SuperMan

By JPhantom27

1K 21 1

Maganda ang tanawin na aking pinagmamasdan. Maliliit ang mga gusali't bahay. Mula dito ay tanaw ko ang buong... More

Chapter 1 (The Androgynous Boy)
Chapter 2 (Where The Wild Things Are)
Chapter 3 (The Crazy Dog & The Mouse That Roar)

Hinala

108 4 0
By JPhantom27

(AN: It's been a while guys! Ngayon ko lang naalala na may account pala ako dito sa wattpad haha. Sa pagkakaalala ko virgin pa ko nung inumpisahan ko itong story na to ahaha LOL!
Sabagay iilan lang naman ang may pake LOL!

<<Tracey>>

"Fairview terraces"

Yan ang pangalan ng mall na pinuntahan namin. Mukhang bagong gawa lang ang mall na ito at malakas pa ang air conditioner nila. Kakaunti lang din ang mga taong pakalat kalat.

Bakit ba ko nandito? Ang pagkakaalala ko kakain lang kami ng tanghalian. Nakakain na kami sa "WTWTA" kaya ano pa ginagawa ko dito?

Sabagay gusto ko mag ikot ikot dahil unang beses ko palang makapasok sa mall na ito.

Naglalakad ako ngayon nakasunod sa likod ni Taguro este ni Rexor pala XD.
Napaka laki naman kasi ng taong ito.
Ang tangkad na, ang laki pa ng katawan. Napalunok tuloy ako ng laway ng maalala ko kung gano kalaki yung ano nya! YUNG "ANO" nya!!!

Haist! Sighhhhh......

Ano ba 'tong iniisip ko?

Erase... erase...

Napalingon ako sa mag jowang naglalakad. Nauuna lang kami ng ilang hakbang kaya hindi nila pansin na pinagmamasdan ko sila.

Nasabi kong mag jowa dahil magkalapat ang kanilang mga palad at kung magdikit akala mo ay nabuhusan ng epoxy!

"Enebe! Ehehe! Nekekeenesh ke! Weg nge!" Sabi nung girl.

Para syang nakanguya ng pako kung mag inarte.

"Babe isa lang sige na! Eto na ko " Sabi nung boy na may tonong nang aakit.

Porket ba iilan lang ang tao pwede na maglandian?

Tumakbo si girl ng napakabagal na halata namang nagpapahabol.

Para silang mga engot.

Sabagay sabi nila pag in love ka daw hindi mo mamamalayan na mukha ka ng engot.

Pero iba level ng mga 'to.

Bakit ba ko nangingielam? Buhay nila yan! Malaki na sila.

Sana totoo nalang si super man at hindi kwento. Gusto ko kasi malaman kung matigas nga ba talaga. MATIGAS NGA BA? Ang KATAWAN Nya! Baka kung anong matigas nanaman ang maisip ko! XD

Erase... erase...

"Hey! Why are you smiling? At nag bublush ka pa ahh. Ano nasa isip mo?" Pansin ni Rexor.

"Wala! Saan na ba tayo? Napapagod na ko kakalakad!" Pagrereklamo ko.

"We're actually here." Si Rexor.

Nasa tapat kami ng pure gold grocery. Malapit sa National bookstore.

"Pure gold talaga? Walang special edition ng curry bulalo dyan! 3 cups lang ginawa nilang ganun. Kung baga sa Pokémon legendary yun!" Pagrereklamo ko.
"Really? Ok just wait here!" Sabi nya.

Ini-English nanaman ako nito. Tuwing mag eenglish sya, parang may bumabara sa tenga ko na kung ano. Slang masyado. Hindi tinatanggap ng eardrums ko!

"Go ahead!" Sagot ko. Simpleng English pero hinaluan ko ng accent. Aba ano kala nya sakin? Huh! DON't ME! I can English you! Wahaha...

"Are you mad or something? You look weird?" Lumapit sya ng bahagya at sinipat ang mukha ko.

"Weird? Sino ako? Di ako weird ah! Saka namumuro ka na! Wag ka mag English! Wala tayo sa America! Alis na! Dalian mo!" Ewan ko ba bakit parang ang bitter ko pagka kita ko sa naglalandiang MAGJOWA!!!

"Sabi mo eh. Alright then, I'll go ahead." At umalis na nga sya.

Naiwan nanaman ako

Mag isa nanaman ako

Niloko nanaman ako

Ha? Niloko?

Wahaha joke lang hehe

Umalis lang saglit niloko na? HAHA saka di naman kami MAGJOWA!. Gusto ko lang mag emote lol!

Saan nanaman kaya pupunta yun?

Malamang may bibilihin! Grocery nga pala ang pure gold!

Ang engot ko!

Pero teka! Sabi nya may ka meet sya dito ah!

Sa loob ng Pure gold? Doon sila magkikita?

Bakit doon?

Mag shashop lift sila?

Tapos magkasabwat sila!

Tapos tatakbo sila!

Tapos ako ituturo nila!

Hala!

Ayoko!

Ayoko makulong!

Kaya pala pinipilit nya ko sumama dito! HALA! No? No way! Ayoko!

Kailangan may gawin ako.

Isip isip isip!

Bilisan mo magisip trace! Kung ayaw mo makulong!

Eh kung umalis ako?

Oo tama! Aalis na ko bago pa ko madamay!

Patakbo na sana ako ng bigla akong bumangga sa isang poste.

"Aray. Shhssssh! Ansaket!" Inda ko
Wala namang poste kanina dito ah!

"Oh? Sorry! Are you hurt? Do you need help miss?" Tanong nya.

"Ay poste!" Gulat ko. Akala ko poste sa tigas ng katawan ng lalaking to. At isa pa, Nabibingi nanaman ako. Nasaan ba ko sa America? Bakit ang daming nag eenglish? Ano bang meron?

Hanggang dibdib nya lang ako sa tangkad nya. Matangkad siguro sya kay Rexor at Jayrex.

"Wait a minute! YOU! you're the one that I met before! The one that I kissed!" Sambit nya.

Ano? Ano pinagsasabi nito?

Tiningala ko sya at bumubgad sakin si Goliath!

Joke!

Sandali! Oo nga! Yung lalaking nakikipag agawan ng espasyo sa gilid ng kalsada!

Anong ginagawa ng asong to dito?!

"Ha? Me don't speak English. Me don't know you say. Me don't remember." Ika ko. Wahaha

"What the--? No way! I clearly remember your face! I know you speak English better!" Sabi nya.

Ah ewan! Bahala sya! Kelangan ko na makaalis.

"No no no! I don't remember you! Please excuse me, I need to go!" Pag iwas ko.

Tatakbo na sana ako ng hablotin nya ang kamay ko.

"Ano ba! What are you doing? Take your hands off me!"

Pilit kong tinanggal ang kamay nya sa kamay ko.

"I'm sorry! Listen, I didn't mean to pissed you off that day. It's just that, damn! How can I say this..." aniya.

Hindi ko inintindi yung sinasabi nya. Naka focus ako sa pag takas.

Ngunit huli na ang lahat...

Nandyan na sya!

Patakbo syang lumapit sa akin!

Si Rexor

Si Rexor na matangkad, Moreno, Gwapo, macho, at daks!

Huli na para tumakbo...

"Tracey! Where are you going?" Tanong ni Rexor sa akin habang papalapit.

"HA? SINO KA? Hindi kita kilala!" Maangmaangan ko.

"Eh? Tracey? Are you blind? Pinag antay lang kita saglit di mo na ko kilala?" Taka nyang tanong.

"Ibalik mo na yung mga kinuha mo habang di pa nila nalalaman! Ayoko madamay dyan Rexor! Ayoko!" Pagpupumilit ko sa kanya.

"What? Ibalik? Ito?" Tinuro nya ang mga grocery products na naka plastic na bitbit nya.

"Ano ba! Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya ma may halong pag aalala.

"Huh? Bakit naman ako matatakot? Hmmmh! SO YOU THINK THAT I SHOPLIFT?! Whahaha! Idiot! Do you really think I will do that?" Tatawa tawa nyang pahayag.

"Ha? Hindi ka nagnakaw?" Nalilito kong tanong.

"Haist! Mukha ba kong magnanakaw?" Sagot nya.

"Rex? Hey Rex!" Sabat nung isang poste na nabangga ko kanina.

"Marco? Hey! It's been a while! Kanina ka pa?" Bati ni Rex.

Marco pala pangalan nya. Teka magkakilala sila?
Kanina sa resto bar kakilala nya din yung nakausap kong si Edd na anak pala ng may ari ng resto bar na yun.
Tapos eto namang Marco na to na nagpainit lalo ng ulo ko sa kalsada nung nakaraan araw.

At alam mo kung ano pa?

Nasa pagitan ako ng dalawang poste na mukhang mga artista at model!

At alam mo kung ano pa?

Pinagtitinginan na kami este silang dalawa lang pala ng mga tao.

At alam mo kung ano pa?

Actually wala na wahaahaha!

"Blablabla etc etc etc..."
"Etc etc etc blablabla..."

May bumabara nanaman sa tenga ko. Hindi kinakaya ng eardrums ko ang purong ingles besh! Feeling ko anytime magdudugo na ilong ko!

"Haha yeah I heard about it too. Anyway, Are you with her? Your girlfriend?" Tanong nung Marco.

Ako ba tinutukoy nya?

" No no he's not my girlfriend and he's not a girl." Sagot ni Rexor.

"What the Hell? Are you F*ckin' kidding me! I even kis--" bigla syang natigilan. Mukaha syang nalugi o naloko.

"You even what?" Takang pag uusisa ni Rexor.

"Never mind, so who is that?" Tanong ni Marco.

"Long story man... let's talk about it later, Anyway, who is this girl that you are saying? The one that you met few days ago when you're on your way to our house?" Tanong ni Rexor kay Marco.

"H-hu-h? Oh yeah yeah... I don't think I'll search for her anymore." Sabi ni Marco.

"Eh? Why not? You even kissed her right? That's odd of you." Sabi ni Rexor

"Not interested anymore." Maiksing sagot ni Marco.

Babae na nakasalubong nya nung papunta sya sa bahay nila Rexor? Tapos hinalikan nya?

Parang familiar sakin yung eksena ah?

Baka nagkataon lang.

Teka! Ano nga palang balak ng mga to? Magusap habang napapagitnaan ako?

Ano tingin nila sakin palaman?

Hinila ko laylayan ng damit ni Rexor para mapansin nya naman na habang masaya silang nag uusap, nandito ako sa gitna nila nakatunganga.

"Penge akong pamasahe. Uuwi na ko."
Sabi ko.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Rexor.

Tinatanong nya ko kung uuwi na ko?

Ay hindi hindi!

Hindi ako uuwi!

Sya! Sya uuwi na sya!

Sya nalang bigyan mo ng pamasahe!

Ano bang tanong ko sa kanya?

Ah ewan ko sayo! Gwapo ka lang at yummy!

"Oo. Napapagod na ko kakatayo dito." Sabi ko.

"No! We're going together." Sabi ni Rexor.

"Rex! I almost forgot about it. Here." May inaabot si Marco kay Rexor.

"Yun! Thank you" Parang nagliwanag ang mukha ni Rexor pagkakuha ng bagay na yun.

"I really don't want to sell that to you since that's one of the rarest cup noodle in the world haha and also my favourite! But PHP500,000 is PHP500,00 man!Haha I didn't know that you want that badly." Sabi ni Marco.

Ano raw? Paki translate please! Joke! Baka isipin nyo talaga na hindi ko naintindihan ah! FYI isa akong matalinong estudyante ng psychology!

Pero tama ba narinig ko? Cup noodles daw?

Don't tell me... (napapa English na tuloy ako xD)

"Haha No not me. For Tracey. His name is Tracey anyway. Wait! Where is Tracey?!" Pagtataka nya ng di nya ko makita.

Di ko lang sinasabi pero may kakayahan akong mag invisible!

Joke!

Dahil di nanaman nila ako pinansin, nagawa kong makapaglakad papunta sa may kiosk na nagtitinda ng kwek kwek.

"Ate magkano?" Tanong ko sa babae.

"30 pesos lang miss. May kasama ng toothpick." Sagot nya.

Wow! Fantastic! Naka jackpot ako dito ah! Biruin mo, 3 pirasong itlog ng pugo na may kulay orange na coating tapos may free pang toothpick?

Edi wow!

Doon sa tabi ng kalsada sa labas ng mall 4 na piraso 10 piso lang ah!

Aba matinde to si ate!

Saan ba gawa toothpick nya? Sa diamanté?

"Ahh hehe kulang pala pera ko sorry!" Tugon ko.

"Ano ba yan para 30 pesos lang di makabili? Mukha lang may kaya sa buhay pero yagit din pala " bulong nya.

Aba talaga!

Bumulong pa sya rinig din naman!

Nako kung di lang ako mabait!

Pasalamat sya naging babae sya!

"Huy! What are you doing there?" Panggugulat ni Rexor mula sa likod ko.

"AY KWEK KWEK!" Nasambit ko sa gulat.

"Wahaha haha haha Kwek kwek!" Tawa sya ng tawa! Yung tawa nya totoong totoo. Hindi talaga nya napigilang tumawa.

Ayos to ah! Halos maihi ako sa gulat sa ginawa nya tapos mang aagaw pa ng atensyon ng mga tao habang tinatawanan ako.

Nakakahiya! Kelangan ko magisip! Defense mechanism!

"Wahaha ahaha ahaha" nag tawantawanan din ako kahit di naman ako natatawa sa mga nangyayare. Para hindi ako magmukang kawawa.

"Hahaha ang sarap mo talagang pag tripan" sabi nya habang nagkakamot ng ulo.

Masarap ako pag tripan? Ibig sabihin ba non masarap ako pag laruan?

Ok lang! Ganyan naman kayo! Kayong mga mayayaman at gwapo! Porket nasainyo na lahat? Paglalaruan nyo nalang ang katulad kong dukha?

Balang araw babangon ako at dudurugin kita!

Choss! Wahaha! OA lang?

Ang ganda ng linya no? Saan ko ba narinig yun?

"Bakit nanggugulat ka?" Asar kong tanong.

"Hey hey wag ka magalit. Bigla ka nalang kasi nawala sa paningin ko." Paliwanag nya.

"Nasaan na nga pala yung Marco?" Tanong ko ng mapansing wala na ang gwapong lalaki na nagngangalang Marco.

"Bakit mo hinahanap? Type mo no?" Pang aasar nya.

"Nagpapatawa ka ba? Tara na nga! Gusto ko na umuwi!" Pag aya ko dahil napapagod na rin ako.

"Wait. I have something to give you." Sabi nya. May inaabot sya sakin. Nang tinignan ko kung ano ang bagay na inabot nya, ikinabigla ko ito.

Oh my G!

Totoo ba to?

Hindi ba ko nanaginip?

Binibigyan nya ko ng Titan Gel?

WHAT?!

"TITAN GEL?!" Gulat kong tanong.

Nabigla din sya sa iniabot. Bigla nya itong hinablot sa pagkabigla.

"Hindi pala yan. Eto pala" may inabot nanaman sya.

O-oh Ma-ma-ma-my Gosh!

Nananaginip ba ko?

Kurutin nyo nga ako please!

Limited edition curry bulalo cup noodles?

Parang maiiyak ako sa tuwa!

"Ccc-cur-rry bulalo!" Nanginginig nginig kong sabi.

Pano sya nakahanap nito? Tanging mga tunay na hokage lamang ang nakakahanap nito katulad ko!

Ang pagkakaalam ko, ako ang nakabili ng pangatlo at huling edition nito.

"Salamat!" Bigla ko syang nayakap sa tuwa.

Mga ilang segundo ang lumipas bago ako kumawala.

"Don't get me wrong. Gusto ko lang palitan yung natapong noodles mo. Yun Lang yun." Sabi nya habang inaayos ang kanyang damit.

Inaayos nya kahit maayos naman?

Iba rin trip neto noh?

"Salamat talaga! Saan mo naman to nakuha? Wag mo sabihin na ikaw ang nakabili ng isa sa tatlong edition nito? Di mo sinasabi fan ka rin pala wahaha!" Tuwang tuwa kong salaysay.

"Of course not! I don't have interest sa weird flavour ng cup noodles na yan. Galing yan kay Dereck." Pagtanggi nya.

"Ah galing pala to kay Dereck? Kay Dereck pala to?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Do you know Dereck?" Taka nyang tanong.

"Hindi. Eh ikaw kasi maka Dereck ka parang kilala ko naman yung kinukwento mo?" Pamimilosopo ko.

Binigyan nya lang ako ng isang weird poker face.

Ang gwapo!

Gosh! Ang sarap nyang pagnasahan!

Ooops! Ano nanaman tong nasa isip ko?

Erase erase...

"Ok fine! Sorry na po. So sino nga si Dereck? Akala ko galing to doon sa aso kanina?" Sabi ko.

"Aso? As in dog?" Taka nyang tanong.

"Ay aso tuloy! Ibig ko sabihin si Marco. Yung kausap mo kanina." Pagtatama ko.

"Yeah yeah. Originally kay Dereck to dahil surprisingly fan din pala sya ng weird noodles na yan, but his twin brother Marco, yung nakausap ko kanina, binili nya sa twin nyang si Dereck yung cup noodles kaya sa kanya ko na binili yung weird noodles na hawak mo ngayon." Paliwanag nya.

Kahit hirap, pinipilit nya talagang mag tagalog. Haha.

"Talaga? Salamat. Wag ka mag alala. Pag nagbayad na yung nangungupahan doon sa lumang bahay namin babayaran kita. Magkano ba bili mo dito?" Tanong ko.

Natutuwa talaga ako. Napasaya nya talaga ako ngayong mga oras na to.

"500,000 pesos." Walang emosyon nyang sinabi.

Ano raw? 500k ba narinig ko?

"Ha? Pakiulit? Baka mali lang pagkarinig ko." Pagpapa ulit ko sa kanya.

Mukhang lumalala na ang sira ng eardrums ko.

"I said 500thousand pesos!" Diin nyang sagot.

"Ano? Baliw ka na ba? 30pesos lang yan! Sadyang limitado lang talaga ang ginawa nila para sa mga ultimate fans katulad ko! Ibalik mo na to! Dali! Baka di pa nakakalayo yung Marco!" Pagmamadali ko sa kanya.

Porket mayaman ganyan nalang kung mag sayang ng pera.

Nako kayong mayayaman kayo ah! Tigiltigilan nyo yang ganyang ugali nyo!

Na i-stress ako!

"Do you want me to bring it back? Wala akong pake sa pera! Binili ko yan hindi para iregalo sayo o para magpasikat sayo! Binili ko yan pamalit sa weird mong noodles!" Pagpupumilit nya.

Mukhang nawala nanaman sya sa mood.

"Hindi ko kayang kumain ng ganito kamahal! Hindi ko to mababayaran sayo!" Sabi ko.

"Does the price matters? In the first place, hindi ko naman pinapabayaran sayo! Well kung ayaw mo edi akin na yan." Hinablot nya yung cup noodles at akmang itatapon sa malapit na trash bin.

"Take it or not? Itatapon ko nalang to kung ayaw mo!" Matigas nyang sabi.

Mukhang itatapon nya nga.

"Wait lang! Akin nga! Para mo lang itatapon yung kalahating milyon mo! Hay nako!" Napahinga nalang ako ng malalim.

Pano ba umaandar utak nito? Nakakaloka!

"Ok na? Sorry! At thank you narin sa effort! Dapat sinabi mong gagastos ka ng ganito kamahal! Sana pinera ko nalang! Mayaman na sana ako!" Sambit ko.

"Tatanggapin mo rin pala dami mo pang sinasabi! Let's go! We'll go back. Fix yourself. Anything else you need?." Yaya nya.

"Wala na. May natitira pa naman akong 555 tuna sa bahay saka ilang ordinary cup noodles. Tara!" Pagsangayon sa paglisan.

Nagkibit balikat na lamang ito at naglakad bitbit ang mga pinamili sa pure gold. Masyadong madami ang bitbit nya. Yung isang plastic na malaki parang puro canned beer. Tapos may mga naka plastic pa na iba. Pero parang di naman sya nahihirapan.

"Akin na yung isang plastic." Ako.

"Wag na kaya ko na to" Rexor.

"Akin na nga yung isa! Wala naman akong dala " ako

"Ang kulit mo! Baka mabigat pa sayo to! Wag mo na ipilit. Thanks anyway." Si Rexor.

O? Thanks daw? First time ko ba narinig mag thanks tong si Taguro? Este si Rexor?

Eh di wag. Gusto ko lang naman tumulong. Wait! Pano nya pala dadalhin yang groceries na binili nya eh mag momotor kami?

Ah ewan! Bahala sya.

----------

Hooooh! Nakakapagod na araw. Nakahilata ako ngayon sa sofa sa sala.

Anong oras na ba?

"7:39pm"

Maghahapunan na pala. Kaya pala nagrereklamo na mga alaga ko sa tiyan.

Kakainin ko na yung special limited edition curry bulalo hihihi;')

Hihihi excited na ko!!!

Saan ko ba nilapag yun?

Naisama ko nga pala sa plastic bag kanina na dala ni Taguro este Rexor.

Pero tinatamad ako bumangon! Ang sakit ng mga hita ko dahil sa kakalakad kanina.

"Oh there you are!" Si Jayrex.

Half naked sya. Top less.

Parang tumalon yung dibdib ko ng makita ko syang walang suot na pang itaas.

"I need you in my room." Aniya.

HANORAW?

"I mean, I'll show you something sa loob ng kwarto." Dugtong nya.

HANORAW?

Ano ipapakita nya sakin?

Don't tell me ipapakita nya yung ano OMG!

Bigla tuloy ako napabaling sa medyo bakat nya sa jersey shorts!

Ano ba nangyayare sakin!

Napaka dumi! And dumi dumi ng isip ko!

Di naman ako ganito dati ah!

"Ano kase eh. Tinatamad ako bumangon saka kakain palang ako." Pag tanggi ko.

Biglang kumunot ang noo nya.

Napakamot sya sa ulo.

Ang laki ng mga braso nya!

Napalunok tuloy ako.

Bigla syang lumapit.

Malapit na malapit!

"Wag ka nang tamarin! Ako bahala sayo. Papakainin kita mamaya." Sabi nya.

O M G! No no no !

Ganito ba talaga sila ka liberated?! Pwes wag nila ako idamay!

"Ayoko bumangon eh " pagtangi ko.

"Tsk tsk! Hay nako. Ganito nalang!"

Nagulat ako ng bigla nya akong buhatin.

"Ahhhh ayoko talaga!" Parang bata kong reklamo sa kanya!

Binuksan nya ang kwarto nya at pinasok nya ko.

Ehem! Lilinawin ko lang ah! Pinasok nya ako sa kwarto ha! Baka kung anong klaseng 'pinasok' ang isip nyo wahaha.

Itutuloy...

A/N: Comment naman po kung ano puna nyo sa story maliban sa sobrang tagal kong update.
Vote nyo narin po. Salamat ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

64.6K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
91.6K 5.7K 31
{مُكْتمِلة} {مترجمة} كِيمْ تَايْهِيُونْغْ فِي عَلَاقَةٍ سِرِّيَّةٍ مَعَ الْمُدِيرِ التَّنْفِيذِيِّ الَّذِي يَعْمَلُ لَدَيْهِ. جِيُونْ جُونْغِكُوكْ...
4.1M 88K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
3.6M 84.7K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...