Undeniable Feelings

Door JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" Meer

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Chapter Thirty Three
Epilogue:

Chapter Two

1.9K 41 2
Door JheangLiit

Chapter Two

"Anak, gumising ka na. Samahan mo ako sa palengke, mamimili tayo."

Kakamot kamot sa ulo na idinilat ko ang mga mata ko. Nag inat ako ng mga braso at mabilis na bumangon. Pupungas pungas pa nga ang mga mata ko. "Anong oras na ba, pa?" tanong ko. Hindi ko pa maidilat ng maayos ang mga mata ko dahil sa antok. Pakiramdam ko kakatulog ko pa lamang.

"Alas dos," sagot ni papa.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon si papa na abala ngayon sa pagsusuklay ng buhok n'ya habang nakaharap sa salamin.

"Pa! Ang aga pa, ah?"

Alas dose na yata kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay... hindi ko natanong kung anong pangalan n'ya, shit! Kainis! Tumawa si papa at humarap sa akin. Ngiting ngiti at tila natatawa sa reaksyon ko.

"Alas kwatro tayo magluluto, alas sais tayo mag aayos ng restaurant at alas otso tayo magbubukas."

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Sinuot ko ang tsinelas ko at humarap sa salamin. Kitang kita ang malaking itim sa ilalim ng mga mata ko. Nakakainis naman, kasalanan ito 'nong babaeng iyon!

Bumuntong hininga ako. Sabagay, ano bang kasalanan n'ya? Wala naman, eh. Hindi n'ya nga ako kilala at ako lang ang nakakaalala na nagkatitigan kami halos isang taon na ang nakakalipas!

"Maligo ka na, Uno!" sigaw ni papa mula sa labas.

"Opo, pa! Wait a minute!" sigaw ko pabalik.

Nagmamadali kong kinuha iyong tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto at tumakbo papasok sa banyo para maligo. Kahit sobrang lamig ng tubig ay tiniis ko, hindi kasi ako sanay na umalis ng bahay na hindi naliligo. Paano kaya natitiis ng iba na umalis na walang ligo? Hindi ba sila nahihiya, nagpabango at nag-toothbrush lang sila? Kadiri.

Nagsusuklay na ako 'nong pumasok ulit si papa sa loob ng kwarto. Nakapameywang na at tila kanina pa inip na inip sa akin.

"Ano?" natatawang tanong ko.

"Ang bagal mo, bilisan mo dahil sasamahan tayo ng apo ni Nanay Ana, kanina pa iyon naghihintay sa labas."

Nabigla ako sa sinabi ni papa. Shit, bakit sasamahan n'ya pa kami?

"Bakit sasamahan n'ya pa tayo?" naguguluhang tanong ko.

"Anak, hindi natin kabisado ang lugar na ito. Kahapon lang tayo nakarating dito, hindi ba?"

Napapikit ako ng mariin at bumuga ng malalim na hininga. Kinakabahan ako, bakit ganito? Kailan kaya ako masasanay sa kanya? Siguro kapag tumagal ay masasanay rin ako sa presensya n'ya, tutal ay magiging kapitbahay na namin s'ya at araw araw ko na s'yang makikita.

"Good morning, Jamila!" Bati ni papa.

So Jamila pala ang pangalan n'ya? Ang cute, parang coco jam.

"Good morning rin po," walang ganang sagot ni Jamila.

"Bakit naka-ganyan ka lang?"

Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na naka-maikling shorts at simpleng black na jacket lang s'ya, pagkatapos ay nakapuyod lang ang buhok sa tuktok ng ulo n'ya.

"Bakit? Sa party ba tayo pupunta?" Mataray na tanong n'ya.

Natatawang inakbayan ako ni papa at saka mahinang bumulong.

"Anak, be friendly naman..." mahinang bulong ni papa.

Ngumiwi ako at saka pinilit na ngumiti bago nagpasyang mauna na sa paglalakad.

"Edi wow," bulong ko rin sa aking sarili.

Naririnig kong nagkukwentuhan si Jamila at papa sa likuran pero hindi ko na lang sila pinapansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa hindi ko alam kung saan ang daan papuntang palengke.

"Alam po ba ng anak n'yo kung saan 'yung palengke?" natatawang tanong ni Jamila.

"Hindi, nagmamarunong lang," natatawang sagot ni papa.

Tuluyan ng natawa si Jamila. Naramdaman ko ang maliit n'yang kamay sa balikat ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Sinubukan kong kumalma bago s'ya nilingon.

"Bakit?" takang tanong ko.

Nginitian n'ya ako 'tsaka umakbay sa akin kahit pa mas matangkad ako sa kanya ng ilang dangkal. Maliit na babae lang s'ya.

"Aah! Anong problema mo?" singhal ko sa kanya.

"Sabay tayong maglakad at baka pag-lingon mo sa amin ng papa mo ay wala na kami,"

Nagsimula na s'yang maglakad habang nakaakbay pa rin sa akin. Ang siste ay nakayuko ako habang ang totoo ay halos kaladkarin na n'ya ako.

"Ah! Bitawan mo 'ko, aray!" inis na utos ko sa kanya.

Naririnig ko pa si papa na natatawa at tila walang balak na pigilan si Jamila sa ginagawa n'ya sa akin.

"Ayy! Sorry," sabi n'ya pagkatapos ay binitawan ako.

Sininghalan ko s'ya bago sumabay na sa kanya sa paglalakad. Sa tingin ko ay ginagantihan n'ya ako sa ginawa ko sa kanya kagabi. Mahilig rin pala s'yang mang-asar, ha! Tingnan lang natin.

Itinuro ni Jamila ang mga tindahan kung saan ang gulay, karne, prutas at kung ano ano pang rekado. Mukhang kabisado n'ya ang lugar na ito kahit na mukha s'yang lumaki sa marangyang buhay. Balita ko kasi ay parehong OFW ang nanay at tatay n'ya at wala silang iniindang problema dahil may mga pag aari pa silang apartment sa ilang lugar malapit sa bahay na tinitirhan ng lola n'ya. Street lamang iyon at hindi sa subdivision ngunit malaki pa rin ang bahay nila kahit papaano.

"Mukhang kabisado mo dito, iha? Siguro, magaling kang magluto, ano?" panunukso ni papa.

Natawa si Jamila at humarap sa amin, "to tell you the truth, tito. Hindi ako marunong magluto. Sumasama lang ako sa mga kaibigan ko na pumupunta dito."

Napakamot si papa sa ulo at hindi makapaniwala sa naging sagot ni Jamila.

Pagkatapos mamalengke ay halos mag alas kwatro na. Si Jamila ay panay na ang hikab at mukhang inaantok na.

"Salamat sa pag-sama sa amin, iha. Heto, tanggapin mo," inabutan ni papa si Jamila ng pera at tinanggap n'ya naman iyon.

"Salamat po, hindi ko po tatanggihan dahil grasya 'to," natatawang sagot ni Jamila.

Pagkatapos 'non ay nagpaalam na si Jamila dahil antok na antok na raw s'ya. Marahil ay kaunti lang ang tulog n'ya dahil lasing s'ya kagabi. Bakit nga ba s'ya naglasing? Sigurado ako, hindi alam ng lola n'ya iyon.

"Gusto ko ang pagiging prangka ng batang iyon," natutuwang sabi ni papa habang nagtatadtad ng sibuyas.

"Sino Pa?" tanong ko, bigla na lang kasi s'yang nagsalita.

"Edi si Jamila."

Tumahimik na lamang ako. Oo nga pa, gusto ko nga rin si Jamila, eh. Ang kaso sa kilos n'ya ay mukhang hindi s'ya matinong babae. Malayo sa pinangarap ko. Ang buong akala ko kasi ay mahinhin, mabait, magalang at matinong babae s'ya noong una ko s'yang nakita ngunit ng makilala ko s'ya kagabi ay doon ko napansin ang malaking pagkakamali ko. Tama nga talaga na huwag husgahan ang isang tao, base sa panlabas na itsura. Tulad ng kasabihang hindi lahat ng nakapantalon ay virgin.

Iiling iling na sinumulan ko ng lutuin iyong adobo. Si papa ay abala na sa pag aayos ng mga lamesa at ng mga naluto na namin sa mahabang lamesa. Nagmukhang karinderya ang style ng shop ni papa. Ngunit may mga naka-display nga lang na wine doon sa counter para kung may gustong bumili ay pwedeng pwede.

Nag-bukas si papa ng alas otso at ako ay sobrang inaantok na ngunit wala akong magawa kung hindi ang tulungan pa rin si papa. Sa umaga ay iilan lang ang costumer kaya pagdating ng tanghali ay ininit namin ang mga paninda. Nagulat ako ng sa tanghali ay dumagsa ang tao. Ang karamihan doon ay mga construction worker daw sa kabilang street.

"Mabuti nagbukas kayo, dito totoy! Hindi na namin kailangan dumayo pa sa malayo para kumain, hirap kasi ang misis ko sa paghahanda ng almusal at baon ko dahil may inaalagaan pa s'yang maliit na anak namin," kwento ng isa sa mga construction worker doon nang bigyan ko sila ng tubig.

"Talaga po? Wala po ba'ng canteen sa pinagtatrabahuan n'yo?" nakangiting sabi ko sa kanila.

Umiling ang isa at s'ya ang sumagot, "wala, hindi naman kasi kumpanya ang trabaho namin. Kontrata, kontrata lang."

Tumango tango ako. Naging maayos naman ang lahat buong araw. Nabalik kay papa ang naging puhunan n'ya ngunit hindi sapat ang kinita namin dahil may sobra sa niluto ni papa. Ang ginawa namin ay ipinalagay namin sa ref nila lola Ana at binigyan rin sila ng ulam. Iyon na lamang ang uulamin namin bukas.

Alas nuwebe na ng gabi nang magpasya akong lumabas para mag-internet. Nababagot rin kasi ako sa loob ng bahay.

Doon ulit sa mahabang bangko na inupuan ko kagabi ay umupo ako at inilabas ang aking cellphone. Binuksan ko ang data at nagbukas ng facebook ko doon. Ang daming notifications at messages galing sa mga kaibigan ko.

From: Pauline Sy
I already missed you :(

Napailing ako. S'ya iyong ex girlfriend ko na hanggang ngayon ay naghahabol sa akin.

From: Rafael Paez
Bro, kailan ka uuwi? Shot tayo!

Natawa ako, hindi ko ba sila na-inform na baka ilang taon pa ang abutin bago ako maka-dalaw sa kanila.

Me:
Hindi na 'ko babalik d'yan bro. Dito na 'ko mag aaral.

From: Rafael Paez
Luh, seryoso?

Me:
Oo, 'di mo ba nabalitaan kila Maeng?

From: Rafael Paez
Takte, 'di mo naman sinabi sa'kin, edi sana pinatagay muna kita bago ka umalis.

Me:
Lol. 'Yun na nga dahilan kung bakit 'di ko sinabi, eh.

From: Rafael Paez
Luh. 'Yung totoo?

Me:
Magbabago na 'ko bro, bagong buhay na 'ko. Kayo din d'yan, gusto ko pag uwi ko d'yan nakatapos na rin kayo.

From: Rafael Paez
Weh? Totoo? Uno ikaw ba 'yan? Ilabas mo si Uno! Gago ka!

Me:
Sinapian ako ng anghel bro.

From: Rafael Paez
Inamo! Basta pag uwi mo dito, shot tayo.

"Hoy! Busy ka d'yan, ah!"

Sa gulat ko ay halos mahagis ko 'yung phone ko. Inis na nilingon ko si Jamila. Hindi ko na talaga s'ya gusto, malayong malayo ang imahinasyon ko sa kanya. Tinawanan n'ya ako at mukhang iyon ang gusto n'yang maging reaksyon ko.

"Busy ako! Kaya pwede ba, tsupi ka na?" inis na sabi ko sa kanya.

Pinanliitan n'ya ako ng mga mata. Bahagyang sumilip s'ya sa cellphone ko kaya inilayo ko iyon kaagad sa kanya.

"Sino'ng ka-chat mo?" tanong n'ya.

Kinunutan ko s'ya ng noo. Napansin ko rin iyong isang lalaki na kasing edad ko lamang. Nakasandal s'ya sa pader at naninigarilyo. Kulot na kulot ang buhok n'ya, maputi at mukhang mayaman.

"Boyfriend mo?" tanong ko.

Natawa s'ya at nilingon rin iyong lalaki.

"Shivan, syota daw kita, oh!"

Lumingon s'ya sa amin at inihagis iyong sigarilyo sa sahig 'tsaka inapakan.

"Syota mo mukha mo, kahit ikaw pa ang kahuli-hulihang babae sa mundo... Syosyotain na lang kita!" tumawa si Shivan. Iyon ang tawag ni Jamila.

So ibig sabihin, meron din palang mga ganito'ng ugali sa Manila? Akala ko sa probinsya lang namin may mga ganito?

"Bagong lipat ka dito?" Tanong n'ya sa akin.

Tumango lang ako. Naglakad s'ya palapit sa akin at naglahad ng kamay.

"I'm Shivan Hutterson, Jamila's friend."

Napangiwi ako. Ingglisero? Kapag ingglisero sa lugar namin ay pinagtatawanan, feeling mayaman eh. Pero mukhang mayaman nga 'to, eh. Inabot ko ang kamay n'ya at nakipagkamay rin sa kanya.

"Uno Kyzzer Ramirez."

Ngumiti s'ya at nabigla ako ng hinila n'ya ako patayo. Matangkad na ako pero mas matangkad s'ya kaysa sa akin.

"Sama ka sa'min!" aya n'ya sa akin.

"Saan tayo pupunta ng ganitong oras? 'Tsaka pagod ako ngayon-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inakbayan na n'ya ako at sinama sa paglalakad.

"Teka, hindi pa ako nagpapaalam sa papa ko!"

Kinakabahan na ako, ito kasi 'yung unang beses na hindi ako magpapaalam sa papa ko. Kay tita Alma, maka-ilang beses na, pero ang alam kasi ni papa ay mabait akong anak.

"Baka pagalitan 'yan ng papa n'ya. Huwarang anak 'yan, gago!" natatawang sabi ni Jamila.

"Oh, sige. Ipaalam muna natin 'to."

Wala ba akong karapatang tumanggi dito? Iiling iling na sumunod na lamang ako sa kanila. Namalayan ko na lamang na kumakatok na si Jamila sa pinto ng bahay namin sa likod ng shop.

"Oh, Jamila? Uno?" takang tanong ni papa at saka nilingon rin si Shivan na nasa tabi ko.

"Ipagpapaalam lang po sana namin si Uno. Birthday po kasi nitong kaibigan kong si Shivan. Don't worry po, alas onse iuuwi ko ng maayos at walang kulang si Uno," paliwanag ni Jamila.

Nagulat si papa pero napangiti rin. Tinapik ni papa ang balikat ni Jamila.

"Oh, sige. Basta hanggang alas onse lang ha? Mabuti iyan at may mga kaibigan ka na."

Bakit parang feeling ko, hindi ko magagawang magbago? Shit naman, oh.

***

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

117K 2K 48
Love comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes d...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.5M 58.3K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.8K 644 70
COMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 *wattys2018 LONG LIST* All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted