Eyes Nose Lips (Knightinblack...

By Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... More

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 10

67 4 0
By Kyligms

~10~

"Kailangan mo na ba talagang umalis?" napalingon ako sa kapatid ni Kib. Nakatayo siya sa pintuan habang nakahawak sa seradura ng pinto.

"Hmm. Magpapasukan na, e. Madami pa akong aayusing papers." sambit ko at muling ibinalik ang aking attensyon sa pag-e-empake. Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tsaka lumapit sa akin. Naupo siya sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Kailan ang balik mo, Ate?" malungkot niyang sambit dahilan para ako naman ang mapabuntong-hininga. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. Sa kaonting panahon na nakasama ko sila, masasabi kong agad akong napalapit sa pamilya ni Kib na halos pamilya na rin kong ituring ko at ganon na rin sila.

"Hindi ko pa alam pero baka every weekends? Or kapag may free time ako. Pangako, dadalaw ako dito kahit malayo man!" pabiro kong sambit na ikinatawa niya. Hay, mabuti naman at natawa na siya. Ang cute-cute niya kasing tignan kapag tumatawa pero kapag nakasimangot panget! Pero biro lang syempre.

"Yehey! Oh? Kuya! narinig mo 'yun? Every weekends daw!" masaya niyang sambit at tumakbo pa papunta sa Kuya niyang panget este gwapo. Natawa naman ako dahil hindi naman na bata ang kapatid ni Kib ngunit kung umasta napakacute!

"Hindi pwede! Ako ang pupunta sa kanila every weekends!" sigaw ni Kib dahilan para matigil sa pagsaya ang kapatid niya at ako. Lumapit siya sa akin at tsaka kiniliti sa leeg ko dahilan para matawa ako.

"Sira ulo, kiniliti mo ako jan pero wala naman akong kiliti jan!" natatawa kong sambit. Yun pala ang hindi ko pa nasasabi sa kanya. Na wala akong kiliti sa leeg!

"Huwat? Hindi nga?" kunwaring namamangha niyang sambit. "E, dito?" napatili ako ng bigla niyang sundutin ang tagiliran ko! Letche nanjan ang kiliti ko e!

"Kib, pakiusap! Wag!" sigaw ko habang tumatawa at tumatakbo papalayo sa kanya. Paikot-ikot lang kami dito sa loob ng kwarto niya habang pilit niya parin akong kinikiliti!

"Ayoko nga! Kikilitiin kita!" sigaw niya at patuloy parin sa pagkiliti sa tagiliran ko. Halos bumagsak na ako sa sahig at siya naman ay tumatawa lang habang nakaluhod!

"Tama na! Hahaha!" halos maiyak na ako kakatawa pero ayaw niya parin talaga akong tigilan! Lord help me!

"Ow!" natigil ako sa pagtawa ng bigla siyang tumumba papunta sa akin! Nagdikit ang mga mukha naming dalawa! at para akong mauubusan ng hangin.

"Kib! Anong nangyari sayo?" nagtatakha kong tanong sa kanya. Namimilipit siya sa sakit habang nakapatong parin ang ulo niya sa ulo ko! Peste ang bigat!

Pinilit kong tanggalin ang ulo niya ngunit ayaw niyang gumalaw! Nanatili siyang nakapikit habang nakahawak sa- Wtf?

Halos mamatay ako sa kakatawa ng marealize kung bakit siya natumba! "Hala!! Sorry! Hindi ko sinasadyang matuhod ang birdy mo!" walang tigil ako sa pagtawa at ganon na rin ang kapatid ni kib na halos mapaupo na kakatawa. Nakapikit parin siya at ang ulo niya ay nasa leeg ko na! Hala baka nasaktan nga ng husto? Hala baka mabaog!

"Kib? hala! Sorry na!" sambit ko at pilit na inaangat ang ulo niya at hinahaplos pa ito. Mga ilang minuto din siyang nakahiga sa akin kaya naman nangangalay na ang buo kong katawan dahil sa bigat ng katawan niya.

"Hindi ka parin ba--" natahimik ako ng bigla niya nalang akong halikan sa labi. Naramdaman ko naman kaagad ang pag-iinit ng mukha ko at ang pagsikip ng dibdib ko! Napakalapit niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Parang kabayong nag-uunahan ang tibok ng puso ko.

Para akong sasabog na dahil sa kilig at sa hiya. Dahil unang-una ang awkward ng sitwasyon namin para halikan niya ako! Pangalawa, nandito kaya kapatid niya!

"We're fair." he said while smirking. I was left dumbfounded laying still on the floor. My eyes are focused on his.

Hindi ko mahabol ang hininga ko dahil sa nararamdaman ko. Bakit ba ang hilig niyang magpakilig!

"Halika ka na nga! Masyado kang kinikilig jan e!" pang-aasar niya habang inaabot ang kamay ko. Naririnig ko naman ang mahinang tawa ng kapatid niya. Tinignan ko ito ng masama at kasabay nito ang pagtakbo niya papalabas ng kwarto kung nasaan kami ngayon.

"Hindi kaya ako kinikilig!" nauutal kong sambit ng makatayo na. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko at nagawa niya pa akong titigan. Kahit na halos masanay na akong nasa tabi ko siya, hindi parin talaga mawawala ang kilig at kaba kapag may biglaan siyang ginagawa na siguradong magpapawala sa puso ko.

"Sus! Hindi daw, e bakit ang pula-pula mo?" pang-aasar niya pa at hinahaluan pa ng pagsundot-sundot sa tagiliran ko na naman! Lumayo ako sa kanya ng kaonti dahil nakakairita na at nakikiliti din ako sa ginagawa niya.

"Reddish lang talaga ang pisngi ko! Half American kaya 'to." pagmamayabang ko pa pero imbis na makumbinsi ay tinawanan lang ako! Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to!

Isang masamang tingin ang isinukli ko sa kanya dahilan para matahimik siya sa katatawa.

"Sige na nga, reddish o kung ano man 'yan! Naniniwala na ako, itaga mo man sa hilaw mong lahi, Hehehe!" giit niya at tsaka ako hinila para yakapin. Pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko at mahigpit akong niyakap. Ganoon din ang isinukli ko. Hindi ko alam pero biglang napalitan ng lungkot at pangungulila ang sayang nararamdaman ko kanina. Siguro dahil magkakalayo muna kaming dalawa.

"Wag ka nalang umalis." bulong niya sa tenga ko dahilan para mapangiti ako ng mapait. "Kung pwede nga lang, e." isang mahigpit na yakap na naman ang ibinigay ko pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon.

"Wag mo naman akong palungkutin. Magkikita pa naman tayo e." pinilit kong ngumiti ngunit sadyang nalulungkot talaga ako.

"Naman! Kailangan!" bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at tsaka ako hinawakan sa magkabilaang pisngi.

"Kada weekends pupunta ako sa inyo, o hindi kaya kapag walang ojt. Okay na ba 'yun sayo?"  nakangiti niyang sambit. Inilagay niya sa gilid ng tenga ko ang mga piraso ng buhok na humaharang sa mukha ko. It made me smile, genuinely. Tumango na lamang ako at muli siyang niyakap.



Maaga akong nakarating sa bahay dahil hindi masyadong traffic sa beyahe. Sana lang talaga ay hindi ko na kailangang umalis sa kanila, miss ko agad sila e! Lalo na si Kib! Si Mama naman ay sinalubong ako ng mga tanong. Hindi pa nga ako nakakapasok ng gate ay tinanong na agad ako kung ano ba daw ang ginawa namin doon, kung saan-saan daw kami pumunta at ang nakakaloka ay yung "Kailan na ba ang kasal anak? Gusto ko ng madaming apo ah!" jusko, Mama!

Humiga ako sa lapag sa may salas at naglaro ng candy crush sa cellphone ko. Hindi ko na muna tinxt si Kib matapos kung magsabi na nandito na ako. Nasa OJT siya. Ayoko namang isturbuhin ang ginagawa niya doon. Mahalaga din 'yun dahil para din 'yun sa kinabukasan niya. At malay natin, para din sa kinabukasan naming dalawa.

Naboring ako kakalaro ng candy crush kaya napagpasyahan kong magpa tugtug nalang. Ipinasak ko ang headset ko at sinet sa full ang volume.

Now playing: Crazier by Taylor Swift

Sinabayan ko ang lyrics ng kanta. Pakiramdam ko ay ginawa ang kantang ito para kantahin ko at ialay sa taong minamahal ko ngayon. "I'm lost in your eyes... You make me crazier. Crazier." as I sang along with the song, isang tao lang ang nasa isipan ko ngayon. Walang iba kundi si Kib. My knight who loves black dahil sa paniniwala niyang black is sexy daw. Hindi naman siya sexy, hot lang.

"You lift my feet off the ground, spin me around.You make me crazier. Crazier." patuloy ko. Nakapikit lang ako habang binabalik-balikan ang mga ala-alang nabuo ko kasama si Kib at ang pamilya niya. Hayst! Nakakamiss naman agad sila.

Ipinatong ko ang dalawa kong legs sa sofa. At patuloy na nakinig sa music. Mamaya ko nalang it-txt si Kib. Baka busy pa siya. "Oh, kain na nak." narinig kong sambit ni Mama. Agad ko namang naimulat ang mata ko at dahan-dahang tumayo at lumapit sa kusina. Naamoy ko agad ang masarap na amoy ng nilutong adobo ni Mama.

"Mukhang masarap 'yan Ma, ah." giit ko at agad na umupo sa lamesa at kumain. Hindi na ako muling kumibo dahil masyado akong nasarapan sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat sa taas dahil nakaramdam ako ng hilo. Masyado atang naparami ang aking nakain at hindi kinaya ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay maduduwal ako. Napaupo ako sa sahig at humawak sa ulo kong unti-unting nilalamon ng sakit.

"Ugh! Ano bang nangyayari sakin?" napapikit ako habang paulit-ulit na bumubuntong-hininga. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa ng maramdaman kong nagvibrate ito.

"H-hello?"

"Y/n? Bakit ganyan ang boses mo? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Kib sa kabilang linya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago sumagot sa kanya.

"Uhm, medjo masakit lang ang ulo ko pero okay naman ako. Kumain ka na ba? San ka?" giit ko. Tamad na humiga ako sa kama ko dahil masyadong malamig sa sahig.

"Sigurado ka ah? Uminom ka na ng gamot sa sakit sa ulo." halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Bumuntong-hininga ito. "Mmm-hmmm. Katatapos ko lang kumain. Ang sarap nga ng luto ni Mama e. Adobo. Ikaw? Kumain ka na."

"Tch, tapos na. Parehas pa nga tayo ng ulam e. Gaya-gaya ka noh?" natatawa kong sambit. Nagagawa ko paring makipagkulitan sa kanya kahit na pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko. Ano bang nangyayari sa akin?



Kinabukasan ay maaga akong nagising. Napakasakit ng ulo ko at hindi ako makahinga ng maayos. Alas-tres palang ng madaling araw ngunit heto ako at nanghihinang bumababa sa kusina para uminom ng gamot. Hindi ko na inabala pa si Mama dahil alam kong pagod din siya at kailangan niyang magpahinga ng maayos.

Muli akong suminghap at uminom ng dalawang baso ng tubig pagkatapos kong inumin ang dalawang klase bg ganot. Medjo nawala-wala na ang sakit ng ulo ko pero nandito parin ang sikip sa dibdib ko. Mawawala din 'to. First day of school pa naman ngayon.

Muli kong hinila ang sarili ko paakyat sa kwarto ko para maligo. Hindi na rin naman ako inaantok e. Para akong lantang gulay na naliligo at nagkukuskos ng sabon sa katawan. Napakatamlay ng pakiramdam ko at napakasikip ng dibdib ko sabayan pa ng konting hilo. Mabuti nalang ay nawala na ang sakit ng ulo ko.

Nang matapos na akong mag-ayos sa sarili ay agad akong bumaba sa salas. Tulog parin si Mama dahil hindi pa nakasindi ang mga ilaw. Medjo madilim pa sa labas dahil alas-kwatro pa lang naman ng umaga. Napakaaga ko ata para sa fist day of school.

Binuksan ko ang tv. Nanood ako ng cartoons na hindi ko naman gaano napapanood. Siguro dahil madaling araw palang kaya ganito ang mga palabas na cartoons. Hawak-hawak ko ang cellphone ko at parang nagdadalawang-isip akong tawagan si Kib. Baka mag-alala lang siya kapag nalaman niya ang kalagayan ko ngayon. Wala naman siguro ito.

Lumipas ang mga oras at parang nakalutang lang sa ere ang utak ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng pinapanood ko. Gising na rin si Mama ngunit hindi ko masabi sa kanya ang panghihina ng katawan ko.

"Nak, okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso. Inilapat niya sa noo ko ang likuran ng kanyang palad.

"Ang taas ng lagnat mo ah. Bakit hindi ka nagsasabi? Papasok ka pa ba? Wag na muna at dadalhin kita sa ospital." giit niya. Natigilan ako sa sinabi niya. "Ma, alam mo namang ayaw na ayaw ko sa ospital." giit ko. Ngumiwi ito. Ayaw na ayaw ko talaga sa ospital, lalo na ang amoy nito.

"Tiisin mo nalang 'yang takot mo keysa naman mamatay ka jan." seryoso nitong sambit ngunit umiling lang ako. Bumuntong-hininga siya at tsaka tumayo at pumunta sa kusina.

Too bad I won't be attending the first day of school. Masyado ata akong napagod nung nasa pampanga ako. Tapos tagtag pa sa beyahe. Napagpasyahan kong tumayo ngunit kasabay nito ang panginginig ng tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa sahig. The next thing I know, my mom's screaming out loud. Bumigat ang talukap ng mga mata ko at kasabay nito ang unti-unting paglamon ng dilim sa buo kong sistema.

End ^^

Ps: Gwaddd! I heyt drugs hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 968 62
Paano kung malaman ni Kyra... na ang kinikilala niyang KUYA ay hindi niya pala tunay na kapatid? At papaano naman kung may tutol sa pagmamahalan nila...
35.6K 1.3K 35
Serenader 8: JAMESHIN FAULKERSON
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
59.3K 1.9K 40
Welcome to the Book 2 of In a Relationship with a Stupid. Hope you like it.!