Eyes Nose Lips (Knightinblack...

By Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... More

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 11

50 4 0
By Kyligms

~11~

KIB's POV

Agad akong tumakbo papaalis sa pinag-o-OJT-han ko ng makatanggap ng mensahe sa Mama ni Y/N. Isinugod daw ito sa ospital kaya lubos akong nag-aalala. Napakatagal pa ng beyahe at nangangati na ang mga paa kong makarating sa address na ibinigay ni Tita.

Damn it! Ano ba kasing nangyari?

"Kuya wala na bang ibibilis ang pagd-drive mo?!" sigaw ko sa driver ng bus na sinasakyan ko. Alam kong nakatangin na sa akin lahat ng pasahero dito ngunit binalewala ko na lamang sila. Maaga pa naman. Maaga pero pakiramdam ko ay malapit ng mag-gabi sa sobrang tagal ng pagmamaneho niya.

"Hindi ako pwedeng magmadali, Hijo. Kung gusto mo pala ng mabilisan edi sana sa Taxi ka nalang sumakay. Kita mong madaming pasahero ang sumasakay." masungit na sambit nito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok.

Calm down, Kib. Nasa ospital na siya. Wala ng mangyayaring masama sa kanya.

Nang makarating kami sa terminal ng mga bus ay patakbo akong bumaba ng bus at agad na sumakay sa mga nakapilang taxi. "Kuya dito tayo sa address na ito." giit ko sa mamang driver at ipinakita ang text na galing kay tita. Tumango ito at inistart ang makina ng kotse. "Kuya pakibilisan lang po. Emergency po kasi e." natataranta kong giit.

Mabilis naman ang pagmamaneho niya ngunit hindi ko maramdaman iyon. Tanging nakay Y/N ang isip ko ngayon. Nag-aalala ako ng sobra dahil hindi maipaliwanag sa akin ni Tita kung ano ang nangyari. Ang sabi niya lang ay bigla nalang daw hinimatay si Y/N at ang taas ng lagnat.

"Kuya ito po ang bayad. Keep the change nalang po." tumakbo ako papalabas ng taxi ng maiabot ko na sa driver na iyon ang perang pambayad ko. Sobra pa nga yon e kaso hindi ko na mahintay pa.

Tumakbo ako papasok ng ospital kung saan siya nakaconfine. "Miss, Anong room number ni (your full name)?" tanong ko sa nurse na nakaupo sa harap ng counter dito sa loby ng ospital. "Room 127 ho, sir."

"Thanks."

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng room 127. Nasa Third floor ito kaya medjo nahirapan akong hanapin. Kung hindi ko pa nakita si Tita sa may Chapel ay hindi ko pa matutunton ang kwarto niya. "Kamusta na po siya tita?" tanong ko ng hindi manlang siya tinataponan ng tingin. Tulog siya.

May oxygen na nakalagay sa kanyang ilong at may dextrose din siya at kung ano-ano pang mga bagay ang nakakabit sa kanya. Katabi niya ay ang isang maingay na monitor. Parang ayaw kong makita iyon. Nanghihina ako habang tinitingnan siya. Namumutla ang buong mukha niya at pakiramdam ko ay hinang-hina siya. "Hindi ko rin alam kung kamusta na siya, Kib. Ang sabi ng doctor ay maghintay nalang daw muna tayo sa result ng ginawa nilang check up." naiiyak na sambit ni Tita.

Nilapitan ko si Y/N at naupo sa kanyang tabi. Hinawakan ko ang kamay niyang may dextrose at tinignan ito. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghina habang tinitignan ang kanyang kalagayan. Sana okay lang siya.

"Maiwan muna kita, Hijo. Ibibili lang kita ng makakain." paalam sa akin ni Tita. Tumango lang ako sa kanya at muling bumaling kay Y/N na mahimbing paring natutulog.

"Gising na, Darling. Nandito na ako." pumiyok ako sa huling mga salitang binitawan ko. Ano ba yan kib, okay lang siya!

"Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan, e. Hindi muna ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka lumalabas dito." patuloy ko sa pagkausap sa kanya. Sabi nila kapag ang isang tao raw ay nakaratay sa ospital bed at walang malay, kapag kinausap mo raw ito ay naririnig ka ng mga tenga nito. Kaya kahit hindi nakamulat ang mga mata niya ay kakausapin ko siya. Hanggang sa magising siya ay kakausapin ko siya. Ipaparamdam ko sa kanya na nadito lang ako sa tabi niya at magiging okay din ang lahat.

Napalingon ako sa may pinto ng bumukas ito at iniluwal ang isang lalaking nakasuot ng pang doctor na damit. "Are you her relative?" tanong nito habang nakatingin sa isang clip board na hawak niya.

"Yes, Doc. Kamusta na po siya? Ano pong nangyari? Bakit po ganyan kaputla ang mukha niya? Bakit siya nahimatay?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Tumango-tango ito at lumapit ng tuluyan sa akin. Nakatingin siya kay Y/N.

"Base sa isinagawa naming check up, ang pasyente ay meroong Leukemia. She's been suffering for almost a month now and I bet she didn't even notice na symptoms. We consider it as stage 1."
parang mga kabayong nag-u-unahan ang mga luha ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor.

Bigla ako natawa. Gusto kong humalakhak at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Muli kong tinapunan ng tingin ang doctor. "Doc. naman, nasa wow mali ba ako? o nasa isang shooting? Bakit parang scripted ang mga sinabi mo? Nagbibiro ka lang diba?" kahit na walang tigil sa pag patak ang mga luha ko ay patuloy parin akong humahalakhak. Pekeng halakhak.

"Sorry to say this to you Mr. but Doctors doesn't lie to anyone when it comes to the patients health condition. I am sorry." nanlulumo nitong sambit. Natigil ako sa pagtawa at nawala ang pekeng ngiti sa mukha ko. Para akong naging yelo at pakiramdam ko ay puros lamig ang nararamdaman ng puso ko ngayon.

Tiningnan ko si Y/N. Mahimbing parin ang tulog niya. Kahit na namumutla ang kanyang mukha ay hindi ko parin maipagkakailang napakaganda niya.

"Stage 1? Leukemia? May paraan pa naman upang magamot siya diba? gagaling pa siya diba?" wala sa sarili kong tanong sa doctor. Hindi ko alam kung sa akin ba ito nakatingin o gaya ko, na nakatingin din kay Y/N.

"She can take medications, but we are not sure if this would help lessen her condition." he said. Umakyat ang galit sa ulo ko. Nanginginig ang kalamnan ko at hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa mga sinasabi ng walang kwentang doctor na ito sa akin!

"Ano?! Paano mo nasabing hindi ka sigurado na hindi na siya gagaling?! Diyos ka ba, ha?! Diyos ka ba?!" hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan ko ng nailabas ang galit sa puso ko. Saktong dumating si Tita at inawat ako sa pagwawala. Gusto kong itulak 'tong doctor na 'to sa hagdan!

"Tama na 'yan Kib. Narinig ko ang lahat ng sinabi ng doctor. Tama nga siya, hindi sila magsisinungaling tungkol sa kalagayan ng kanilang pasyente. Nakakalungkot mang-isipin at ang sakit-sakit ngunit wala na tayong magagawa pa. Nasa diyos ang awa at nasa tao ang gawa, Kib."  mahinahon niyang sambit ngunit patuloy na bumabagsak sa mga mugto niyang mata ang nga luha.

Siguro kung ano ang nararamdaman ko ngayon ay mas triple pa sa nararamdaman ni Tita. Anak niya 'yan e. Dinala niya ng 9 months sa kanyang sinapupunan at inalagaan ng napakaraming taon tapos sa isang iglap? Hindi ko kayang isipin. Gagaling pa siya. Naniniwala akong gagaling siya.

It hurts, Love. It fucking hurts.

Y/N's POV

Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Umiikot din ang aking paningin at hindi ko maaninag ng maayos ang paligid. Meron akong naririnig na isang monitor na tumutunog sa tabi ko. at may isang kamay na nakahawak sa aking isang kamay.

Lumingon ako sa aking gilid at nakita ang isang lalaking nakapatong ang ulo sa aking kama at mahimbing na natutulog. Naririnig ko ang mahihina nitong pagsinghot. Umiyak ba siya?

Mahinhin kong hinaplos ang pisngi ni Kib at kasabay nito ang pagsilay ng pilyong ngiti sa aking labi. Nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko ay napakaligtas ng paligid.

"Darling.." pinilit kong magsalita ngunit mahinang boses lamang ang lumabas sa aking bibig. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay at kasabay nito ang pagmulat ng kanyang mata.

"Y/N, gising ka na. Salamat naman." ngumiti ito sa akin ng napakatamis. Umayos siya sa pagkakaupo at hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Mugtong-mugto ang mata niya. Pinag-alala ko ba siya?

"Nagugutom ka ba? Kumain ka muna. May binili si Tita para sa atin." giit nito. Tumango ako. Tumayo siya at lumapit sa isang bilog na lamesa hindi kalayuan.

"Ikaw, kumain ka na ba?" nag-aalala kong tanong. Halata sa kanyang galaw na natataranta siya. Hindi siya mapakali at parang kahit na anong oras ay maaring pumatak ang mga luha sa kanyang mata. Please don't. I can't see you cry because of me.

Bumuntong-hininga ito bago humarap sa akin at nagsalita. Nakangiti ito ngunit alam ko at nararamdaman kong peke ang ngiting binibigay niya sa akin. "Hmm, mamaya nalang. Hinintay muna kitang magising. Para sabay tayo." malambing niyang giit.

Humangos ako at nag-ipon ng lakas para umupo. Agad naman siyang lumapit sa akin para sana ay tulungan ako ngunit iwinakli ko ang kamay niya. "Darling, it's okay. I'm okay. There's nothing to worry about. Please, do take care of me as well as yourself. Hindi kita yaya, Darling. Boyfriend kita alam mo yan." giit ko na ikinangiti niya. Tumango ito at muling bumalik sa table.

Kumain kami ng tahimik. Masarap ang pagkain e. At tsaka, I don't know how to start a conversation with him. Right now. Right here.

"Uhm, Y/N?" natigil ako sa pagkain ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Po?"

"Kamusta ang pakiramdam mo?" kumunot ang noo ko sa biglaan niyang pagtanong. May kakaiba sa kanya. Parang— nevermind. Ugh!

"Medjo nahihilo parin pero okay na ako. Kain ka na ulit." nakangiti kong sambit.

Dadampot sana ako ng tissue na nasa bedside table ng hospital bed na kinahihigaan ko ng bigla mabitawan ni Kib ang kutsara niya. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang ito sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit pero— itinaas niya ng bahagya ang medium sleeves ng hospital gown na suot ko.

Napapikit ako. Ayokong makita. Bakit? Bakit kailangang ako pa? Bakit ngayon pa?

Dali-dali kong inagaw pabalik ang kamay ko at muling ibinaba ang sleeves nun. Bumalik ako sa pagkain na parang walang nakita. Hindi dapat pagbasehan ang isang maliit—medjo malaking pasa lamang.

Mahirap tanggapin na may sakit nga ako. Tama ang doctor, hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin ang mga bagay-bagay. I heard everything. Lahat ng sinabi ng doctor na may sakit nga daw akong Leukemia. Nakakatawa. Nakakababa ng tingin sa sarili.

Ayokong kaawan niya ako. Ayokong pati ang buhay niya ay maapektuhan dahil sa letcheng sakit na'to! God, why?!

"Sigurado ka bang-" pinutol ko ang sasabihin niya. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya. Ayoko ng paulit-ulit. Ayokong ipinamumukha sa aking mahina ako. Ayoko. Wag.

"Kib..." tuluyang pumatak ang mga luha sa mata ko. Nanginginig ang kamay kong nakatakip parin sa bibig niya.

"Kib... Darling." napahagulgol ako habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ang kaninang kamay kong nakatakip sa kanyang bibig ay ngayo'y ipinangtakip ko naman sa akin.

Hindi siya kumikibo. Our eyes are glued to each other's. Patuloy akong humahagulgol. Samantalang siya, mga patak lang ng luha ang mababakas at isang walang emosyong aura.

"Darling, I'm sorry. I'm sorry! Sorry! Kib I'm sorry!" wala sa sarili kong paulit-ulit na sinambit. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit iyon ang mga lumabas na mga salita.

"Please, don't be. It's not your fault. Shhh, Darling please? Stop crying. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita kang ganyan. Hindi ako aalis sa tabi mo. Lalaban tayo. Hindi kita iiwan. I love you so much." niyakap niya ako. Parang pinupunit ang puso ko ng  ilang piraso. Napakasakit. Nasasaktan ko siya, Damn!

Hindi siya umuwi sa kanila. Nagpaalam na rin ito kay Tita at ipinaalam ang kalagayan ko. Gulat sila syempre ngunit ano ba naman ang magagawa ko? natural na sa tao ang magulat kapag may ibinalita sa kanilang hindi kailan man nila inaasahang possible.

I'm a strong girl. I maybe vulnerable sometimes but I can assure you that I'm brave. Mas malakas pa ako sa baka, kambing, baboy, etc! Hindi ako magpapatalo sa sakit kong 'to.

Kib's right. Lalaban kami, ako. Aasa. At sana sa huli ay walang mabigo.


End^^

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 38.1K 68
Sam Hale Enriquez, the Heartthrob. He is perfect. He is sweet, handsome, hopeless romantic, caring, gentleman and etc. In other words, He is every gi...
724K 12K 36
[UNDER MAJOR EDITING] 'Prince Charming' Siya ang matagal ko ng inaantay. Nabulag siguro ako ng mga Walt Disney Movies na napapanood ko, kung saan la...
31K 847 12
Completed.. Who is she? Wanna know her? Read this..
33.5K 1.1K 47
Akala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive ad...