Not His Fangirl Anymore (GrUv...

By cecaniaC

38K 1.2K 171

[DISCLAIMER: This is a Gruvia (Gray and Juvia) Fan fiction. All credits for the characters of Fairy Tail is h... More

Not His Fangirl Anymore (GrUvia FanFic)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 14

1.4K 50 5
By cecaniaC

Warning: medyo make-out. Di ako magaling sa BS. Sorry po. Ang fan fiction na ito ay medyo green at mahalay. LOL. Baka may bata akong reader at conservative and if they don’t like this then it’s okay po. I’m just writing because I can’t keep my thoughts to myself. Thanks po. May update pala ko ngayon. Hoho.

---------

Chapter 14

Wanting More

Lumipas ang mga araw at medyo humupa na din ang isyu. Ni-activate ko na din ang accounts ko at nagulat ako sa mga messages na nandoon. Hindi siya death threats kundi messages na humihingi sila ng tawad. Wala na naman sa akin yon. I’m not in showbiz.

Marami ding mga reporter ang gustong mag-interview sa akin sa isang tv show at magazine. Tinatanggihan ko na lang sila. At syempre, lalong lalo na si Gray. Ginagawa niya ang lahat para iiwas ako sa mga media.

Bumalik na din ako sa trabaho ko. Mabuti na lang at medaling nabawi ang bakasyon ko ng isang buwan. Hindi na rin kasi kami matutuloy sa Spain.

“Sayang. May awards night pa kasi.” Ungot niya.

“Importante yun, Gray. Malay mo kayo ang manalo.” Sabi ko sa kanya. Nominated bilang best newest rock band ang banda nila Gray. Pati na din ang banda ni Lyon. “At isa pa, magpe-perform kayo dun kaya importante yun.”

Bumuntong hininga siya. “Importante din yung honeymoon natin sa Spain.”

Namula agad ang pisngi ko sa sinabi niya. “Hindi ka talaga nagbibiro sa Spain na yan?”

“Bakit mukha ba akong nagbibiro nung sinabi ko yun?” Nagsungit na naman siya.

“Sungit mo! Nagtatanong lang.”

“Di bale, pagkatapos na lang ng awards night, next week. Para makapaghanda…” Kumunot ang nook o ng hindi niya tinuloy ang sinabi niya.

“Makapaghanda san?”

“Wala.”

“Ano nga?” Pangungulit ko.

“Wala nga. Edi sa honeymoon.” Defensive ang tono ng boses niya kaya hindi ako naniwala sa sinabi niya.

“Gray, are you hiding something from me?” Tumayo ako at nagpamewang sa harap niya. Siya naman tawa lang ng tawa.

“Ano?! May babae ka ano?”

“What?!” Sabi niya habang tumatawa. “Juvia, wala. Wala akong babae. Ikaw lang.” Tumawa ulit siya at tumayo. “Si Mama Ul, si Ate Ultear, si Meredy, at ikaw. Yun ang mga babae ko.”

Pinaniliitan ko siya ng mata habang papalapit siya sakin. Nakangisi siya at parang may gagawing hindi maganda. Nako! Ang asawa ko.

Lumapit siya para yakapin ako.

“Kung gusto mong magkaroon ako ng isa pang babae, then why don’t we make one?” Bulong niya saka siya tumawa. Hinamapas ko siya ng marahan at nahiya ako sa sinabi niya.

Naughty.

“Paano kung lalaki pala?” I smiled sheepishly.

“Edi lalaki.” Sagot niya habang natawa. Tumingin ako para makita makita ang mukha niya. Nakita kong tinaas niya ang kilay niya.

“Ayoko nga, papasok na tayo sa trabaho.” Sabi ko nang na-gets ko kung anong gusto niya.

“Just one, Juvia.” Sabi niya.

“Anong just one ka dyan?” Kagabi pa kaya yang ‘Just one’ niyang yan. Dami na nun ah. Ahihihi

Narinig ko ang tawa niya kaya hinampas ko ulit siya. Bakit nakakakilig?

Nang nagkatitigan kami ay bigla niya akong hinalikan. His kisses are territorial. The kind of kiss that will make me close my eyes. The kind of kiss that will make me lose myself. The kind of kiss that I love. The kind of kiss that will make me clung to his neck and we’ll go straight to the bed room once again.

Naging magaan ang sumunod na araw. Abala siya sa trabaho sa recording company nila at sa practice ng banda para sa Awards Night. Ako naman ay nakabalik na sa trabaho. Si Lucy ay nag-leave muna ng isang buwan dahil sa palagiang morning sickness. Sabi kasi ay maselan ang pagbubuntis nito. Kaya pinupuntahan ko din siya lagi sa kanila pagkatapos ng trabaho ko. Wala kasing kasama si Lucy sa bahay nila. Doon na lang din ako sinusundo ni Gray.

Awards Night na ngayong gabi kaya naman aligaga ang mga tao. Pumunta pa talaga ang lahat sa condo namin at dito na sila nag-ayos para sa event. Dito na rin sila kumain bago kami pumunta sa Music Museum mamaya. Tinignan ko silang lahat at mukhang busy sa kanya kanyang gawain.

Si Natsu ay aligaga kay Lucy na kanina pa naduduwal at nahihilo. Si Erza naman ay abala kay Jellal na nakikipag-usap sa kung ano. Si Gajeel at Levy naman ay tinutulungan si Loke sa kanyanng bass guitar. Mukhang interesado si Gajeel sa paggigitara. Ang iba naman ay nasa sala lang at umiinom ng beer at wine na meron dito sa bahay.

Napangiti ako. Medyo magulo ang bahay namin. Ang gulo din kasi ng mga kaibigan ko. Oh well, that’s Fairy Tail for you. Magtaka ka kung hindi sila ganyan kagulo. These are my friends. They are my family.

Naramdaman ko ang pamilyar na init na galing sa likod ko. Napapikit ako at napagiti. Naamoy ko din ang pabango niya. Ang bango bango talaga niya. Humarap ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa balikat niya.

“You look stunning, my wife.” Sabi niya sabay halik sa labi ko.

He kissed me like forever. Nang makawala ako sa labi niya ay naghabol ako ng hininga. Hindi na namin pinansin ang mga kaibigan namin na nasa paligid lang namin.

“You ruined my lipstick. Malapit na din tayong umalis.” Sabi ko sa kanya.

“Kaya nga gusto kong patagalin. Istorbo yang mga yan e, dito pa talaga naisipang pumunta.”

“Ano ka ba! Sinusuportahan ka lang nila.” Tumawa ako.

“Eh…gusto kong masolo ka eh. Lalo na’t ang ganyan ang suot mo. Hindi ko alam kung makakatagal pa ko sa suot ko.” Namula ulit ang pisngi ko. Naka-itim na dress kasi akong mahaba na kita ang likod at may slit pa ito na mataas.“Kita mo, nagba-blush ka pa. Makes me want to tear off that dress even more.”

“Gray!” Sinaway ko siya sa hiya. May mga tao kaya.

“Not gonna happen, dude. Paalis na rin tayo, magtiis ka muna.” Sabi ni Jellal at tumawa ang lahat. Namula naman ang pisngi ni Gray. Hindi ata siya conscious na may nakakarinig sa kanya.

“Tss. Istorbo kasi kayo!” Pabalang niyang sagot sa kanila. Lalo pang tumawa ang lahat.

Nakarating kami sa Music Museum at naglakad sa red carpet. Nasilaw ako sa mga flash ng camera na nakatutok samin. Nag-interview din sila ng kaunti at umupo na kami sa designated seat namin. Ako ata ang kinakabahan para sa kanila. Etong si Gray naman ay relax na relax habang hawak ang kamay ko.

“Hindi ka ba kinakabahan?” Tanong ko sa kanya nang magsimula ang program.

“Hindi.” Simple niyang sagot.

Sabagay sanay na sanay na naman siya. Walang halong kaba ang nanalaytay sa dugo niya. Confidence is the key. Bilib na bilib naman talaga ako sa asawa ko. Samantalang ako, kabado ako para sa kanya.

Nagkaroon pa ng mga performance at iba pang award bago sila. Marami silang nomination na natanggap bukod sa best promising band of the year. Nominated din sila for best music video at si Gray naman nominated sa best vocalist of the year. Di ko alam na may ganoong klaseng award din pala.

Nang inannounce na sila ang nanalo sa best promising band of the year ay halos magtatalon ako sa saya. Halos maiyak din ako. It’s his dream. Matagal na niyang gusto ito. Pumalpak ako kahit pakiramdam ko ay sobrang pula na ng kamay ko.

“Go Gray! Go Mavis!” Sigaw ko nang umakyat sila. Nakita kong ngumiti si Gray at tumingin sakin.

“You are crazy, Juvia.” Sabay yugyog ni Lucy sakin. Crazy daw, siya din naman ay naiyak na.

Nagsalita sila isa isa at nagpasalamat sa mga taong tumulong sa kanila.

“Salamat. Salamat sa lahat. Sa fans. Kay Laxus. Sa Fairy Tail. Kila Loke, Natsu, at Jellal. Sa lahat. Sa asawa ko,” Sabi ni Gray. Napatingin naman sakin ang mga tao. Ngumiti lang ako at yumuko ng bahagya.

“Ikaw na!” Hampas sakin ni Lucy. Natawa naman ako habang hinihimas ang braso kong mukhang namula dahil sa hampas ni Lucy.

“Ang hirap mo pala magbuntis.” Komento ko sa kanya. Tumawa naman kami ni Erza at Levy.

“Heh!” At nagsungit ang buntis.

Pagkabalik ni Gray ay agad ko siyang binati. Yumakap naman siya at binuhat pa ako. Napatili pa ako ng kaunti sa ginawa niya.

“I love you.” Bulong niya na napagpangit sa’kin. Nagulat ako sa sinabi niya. It’s not that I want it. Sinasabi niya lang kasi yun if he really mean it.

“I love you too, Gray.”

Ngumisi siya at umupo na ulit kami sa upuan. Mamaya pa ang performance nila Gray kaya nanood muna kami ng iba pang performances at iba pang awards. Nang malapit na silang mag-perform ay tumayo na sila at naghanda sa backstage.

“Punta lang akong restroom.” Sabi ko kay Gray.

“Okay, samahan na kita.” Sabi niya.

“What? No, maghahanda pa kayo, di ba?” hindi niya ako pinansin at nagpaalam siya kay Loke, Natsu at Jellal.

“Dude, samahan ko lang.”

“Bilisan mo, pre. 20 minutes na lang tayo na magpe-perform.”

“’Kay.” Hinawakan niya ang bewang ko at lumabas sa Music Hall.

Nang makarating kami sa restroom ay bigla akong hinalikan ni Gray. Napa-OMG ako sa gulat at excitement. Shucks! Nandito pa kaya kami sa may pagitan ng restroom between ladies and gentlemen. Baka may makakita!

“G-Gray…” Sabi ko sa gitna ng kanyang halik.

“Hmm…”

“Baka may makakita…” Sabi ko.

Hawak ni Gray ang bewang ko at lumalakad siya paatras. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Napapapikit na lang ako sa mga halik niya. Oh My God! He’s excited.

“Can’t help myself. That dress and the way you shouted my name…” Sabi niya nang bumitaw siya ng halik para huminga. Parehas kaming naghahabol ng hininga. “It’s turning me on.”

Napadilat ako at saka ko lang na-realize na nandito pala kami sa isang space na puno ng mop at batya. OMG! Hindi alintana ang masikip at hindi kabanguhang space ay hinalikan niya ulit ako. Hinaplos niya gamit ang mainit niyang kamay ang likod ko. Napapikit na lang ako sa mga halik at haplos niya.

I heard his moan and it turned me on. Mas lalo pang lumalim ang halik niya and he pinned me against the wall. I could hear his fast breathing. Nakita kong namungay ang mata. He’s looking at me intently. Wanting more. Hinawakan niya ang buhok ko pababa ng baba ko at hinalikan niya ulit ako. This time, marahan ito. Gentle and subtle. Gentle at nakakabitin. Another moan escape, at hindi ko alam kung sakin o sa kanya ba iyon galing. He’s hands are wandering off everywhere my body. Mula sa likod, pababa sa hita ko na na-expose dahil sa slit.

 “GRAY!” Kumalabog ang pinto sa space kung nasaan kami. Napatalon ako sa gulat. Si Natsu yun.

He grunted. Napasabunot pa siya sa buhok niya.

“Tsk. Sabi na nga ba at nagmimilagro na kayo dyan. Tiis tiis pag may time, Gray!”

“Gago! Eto na, eto na!” Naiinis na sabi ni Gray bago kami lumabas.

Nakita kong tumawa si Natsu kaya napayuko ako.

“Bilisan mo, magpe-perform na tayo! You dimwit.”

“Damn you, Natsu. Yung asawa ko.” Reklamo ni Gray. Pero bigla na lang siyang hinila ni Natsu kaya mabilis silang nawala sa paningin ko.

Gosh! Nakakahiya kaya.

Namumula akong pumasok sa Music Hall. Nakapag-retouch na ako at nakita kong nagpe-perform na sila sa Stage. Naupo na ako sa upuan ko at pansin kong ang lagkit ng tingin sakin nila Lucy, Erza at Levy.

“What?” Tanong ko sa kanila.

“What ka dyan! Look at your husband on stage.” Natatawang sabi ni Levy.

Pagkatingin ko sa stage at nakita ko si Gray. Napa-‘o’ na lang ang bibig ko at napatakip ng mukha. His cheeks and lips are red, full of kissmarks. Damn. Tinapik ako ni Erza at si Lucy naman ay tawa ng tawa.

“Restroom pala ha,” dagdag pa ni Lucy na mas lalong ikinahiya ko.

Natapos ang performance nila na sobrang hiya ko pa din. Gosh! Nagperform si Gray na puno ng lipstick sa mukha. Lipstick ko. Sa harap ng maraming tao.

“Sorry sa mukha ko. I just love my wife. Thank you!” Sabi niya matapos niyang magaperform. Nagtawanan at nagpalakpakan ang buong audience pati ang mga host. Napatingin sakin ang buong audience at napatakip na naman ako ng mukha. Narinig ko ang malakas nilang tawanan.

“Oh, bakit ka nahihiya?” Salubong sakin ni Gray pagkabalik niya sa upuan. Hinampas ko siya.

“Di ka man lang nag-ayos.” Saka ko siya binigyan ng panyo. Pinunasan naman niya agad ang mukha niya.

“Si Natsu kasi eh…”

“Anong ako? Ikaw. Di ka kasi makatiis.” Tumawa si Natsu at ganoon din si Gray. Napa-face palm na lang ako at tingin ko hindi huhupa ang hiya at pula ng pisngi ko hanggang sa pag-uwi.

“Pupunta ka ba ulit sa restroom?” Tanong niya sakin na nakangisi. Ginalaw galaw niya pa ang kilay niya na parang may ibang meaning ang sinabi niya. Namula at nag-init lalo ang pisngi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
9.7K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
4.5K 200 33
Sandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'wor...
13.7K 1K 26
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴