If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 39: October Blues

124K 2.2K 387
By shirlengtearjerky

Chapter 39: October Blues

Para kay Timmi, ang aking better half <///3

Sana nagustuhan nyo ang 4 parts ng Ch 38! Okaaayy eto na tayo.. nasa gitna na rin tayo ng If I Fall! BWAHAHA =))

Comment and vote pag nagustuhan! Dito ko ibabase kung effective ba ang story na 'to. Lels

----

BARBS' POV

Okaaay..

Kruuu kruu kruuu..

Haaayy nako ano bang dapat kong ikwento sa inyo ha? Yung nangyari nung Sabado? Psh. Whatever! (=.

So what kung ako lang ang pinagsabihan nya? As if namang ipapakalat ko yon sa buong school! Aba eh kung yayaman ako, why not? Kaso sino ba naman sya, artista ba sya? Badtrip!!!

Teka lang.. Wednesday pala ngayon. Kasi nga.. leshe tong si Nanding, napasarap ata ang pagtambay dito samin kaya umuulan pa rin! Okay na nung Saturday night kaso bumalik ulit nung Sunday at Monday ang medyo malakas na ulan. Aba advantage yun samin kasi walang pasok!!! May downside rin, ang baho sa labas. Baha pa rin eh!!! Di ako makalabas!!! Gusto ko pa namang magbasketball!! Papano ko tatalunin yung Kris na yun, ah? Paksheeeeet naman ://

Ayun nga, wala kaming pasok nung Monday kasi apparently baha pa rin sa Charleston. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dun sa fact na yun. Kahapon nadissolve na ata si Nanding kaya maaraw na!!! Kaso.. eto flashback.

FLASHBACK, TUESDAY

Since halos lahat kami ay club president.. nakareceive kami ng text message galing kay SC President Wes.

Guys, school clean up mamayang hapon. Para makapasok na tayo bukas!

(-__-) Sya lang ata ang enthusiastic sa paglilinis ng school. Kung pwede nga lang lumubog na yun sa baha forever eh! Weh Barbs.

SCHOOL

(O___o)

What in the world...

"BAKIT NAWALA MGA PAGKAIN KO DITO!!!!"

NAKAKAINIS! Ang dami kong pagkain dito nung Friday ah!!! Bakit nawala?!?! Wala naman sigurong daga dito sa locker ko diba!?!! E di sana pati yung mga libro ko may ngatngat na!!!

Lumapit sakin si Vivien, nagtataka "Barbs bakit?"

"Nakita mo naman diba... nung nilagay ko dito yung plastic ng pagkain ko..."

"Yung binili mo sa canteen? Oo! Teka sabi mo bibigay mo sakin yung Oreo diba?"

(-__-) "NAWAWALA NGA!!!"

Umextra naman ang SC President na may dalang mga walis at garbage bag. "Di ba walang lock yang locker mo? Malay mo nauga nung bumaha, tapos nahulog sa tubig."

"Eh sana nakita ko diba!!!! Sana nandyan lang yun sa tabi!!!" napasigaw nako sa sobrang inis!!! Kakain pa naman dapat ako ng Mr. Chips ngayon!!!

"Good Afternoon guuuuys!"

Psh. Ang saya lang ni Hapon ngayon ah. Kasabay na naman nya bestfriend ko walanjo.

"O Barbs," sabi sakin ni Chester. "Ba't ganyan itsura mo?"

"May PG na nagnakaw ng pagkain ko dito sa locker. Humanda sila sakin!!!" nagpatunog na ko ng buto sa kamay. Kainis!!!

"Heheheheh grabe ka naman Tomby! O-okay ka lang?" eps ni Hapon.

(*.*) "O ba't ka utal-utal? Shunga ka?"

"Ewan ko sa'yo!" ba't kabado 'to? "Tara na nga Chestie!! Una na tayo!!!" hinigit nya papasok sa school si Chester.

Ang wiweirdo ng mga tao ngayon! Pero seryoso.. pagkain koooo!!! Pagkain kooooo!!!! <///3 Nagproceed na kami sa may school grounds, at nandun si Panot para magfacilitate sa clean up.

"O, kumpleto na ba kayo?" tanong nya kay Wes. Ang ever masunuring president naman nagbilang kung kumpleto nga kami.

"Wala pa po sina Rachel, Tatin at Cyrus po."

Nakoooo narinig ko na naman ang mabantot nyang pangalan!! Cyrus cyrus lels nya!!! Bakit ba ang panget panget ng pangalan nya? Psh. Dinivide kami into groups, kasama ko si Wes sa 2 classrooms sa elementary building na pinasok ng tubig.

*habang naglilinis*

"Barbs?" sabi ni Wes habang nireready yung timbang may tubig at sabon. "Nasan ka nung Saturday?"

"Umalis ako. Bakit?"

"Out of reach ka kasi. Tinatawagan ka ni Rachel."

"Ako? Tinatawagan ni Ro--" may narealize lang ako. "O teka, ba't naman kayo magkasama? Eh bumabagyo ah!"

Tinaasan nya ako ng kilay. "Dun sya samin nagstay, tanga kasi nya naiwan yung susi sa kwarto nya."

"AT SINONG T@NGA?!"

Nagulat naman kaming dalawa sa biglang pagsulpot ni Rocky sa may pintuan. Natabig pa ni Wes yung timba.

"ANO KA BA RACHEL ANNE! WAG KA NGANG MANGGULAT!!!" pabawi ni Wes.

Dumiretso naman si Rocky sa kanya para pagpapalaluin ito. "Ikaw! Magkukwento ka na nga lang mali pa!!! Barbs wag ka ngang maniwala sa eps na 'to!!!"

(-___-) "Ewan ko sa inyong dalawa! Maglilinis na nga lang ako!!"

Pinabayaan ko na lang sila na mag-away pa rin dun. Syempre dapat pa-good shot ako kay Panot! Hehehe. Inayos ko muna yung mga kadiring upuan at nilagay malapit sa may binta--

Oh. They're here.

Yep. They're. Since etong classroom na 'to ay malapit sa may locker area (which is our school's main entrance), makikita kung sino ang papasok at palabas. At... kitang-kita naman na... sabay silang pumasok.

Siguro 3 steps ahead lang si Tikoy (Hahahaha amp ang panget talaga!!!) kay Tatin. Mukha namang okay silang dalawa, nakangiti pa nga si teh.

*tok tok*

"AY KULANGS!!!!"

Nagtataka naman si Viv sa reaction ko. Sya pala yung kumatok sa bintana from outside. "Okay ka lang B?"

"Oo naman! Gutom lang talaga ako."

-

As usual, hindi na naman kami nagpansinan. Ganun naman talaga dapat, para di mahalata na may alam kami tungkol sa sikreto ng isa't isa.

Natapos ang clean up na hindi kami nagpapansinan. Pinansin naman nya sina Rocky, ano pang bago dun. As if I care.

"Nasan na ba sina Chester?! Tagal!!!" medyo irita na si Wes. Naghihintay kasi kami nina Vivien at Rocky sa labas ng school, kinukuha ata nung dalawa ang phone nila.

"Init agad ng ulo Wes! Chill lang!" ang saya naman ata ni Vivien ngayon (-_-)

Si Rocky medyo aligaga ata. Kanina pa tumitingin ng notes nya. "Hoy Rocky, aga naman magreview!"

"Ang dami kang exams bukas! Hindi na nga ako makaconcentrate sa uunahin ko eh!"

GC kasi masyado 'to! Asar lang. Hintay lang kami dun nang...

"O Cy! San punta mo?"

Tsssss....

Tumigil naman sya sa tapat naming apat. "Bahay na, magrereview pa kasi ako."

"Wag ka na magreview!" singit ni Rocky. "Tara punta tayo sa Town, let's eat!"

"Parang kanina ikaw 'tong atat magreview ah..." eps ni Wes. Ayun, siniko tuloy sya ni Rocky.

Napatingin naman sya sakin saglit. "Next time na lang, gahol na rin ako sa oras eh. Bawi ako!"

Sus, kahit hindi na dre! Nagpaalam sya samin (in general) tapos sibat na sya. Weeehhhh...

END FLASHBACK

At yun ang huling beses na nakita ko sya.

Joke lang guys! Absent sya ngayong Wednesday. And don't dare to ask me why, wala akong alam. Hindi ko na rin masyadong ginagamit yung phone na bigay nya kasi ibabalik ko na yun sa kanya.

"Barbs," tawag sakin ni Chester after ng exam namin sa TLE. "San si Cyrus?"

"Hindi ko alam. Text mo."

Bakit ba sakin nila tinatanong yon ah? Banas.

--

ROCKY'S POV

Nakakastress talagaaa this week!

Una, ang dapat na 4 day exam period namin ay naging 2 days na lang. Kamusta naman ang haggardness.

Pangalawa, opening na ng Intrams sa Friday! Ang dami daming problemaaaa! Ayoko na ng problemaaaa!!!

"HOY. Kinakausap kasi kita."

Pssh. Isa pa 'to! Break time namin ngayon, at imbis magreview ako para sa Econ, kasama ko ang ever responsible (sarcasm) SC President na si Wesley Rodriguez.

"Wag ka ngang tumanga dyan," nagtatype pa ang loko sa laptop nya. Psh. "Ang dami pa nating aayusin."

Sinilip ko naman ang list of players na hawak ko. "Okay na sa basketball, volleyball boys and girls, table tennis, badminton, Philippine Games.. wala na tayong kulang, diba?"

"Cheering. Kumpleto na ba?"

"Hmmm... kulang pa ata tayo ng 5 members. We actually need guys."

"Lagay mo ko dyan."

(O.O) "Seryoso ka?"

"Oo nga, ilagay mo na pangalan ko dyan. Mahirap humanap ng lalaking sasali sa batch natin. Ako na magvovolunteer."

Mabagal kong sinulat ang pangalan nya sa papel. In shock pa rin ako! Sya.. sasayaw? *imagine imagine imagine*

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!" tinakpan ko na ang mukha ko. OMG!!!

"Okay ba't mo ko tinatawanan?" monotonous nyang tanong.

"You.. dancing.. that.. what a nice visual!!! OMG!!!" para nakong si Lean na iyak-tawa ang peg.

"Baliw ka. At least ako nagsacrifice para sa batch natin. Ikaw nga hindi ka ata sasali ng cheering."

Aray, tagos naman yun. This year lang ako hindi sasali ng cheering kasi medyo tinatamad ako. "Eh walang pakialamanan!"

"Akala ko pa naman.. close na tayo after ng nangyari nung Saturday..."

"What's that supposed to mean? Ewan ko sa'yo!" inabot ko sa kanya yung papel. "Ayan, itype mo."

May evil twinkle akong nakita sa mga mata nya nang kunin nya yung papel. "Ako na bahala dito."

AY NAKO GETS KO NA!!! "On second thought..." kinuha ko ulit pabalik yung papel. "Ako na lang magtatype nito. Baka may magic ka pang gawin sa list na 'to."

Kunwaring nahurt ang loko sa sinabi ko. "Awww Rachel, sa tingin mo ba magagawa ko yun sa'yo?"

"Naman! Ikaw pa!!! Dakilang bwiset."

"Akala ko pa naman friends tayo, but I was wrong."

"Di bagay sa'yo, Rodriguez. Kung friends tayo.. edi wag kang umarte ng ganyan."

"Ang daya mo naman! Dapat sumali ka ng cheering, kahit panget ka sumayaw."

"Tama ka nga, hindi nga ako kagalingan sa pagsayaw pero excuse me, at least ako sumali for 3 years! Tsaka kakaririn ko ang badminton this year!"

"Sus.. matatalo ka lang naman don!"

Patience, Rachel. Patience!! "WAG KA NGANG MAYABANG!!!" Naglakad nako palabas ng office nya.

"O teka san ka pupunta?"

"Sa Quiapo para ipagtirik kita ng itim na kandila!!! Akala mo masaya! Uggghhh."

--

WEDNESDAY

CHESTER'S POV

Absent si Cyrus ngayon, at galit si Barbs.

O, ano na naman iniisip nyo? Galit sya kasi...

"ANAK NG NAMAN O!!! SANA KAHIT EMAIL MAN LANG!!!!"

Nasa CAT HQ kami, nag-aayos ng ilang files for next week since part kami sa control group ng Intrams. Since adjutant si Cyrus, sya ang nakaassign para gawin yon kaso.. absent nga.

"E kung tawagan mo kaya?"

Sinamaan nya ako ng tingin. "Wala nakong cellphone."

"Ha? E di ba last week meron ka? Touchscreen pa nga e!"

"Wala na yun!!! Hoy Sison basta bago matapos ang araw na 'to dapat natext mo na sya!!!" umupo pa sya sa table ni Rons. "Sumasakit ulo ko sa kanya eh! Tapos iiwan pa nya sakin ang responsibilities nya sa Herald! Nyeta."

"Barbs chill ka lang.. baka mawala ang nireview mo sa Math nyan."

Nagpout pa sya. Ang pout pa naman ni Barbs.. hindi katulad ng mga pout ng ibang babae. Basta weird ang pout nya. "Sana nga hindi ko makalimutan! Mamamatay na ata ako eh!!!"

I patted her shoulder. "Kaya mo yan, Barbs! Di kita iiwan mag-isa."

Tinignan nya ako ng weird. "May hindi ka ba sinasabi sakin?"

Sabi na nga ba mapapansin nya eh. "Meron." umupo ako sa tabi nya.

"O ano naman yon? Sige ganyanan na ah!"

"I almost confessed to her last Saturday."

(O.O)

Akala ko hahatawin nya ako ng rifle sa likod or what. Pero, nginitian lang nya ako, isa sa mga bagay na bihira na makita ko kay Barbs, considering I'm her bestfriend.

"Sige nga, ikwento mo kung bakit naging almost."

Kinkwento ko nga sa kanya yung nangyari nung Sabado, excluding the food part (takot ko na lang diba?). Buong oras ng pagkukwento ko nakangiti lang sya. "Hoy, nakakabother na yang smile mo Barbs. Di ako nagbibiro."

"Haaay nako Ches, proud ako sa'yo. Seryoso."

"Bakit naman?"

"Dahil sa inyong dalawa ni Wes, ikaw ang pinakamatapang. Kaso almost yang sa'yo, so parang honorable lang."

"Hindi pala madali yung confession part. Akala ko magiging swabe katulad sa Jerry Maguire o 10 Things I Hate About You.. kaso nye. Di naman kasi totoo yun."

"At least you tried. Nagawa mo na, so next time ayusin mo na. Madali na yang sa inyong dalawa, baliw din sa'yo yung Hapon na yun. Tanga ka na lang kung hindi mo maramdaman yon."

"Talaga?" napasimangot sya. Ako na talaga tanga! "Sorry naman ah! Pano? Talaga?"

Tumatawa syang tumayo at naglakad papunta sa pinto. "Ang sikreto ng SASSA ay pawang sa amin lamang. My lips are.. duck taped."

"Madaya! Pano na yung Tatlong Pugo oath natin?"

"Lul wala naman tayo nun!!! Mas pogi ka na kesa kay Wes!! Konti na lang mauupakan ko na yun." At tuluyan na syang lumabas ng HQ. Naks, may sense pa rin pala kausap si Barbs.

VIVIEN'S POV

2 days na lang at contest ko na. Nakakapressure! Ano kayang topic ko for that writing contest? Kahit may exams ako ngayon, sinisingit ko pa rin ang preparations for that contest. Ayoko na talagaaaa! (~.~) Nasa library nga pala ako, nagbabasa ng broadsheet. Gusto ko na talaga mag-aral ng Econ!!

*aral aral aral*

Nadistract ako nang may marinig akong naglalakad nang maingay. Alam na alam ko ang mga yabag na yun.

"O a--"

"Hindi nyo na ako magugulat, Sir."

(-___-) Napanganga na lang si Sir Lean sa sinabi ko. "Heightened ang senses mo? Vampire ka?"

"Funny."

Tumawa sya saglit tapos may inabot syang papel. "O, ngayon ko lang nakuha yan. Yan yung panalo last year. Basahin mo, ang weird."

Oo nga, ang weird. Ang topic ba naman.. tungkol sa piso. "Seryoso po ba 'to?"

"Yup. You have to read that essay twice bago makuha ang meaning. Ang galing nung nagsulat!"

Tahimik ko namang binasa yung essay.. tatlong beses nga eh! Ayos no? Di ko magets! "Ang hirap naman nito!"

"Sus kaya mo yan! Pang-kinder lang yan sa'yo!"

"Wow, may ganun?"

"Syempre, galing ba naman ng coach mo!" sabay kaming natawa. Konting kwentuhan pa nang...

"Ate Vivien?"

Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Isa ko palang tutee yun. "Hi! Bakit?"

"Pinapatawag po kayo ni Mrs. Yap sa office nya po."

Kinabahan naman ako bigla. Bakit kaya? Halaaa... nagpasa naman ako ng clearbook for September! Kinuha ko na agad ang mga gamit ko at kaagad nagpaalam kay Sir. Kaso.. sinabayan nya ako pagbaba.

"Bakit ka kaya pinapatawag ni Mrs. Yap?" tanong nya sakin habang pababa kami ng stairs.

"Wala rin akong clue, Sir. Basta kinakabahan ako."

"Di naman ata nangangain ng tao si Ma'am Yap! O pano, kain muna ako sa canteen! Bye!" may kaway effect pa sya.

Si Mrs. Yap lang ang tao sa office nya pagpasok ko. "Ms. Padilla! Come here." Mukha namang good vibes si Ma'am Yap. Buti namaaan!!

"Bakit po, Ma'am?"

May inaayos syang papers habang nagsasalita. "Ano kasi.. diba Intrams na sa Friday. And that includes the muse competition. Since isa ka sa muse ng 4th year..."

OH NO. Alam ko na kung san papunta 'to.

".... pinili ng 4th year teachers and advisers na ikaw ang ipanglaban sa Muse Competition."

Oh noes. Friday. Muse Compe--

"Ma'am I'm sorry pero hindi po ako pwede."

Tinaasan nya ako ng kilay. "Bakit naman, Vivien?"

"May contest po ako sa Ateneo this Friday."

"Oh heck," tinampal pa nya ang noo nya. "How could I forget about that? Oo nga pala! The National Writing Contest, right?" I nodded. "I'm sorry, Vivien. Nakalimutan ko! Don't worry, mas importante naman yung writing contest kesa sa muse competition. Maghahanap na lang kami ng replacement mo."

Grabe nakahinga ako ng maluwag dun ah! Akala ko tatanggalin nila ako sa contest!

Nakangiti akong lumabas ng office ni Mrs. Y--

"O anong sabi sayo?"

"Ay jusme!!!"

"Ayan nagulat na kita!!!"

(=_=) "Ang saya nyo naman masyado Sir!" huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Ako pala ang kinuhang muse ng Seniors."

"Alam ko," sabi nya habang kumakain ng kwek-kwek.

"Al..am nyo? Bakit hindi nyo man lang sinabi sakin!!!"

"Chill ka lang! Kanina ko lang nalaman kay Ma'am Medina. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ka pwede. Okay na."

"Ang sakit tuloy ng ulo ko! Buti na lang may contest ako sa Friday!"

"Kaya dapat ipanalo mo yung contest! Baka mamaya i-move nila ang intrams para ikaw ang makasali. Lagot ka."

"Gagalingan ko naman talaga Sir! Added points yun for Graduation!"

--

BARBS' POV

ANG SAKIT TALAGA NG ULO KO.

Dahil sa exams at dahil sa kunsumisyon ko sa epal kong adjutant. Aaayyyy pabaya!!!

Lunchbreak namin ngayon, at tapos na ang exams namin for the day. Bukas ang Physics! Ang sakit sa ba--

(O.O)

Teka, si Bello 'to ah? Anong ginagawa nya dito!? May klase sila ngayon ah!

"HOY BELLO!"

Ni hindi man lang ako nilingon ng kumag na 'to! Diretso lang sya papunta sa locker area. Ano 'to.. lalabas n--

LUMABAS NGA SYA NG SCHOOL! At okay lang kay Kuya Guard!!!

"Kuya Guard!!! Ba't mo pinabayaan lumabas yon?!"

"Palagi naman yan lumalabas pag lunch ah! May special pass sya galing kay Sir Mercado."

Wow naks naman VIP si Eagle Scout (-__-) Pero bakit?! Nabuhay na naman ang aking Nancy Drew instincts kaya sinundan ko sya.

"Hoy san ka pupunta!!!" sigaw sakin nung guard.

"SUSUNDAN KO LANG!!!!"

San ba sya papunta? Special pass? Kelan pa nagkaron ng ganun? Nagtataka na talaga ako sa background nitong loko na 'to ah, medyo creepy. I kept my distance, baka kasi makaramdam ang loko. Lakad lang sya papuntang.. Pop's.

Woaaahh.. is this for real? Pumasok sya sa Pop's!!! Ano 'to, close sila ni Papi!?! Wala na, binilisan ko na ang lakad ko. Saktong kakabukas lang nila ngayong tanghali at...

(O.O)

Andun sya sa may bar (basta yung may swiveling chairs), kausap si Ate Yayi, yung cashier dito sa Pop's. Mukhang may kwentuhang nagaganap ah! Eepal na nga ako!

"Te Yayi!"

Instant smile naman agad si Ate. "Uy Barbs! Aga mo ata ngayon ah!"

Kita kong huminga ng malalim 'tong si Bello. Ayun, tinabihan ko. "Wala lang. Namiss ko onion rings eh! 2 order nga te!"

"Coming right up!" bumalik na sya sa kusina.

*kruuu kruuu kruu*

Ano nga bang sasabihin ko sa mokong na 'to? I mean, technically hindi sya sakop ng aking BatCom powers. Pasimple kong sinilip kung anong ginagawa nya. Wow, nagtetext! At.. himala nakngteteng naka iPhone 4s si Kuya!!!

"Nuxx naman, mayaman ka pala," yan ang una kong nasabi. Parang timang lang.

He shrugged. "Porke naka 4s mayaman na?"

"Pwede rin. Kasing mahal ng tuition yan dito sa Charleston. Ikaw na."

"Ba't ka nandito? Are you following me?"

Kunwari akong nasuka. "Hoy hindi ka naman siguro bingi noh? Namiss ko ang onion rings nina Papi! Masama ba yun? Eh ikaw, bakit ka nandito?"

"May special pass ako."

"Tsk tsk. Iba na talaga rich kid!"

"Ayoko lang talaga kumain sa canteen. That's all."

Ibang klase 'to. Papagawa ng special pass kasi ayaw kumain sa canteen? Dre sakit sa neurons!!! "Eh diba may klase kayo?"

"Excused ako."

"Sabihin mo cutting ka lang kay Ms. Medina! Physics yun, dre!"

"Nagpaalam ako kay Miss. Wag ka nga." Tinago na nya yung iPhone nya. Yaman talaga! Pero wala naman sa itsura. Hmmm..

Tumahimik na rin kaming dalawa. Ano bang pwedeng sabihin? Wala na.. tagal pa ng onion rings ko! Gutom nako!!

Di ata sya nakatiis kaya kinausap nya ako. "Player ka ba sa intrams?"

"Hindi na." Bigla akong nalungkot, kasi first time kong di makakapaglaro sa Intrams this year. "Wala na kasing Women's Basketball eh."

"Di halata sayo na nagbabasketball ka."

"EXCUSE ME?!?! HELLO!!! KATABI MO ATA NGAYON ANG TEAM CAPTAIN NG CHARLESTON RAVENETTES!!!" proud na proud kong sabi.

Tumingin din sya sakin. "May ganun pala?"

..|.. <- yan ang gusto kong gawin ngayon, kaso kailangan kong bumait. "Transferee ka pala last year, kaya siguro hindi ka aware sa aking greatness at basketball prowess."

"Sinabi mo eh." Wala talagang bilib 'to sakin!

Dumating na rin ang aking onion rings! Naglalaway na talaga ako di---

"MS. RAMIREZ!!!"

Napatalon ako sa gulat. Sht, I know that voice...

*slo-mo na lingon*

Namumula sa inis si Panot. "Anong ginagawa mo dito!?!"

"A-ano po..." hala ngayon lang ako natakot kay Panot!!! Wateks naman oh.

"Mr. Bello," hay buti nga! "Kasama mo ba si Ms. Ramirez dito?"

Kain lang nang kain 'tong eps na 'to ng french fries. "Hindi po. Bigla na lang yan sumulpot Sir."

Nanlaki mata ko sa inis!! WHAT THEEE NAKAKAINIS!!! "Sir kasama po talaga nya ako!!! Diba diba?!?"

"Ms. Ramirez si Mr. Bello lang ang may pass para kumain dito sa Pop's dahil sa kanyang medical condition. Ikaw, cutting 'to!"

"P-pwede po bang kunin ko 'tong.. onion rings ko?"

Mas sumama pa ang tingin nya sakin. "Bumalik ka na sa school dun natin pag-usapan ang sanction mo."

"Ubusin ko lang po Sir! Pramis po!!!"

"Pag hindi ka bumalik.. malaking parusa ang kakaharapin mo," aba may tono ng pagbabanta! Funneh.

Minadali ko na lang ang pagkain, takot talaga ako eh!

"Dahan-dahan lang, mabulunan ka," natatawang asar ng katabi ko.

"Psh shut up."

"Takot ka na dun sa Panot na yun? Ibang klase."

"Pake mo ba? At least ako concerned sa future ko! At yuck lang, medical condition na pala ang pagiging non-conformist? Arte mo rin!!!" tuloy pa rin ako sa pagkain ng onion rings. Shet ang dami naman nito!

"We have our reasons. Respeto na lang."

"Binastos ba kita? Wala naman akong sinasabi ah!"

"Wala ka ngang sinasabi, pero sa utak mo kanina mo pa ako minumura." Natigilan ako dun, medyo tama kasi sya. "Tama ako, diba?"

"Pano m--"

He gave me that cool look, yung tipo na chill lang sya. "Kasi parehas tayo ng takbo ng utak."

"PWE!!! Please lang, you don't know me that well. Tayo parehas? Please lang. Poser ka kaya."

"Nagsalita, poser ka rin. Wag mong ipasa sakin ang sa'yo rin."

Pinasak ko na yung natitirang onion rings sa bibig ko, at inagaw ko pa ang iced tea nya para panulak. "Asa ka dre. May sira ka na talaga."

"Wag ka na dumaldal, bumalik ka na. Patay ka kay Panot."

"OO NA AALIS NA!!!" kinuha ko na yung wallet ko at nagbayad kay Ate Yayi.

"Goodluck, Barbara."

"Mas kailangan mo yun, a-hole."

--

NORMAL POV

Habang nasa Pop's sina Barbs at Seth.. may commotion naman sa Seniors' Hall. Dahil nga wala pang representative ang Seniors para sa Muse Competition, nagdecide ang Archi at Soc na magkaron ng meeting sa classroom ng Archi.

"So Vivien," malumanay na sabi ni Tatin, "Hindi ka ba talaga pwede sa Friday?"

"I'm sorry, may contest kasi ako sa Ateneo sa Friday. Same time sa Pep Rally kaya hindi ako pwede."

Todo irap naman ang Snerds sa tabi ni Tatin. "Wag ka na lang kaya pumunta dun?" suggestion ni Fel.

Dumepensa naman si Janine. "Shut up, Fel."

"What? Concerned lang naman ako sa batch natin! Nakakahiya pag wala tayong rep!!"

"Okay wait lang!" pumagitna na si Rocky. "Wag natin idaan sa catfight to, okay? Maayos natin to."

"Bru pigilan mo ko kakalmutin ko yang pisngi nyan," bulong ni Janine sa bestfriend. Hinigit naman sya ni Chester palayo kay Fel.

"Rachel, baka nakakalimutan mo yung deal natin nung 1st year pa tayo," kalmado na sabi ni Tatin.

"I know, hindi ko naman nakakalimutan yun. May deal tayo na sa inyo kukuha ng reps nung 1st & 2nd year tayo, tapos kami naman sa succeeding years. Unexpected naman kasi ang contest ni Vivien, and suggestion na rin nina Mrs. Yap na palitan na lang sya."

"Eh sino nga ipapalit natin? Ikaw ba Rachel okay lang sayo?"

Nagulat naman si Rocky sa sinabi ni Tatin. "I can't. Hindi pwede sumali sa muse compet ang part ng Intrams committee."

Umextra na si Wes sa usapan. "Hindi ba pwedeng sa inyo na lang ulit?"

"A deal is a deal, Wes," inemphasize pa ni Tatin ang 'deal'. "Unfair sa section namin yun. Kung pwede nga lang ako umulit kaso bawal eh. Until 3pm na lang ang pagpasa ng rep natin. Ano na guys?"

Nagtinginan ang lahat ng mga tao sa room na yun. Iniisip naman ni Rocky kung sino sa mga kaklase nyang babae ang pwedeng pumalit kay Vivien. Ayun ang problema sa section nila, mas active ang mga lalaki kesa sa mga babae. More on acads kasi ang girls nila eh.

"Ano.." binasag ni Vivien ang katahimikan sa room. "Mag.. ququit na lang ako sa contest."

"Viv!" sabay na sigaw ng mga kabarkada nya.

Gulat naman si Tatin dun. "Oh no, you don't have to do that. Hahanap na lang kami ng iba."

"Tats! She's offering!! Kunin na natin, para wala na tayong problema!" susot sa kanya ng Snerds.

Nainis naman dun si Janine. "Hoy Snerds! Mas importante para kay Viv ang contest na yun kesa sa muse compet!" kay Vivien naman bumaling ito. "At ikaw naman Viv, don't risk the contest! Makakahanap din kami ng pampalit sayo!"

"What if kung wala? Papabayaan ko na lang ba na ganun ang mangyari?" may konting defensiveness na sa tono ni Vivien.

"Just let your friend decide for herself," extra ni Ria. "Wag na lang kayo makialam."

"Pinipilit nyo kasi sya eh!!!" sigaw na ni Janine. Hinawakan na sya ni Chester sa braso. "As her friends we are entitled to react! Wag kang eps dyan!"

Nganga naman ang Snerds (maliban kay Tatin na tumahimik na lang) at parang nainis na. "Look, Ja," sarcastic na sabi ni Fel. "Mas okay kung ikaw na lang tumahimik dyan! Baka naman naiinggit ka kasi may potential si Vivien na manalo! Not like you na.. loser last year!"

That did it for Janine. Bumitaw sya sa pagkakahawak ni Chester at akmang sasabunutan si Fel nang...

"Seniors anong kaguluhan ito?!"

Tingin silang lahat sa may pinto. Nandun si Sir Mercado, Ms. Medina at ang madedetention na si Barbs.

Si Tatin na ang nagsalita, since sya naman talaga ang nag-initiate ng meeting. "Pinag-uusapan lang po namin yung Muse Compet, Sir."

"Wala pa rin ba tayong muse?" pag-aalala ni Ms. Medina.

Napailing naman si Sir Mercado. "Ang pag-uusap kasi hindi kailangang may sabunutang nagaganap! 3pm ang deadline nyan ah? Ba't wala pa rin kayong mahanap?"

"Sa Archi po dapat kukuha ng muse, since ganun po ang usapan namin dati," explained Rocky. "Si Vivien po ang class muse namin kaso may contest din sya sa Friday."

Tumahimik ulit silang lahat, lalo na ang Archi. "Girls," usal ng adviser nila "Wala bang pwede sa inyo?" Nagtinginan na lang ang Archi girls. Ni isa walang nagsalita.

Sunud-sunod naman ang pagpipilit ng Archi boys. 

"Dali na girls!! Baka madisqualify tayo nyan!!"

"Oo nga! Goal pa naman natin eh maging over-all champs!"

"Hindi namin kayo aasarin, promise!"

Nang wala pa rin nagvovolunteer, nagsalita si Sir Mercado. "I have a suggestion, Ms. Medina. If you don't mind."

"Ano po yun, Sir?"

Kumuha muna ng momentum si Sir Mercado.

"Si Barbara na lang kaya ang muse? What do you say?"

--

I told ye, waley ang updaaate! Filler lang naman talaga 'tong chapter na 'to. Pahinga muna from those kilig & intense scenes XD

 Nasa hibernation pa rin po ako, so hindi ko po mafofollow yung update sked ko.Maguupdate po ako pag may nagawa na akong chapter :)

Chapter 40 tomorrow!

Continue Reading

You'll Also Like

35.6K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"