SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWELVE

11K 397 56
By Gretisbored

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Nang makita ko ang sinasabi ni Akemi na adult student kong magta-trial lesson sa akin nang hapong iyon, napatitig ako. Ang guwapo nga niya. Kaya naman pala kilig na kilig ang mga nanay na nag-aantay ng mga anak nila sa visitor's lounge.

"Konnichiwa. Hisato Yamauchi desu," bati nito sa akin at tumayo pa para yumuko nang bahagya sa harapan ko. Gano'n din ang ginawa ko bago nagpakilala.

Dinala ko na siya sa classroom ko at nag-usap kami. Nagtatrabaho pala siya sa isang kompanya na gumagawa ng mga sasakyan. Kailangan daw niyang ma-improve ang English proficiency dahil pinapakuha sila ng Test of English for International Communication o kilala sa acronym na TOEIC. Ang mga may scores lang daw na 650 pataas ang qualified para sa isang promotion kaya pursigido siyang ma-improve ang English.

Tinesting ko ang kanyang proficiency. Nag-usap kami sa Ingles. Gaya ng karamihang Hapon, may confusion siya sa 'r' at 'l'. Naipagkakamali niya lagi ang pagbigkas sa dalawang letra.

"Gomen ne. Muzukashii desu." (Sorry. Sobrang mahirap.) At napakamot-kamot pa siya sa ulo sabay ngiti. Lumabas ang dalawang biloy niya sa pisngi. Naisip ko uli, puwedeng-puwede siyang model. He reminded me so much of the Brazilian-Japanese Celebrity Sole Survivor winner noon na si Akihiro Sato.

"Don't worry about it. In due time, you'll learn about the difference," pagbigay-koompiyansa ko sa kanya.

"Ang bait mo nga pala talaga," sabi niya sa akin sa Japanese at ngumiti na naman. Hindi gaya ng mga karaniwang Hapong lalaki hindi siya nahihiyang makipagtitigan sa akin kung kaya napagtanto kong hindi siya purong Hapon. Malamang, katulad ni Akihiro Sato ay isa rin siyang Brapanese.

Patapos na kami sa trial lesson nang biglang lumitaw sa doorway si Kaito. Nangunot agad ang noo niya nang makitang may estudyante pa ako. At lalong nagsalubong ang mga kilay ng mokong nang lumingon din sa kanya si Hisato Yamauchi at magkatitigan sila nang kung ilang segundo.

"Akala ko available ka sa oras na ito," sabi niya agad sa akin nang sinamahan ko palabas ng silid si Yamauchi-san.

"Bagong estudyante niya ako," sabat ni Yamauchi-san sa magalang na Japanese, nakangiti.

"Hindi ikaw ang kausap ko," sagot agad ni Kaito sa kanya na ikinabigla ko. Sinimangutan ko agad ang ungas para malaman niyang hindi ko nagustuhan ang pambabastos niya sa estudyante ko. He just rolled his eyes at nauna nang lumabas sa amin. Hiningi ko ng dispensa ang inasal niya kay Yamauchi-san.

"Huwag kang mag-alala, Feruru-sensei. Naiintindihan ko. Mukhang seloso yata ang boyfriend n'yo," tumatawang sagot nito.

"Oh, no! Hindi ko siya boyfriend," pagtanggi ko agad. Nakita kong namilog at kumislap ang mga mata niya. Sinigurado pa talaga sa akin kung totoo ngang hindi ko boyfriend si Kaito.

"Hindi pa sa ngayon, pero malapit na," sabat naman ni Kaito. Nakabalik ito sa harapan namin ni Yamauchi-san nang hindi namin namalayan. Sinimangutan ko uli siya. Sumeryoso na si Yamauchi-san at bahagyang yumuko sa harapan niya bago lumapit sa desk ni Akemi. Sinamantala iyon ni Kaito. Hinila niya agad ako pabalik sa classroom at maingat na isinara ang pinto. Sumandal siya roon.

"Sino siya?" tanong niya sa agad sa akin.

"Hindi ba't sinabi naman ng tao sa iyo kanina. Estudyante ko nga siya. Bagong estudyante."

"Sabihin mo ro'n hindi ka kamo pwede. Doon na lang siya kina Lyndon o Sarah. Mamili siya sa dalawa."

"Ba't ko naman gagawin iyon? Sa akin siya ang-trial lesson, e."

"That's an order." At lumabas na siya ng silid.

Wala na si Yamauchi-san sa harap ng desk ni Akemi kung kaya nagtanong agad si Kaito kung nag-sign up daw ba ang bagong estudyante para sa susunod niyang lesson sa akin.

"Ay, opo! Heto nga po at tatlong buwan ang kinuha niyang lessons kay Feruru-sensei," natutuwa namang pagbibida ni Akemi. Sinulyapan pa ako sa likuran ni Kaito sabay bati.

"Kanselahin mo. Tawagan mo na siya ngayon din at sabihing hindi kamo pwede si Feruru-sensei sa mga araw na sinabi niya kung kaya kay Lyndon na lang siya o di kaya kay Sarah."

Nabigla si Akemi. Napa-ho nang malakas.

"You heard me! Kailangan ko pa bang ulitin?"

I rolled my eyes. Nang magkasalubong ang mga mata namin ni Akemi nagtanong siya kung ano ang kanyang gagawin.

"Nakakahiya sa tao," sabi ko kay Kaito. "Baka isipin no'n hindi tayo propesyonal."

"Wala akong pakialam sa iisipin niya basta gusto ko kanselahin n'yo na ang lessons na pina-reserved niya. Gano'n lang kasimple."

"Teka---n-nagseselos ka ba?" lakas loob kong tanong sa mahinang tinig.

Dahan-dahan siyang ngumiti sa akin at sinagot ako ng, "Kung sasagutin ko ba ng 'oo' susundin mo na ang utos ko?" hamon niya sa akin.

Napalunok ako. Inisip ko pa namang ide-deny niya iyon. Ang akala ko ma-pride din siya katulad ng ibang Hapon na halata na'y magde-deny pa. Hindi pala.

"Hindi," matigas kong sagot.

Sinimangutan niya ako.

**********

Abala ako sa pananaliksik sa background ng bagong estudyante ni Filipina nang pumasok nang walang pasabi si Akio. May dala-dala itong papel.

"Heto na pala ang latest sales report ng bagong launch na video game natin. So far, so good. Pumapangalawa tayo sa Nintendo as of this month. Medyo malayu-layo nang kaunti ang agwat nila sa atin pero at least tayo na ang kasunod. Itong third placer, ang Sega, kailangan nating pag-ingatan. Dikit ang sales performance natin ngayon kaya maaari nila tayong maungusan next month. Nag-iisip na nga ang mga tao ko ng panibagong features na idadagdag doon sa game natin para mas lalong ma-challenge ang mga players. We will inform you ASAP kapag na-finalize namin ang proposed additional challenges."

Hindi ko siya sinagot. Naging mas interesado ako sa natuklasan ko kay Hisato Yamauchi. Hindi pala siya purong Hapon. Sinasabi ko nga nga ba. Mukha man siyang Hapon may kakaiba pa rin sa kanya. Tubong Sao Paolo, Brazil pala ang nanay niya. In short, Brazilian siya kahit sabihin pang Hapon ang tatay niya.

"Nakikinig ka ba sa akin?" medyo naiinis na tanong ni Akio. Nakisilip pa siya sa monitor ng PC ko. "Sino iyan? Huwag mong sabihing ----" At tumawa ito nang malakas. Saka ko lang siya binalingan. Inagaw ko ang hawak-hawak niyang papel at hinampas sa bumbunan niya.

"What was that laugh for?"

"Kailan ka pa nahilig sa lalaki?" nakangisi nitong tanong. "At sino iyan?"

"Wala kang pakialam."

Lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Hindi ko sukat akalain na mabilis magbago ang isipan mo. Noong isang araw lang ay nagsabi kang manliligaw ka na kay Feruru-sensei tapos ngayon may tinatarget ka nang lalaki. Napagtanto mo na bang mas exciting ang mga lalaki kaysa sa mga babae?"

Nirolyo ko na ang hawak-hawak kong papel at hinampas na naman siya sa ulo.

"Gunggong!" sabi ko pa. "Wala akong interes sa kahit kaninong lalaki. Iyong ungas na nakita mo sa screen ay bagong estudyante sa F-K English School kaya inaalam ko ang background."

Kumislap agad ang mga mata ni Akio. Na-connect the dots niya agad ang mga pangyayari. "Aha!" sabi pa in a dramatic way. "Bagong estudyante ba ni Feruru-sensei iyan?"

Hindi na ako sumagot. Napakuyom na lang ang mga palad ko dahil kahit ano'ng utos ko na kanselahin ang lessons na pinareserba ng lalaking iyon, hindi ako sinunod ng bwisit. Tinakot ko pa sana si Akemi na sisantehin pero humingi ito ng suporta kay Filipa at kinampihan naman. Nakakainis!

"Patingin nga uli." At pinangahasan ni Akiong buksan ang laptop ko. Nang tumambad sa paningin niya ang hitsura ni Hisato Yamauchi napa-tsk-tsk pa ito. "May laban sa iyo ito. Guwapo rin, e."

"Ikaw yata ang nababading diyan. Aminin mo na."

Tumawa na naman ng malakas si Akio.

"Sino ba ang mas matangkad sa inyong dalawa? Minsan kasi kapag parehong guwapo sa height na lang dinadaan ng mga babae ang panghuhusga kung sino ang pipiliin," nakangisi pa niyang sabi. Hindi ko alam kung inaasar lang ako lalo.

"Magkasing tangkad kami ng gunggong!" naiinis kong pag-amin.

"Uh-oh. Close fight. Huwag kang mag-alala. Mukhang lamang ka pa rin sa kanya. Manager lang yata siya ng car manufacturing company samantalang sole heir ka naman ng Furukawa Group of Companies at CEO pa ng Banzai Studio, ang leading video game company sa Asya." May himig panunudyo siya sa huling sinabi. Hindi pa naman kasi gano'n ka stable ang kompanya namin.

"Anak siya ng may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang car manufacturing company," labag sa kalooban kong pag-amin dahil alam kong lalo akong tatakuting ni Akio.

"Whew! That means to say this is anybody's game."

Sinimangutan ko siya. "Ginawa mo pang laro ang lahat. Umalis ka nga rito sa harapan ko. Sinisira mo lalo ang modo ko, e. Alis!"

Nang hindi siya tuminag sa kinatatayuan, naghanap na ako ng lumang diyaryo at nirolyo ko. Hahambalusin ko na sana siya no'n nang mabilis siyang tumakbo papunta sa pintuan. Pero bago siya tuluyang lumabas inasar pa ako lalo. "Kung ako sa iyo magdo-double time na ako sa panliligaw kay Feruru-sensei. Ikaw din. Baka maunahan ka pa nitong si Yamauchi-san. Mukha pa namang batikan ito pagdating sa mga babae."

**********

Bahagya kong binuksan ang glass sliding window sa kuwarto ko at sumilip sa labas. Ang lakas pa rin ng ulan. Kanina pa ito nang madaling araw. Ano ba iyan. Balak ko pa sanang pumunta ng Kinokuniya, ang international bookstore sa Umeda dahil may gusto akong bilhing libro para sa klase ko. Ang unfair. Kung kailan linggo at wala akong pasok ay saka naman bumagyo. Sayang ang day off ko.

Isinasara ko ang bintana nang sumilip naman si Tita Chayong mula sa pintuan ng silid ko. Seryoso ang kanyang mukha.

"Nasa labas si Kaito," sabi niya sa akin at tumalikod din agad.

Napamura ako nang mahina. Kung kailan bumabagyo saka naman bumibisita! Ano ba naman ang singkit na ito. Nakakainis din. Itinaon pa kung kailan hindi ako nakapaligo buong araw.

Madaliang naghanap ako ng wet tissue at pinampunas iyon sa mukha. Naghahanap na ako ng maisusuot nang sumilip uli si Tita.

"Ano ba? Kailan mo ba lalabasin ang tao?"

Umangil lang ako at nagmadali sa pagpalit ng damit. Mabilis akong nagsuklay at naglagay ng kaunting pulbo at lipstick. Nang tingin ko'y mukha na akong fresh saka lang ako lumabas ng kuwarto. Natigilan ako nang makita kung ano ang hawak-hawak niya. Isang pumpon ng pulang rosas at isang kahon ng tsokolate. Tinotoo nga ng ungas ang sabi niyang liligawan niya ako. Kaya pala sambakol ang mukha ni Tita Chayong.

"Ang tagal mo. Akala ko nag-gown ka pa. Nag-jogging pants at t-shirt ka lang pala," sabi niya sa akin.

"Ba't kailangan ko pang mag-gown? Ikaw lang naman ang bisita ko?" pang-aasar ko rin. Pinandilatan ako ni Tita Chayong habang nagsasalin siya ng San Miguel beer sa baso ni Kaito. Tumahimik ako agad. No'n lang inabot ni Kaito sa akin ang mga dala-dala.

"Bakit? Ano'ng okasyon?" pagmamaang-maangan ko pa kahit na simbilis na ni Usain Bolt ang tibok ng puso ko. Ang sarap pala maligawan ng isang kagaya ni Kaito, lalo pa kung alam mong ni hindi naman nito gawain ang manligaw ng babae.

"Kunin mo na bago magbago ang isip ko at ibigay ko na lang iyan kay Chayong-san."

"Aba, e di ibigay mo."

"Chayong-san, chotto kitte kudasai." (Aling Chayong, punta nga po kayo rito saglit.)

Mabilis namang lumitaw ang tiyahin ko mula sa kusina. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kaito. Ano raw ba ang problema. Hindi na sumagot ang mokong. Basta na lang kinuha sa kandungan ko ang pumpon ng mga rosas at kahon ng tsokolate saka inabot kay Tita. Nagulat ang matanda.

"Anong drama ito, Filipa Natalia?" tanong sa akin ni Tita Chayong. Nanlalaki na naman ang mga mata niya.

"Itanong n'yo riyan sa siraulo n'yong bisita," sabi ko sa mahinang tinig. Nainis na rin nang kaunti. Nanghinayang ako sa mga bulaklak. Naisip ko, hindi ba nakakaintindi ang gunggong na ito na natural sa mga Pinay ang kunwari'y nagpapakipot?

Napailing-iling si Tita Chayong at binalik sa kandungan ko ang mga regalo ni Kaito. Pag-alis nito, kinurot niya ako nang kinurot sa tagiliran. Nakakalimot na raw ba ako? Si Kaito ang boss ko at ayaw ko man o sa hindi sa panliligaw niya dapat ko pa ring pakisamahan kung gusto kong manatili sa trabaho.

"Akala ko ba ayaw n'yong magpaligaw ako sa kanya? Ang gulo n'yo namang kausap, o," reklamo ko.

"Ayaw nga. Pero wala na tayong magagawa dahil nililigawan ka na nga. Nag-iisip na lang ako ng paraan kung paano mo siya mabasted nang hindi naman sasama ang loob sa iyo. Ke sa gusto mo siya o hindi kailangan mong dispatsahin iyon kung gusto mong manatili tayo rito sa Japan."

Napaisip ako. Naalala ko si Miss Amane. Tila hindi siya makabasag pinggan, pero nang makausap ko siya sa Starbucks no'ng nakaraan napagtanto kong siya ang tipo ng babae na hindi uurong sa ano mang hamon mapasakanya lang ang minimithi. Gusto pa rin kaya niya si Kaito?

Bago ko pa masagot iyon sa isipan, nag-text si Kaito sa akin. Magbihis daw ako at babalikan niya ako in an hour. May importante raw kaming pupuntahan. Napasimangot lalo si Tita Chayong nang mabasa rin ang mensahe ni Kaito pero wala rin siyang nagawa kundi pumayag. Ako ang nag-inarte. Sinubukan ko lang kung hanggang saan ang pasensya ng mokong.

"Wala akong pakialam kung bumabagyo. Hindi naman tulad ng Pilipinas ang bansa namin na bumabaha kapag umuulan. Magbihis ka na. And make sure you really look good," ang sabi pa sa akin nang tumawag sa telepono. Sasagutin ko pa sana ang panlalait niya sa Pilipinas pero nag-hang up agad ang damuho.

Makalipas nga ang isang oras, bumalik ang hunghang. Naka-suit na ito. Nahiya naman ako sa suot kong Sunday dress. Babalik pa sana ako sa kuwarto para magpalit ng damit nang pinigilan niya ako pagkatapos mapasadahan ng tingin. Hinatid kami ni Tita Chayong sa pintuan.

"Ang bilin ko. Huwag kang padalus-dalos dito baka mamaya niyan kung saan ka dalhin at bigla ka na lang tumihaya rito dahil gusto mo," bulong pa sa akin ni Tita Chayong. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Mabuti nang klaro," sabi lang nito.

Buti na lang at nakalabas na ng pintuan si Kaito no'n. Nakakahiya siguro kung narinig pa niya iyon.

Tahimik ang mokong habang nagda-drive. Sinabihan niya akong may importante kaming pupuntahan pero hindi na nagpaliwanag. Kahit ilang beses kong inusisa kung saan nga iyon, hindi na siya nagsalita pa. Napansin ko na lang na pumasok ang sasakyan sa isang makipot na daan papunta sa village ng mga naglalakihang bahay sa Tsukumodai, Suita. Napatingin ako sa bawat dinadaanan namin at namangha ako sa nakita. Hindi ko sukat akalain na mayroon din silang tunay na mansion. Sa kanila kasi kapag sinasabing mansyon, iyon ay patungkol sa isang studio-type apartment o condo kaya naisip kong non-existent ang totoong mansion.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking bahay. Iyon na yata ang pinakamalaki sa village. May pinindot si Kaito sa hawak na remote control at bumukas ang malaking garahe. Pinasok niya roon ang sasakyan.

"Nasaan tayo?" naku-curious kong tanong.

"Para kang bata. Lumabas ka na lang diyan at kanina pa nila tayo hinihintay."

Paglabas ko ng garahe, bumulaga sa akin ang napakagandang hardin. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng lawn at garden sa tahanan ng isang Hapon. Namangha ako. Ang laki naman ng bahay ng damuho. No'n lang nag-sink in sa akin na mayaman nga siya.

Nang tumapat kami sa front door, imbes na maglabas ng susi nag-buzzer si Kaito. Nalito ako. Ang katanungan sa isipan ko ay nadagdagan nang makita ko ang isang kapita-pitagang ginang na nagbukas ng pinto. Bahagyang yumuko rito si Kaito at pinakilala niya ako. Shit! Mama niya! Binayo na ng kaba ang puso ko. Nang lumitaw sa likuran ng matandang babae ang papa niya, pinagpawisan ako nang malapot. Kahit maganda ang pakikitungo nila sa akin, pilit na sumisiksik pa rin sa isipan ko ang kinuwento ni Tita Chayong tungkol sa pag-uusap nila ng mama ni Kaito at sapat na iyon para mawalan ako ng kompiyansa sa sarili. Ilang beses na napakunot ang noo ni Kaito dahil nagkabuhol-buhol ang Japanese ko. Bigla kasing na-mental black out ako.

"Umingles ka na lang, okay?" bulong niya sa akin. Imbes na makatulong iyon, lalo lang akong nataranta.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 68 13
Dahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phe...
1.5K 1K 29
Bakit nga ba maraming tao ang nagtatago ng lihim? Anong dahilan bakit sila naglilihim? Well... Ibang lihim ang pilit na itinatago ni Kyle Dustin In...
502K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...