kaya napalingon ako. I saw Jack running towards me while he waved at me.


Hindi pa naman kasi nagsisimula ang klase kaya nagstay na muna ako sa cafeteria para mag-isip-isip.


Sinalubong niya ako ng ngiti nang umupo siya sa harap ko. "So, how was your weekend?" Tumataas pa ang kilay niya sa excitement habang nagsasalita.


At ikinwento ko nga sakanya ang mga nangyari sa airport with that girl I bumped on tsaka yung sa pagdating ng mga pinsan ko.


***


Natapos agad ang kwentuhan naming dalawa ni Jack nang dumating na ang teacher namin.


Maayos naman ang naging diskusyon namin. Nasa klase ang Max na 'yon pero tulog naman. I chuckled with a bittersweet tone.


Ganyan ba talaga ang mga higher ups? Akala mo busy palagi, ta's sa klase na natutulog? Minsan, 'di pa nakakapasa ng mga requirements tapos isisisi sa gobyerno. Hay, ewan ko ba.


Iniwas ko na ang tingin ko sakanya nang mapansin kong gumalaw siya mula sa pagkakatulog. Baka magising at makita akong nakatingin sakanya. At, baka isipin na isa ako sa mga hulog na hulog sa pagmumukha niyang itlog!


Oh, please... Not in my entire life will I ever fall for that guy. May taste naman ako sa lalaki at kahit papaano naman, aalamin ko muna kung pa'no ang isang lalaki. Hindi yung lantarang bastos at walang iniisip kung hindi ang sarili na katulad niya.


Nabanggit ng teacher namin ang 'activities' na word, kaya nabalik ang atensyon ko sakanya. Napansin ko rin na nagising na ang demonyito sa harap at masama ang tingin sa teacher namin habang hawak ang ulo niya.


"Okay, so... In this university, every month of December in a year is a special one. And, it is a must for Porschians to attend this party. Maybe you can consider that as our year-end party to acknowledge the end of 365 days, and welcome the new year ahead." Simula ng teacher namin. Nakahawak pa siya sa stick niyang mahaba habang nakatingin samin nang seryoso.


When I said seryoso, as in seryoso talaga. Walang halong pang-aano.


Grabe sila kung seryosohin ang mga ganitong parties e 'no? I mean, I do take these things seriously, too, but not like what they do. Yes, mayaman kami, but not as in very arrogant mayaman. We're more of "humble na may-kaya". 


"Having said that, children, we'll be having dance practices every now and then - that is to prevent ourselves from embarrassment. Also take note that Mr. Max's father here," the teacher glanced at Max who was asleep on top of his deskchair. Napailing-iling nalang ang teacher namin at itinuloy ang sinabi niya. Grabe talagang kabastusan. 


"...will be attending the party, so better make yourselves presentable." 


***


The moment the school bell rung, I packed my things up and went straight for the door. Nakasalubong ko si Jack at ang laki ng ngiti niya ha. Anong meron?


"So, narinig mo na mga mangyayari this month?" Aniya agad pagkalapit niya palang sakin. Binangga niya pa ako slight na para bang gustong-gusto niyang chumika talaga. Nako, Jack. 


"Yung year-end party for Porschians?" Tanong ko at tumango siya with enthusiasm. Hindi naman halatang excited siya 'no? Natatawa nalang din talaga ako kay Jack. 


"That is like the best part of every school year here in Porsche Univ!" Excited niyang sabi habang nakataas pa ang kamay na akala mo nasa roller coaster. Well, his emotions are on the roller coaster so... can't blame him. 


"I mean, sabihin na natin na may mga blessings dito, pero girl, nako, girl! Pag naexperience mo yung year-end party dito, matutuwa ka nang sobra-sobra." Nakataas ang kilay kong nakatingin sakanya habang nagkekwento siya. Hahaha cute ni Jack. 


"Walang halong pangookray!" At nilakihan niya pa ako ng mata habang tinuturo ako. I just beamed at him and giggled quietly. "AND, required lahat ng Porschians umattend." May halong pagbabanta sa boses niya. 


"Seryoso ako, so don't you dare miss out the fun!" Pagkasabi niya non, di ko na siya nakita kaya natawa nalang ako. Hay, Jack. Susulpot at biglang mawawala. Always in need for chika and always there when there is chika. Jack Teroel, everyone. 


***


Umuwi ako kaagad kasi may mga assignments pa ako na kailangan kong tapusin, so dumiretso ako agad ng kwarto ko pagkarating ko ng bahay. Of course, binati ko muna si Mama. 


"Ma, dumating na ba si Ate Clarisse?" Tanong ko mula sa kwarto ko habang nagbibihis. I got a plain white tee shirt and a loose sweatpants. Tapos itinali ko yung buhok ko into a messy bun. Bumaba ako mula sa kwarto ko with my laptop, and sat comfortably on the couch. 


Mom was in the kitchen, preparing some meals. I wanted to help out kaso I also have things to do, so baka sa dinner nalang. 


"Not yet, 'nak. Why?" Naglalakad siya with a pot holder and pot in her hands. Nakasuot din siya ng apron and nakatali ang buhok niya to a messy bun. Nanay ko nga talaga siya. 


Habang kinakausap ko si Mama, I took out my pencil case and turned my laptop on. Nilabas ko na rin yung mga gamit na kailangan ko for the completion of my assignment. "Wala naman, Ma. How about Ate Jean and the others?" Tanong ko ulit to keep the conversation going. 


"Ah, naggala. Lumabas." Sagot niya from the kitchen. At tumango-tango ako. 


Nagfocus na ako sa ginagawa ko, so I grabbed my notebook. Pagkakuha ko, biglang may nalalaglag. So, I picked it up and read it - papel e. Pagkabasa ko, narealize ko na ito pala yung sched namin for the practices. 


So, most of this month and next month, wala kami masyadong gagawin. Ooh, that's nice. Hindi ko makikita mukha ng demonyong 'yon and no one's lives will be in living hell. Very very nice for me. 


Nagkabunutan na rin pala ng mga magiging partners and luckily, the partner given to me was no other than my happy pill, Ice Lincoln! Napahawak ako sa pisngi ko at napangiti nang parang tanga. AHCK! Just thinking about him dancing me in that party, while slow-dancing...


Oo na! Hopeless romantic na ako kung ganon, pero that'd be so SWEET! 


Naputol ang pagd-daydream ko nang makaramdam ako ng malambot na bagay na binato sa ulo ko. What the hell? Napatingin ako sa may pinto at nakita  ko ang kapatid kong demonyita rin. 


"Ate! Ano na balita?!"


***

END. TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
40.2K 2.4K 41
Gina Iris Leunac is a rich girl who pretends to be poor at first she was forced to her father to pretend to save her life from danger, to anonymous p...
494K 15.3K 65
>>> Hi po! Sana po magustuhan niyo ang story na ginawa ko^-^ and also please vote for it at sorry sa grammars ko hehehe Laging president ang mabait...
144K 2.9K 71
Never hurt an innocent girl. Never tell her any lie. Never cross that line. Never teach her to be sly. But then it happened and nightmare she met. Du...