E

3.2K 75 1
                                    

Jho's POV

Asan na kaya si Beatriz? Mula paggising ko wala na sya dito sa bahay. Tinanong ko naman si ate Ella, kibit balikat lang ang sinagot sakin.

Dalawang buwan na din simula yung pumunta kami ni Beatriz sa Carnival. Kaya simula yung araw na yun mas naging close na kami ni Beatriz sa isat isa. Bestfriend ko na syang matuturing dahil alam na namin ang lahat tungkol sa buhay buhay naming dalawa.

Masaya naman palang kasama si Beatriz. Sobrang bait nya. Lagi nya pang sinasakyan lahat ng kalokohan ko. Minsan nananawa na lang samin si ate Ella dahil sa sobrang bully at gulo namin. Well pasensya na lang sya hahaha.

Somehow gusto nya din naman na ganto ako. Yung dating ako. Nagpapasalamat ako kay Beatriz dahil binalik nya kung ano ang Jhoanna Louisse noon.

Naalala ko pa nung pagkauwi namin galing Carnival.

Pagkadating namin hindi muna kami agad bumaba ng sasakyan ko. Sya na din ang nagpresinta na magdrive dahil nga naman mugto na yung mata ko. Baka kung ano pa mangyari samin kaloka.

"Jho, hayaan mong hilumin ko yung sugat na tinatamo mo. Wala ka ng dapat ipagkaalala. Dahil nandito na ako...." ano ba pinagsasabi neto ni Bea?

"Tagapagligtas ko?" Banat ko para maglight yung usapan namin. Ngumiti naman sya. Ano nanaman tumatakbo sa isip neto?

"Ganun na nga. Ang bright mo talaga Jho!" Yumuko naman ako pagtapos nya sabihin yun.

Naalala ko nanaman. Para kay Bea ang bright ko pero sa tingin ni Baham ang slow slow ko. Masyado nga ako minaliit ni Baham. Hindi ko napansin yung mga yun dahil nabulag ako ng pagmamahal ko sakanya.

Bigla naman may nagangat ng muka ko. Sya lang naman ang katangi tanging gumawa sakin neto. Si Bea.

"Wag ka na malulungkot Jho. Mas nalulungkot ako. Hindi mo naman ako hahayaan maging malungkot dba?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Ano ba yan. Ako ata ang baliw. Bipolar hahaha.

"Lord ikaw ba yan? Hahahaha!" Pagpapatawa ko kay Bea. Agad naman syang ngumiti.

"Yan ganyan nga." Pinat nya nanaman ulo ko. At pagtanggal nya nun ay nakapwesto yung kamay nya para makipagshake hands.

"Start of something new? Bestfriends?" While flashing a smile. I cant help it but to smile. Nakakahawa yung ngiti ni Bea. Anghel sa lupa.

"Bestfriends." At hindi lang basta kamay nya ang tinanggap ko. Pati sya sa buhay ko.

Nawala ako sa pagmumuni ng dumating na si Beatriz.

"Hi beh!" Hi beh hi beh ka pa djan iniwan ako ng walang paalam tss. Pabebe mode muna ako kaya umupo lang ako sa kama.

"Beh may masakit ba sayo? Bakit hindi mo ko kinikibo?" Sabay harap nya sakin. Inirapan ko sya para alam nya na nagiinarte ako at kailangan nya kong paamuhin.

Tumayo sya. Akala ko yayakapin nya ko pero wala ako naramdaman. Pero may narinig akong tunog ng pinto. Paglingon ko, aba!!!! Iniwan lang ako dito??? Humanda ka sakin Beatriz!!

Tatayo na sana ako ng may narinig akong katok sa pinto kaya bumalik uli ako sa pagkakaupo na nakatalikod banda sa pinto.

"Beh? Sorr--" pinigilan ko agad sya kasi naiinis ako sakanya imbyerna ng taon!!

"Che wag kang papasok sa kwarto na to Beatriz ah!! Wag kang makalapit lapit sakin!!" Naiinis talaga ko. Dahil hindi naman sya umaalis ng hindi nagiiwan ng note. Minsan gigisingin pa ko para lang magpaalam. Huh! Bahala sya sa buhay nya!

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now