Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 22
Ex 23
Ex 24
Huling Kabanata

Ex 16

32.2K 1.3K 68
By makiwander



"Bakit mo ako kinuhanan ng litrato habang natutulog?" Kanina ay sobrang fun ng activity. Parang teacher si Mikel na sinasabi ang detalyadong pangyayari sa likod ng bawat litrato. It is like a fast track lessons. He would ask me if I want to do it again but I always say pass. Lubog na nga ako sa aking damdamin, ilulubog ko pa ba sa mga panibagong alaala? Parang naroon na din ako sa mga kwento niya. The pictures are so clear and step by step. Pati nga ang pag-tulog ko ng nakanganga, isinama pa niya. Hindi na ito maganda, nakakabawas na ng pagkatao. Kim Kardashian won't approve this shot.

"That was our 6th year anniversary. That was the start of our day."

Pinuna ko ang litrato, kitang kita na payat na ako doon. Did I diet?

I looked at another photo, still in bed but half awake, I was frowning.

"Bakit ako galit?"

"Because I woke you up. Gusto mo pang matulog." Napangiti si Mikel sa alaala pero hindi iyon umabot sa mata. Like it was a sad memory.

"Dito.." Pinakatitigan ko din ang litrato. "Dito ako nag-simulang mag-bago, hindi ba?"

Binawi sa akin ni Mikel ang litrato. Tumingin siya sa labas at dumidilim na nang hindi namin namalayan ang oras. Mahangin na naman sa labas pero hindi na kagaya ng kanina na galit at sumisipol pa ang hangin.

"What do you think of having a break?" Mikel asked.

"Having a break?" Saglit akong natigilan at nag-isip. "Some exhaustion cannot be simply resolved by sleeping, you cannot simply close your eyes and wake up okay. Having a break is taking time to do nothing to bring everything else in perspective. Thus, I would say, that as a law abiding citizen of the Philippines, that having a break is necessary and for the good of the majority of the people. I thank you!" Bahagya pa akong kumaway na akala mo ay merong audience.

Napailing si Mikel na pinipigilan ang pag-ngiti. Inilagay niya ang huling litrato doon sa pahina ng photo album. I couldn't believe na napuno namin ang tatlong makakapal na album ng mga alaala na nabura sa akin. Sa paraan ng pagkukwento ni Mikel kanina, parang naroon na din ako, although, it doesn't ring a bell. It is like watching a new film. Even the plot twists are unexpected.

"Take a break from work. Well, tomorrow is Friday. Maybe we could go out of town for a long weekend. What do you think?"

"Naku, Mikel ha. Sumusobra ka naman sa pag-aaya sa akin ng date. Araw-araw na tayong magkasama." Umirap ako na parang hindi iyon nagustuhan but the reality is, pumapalakpak ang aking tenga! I want an out of town. I want the sun on my skin and Mikel on my lips! Ay! Ang balahura noong last part.

"I know you want it." Mikel rolled his eyes heavenwards. Hinampas ko siya sa balikat. Just like that, a friend has returned to me. Kung paano niya ako inalalayan noong namatay ang mga magulang ko at binubully ako ng buong eskwelahan.

"Pero bumabagyo pa!" Giit ko.

"Sabi sa news, that's the last blow of the storm, nakaalis na nga daw sa Pilipinas. Tomorrow should be a sunny day. What do you think? Dito ka na matulog?"

"Alam mo—"

"Dalagang Pilipina ka?" Tumaas ang kilay ni Mikel.

"At saka---"

"Hindi ka basta-bastang nakiki-sleepover sa bahay ng lalaki."

"Pero—"

"Tinatamad kang umuwi kasi inaantok ka na."

Pinanliitan ko ng mga mata si Mikel. "How did you know that?"

"You always say that, Gabby but you don't really mean it." Tumayo siya mula sa leather couch at tinungo ang pantry. "How about pizza for dinner?"

"Tutulong ako." I stood up and made my way to his tiled black and white bar counter and reached for the dough. Isinabay ko ang paghawak sa kutsilyo at ang tomatoes in can, kipkip ang mga iyon sa aking dibdib. The tomato can slid on my arms and it went straight to my left foot.

"Ouch!" Agad kong inabot ang aking paa at hinilot ang tinamaan. "Inipit ko naman sa pagitan ng dibdib ko!" Reklamo ko.

"Hey." Napalingon si Mikel at naabutan ang pangit kong pag-ngiwi. "Wala naman kasing kakapitan."

"Sumusobra ka na, Mikel!"

He went to me and enveloped me to a comforting hug. His clean, masculine scent that resembles the crisp of the ice filled my nose. The earthy scent of his after shave as he rest his lips at the top of my head made me feel fuzzy and warm inside. Parang softdrinks na bagong bukas ang feelings ko.

Kailan ba kita maiuuwi, Mikel?

---

"Nagpapaalam ka, dahil nasaktan kita.. Noo'y di makitang mali ako.. Ohh"

Pinindot ni Mikel ang stereo at inilipat iyon ng istasyon.

'I'm sorry the old Taylor can't come to the phone cause she's dead!' Pumaimbabaw ang boses ni Taylor Swift sa loob ng sasakyan ni Mikel at nakadama ako ng inis.

Umalis kami sa kanyang condo bago pumutok ang araw. Tama nga siya, the weather seems so peaceful today. Napagod na mag-buga ng hangin si Mother Earth at chill lang siya today. Hindi ko alam kung ano ang inihanda ni Mikel na activity today. All I know is that he packed our things last night at wala na raw akong iisipin.

I placed my hand back at the stereo control at ibinalik sa OPM Hits kung saan damang dama ko ang kanta ni Jay-Ar.

"Bakit pa ba nagawa? Nasaktan ko ang isang tulad mo na labis na nagmamahal...."

"Gabby.." Pakli ni Mikel. His eyes remained on the road, salubong ang kilay na parang galit sa kalsada.

Tumigil ako sa pagkanta at inobserbahan din ang dinaraanan. Kumikinang ang mga puno sa gilid ng NLEX na nasisinagang ng araw. The aftermath of the typhoon is still there but it is still beautiful. The sunrays passed through the healthy leaves in bright green and olives.

"Ang sungit mo." Hinampas ko ang balikat ni Mikel. Umirap siya sa akin nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic. I bet many Manilenyos would be visiting their hometowns to check the effect of the typhoon. Malalaking bus at truck ang aming kasabay, ang mga kotse ay nakapila, although, it is for a fact not an irritating kind traffic. It is still a beautiful traffic because you know mga Beshy, Mikel is there, inches away from me.

Patungong probinsya kami, clear skies, trees and birds in the sky, Mikel and his ngiting pamatay, I couldn't ask for more.

"Hey. Hindi mo ba ako kakausapin?" Inalog ko ang kanyang binti. He looked at me in serious eyes.

"I want to take a pee." He murmured.

"Ano?"

"I want to take a pee."

Nilingon ko ang paligid. "Hala! Bad tumigil sa expressway. Bakit ka pa kasi hindi umihi kanina noong nagstop over tayo sa gasoline station?"

"I know right."

I paused and thinked seriously until an idea crossed my mind.

"Naku, Mikel ha. Ipapagpasalamat mo sa akin ito." I took out the big bottle of Gatorade at the side of the passenger seat, ito ang iniinom ko kanina pang umaga. Tinungga ko ang natitira pa pagkatapos ay ibinigay kay Mikel ang bote.

"Come on, you can—"

"No way!" Pinanlakihan siya ng nga mata.

"Ay! Ang arte mo naman! I bet hindi naman isang litro ang ihi mo. Come on! Don't be pissed and piss!"

"That is not funny, Gabrielle." In a flat tone he said.

"Ay, traffic naman. Dali na, habang nakahinto. Mas gugustuhin mo bang tumayo diyan sa labas ng expressway at umihi basta?" Pangungumbinse ko. "I wont peek!"

After 5 more minutes na hindi pa din umaandar ang mga sasakyan, hindi na nakatiis si Mikel. Pagalit niyang kinuha sa akin ang bote at tiningnan ako ng masama.

"No peeking."

Ngumiti ako at tumagilid. Hinarap ko ang mga puno. Ang magagandang puno! I heard Mikel unzipped and then follow by a soft, trembling whiz of a liquid dripping in the bottle. I was tempted to take a look, tao lang, of course, but then, the horns of the nearby vehicles as they started roaring their engine tensed my muscles.

"Naku, Mikel, Go na!" Pumikit ako ng mariin, pinipilit na hindi siya lingunin. I can still hear him peeing!

"Not yet done!" He groaned.

Mas lumakas ang pag-busina ng mga sasakyan. Galit na ito at sunod sunod. And the most unfortunate of it all, a traffic police in motorcycle knocked on Mikel's side. Pilit nitong sinisilip ang bintana. Napalingon ako.

"Gabby, don't look!" Pulang pula ang mukha ni Mikel. Instead of not looking, mas bumaba ang tingin ko doon sa kanyang tinutukoy na huwag titingnan. Nahindik ako at pumikit agad, binura ko agad sa isip ang nakita. Tinanggal ko ang suot kong baseball cap at itinakip doon sa dapat takpan. Finally, Mikel's pee stopped. Kaya lang ay kumatok na ang traffic police doon sa bintana, urgent knocks.

"Mikel, buksan mo ang bintana!"

"What? I haven't zipped my pants!"

"Okay lang yan, may takip naman!" Inabot ko ang button para sa bintana at binuksan iyon. Ibinaba ng Mamang Pulis ang kanyang shades at agad na tumingin sa ibaba ni Mikel. Napapikit si Mikel at napasandal na lang sa kanyang headrest dahil sa sobrang hiya!

"Ano ba yan mga Hijo, mga Hija! Umagang umaga naman!" Wika noong pulis.

"Po?"

"At delikado yang ginagawa niyo sa expressway. Talaga bang hindi niyo mapigilan? May ticket yan, kaso nga dapat kung tutuusin, alarm and scandal!"

"Hala, Manong! Hindi. Umiihi lang ang kasama ko. Di na niya kaya."

"Weh?" The policeman curved his lips, not believing.

"Sige, Mikel, ipakita mo ang bote mo."

"W-what?"

"Dali, Mikel. Gusto mo ba ng kaso na alarm and scandal? Mae-eskandalo ang kumpanya mo, Mikel. Hindi pupwede, ipapakita mo lang naman ang ebidensya na umihi ka lang!" Natatarantang utos ko.

Napapakit na hinawakan ni Mikel ang baseball cap ko na nakatakip sa kanyang Jurassic Park. Maingat pa ding tinakpan yon at iniangat ang isang litrong bote ng Gatorade na halos mapuno ng wiwi!

Napailag si Mamang Pulis dahil doon.

"O siya, siya, sige. Akin na nga yan at baka ihagis niyo pa sa gitna ng kalsada." Iniabot ni Mikel ang bote sa police pati ang takip non. I can see how humiliated he was pero wala na siyang magawa. Tumalikod na ako nang sarhan ni Mikel ang bintana, narinig ko pa ang pagsara ng kanyang zipper. Nilingon ko siya pag-katapos. Walang kangiti-ngiti ang mukha niya. Sinundot ko ang kanyang tagiliran pero hindi man lang siya ngumiti.

"Ito naman, para yun lang. Hindi ka naman kilala ni Mamang Pulis." I smiled. Mikel gritted his teeth and threw daggering stares at me.

"Kasi kung hindi ka nagpapilit, kanina pa natapos ang wiwi mo. Pabebe ka kasi."

"Really, Gabrielle Bethany?"

"Gabrielle Bethany? Galit ka? Para kang si Mama pag galit, buong pangalan." Umirap ako at tumingin na lang sa kalsada. Siya na nga ang tinulungan!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...