YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

By ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... More

Prologue
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
L
M
N
O
Q
R
hi :-)))

P

2.4K 46 12
By ukennat

Jho's POV

Napatitig lang ako sa mga binitawang salita ni Bea.... ng may mag-snap ng daliri sa harap ng muka ko.

"Hey! Jho? You okay?" Nabalik ako sa wisyo ko ng magsalita si Bea.

Anuna? Pucha naman! Bat ba kasi ang lawak ng imagination mo Jho?

"Ano nga p-pala yung s-sinasabi m-mo?" Napangiti naman sya at nilahad sakin yung kamay nya.

Hinawakan ko yun at napatayo ako dahil sa paghila sakin ni Bea....

Papunta sa...... sala....

Hindi ko nanaman maiwasan kabahan dahil sa mga naisip ko kanina ng lapitan nya ko.

Bahagya kong bumitiw sa kamay ni Bea dahil baka mapansin nyang pinagpapawisan yung kamay ko.

Umupo sya sa sofa at tinapik nya yung space sa tabi nya.... teka.... dejavu???

Nang mapatingin ako sakanya ay nakakunot yung noo nya kaya naman ngumiti na lang ako at tumabi sa kanya.

"What's bothering you lately Jho?" May pagaalala sa tono nya kaya naman hindi ko maiwasan mapalunok.

Umiling na lang ako at tumingin sakanya. Sa mga mata nya rather.

Nagsisi lang ako sa ginawa kong pagtingin sakanya kaya binawi ko din agad ang tingin ko sakanya.

Ano Jho?? Wala na balak magsalita? Diba aamin ka pa? Diba magtatapat ka ng feelings mo? Ano? Sagot!

Pero diba sya yung unang magsasalita?? Sya yung unang maga-approach sakin!

Sya yung magsasalita ng kung ano ano na kinapawis ko!

Sya yung magsasabi na hindi dapat sya sakin ma-fall!

Pero hindi... na-fall din sya....

Sya din yung magbabalik sakin sa katinuan ko kaya nalaman kong lahat ng yun imahinasyon lang pala.

Kaya mo yan Jho. Alam ko kahit konti kahit papano meron!!

Huminga ako ng malalim para makabwelo sa gagawin kong pagtatapat. Shems nakakabading! Ay!

"S-so..."

Magsasalita pa lang sana ko ng hawakan nya yung kamay ko kaya naman napaangat ako ng tingin sakanya.

Nakangiti sya.

Tumingin ako sa mata nya.... parang ang saya ng mga sinasabi nito.

Jho... masaya sya... right timing to diba?

Kaya naman ganon na lang din ang pagngiti ko sakanya.

"Happy birthday beh. Nagustuhan mo ba yung surprise namin?" Cool nyang tanong sakin.

Tumango ako at ngumiti sakanya dahilan para mas lumawak pa yung mga ngiti nya.

"Syempre naman lalo na kayong mga close friends ko ang may gawa nun...."

"Infairness naman sainyo ha wala akong alam at all!" Natawa naman sya at binitawan ang kamay ko para kurutin ang pisngi ko.

"Syempre din tatawagin bang surprise yun kung pina-alam namin sayo?"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya dahil ang pilosopo talaga neto.

"Che! Mapang-asar ka talaga no!"

Bahagya ako umurong ng konti at tumalikod sa kanya para kunwari naasar ako sakanya. Bwahahaha

And the usual Beatriz... nilapitan nya ko at nagback-hug sakin..

Ngumiti ako ng hindi padin gumagalaw sa pwesto ko dahil matanggal yung pagkakayakap nya sakin.

Naisipan ko pa din maginarte kaya naman...

"Tss dun ka na nga! Wag mo na ko yakapin djan." Tinanggal nya naman kaya naman mas nainis ako.

Akala ko pa naman kaya ako naginarte uli kasi baka higpitan nya lalo yung pagka-hug sakin o kaya i-kiss nya ko pero hindi!

Jusko masunuring bata talaga tong Beatriz na to.

Kaya naman nanatili padin ako sa pwesto ko at pinagpatong ko yung arms ko para malaman nya na azar na ko.

Mga ilang minuto din ako sa ganong pwesto pero etong Bea na to parang wala ng balak amuhin ako. Aba!

Tatayo na sana ako ng hinawakan nya ko sa may bandang siko kaya naman napaupo padin ako sa sofa ng nakatalikod sakanya.

Maya maya ay naramdaman ko na uli ang pagkakayakap nya sakin kasabay ng ulo nya na nakapatong sa balikat ko.

"Shhh. Wag kang aalis." Bulong nya sa tenga ko na sya namang tayuan ng mga balahibo ko.

My ghaddd Beatriz!!!! U dont do that to mehhhhh!

Para namang naging statwa ko sa ginawa ni Beatriz. Shookt ako mamshi!!

Napansin ko na lang na may kinakalikot sya sa batok ko at hinawi yung buhok ko.

Hinarap nya ako sakanya at tinignan ako. Napaiwas naman ako ng tingin dahil anuba! Nkklk!

Nang mapatingin ako uli sakanya ay nakita ko na nakatingin sya banda sa dibdib ko. O m g Beatriz! Wag dito sa sala....... Este wag po!

Kaya naman dahan dahan ko niyakap ang sarili ko habang nakatingin sakanya.

Hindi porke may feelings ako sakanya eh ganun ganun na yun. Ligawan nya muna ko. Ganern!

Ngumiti pa lalo sya ng malapad at dahan dahan inangat ang kamay nya papunta sa.... my ghad my ghad!!

Napapikit lang ako dahil hinihintay ko na mahawakan ni Beatriz ang anes ko bago ako magreklamo... Ay este dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Bagay sayo. You look wonderful Jhow."

Unti unti ako napadilat dahil sa sinabi ni Beatriz. Ano daw?? Anong bagay??

Inayos ko naman yung sarili ko pati na din yung pagkakaupo ko tsaka ko sya tinignan. Ganon padin nakangiti padin sya sakin.

"Anong sinasabi mong.."

Umangat uli yung kamay nya pero ngayon ay hinayaan ko naman sya sa gagawin nya.

Pinagmasdan ko yung kamay nya na papunta sa dibdib ko at hinawakan ang isang bagay dun..... necklace??

Wala naman ako suot nito kanina ah?? Bakas sa muka ko yung pagtataka kung pano ko nagkaron bigla ng ganun.

Binitawan ni Bea yung hawak nyang pendant at nakita ko na din yung design neto.... silver necklace na cross???? Parang familiar to ah.

"Nagustuhan mo ba?" Dahan dahan akong tumango habang nakatingin at hawak ko pa din yung pendant.

Niyakap ko na lang sya bigla at niyakap nya din naman ako pabalik.

"Aw! What was that for?" Tanong ni Bea dahil nasaktan ata sya sa ginawa kong pagbatok sakanya.

"Tanong tanong ka pa djan! Eh ako kaya pumili nyan! Panong hindi ko magugustuhan?!" Natawa naman sya kaya tinigil nya din yung pagkamot dun sa part ng ulo nya na binatukan ko.

"Syempre.. mahirap na baka masayang lang yung effort ko. Mamaya hindi mo magustuhan yung.. aray Jhow!" Hindi nya natapos sasabihin nya dahil agad ko uli sya binatukan.

Nakita ko na nakakunot na yung noo tapos naka-pout pa yung labi nya kaya naman niyakap ko uli sya.

"Kahit na ano pa yan gugustuhin ko kasi yung gusto ko naman yung nagbigay nun." Bulong ko sakanya habang magkayakap kami.

"May sinasabi ka?" Tanong nya sakin. Napahinga ako ng malalim dahil yun na nga yung una kong way para masabi ko na tong nararamdaman ko para sakanya.

Eh kaso bingi ang lola mo. Eh kaso din naman Jho bat binulong mo pa? Kasalanan pa ni Bea na hindi nya narinig kasi feeling mo ang lakas ng bulong mo ganon? Aish

"Sabi ko I love you!" Ayan ka nanaman sa pabulong bulong mo Jho jusko.

"Ano?" Napairap na lang ako pero di ko padin tinatanggal ang pagkakayakap ko kay Beatriz.

"Thank you sa lahat sabi ko. Dami ko na utang sayo." Tumawa naman sya at pinunta sa ulo ko yung left hand nya dahilan para masubsob pa ko sa balikat nya.

Tinanggal nya din yun at kumalas sa pagkakayakap sakin. Hinanap ng mga kamay nya yung mga pisngi ko.

"My pleasure Jho. Hindi pa enough yung mga ginawa ko para lang maparamdam ko sayo kung gano ka kahalaga sakin."

Bea.... hindi ko na kaya...

Hindi ko na kayang itago pa.

Kung tatanungin ako kung papatagalin ko pa ba to?? Hindi na!

Parang sa araw araw na tinatago ko mas lalo lang ako nahuhulog sa kanya ng paulit ulit.

Huminga ako ng malalim. Bumebwelo sa kung ano man pwedeng lumabas sa bibig ko ngayong gabi.

"Bea." Pangalan pa lang nya ang sinasabi ko pero bakit ganto? Nangangatog na buong pagkatao ko.

"I... like....

... no wait...

I.... love..." Sa bawat salita ko hindi ko maiwasan ang mapalunok ng sunod sunod.

Dahil na din siguro sa titig na ginagawa sakin ngayon ni Beatriz na naghihintay kung ano yung balak kong sabihin sakanya.

"I think I love.." Bakit may 'think' pa??? Tanga lang Jho???

"Wait there Jho. Ill answer lang this call. Ok?" Tumayo sya at ako naman ay napanganga na lang.

Badtrip naman yan oh!! Ang dami daming oras na pwedeng may tumawag sakanya bakit ngayong oras pa??

Sinusumpa ko kung sino man syang tumawag kay Beatriz!!

Nakakainis naman oh!! Andun na eh! You na lang yung sasabihin ko eh! Puñemas naman oo!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa frustation.

Ganon na lang din ang pagtigil ko sa sarili ko nung nakarinig ako ng pagtawag sakin ni Bea.

Inayos ko muna ang buhok ko bago tumingin sakanya na nasa main door.

Hinihintay ko sya lumapit at umupo uli dito sa sofa pero mukang ako ata ang kailangan lumapit sakanya.

"Pwede ko na ba ituloy yung sasabihin ko?" Inis na bungad ko pagkalapit na pagkalapit ko sakanya.

Hindi na ako makapaghintay te! Baka mamaya mismong mga dila ko na ang magsalita.

Hindi na ako makapaghintay na kulayan yung drawing kong pagmamahal sakanya. Ay!

"Pwede naman pero pwedeng ako muna?" Nakangiti nyang saad kaya naman eto nanaman yung puso ko binibigyan ng kahulugan yung mga action ni Bea.

Tumango na lang din ako at napahawak sa dibdib ko. Parang bumabalik nanaman yung mga pawis na malalagkit sakin.

Naiihi ako na ewan sa pwesto namin dito ni Beatriz. Naloloka ako kasi hanggang ngayon nakatayo padin sya at nakangiti.

"I know were bestfriends... pero sorry kung nagawa ko ilihim sayo to... gusto ko kasing isurprise ka."

Ilihim... parehas lang naman tayong naglihim sa isat isa... sakin yung nararamdaman ko para sayo... ikaw kaya??

Isurprise?? Ibig sabihin positive vibes to?? Ibig sabihin isa nanaman to sa mga pakulo ni Beatriz ngayong birthday ko?

"Alam ko na magugustuhan mo sya dahil sabi mo nga diba.. kung san ako masaya, masaya ka na din... na susuportahan mo ko sa anuman na gagawin ko. And I thank you for that."

Hindi ko na naiintindihan yung mga pinagsasabi ni Bea dahil ang tangi na lang na naririnig ko ay yung kabog ng dibdib ko.

Nakatingin padin ako sakanya kahit na alam kong wala na ko naririnig. Hihintayin ko na lang yung yakap at halik nya na ang ibig sabihin ay gusto nya din ako.

Wala na ako sa wisyo kaya naman napapikit na lang ako.

Huminga ako ng malalim upang bumalik ako sa focus.

Pero ganon na lang yung gulat ko ng pagdilat ko ay may katabi ng babae si Bea.

Hindi ko sya kaibigan kaya malamang hindi ko bisita to. At mas lalong hindi ko sya kilala.

Nakangiti sila pareho sakin ni Bea. Kaibigan ni Bea? Parang ngayon ko lang sya nakita. Ah baka papakilala sakin ni Bea.

"Sino sya?" Tanong ko kay Bea habang nakaturo ako sa babae at nagkatinginan naman sila.

"Ej meet Jho my bestfriend." Ang sakit na pakinggan nyang salita na yan ah! Lalo na galing pa kay Bea!

Eto ata yung tumawag kay Bea kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko eh. Hmp

Ngumiti na lang ako sakanya dahil ayoko naman mag mukang tanga.

"And Jho meet Ej, my bestfriend.




















.... and also my girlfriend."

Ano d-daw???

Ano??

Also her girlfriend??

Babaeng kaibigan?

Ah diba ganon yung tawag sa states pag may kaibigan kang babae??

Pero pinakilala ng bestfriend diba? Tapos girlfriend pa??

Ang labo!

Tumingin uli ako dun sa babae at pinagmasdan sya.

Maganda. Maputi. Chinita. Maganda... tss. Maganda din naman ako. Mejo madumi nga lang kulay ko. Pero may laban pa din ako. Pawer!

Napansin ko din yung kumikinang sa bandang leeg nya kaya naagaw naman nun yung pansin ko.

Parang familiar din..... hinawakan ko yung pendant ng akin habang
nakatingin pa din sa kwintas nya. May naka-engrave na saint??

Parehas kami binigyan ni Bea?? Bestfriend nga kasi diba? Okay lang. Di hamak na mas maganda yung akin kesa sakanya.

Pero sa susunod na nakita ko ay dun na bumagsak lahat ng inipon kong pagpapa-lakas ng loob.

Napababa yung tingin ko sakanilang dalawa at ayun......

Nakita ko yung mahigpit na paghawak ni Bea sa kamay ni Ej.

"A-ano nga uli k-kayo?" Lakas loob kong tanong kahit na alam ko na yung sagot.

"Jho may girlfriend na ko." Masayang sabi ni Bea sakin sabay yakap kay Ej.

Naramdaman ko ang unti unting pagbabasa ng mga mata ko.

Wag dito please. Wag sa harap nila Jho.

"Okay ka lang?" Malumanay na tanong sakin ni Ej kaya naman napatingin sakin si Bea.

Tumango ako at ngumiti ng pilit.

Nakita ko din ang pag-ngiti ni Bea at dahan dahan na lumapit sakin para yakapin ako.

"Thank you Jho. Sabi ko na nga ba matutuwa ka para sakin. I love you!"

Dun na bumuhos ang mga luha na kanina pa gusto bumagsak.

Niyakap ko sya pabalik at hindi ko maiwasan na higpitan yun.

Oo Bea ang saya saya ko. Nahanap mo na yung makakapagpasaya sayo.

Pero ang tanga tanga ko!! Ang bagal bagal ko kaya ako naunahan ng babaeng yan!!

Bakit.... hindi ko naramdaman.... diba meron naman?? Bakit ganto kinalabasan??

Humiwalay sa pagkakayakap ko si Bea dahil napansin nya ata na basa yung tshirt nya.

"Fuxk! Bakit ka umiiyak?" Halata naman sa muka neto yung pagaalala nya.

Umiling lang ako ng umiling habang patuloy pa din sa pagtulo yung mga luha ko.

Nakita ko yung pagkakalabit ni Ej kay Bea at sumenyas na lalabas muna sya kaya naman tumango si Bea.

Naiwan na kaming dalawa ni Bea dito sa sala pero hindi ko padin sinasagot yung tanong nya.

"Hindi ka ba masaya para sakin Jho?" Nakatungo nyang tanong.

Masaya nga ba ko? Pero diba kung mahal mo susuportahan mo?

Eh pano pag nasasaktan ako? Pano kung di ko kayang suportahan? And worst.... di ko kayang ipaglaban.

Eto lang ba talaga yung papel ko sa mundong to? Masaktan at patuloy parin na masaktan??

Ano pa ba yung dapat kong gawin?

Hinawakan nya ang kamay ko... na kaagad kong inalis kaya naman napatingin sya sakin.

Ngumiti ako at pinunasan yung mga natirang luha sa mata at pisngi ko.

"Kahit kailan wag mo iisipin na hindi ako naging masaya sa mga desisyon mo. Masaya ako para sayo Beatriz.... masayang masaya."

Hindi ko nanaman napigil ang mga pagiyak ko kaya naman hinayaan ko na lang na tumulo.

"Isa lang naman akong hamak na kaibigan mo at sino ba naman ako para pigilan ka sa gusto mo."

Nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Ngayon ko lang nakita yung tingin nyang ganyan. Hindi ko alam kung ano yung nasa isip nya ngayon.

Basta ang alam ko gusto ko na umalis sa harapan nya ngayon.

Pinunasan ko uli yung mga luha ko at tumawa ng sarcastic.

"Ano ba yan ang emo ko. Hehe. Naiiyak ako kasi baka mabawasan na yung oras mo sakin eh."

Dun ko na nakita yung ngiti ni Bea.

"Eto naman. Syempre hindi, ikaw pa?" Masaya nyang sabi.

Pero hindi na Bea. Lalayo na lang ako. Hindi mo na kailangan mag-aksaya pa sakin ng oras.

Dahil ayoko ng saktan yung sarili ko. Lalo na ayokong lokohin sarili ko. Sawang sawa na ko sa gantong set-up.

At sa huling pagkakataon, tinignan ko yung kabuuang mukha ni Bea. Na parang kinakabisado ito.

Unti unti akong lumapit sakanya at niyakap sya. Sa huling pagkakataon.

Lima..... Sampu.... Benteng segundo at humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at ngumiti.

"Sige na iwan mo muna ko dito. Hinahantay ka na ni Ej."

Tumingin sya sakin na para bang sinisigurado ako kung sure ba ko sa sinabi ko.

At nung nag-thumbs up ako ay ngumiti sya at lumapit sakin ng dahan dahan.

Papalapit sa mukha ko at don dumapo yung labi nya sa noo ko at nagbitaw ng mga salita....

"Thank you Jhow! I love you!"

Napapikit lang ako at sinariwa ang huling halik na mararamdaman ko mula sakanya.

Humiwalay sya at naglakad na papalayo sakin..... at papunta sa mahal nya na naghihintay sakanya.

Nang mahawakan nya yung kamay ni Ej nakita ko uli yung paglingon sakin ni Bea at yung ngiti na sana ako na lang yung dahilan.

Nawala na sila sa paningin ko kaya eto nanaman yung mga luha ko na parang nagkakarerahan sa pagbagsak.

I cant take it anymore.... pagod na pagod na ko pakisamahan yung buhay ko!

Hindi ko kakayanin kung dito ko lang to ibubuhos! At hindi din okay na mag-stay pa ko dito lalo na andun silang dalawa.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at lumabas ng bahay. Pagpasok ko ng kotse ay ini-start ko agad yung makina neto.

Kailangan kong makalayo dito. Kailangan kong layuan yung tao na naging dahilan kung bakit ako nagiging ganto.

Kailangan.... pero hindi ko kaya.

Tuloy lang ako sa pagpapaharurot ng sasakyan ko at naghahanap ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

Hindi ko alam kung san ko din balak dalhin sarili ko pero napa-stop na lang ako sa nakita kong bar.

Agad akong nagpark at bago lumabas ng kotse ay tinignan ko muna yung sarili ko.

Namumuong mata, namumulang ilong... pano ka magugustuhan eh ang pangit mo.

Arghhhhh!! Napahampas ako ng manibela at yumuko pa saglit.

Hindi mo kailangan maging ganito Jho. Hindi mo deserve to diba?

Kailangan mo tanggapin sa sarili mo yung mga taong hindi pwedeng maging sayo. Maging totoo ka sa sarili mo. Kayanin mo.

Dahan dahan ako napaangat at tinignan muli yung sarili ko. Inayos ko ang sarili ko bago bumaba ng kotse.

Pagpasok ko ay hindi ito yung inaasahan kong bar.

Ang akala ko maingay... magulo.. mga wild yung tao... pero hindi.

Nakita ko na lang yung isang lalaki na nasa entablado at parang lahat sakanya ay interesadong interesadong nakikinig sakanya.

Eto ata yung mga nauusong hugot na mga salita na sarili lang nilang gawa. Spoken Poetry ata to.

Kaya naman umupo na lang din ako at  umorder ng drink sa waiter.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang naghihintay ng inorder ko ng marinig ko yung tulang ginawa ng nagpeperform ngayon sa stage.

(ctto: betsin-art parasites)

"Mawawala rin naman to diba?

Yung kilig.
Yung kaba.
Yung lito.
Yung bilis ng tibok ng puso ko pag nandyan ka.

Mawawala rin naman lahat nang to, hindi ba?"

Ganon lang ba kadali yun? Tss nasasabi nya yan kasi hindi pa nya nararanasan yan.

Pagkalapag na pagkalapag ng drink ko ay mabilis king kinuha yun at tinungga.

Inubos ko agad yun at humingi pa uli sa waiter at dinamihan ko na din.

"Darating din ang araw na hindi na ako malilito kung saan ba ako nararapat lumugar kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhan na sasaluhin mo.

Sa ngayon dito na lang muna ako.

Sa pagitan ng magkaibigan at higit pa roon."

Hindi siya mahirap mahalin. Special yung tingin ko sakanya kaya ata sobrang attracted na ko kay Bea.

Akala ko sapat na ko na sa kabiguan nya nandjan ako lagi para sakanya.

Pero mali nanaman ako. She need something else to fill that empty space inside her. Umasa nanaman ako.

"Dahil ang totoo hindi naman talaga ako umaasa sa kahit na ano, wala aking nakikitang hinaharap o kung san nga ba tayo tutungo pero masaya ako dahil ikaw ang kasama ko.

Masaya na ako sa ganito."

Umiling iling ako sa mga narinig ko mula sa nagsasalita sa entablado.

"Gago pala to eh! Kung ikaw masaya ako hindi!" Napalakas ata yung sigaw pagkasabi ko kaya naman nagsitinginan yung mga tao sakin.

Pati na din yung lalaki na nagpeperform ng Poetry nya. Nako wala ako pakialam sakanila! May sarili akong problema na dapat problemahin!

"Pangako, hindi na ako magtatanong dahil alam naman ang lugar ko.

Alam ko.. alam ko.. alam ko. Hindi ako nalilito. Alam kong.. magkaibigan tayo.

Pero sabi nila hindi naman ganito ang magkaibigan lang.. hindi ko pala alam nalilito pala ako."

Akala ko din eh. Bakit ba kasi naniwala ako sa mga taong nagsasabi na meron? I thought that she feels the same way.

Sabagay... wala din naman pala syang sinabi na mahal nya ko. Nag assume lang ako.

Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao at nakita ko ang pagbaba ng taong nasa entablado.

Hindi ko namalayan na tapos na pala sya dahil sa pagiisip ko sa mga nangyari kanina. Parang kanina lang ang saya saya... and then sa isang snap lang... wala na lahat.

I always thought there was something special about us. Akala ko kasi meron.

I want her to be happy...... with me.. not the other way.

Napadami na ata ang inom ko kaya naman mejo hindi ko na din kontrolado yung sarili ko.

Wala sa sarili akong umakyat sa stage at kinuha ang mic.

"Hello mic test! Okay naririnig nyo ba ko ha?" Nakita ko naman yung mga tao na nagbubulong bulungan sa mga kasamahan nila.

"May gushto lang kashi ako shabihin sa taong hindi pwede maging shakin." Napalingon ako sa humawak sakin at nakita na security guard yun na akmang hinihila ako.

"Ano ba! Shinabeng shaglet lang! Wag mo ko hilahin!" Pagpipigil ko sa security at sakto naman na dumating yung lalaki na kaninang nagpeperform ng poetry nya at nakita ko kung pano sya sinunod ng security guard dahil umalis na lang ito bigla.

Ngumiti sya sakin at parang sinasabi na ipagpatuloy ko. Nagthank you naman ako kaya humarap uli ako sa mga tao. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko.

"Di ko alam kung.... bakit at paano ako tinamaan sayo! What I know is I like you!! I really do beh. Within a short of time of knowing you... you made me feel comfortable... even just a.... friend."

Dito ko na lang ilalabas lahat ng gusto ko sabihin sayo Bea... dahil kahit naman siguro sabihin ko sayo to... kung may nagmamay-ari na din sayo.. balewala na to.

"We shared laughs... Meaningful laughs. I maybe someone who falls easily... and falls hard. But I knew that I had the chance.... But I guess Im too late."

Nararamdaman ko nanaman yung mga likido na unti unti pinupuno yung mata ko.

Wala na ako maaninag.. ang tahimik... siguro nga wala na atang tao dito.

"I was wrong... I never had the chance, right??? Because that Ej had that chance!" Tumawa ako ng sarcastic at pinunasan yung mga luha ko pero kahit anong gawin ay tumutulo padin.

"Ayokong tawagin kang paasa... dahil ako naman ang umasa diba? Sobra akong nalungkot at nasaktan sa nalaman ko... pero nakita ko masaya ka... yun naman ang importante diba?? Yung basta masaya ka, masaya na din ako... pero hindi eh... hindi ko kaya."

Hindi ko na maiwasan na magbreak down... ano pa nga ba?? Eh mahina ako diba??

"Kahit na hindi na ako yung dahilan ng mga ngiti mo... or wipe those.... hggkk... hehe.. sorry kailangan ko magsama ng loob dito... hindi ko na kasi talaga kaya... hggk"

Dahil sa sobrang pagiiyak ko parang hindi ko na din kaya magisa... pero hindi... sabi nila pag nalabas ko to mejo mababawasan yung sakit.. sana..

Binigyan ako ng tubig ng lalaking umawat sa guard pero tinanggihan ko yun at bumalik na lang sya sa pwesto nya sa gilid ng stage. Huminga ako ng malalim para masabi ko pa yung mga gusto kong sabihin.

"Sana mapasaya ka niya.. sana maging okay kayo palagi... pero alam mo naghihintay ako... na babalik ka uli sakin.. and you will tell me that all you found was heartbreak and misery... hehehe... ano ba yan.. kung ano ano na naiisip kong masama.."

"Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba maghintay... but it wont even matter right? Gaya ng sabi ko, gusto kong sumaya ka.. and besides come to think of it.. I wouldnt stand a chance."

Pinunasan ko uli yung nga luha ko na walang pagod na bumagsak sa mga mata ko. Clear na yung paningin ko kaya naman nakita ko uli yung mga tao.. may iba naiiyak na din. Ano ba yan.. nangdamay ka pa Jhoana.

"Nahihirapan ako sabihin sayo na nagseselos ako na nakikita kang masaya kahit na hindi na ako ang kasama mo... Di ko kaya sabihin yung nararamdaman ko for you kasi natatakot ako na iba yung sagot mo... pero mas masakit pala kasi ako na mismo yung nakakita ng sagot mo. Natatakot ako na mawala yung maliit na pinagsamahan natin.. alam ko sinasabi ko sa sarili ko na iiwasan na kita.. pero hindi ko din kaya na hindi ka pansinin beh."

Nagpahinga ako saglit at huminga ng malalim.. nawala na ata yung tama ko sa alak dahil sa kakaiyak ko dito... sana ganun din kabilis mawala yung tama ko kay Bea.

"At mas lalong di ko kayang iwanan ang isang bagay na minahal ko at gusto kong gawin. Kaya okay lang na masaktan ako... sanay na din siguro."

Bahala na si destiny... hindi naman ako aalis.. maghihintay lang ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"Timing is really a bitch no?? Tangina maglaro ng kapalaran! Napaka unfair! Kung kelan kaya ko ng sabihin  namahal kita.. kelan ko naman nalaman na hindi pala talaga pwede. Kahit pala subukan ko.... talo ako."

"Gusto kitang sisihin kaso unfair yun sayo eh... kasi hinayaan ko yung sarili ko na mahulog sayo."

"Para sayo beh... sorry. Sorry kung sinubukan kong sumugal ha. Sumugal ako pero di ko pinagsisisihan.. siguro masakit lang talaga ngayon.. kasi sawing sawi eh. Hahaha. Durog. Malala. Sorry di na ko natuto na wag ng sumugal sa walang kasiguraduhan. Sorry di ako nakinig sa mga kaibigan ko na wag na sumugal.... much more sa taong nagsabi na pwede tayo kaya sumugal ako.."

Hindi ko nanaman mapigilan na ilabas pa lalo yung mga luha ko... pagod na pagod na ko pero sila parang hindi napapagod eh.

"Sorry..... Im so sorry.... kasi... hindi ko... na pigilan... Hindi ko... alam kung itu... tuloy ko p.... pa ba tong.. nararamdaman ko sayo... Sumugal na ko.... Isasagad ko na..... hanggang sa mapagod ako..."

"Hanggang sa mawala at matapos na tong feelings ko para sayo... Hanggang sa magising ako isang araw na okay na ako... na tanggap ko na... na mahal na mahal na mahal talaga kita pero tama na..."

"And if I could win your heart.... I will sing you a love song..."

Pumikit ako at don mas lalong bumuhos yung luha at sakit na nararamdaman ko. Akala ko ayun na.. kala ko ubos na...

"Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole

Without you,
I've got no hand to hold

Without you, I feel torn
Like a sail in a storm

Without you,
I'm just a sad song"

"I'm just a sad song."

At doon na nagtuloy tuloy yung iyak ko. Hindi ko na alam kung nakakahiya o kung ano... makilala man nila ko wala na kong pake...

Narinig ko ang mga palakpak ng mga tao at naramdaman ko na lang din ang pagyakap sakin ng kung sino man to at inalis ako sa kalagitnaan ng stage.

Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin pero wala na ko lakas... parang lahat ng energy ko napunta sa kanina kong mga pinaggagawa.

"Where's your key?? Let me help you Miss?" Isang pamilyar na boses ng lalaki yung narinig ko pero dahil sa nakapikit lang ako at nakaalalay sya sakin ay kinuha ko yung susi sa bulsa ko at inalis ang pagkakakapit nya sakin.

"Kaya ko sarili ko!" Sigaw kong pagsabi sakanya at hinanap kung san nakapark yung kotse ko.

"But youre a mess.. baka mapano ka miss?" Napasabunot na lang ako ng maramdaman na nakasunod sya sakin.

"I dont care kung ano man yung mangyari sakin.. and pwede ba?? Mind your own business!" Pumasok na kaagad ako sa driver seat at nagulat na lang ako ng pumasok din sya sa kotse ko.

"What the??" Nakangiti sya na para bang nangaasar pa.

"Pwede ba... hindi kita kilala kaya umalis ka na dito sa kotse ko!!" Bulyaw ko sakanya kaya naman nagulat sya.

"Okay if you need anything.. iiwan ko tong calling card ko dito.. wag ka maghesitate tumawag sakin... makikinig ako sayo kahit gaano pa kadrama yan."

Naglabas sya ng calling card nya mula sa wallet nya at tinignan lang sya na parang wala akong paki.

"Sige na umalis ka na hanggat di pa nagdidilim paningin ko sayo!" Mabilis naman sya na lumabas.

Iistart ko na sana yung kotse ng magbukas nanaman yung pinto nung kotse ko.

"Ingat ka miss." Nakangiti nyang sabi.. pero nung nakita nya na nagsalubong na ang kilay ko ay taranta nyang sinara ang pinto.

Inistart ko na yung kotse ko at bago ko pa to paandarin ay kumaway pa sya sakin... kaya naman tinaas ko yung gitnang daliri ko at tinapat sakanya at tuluyan ko ng pinaharurot yung kotse ko.

Ano oras na ba?? Aish ang sakit ng ulo ko... Andun pa kaya sila Bea?? Sana naman wala na. Baka magbreak down nanaman ako sa harap nya.. ayokong mangyari yun.

Safe naman ako na nakarating sa bahay. Pero hindi muna ko lumabas ng kotse ko dahil nagmuni muni muna ako.

Nakita ko yung card na binigay ng lalaki at kinuha yun.

"Button Poetry Club.... Nico Evangelista.... tssss!" Binalik ko ito at pumikit muna ng ilang sandali.

Tinignan ko yung oras sa kotse ko.. 4am na pala. Kailangan ko na din siguro magpahinga.

Happy birthday Jho...

*************

YUN OH!!! HAYS ISANG ARAW NA ON THE SPOT NA PAGSUSULAT KASI NGA WALANG PLOT.

PERO SHOUTOUT DUN SA KUNG SINO MAN YUNG PINAKA MAY-ARI NUNG POETRY NA KINUHA KO SA BETSIN. DATI PA KASI YUN TSAKA SCREENSHOT KO LANG YUN TAPOS PUTOL PA KAYA HINDI KASAMA YUNG MISMONG NAGSULAT NUN. CREDITS PO SAYO.

SORRY SA ERRORS AT SA NAPAKA CORNY NA UPDATE. 👽

FEEL FREE TO VOTE, COMMENT, AND RECOMMEND. AYE! ✌

Continue Reading

You'll Also Like

137K 5K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
574K 12.9K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
130K 3.5K 74
Stray Kids is on tour! Ella wins a prize at the concert that ends up turning her entire life upside down. She uncovers the dark secrets to K-Pop and...