Eyes Nose Lips (Knightinblack...

By Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... More

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 6

79 6 0
By Kyligms

~6~

Napasalampak ako sa study table ko dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Nakakatakot naman kasi si Kuya kanina e. Akala mo kakainin niya talaga ako ng buhay! Pft. Buti nalang nandiyan si Mama para ipaliwanag ang lahat.

>Flashback<

"Wag kang lumunok diyan na parang kakainin kita." seryosong sambit ni Kuya habang hindi parin inaalis ang tingin sa tv. Sa sobrang kaba ko naman ay napapakagat na lang ako sa kuko ko.

"Ano ba 'yung sasabihin mo Kuya? Nakakatakot ka naman e." giit ko. Hindi ako makapagbiro >_<

"Tinatanong kita kanina kung kailan mo ipapakilala 'yang boyfriend mo." walang pagbabago ang kanyang tono at hindi manlang ako matapunan ng kahit isang tingin.

"Kuya, sabi ko naman sayo hindi ko pa siya boyfriend. Nanlili-"

"Doon din naman pupunta 'yan diba?" putol niya sa sasabihin ko. Bigla niyang pinatay ang tv at finally tumingin na sa akin. Walang emosyon ang mukha niya at halatang nababadtrip siya sakin. Pangako ko kasi kay kuya na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ako magb-boyfriend, e pano ba 'yan? dumating si Kib ng hindi ko inaasahan. At syempre hindi ko naman pinagsisisihan 'yun.

"Oo nga Kuya, alam ko 'yun pero sa ngayon manliligaw ko palang naman siya." pilit kong ipinapaliwanag ang katutuhanan. Kitang-kita ko sa mga mata niya na seryoso siya at walang halong biro ang mga salitang sinasabi niya.

"Diba siya din 'yung naghatid sayo dito nung nakaraang araw na umuwi ka na ng umaga?" tanong niya. Tumango ako at ganon din siya.

"Baka naman niloloko ka lang nun." aniya na walang halong biro.

"Kuya naman, loko agad? Hindi mo pa kasi nakikilala si Kib e. Mabait siyang tao at alam kong hindi niya ako kayang lokohin. Wala 'yun sa dictionary niya." i defended. Hindi naman kasi tama na akusahan niya agad 'yung tao.

"E, paano ako hindi maghihinala? E, ilang araw palang kayong magkasama at worse ilang araw ka palang niyang nakilala tapos mahal ka na agad? That's impossible Y/N!" giit niya na dahilan para matigilan naman ako. 'Oo, tama si Kuya. Ilang araw palang nga talaga kaming magkasama ni Kib. Pero, I've known Kib for as long as I can't remember. Alam ko ang point niya pero Mali talaga.'

"Kuya, please don't say that." hindi ako makatingin sa kanya dahil alam kong tama siya. Pero naniniwala ako kay Kib. Naniniwala akong hindi siya nagsisinungaling.

"I'm just stating the fact here, Y/N. Okay let's say na sinabi niya sayong gusto ka niya pero that doesn't mean na mahal ka na niya agad. Love takes time. Ano 'yan? Love at first sight? Love at first sex?" napanganga ako sa narinig. Love at first sex?! seriously?! Totoo ba tong naririnig ko?!

"Kuya! Mali naman ata 'yang sinasabi mo! Walang nangyari samin okay?! Kahit itanong mo pa kay mama! Anong love at first sex?! Urgh! Thi is unbelievable!" sigaw ko tsaka napabuntong-hininga ng malakas. Mas lalo niya akong finufrustrate. Walang modo ang mga sinasabi niya.

"I don't care, Y/N. I don't care kung walang nangyari sa inyo o meron. Baka nakakalimutan mong nag-aaral ka pa?"

"Kuya naman. Hindi porket magkakaroon ako ng boyfriend ay mapapabayaan ko na ang pag-aaral ko! Wag mo muna kasing pangunahan ang lahat, Pwede? Wala pa nga e! Masyado kang O.A!" sigaw ko ulit at akmang tatayo na ng bigla niya akong higitin sa braso dahilan para sapilitan akong mapaharap sa kanya.

"Don't you dare talk to me like that! Sinasabi ko lang naman sayo ang totoo! Nag-aalala lang naman ako na baka saktan ka lang niyan! Baka lokohin ka lang! Hindi mo pa nga siya kilala ng lubusan, e! Tapos mahal mo na? Kalokohan." he uttered. Isa-isang pumatak ang mga luha ko. I don't know what's wrong with him. Hindi naman siya ganito ka O.A e!

"Kuya, I know. I understand your point but can't you trust me for this? Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan manlang?" i asked while crying. I was sitting in the couch while he was standing right in front of me. His hands are on his hips, acting like his my father. Acting like I've done something so wrong that he cannot forgive.

"I trust you. Pero ang lalaking 'yun hindi." his voice was finally low but anger was still there in his eyes. Anger that I can't even explain.

"But... I do." wala sa sarili kong sambit. Totoo, I trust kib more than I trust myself. Dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. Hindi siya magsisinungaling sakin. Dahil 'yan ang alam kong totoo.

"Bahala ka sa buhay mo. Pinagsasabihan lang kita dahil ayokong masaktan ka!"

"Pero OA na Kuya e. Wala na sa lugar." malumanay kong sambit. I know it was disrespectful but the hell I care. Tama lang na alamin niya kung ano ko siya. Kuya. Panganay na kapatid. He's not my father to be like that infront of me. Mas maiintindihan ko pa kung nag-aalala siya pero 'yung bastusin niya ako kanina.

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako sa may hagdan at nakita si mama na kabababa lang at hawak ang cellphone ko. Tapos na atang makipag-usap kay Tita.

"Ayan Ma, pinagsasabihan ko lang 'yang anak mo tungkol diyan sa manliligaw  niya kuno." he said while taking a deep breathe. Tch. I just rolled my eyes on him. He's being overprotective, ni-hindi niya pa nga nakakasama si Kib ng matagal tapos kung makapagreact siya akala mo e-kriminal 'yang nanliligaw sakin. May nalalaman pa siyang Love at first sex! Hindi pakboi si Kib, Woi!

"Oh, bakit umiiyak 'tong isang 'to?" tanong ni Mama kay kuya at itinuro niya pa ako.

"E, kasi Ma. Sinasabi ko lang naman na dapat kilalanin niya muna 'yang Kib na 'yan bago sana siya pumayag na ligawan siya." pagpapaliwanag naman ni Kuya.

"Anak, hayaan mo na ang kapatid mo. Matanda na 'yan. Alam niya na kung ano ang dapat gawin sa hindi dapat gawin. May utak na rin 'yan e. Just trust your sister." aniya mama na nag-english pa. Si Kuya naman ay napakamot na lamang sa ulo niya at bumuntong hininga bago binuksan ang tv.

Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa pero... "Basta kapag nasaktan siya ay wag siyang lumapit sa akin." cold at halatang nasaktan ang kanyang tono.

Bumuntong hininga naman din ako at umakyat na sa kwarto ko. I don't have any words to say anymore. Masyado na akong naguguluhan. Tch.

>End Of Flashback<

Diba ang O.A? Hindi ko nga maintindihan kung saan niya napulot 'yung mga sinasabi niya sakin kanina e. I don't get it. He's being paranoid and I don't like it. Baka ay nag-away sila ni Tita, his wife. Baka nga, kaya siguro ay pumunta dito at magtatagal daw.

Pero kasi... Hindi din tama na pati ang magiging relasyon ko ay pangungunahan niya at itutulad niya sa relasyon nila ng asawa niya, if ever nga na may problema sila. Pati tuloy ako ay naguluhan at nasaktan sa mga pinangsasabi niya. Hindi maganda sa pandinig! Lalo na 'yung Love at first sex!

Lintek lang ang gagawa nun!

"Nak?" napabangon ako mula sa pagkakasalampak ko sa desk ng kumatok si Mama sa pinto. "Come in, Ma." walang gana kong sambit at muling bumalik sa pagkakahilig.

"Dinalhan kita ng dinner. Alam ko kasing hindi ka sasabay samin ng Kuya mo e." she said while putting the tray on the side of my study table.

"Hmm, thanks." tipid kong sambit at hindi manlang siya tinignan. Narinig ko ang mahina niyang buntong-hininga.

"Ano ba kasi ang nangyari? Bakit umabot sa ganon? Halatang badtrip na badtrip ang Kuya mo. Tinatanong ko pero hindi naman sumasagot." sambit niya dahilan para mapaayos ako ng upo at mapatingin sa kanya.

"Ma, ayokong pag-usapan. Pero.. tuloy parin ako bukas papuntang pampanga. Sa ayaw o sa gusto man ni Kuya, wala na akong pake." giit ko at tsaka hinila ang tray na may lamang pagkain at tsaka nagsimulang kumain.

"Oh siya sige, kung 'yan ang gusto mo. Hindi na man na kita mapipigilan hindi ba? Basta ang sakin lang din ay ingatan mo ang sarili mo. Babae ka pa naman." giit niya at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko. Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil nga sa kumakain na ako.

Simula kanina ay hindi ko pa nakakausap si Kib. Wala na rin akong balak na sabihin pa sa kanya ang naging sagutan namin ni Kuya dahil alam kong pagsasabihan niya lang din naman ako. Natapos akong kumain at dinala sa baba ang pinagkainan ko. Wala na si Kuya. Siguro ay nasa loob na ng kwarto niya. Habang si Mama naman ay naghuhugas ng pinggan. Hindi ko na rin siya pinansin at dali-dali na ring nag-ayos ng sarili para maagang makatulog. Mukhang napagod ako dun sa sigawan namin ni Kuya.

"Bakit kaya walang paramdam ang isang 'yun." napabuntong-hininga ako at nahiga na sa aking kama. Katabi ko lang ang cellphone ko pero kanina pa hindi nagr-ring o nagb-beep. Baka busy? siguro. Maglalaro na nga lang ako ng candy crush.

Pagkakuha ko sa cellphone ko ay agad akong nagtaka ng mapansing ang init-init nito. Balang hindi ko naman siya nagamit the whole day. I turned it on at ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang 100+ messages at 36 miss calls galing kay Kib. "What the?!" napaupo ako sa pagkakahiga ko at agad na binuksan lahat ng messages niya.

From: Darling R****** ❤️

Y/N, nakausap ko si Mama kanina and she said na nagkausap na nga daw sila ni Mama at pumayag na daw na pumunta ka dito. Kamusta?

*

Kumain ka na ba? Bakit hindi ka nagreply? Are you busy?

*

Inayos ko na ang kwartong tutulugan mo. As if naman pwede tayong magtabi diba? Hahahaha!

*

I'm off to OJT. Txt me back when you read my messages :)

*

Break time namin. Bakit hindi ka pa nagrereply? Is something wrong?

Halos nakanganga na ako habang binabasa ang kabuuan ng mga messages niya. 'G*go ka Y/N! Bakit hindi mo manlang naisipang icheck ang cellphone mo! Bakit ba 'to nakasilent? Mama!'

Dali-dali kong denial ang number niya and thank god ay agad niya rin namang sinagot.

"Hello? Kib? Omg, I'm very sorry! Nakasilent pala ang cellphone ko and I didn't bother to check it kasi akala ko hindi ka nagtxt." diretsahan kong sambit. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga.

"It's okay. Btw, ano sabi ng Kuya mo? Hindi ba't nagkausap kayo?" aniya at halata sa boses ang inis. >_<

"Kib. Let's not talk about that. Let's talk about us first." wala sa sarili kong sambit. Napahiga na lamang ako sa kama at hindi ko na malayang dahan-dahan na palang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Weird.

"Us? Wala pang tayo hindi ba?" walang gana niyang sambit.

"Kib, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang hindi mapansin ang mga txt mo, Okay? So please, wag naman ganyan." sambit ko at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng mga hikbi sa mga labi ko.

"I said it's fine."

"But it's not fine. Alam kong nainis ka. Alam kong pakiramdam mo ay binaliwala kita. That's why I'm explaining and I'm sorry." pero wala.... tuluyang lumabas ang mga hikbi at dire-diretso ang mga luhang nag-uunahang makawala sa mga mata ko. Next thing I know, there was silent between us. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahihina kong hikbi at ang sunod-sunod niyang buntong-hininga.

"I'm sorry okay? Please, wag ka ng magalit." giit kong muli dahil hindi ko talaga kayang magalit siya sakin. I know it's my fault. It is. Nagpabaya ako e. Hindi ko naman kasi alam na nakasilent pala.

"Okay na 'yun. Wag ka ng umiyak, okay? Hindi naman ako galit. Nagtampo lang ng konti kasi akala ko talaga binalewala mo na ako." aniya. Medjo sumigla na ang boses niya kaya naman nabawasan ang nararamdamang guilt dito sa dibdib ko. Kanina ko pa gustong umiyak dahil nga dun sa nangyari samin ni Kuya. Hindi ko lang kasi kaya na may nagagalit saking tao at lalo pa't malalapit at mahal ko sila.

"Stop crying. Mas lalo kang papanget niyan. Baka nga lumulubo na sipon mo e, HAHAHAHAHA!" biro niya dahilan para matawa naman ako. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. Ang sakit tuloy ng ulo ko, paksheyt!

"Sorry talaga. Bukas promise babawi ako."

"Promise?"

"No."

"Huh? Bakit?"

"Because promises are meant to be broken. so..."

"So?"

"Promise me no promises."

"Ay, kanta 'yan diba? By demi labato?" tanong niya pero napahalakhak ako dahil sa binanggit niyang surname ni Demi.

"What? Bakit ka tumatawa?" medjo nainis ang kanyang boses kaya mas lalo pa akong natawa.

"HAHAHAHA! Sino nga ulit 'yun?" pagtatanong kong ulit.

"Pft, si Demi lang hindi mo pa kilala? Si DemI Labato! D-E-M-I  L-A-B-A-T-O!" aniya at nagawa pang-i-spell. Mas lalo akong natawa pero pinigilan ko na dahil baka mas lalong mainis.

"Kib, Hindi naman kasi yun Labato! HAHAHAHA ano 'yun nawawalang kapatid niya si Sarah Labati? HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Huh? E, ano? HAHAHAHAHA!"

"It's Demi Lovato! HAHAHAHAHA!" pagkasabi ko nun ay sabay kaming natawa. Ang sakit ng tiyan ko katatawa. Ang engot naman kasi! Apelyedo na nga lang ng kilalang artista hindi pa alam HAHAHAHA!

"Oh, sorry naman! Sige na, matulog ka na at maaga ka pang aalis bukas. Pauwi na rin ako."

"Ay, oo nga no? 12 o'clock na agad? Ang bilis ng oras kapag kausap kita *sigh* pero... okay goodnight. Ingat ka ha?! Umuwi ka na agad! Wag na kung saan-saan pumupunta! Hmm? Sige na babay! Labyu!" sambit ko at ibababa na sana ang tawag ng bigla siyang sumigaw.

"ANO?! Labyu? Oh shit! Hahahaha! Sige na goodnight! Sleep tight! Sweet dreams! Opo! Mag-iingat ako, magkikita pa tayo bukas e HEHEHEHE!" sambit niya at bakas sa boses niya ang saya. Nakangiti ko namang ibinaba ang tawag. Sira Ulo talaga kahit kailan.



To Be Continued^^

Don't forget to Vote! Uhmm, comment naman kayo and suggest any good places in pampanga. Wala akong alam e HAHAHA! Thank You for reading! Mwuaps! :*

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 384 24
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
67.7K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
78.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
36.9K 1.1K 17
Mga kung anu-anong rants/jokes sa pagiging MATABA~! Book Cover © Krungri Gizibe Graphix