The Twins of Monte Cristo [Ka...

Por Marikit07

71.4K 1.4K 511

He played with the wrong girls... They will discover his secret... Never Mess up with... THE TWINS OF MONTE C... Mais

The Twins of Monte Cristo
Prologue
Episode 2 Aklat ng Salamanca
Episode 3 Plots
Episode 4 Part 1 Mixed Emotions and Happy Thoughts
Episode 4 Part 2 Weird Things Do Happen

Episode 1 Separate Lives

9.4K 236 64
Por Marikit07

Episode 1 Separate Lives

AUTHOR’s NOTE: Panoorin nyo muna yung video para kunwari teleserye toh.. basta! Nirerequire ko kayo wahahaha 36 seconds lang naman yun… panoorin niyo muna bago nyo ituloy pagbabasa para mas maimagine niyo sila.

.

.

.

5 months ago…

.

.

.

Galit at nagdadabog na bumaba si Julia papunta sa living room hawak ang transparent purse nya na may lamang make up kit. Sabay sabay na napalingon ang mag-asawang Min at Martin at ang kakambal ni Julia na si Kathryn.

Naningkit ang mata ni Julia nang magtama ang paningin nila ni Kath sabay taas sa hawak nyang purse.

“I told you not to touch my things!” tinutukoy nya ang make up kit na ginamit ni Kath kanina para sa party na pinuntahan nito. Kinakabahang napatingin si Kath sa Mommy nila.

“Ako ang nagsabi na yan ang gamitin dahil wala namang make up kit ang kapatid mo. Bakit ba galit na galit ka? Dati naman kahit sa bed gusto mo kashare mo si Kath ngayon nagamit lang minsan yang make up parang gusto mo nang pumatay?” pinagalitan ni Min ang anak na si Julia.

“Iba na ngayon Ma! Argh!” Alam ni Julia na wala naman syang laban kung sasagot pa sya sa parents niya kaya nagwalk out na lang pabalik sa kwarto nya.

“Ma..dapat po hindi na lang kasi ako nagmake up. Ok lang naman…nagalit tuloy si Julia.” Nagsisising sabi ni Kath nang makaalis ang kakambal.

“Ewan ko nga ba dyan… intindihin mo na lang..kahit kambal kasi kayo nagkakaiba rin ang gusto nyo.” Mahinahong alo naman ni Min sa anak na si Kath. Alam niyang ayaw nito na nag-aaway sila pero sadyang mainitin ang ulo ni Julia.

“Namimiss ko na po yung dati..yung close kami nung mga bata pa kami..halos di kami mapaghiwalay.” Naiiyak na sabi ni Kath sabay yakap sa ina.

Since birth hindi mo mapaghihiwalay sina Kath at Julia. Sa pananamit, sa pagkain, sa laro, pati sa pagtulog lagi silang magkasama noon. Nagbago lang ang lahat nang mag-aral na sila. Nagkaroon sila ng ibat ibang kaibigan at unti-unting nagkakahiwalay. Nag-iba rin ang naging takbo ng lifestyle nila dahil na rin sa epekto ng circle of friends na pinili nilang samahan.

Habang lumalaki, naging simple ang style ni Kath sa pananamit kahit na nasa America sila. Samantala, si Julia naman naging fashionista at hindi na pwedeng lumabas ng bahay kung walang make-up or hindi maayos ang damit. Nagsimula na ring maghiwalay ng kwarto ang dalawa at kahit ang mga gamit hindi na nila shinashare asa isat isa.

Kung tutuusin ordinary rin ang mga ganong pagkakaiba sa mga kambal pero sina Julia at Kath ay  hindi ordinaryong kambal lang. May kakaiba silang kakayahan at koneksyon sa isat isa. Natuklasan nila na kaya pala nilang magusap sa pamamagitan ng isip or mental telepathy. Hindi nila alam kung saan ito nagmula pero sinubukan nilang tuklasin. Hanggang sa ngayon wala pa ring malinaw na dahil kung paano nila nagagawa yon. Mas nagfocus sila sa kung paano nila maccontrol or mas magagamit ng maayos ang kapangyarihan na yon. Natutunan na din nilang makapasok sa isipan ng isat isa kung may permiso. Halimabawa, kayang iblock ni Julia kung gustong malaman ni Kath ang nasa isip niya at kaya nya rin naman itong pahintulutan na pasukin ang isip nya para Makita or malaman niya ang mga bagay na nakita or nalalaman ni Julia. Ganun din si Kath kung si Julia naman ang sumusubok.

Dahil sa nabubuhay naman na normal ang paligid nila, bihira nang gamitin ng dalawa ang kapangyarihan nila…pwera na lang kung hindi makasgot si Kath sa Math exam at kung namemental block si Julia sa Geography subject nila. Dun na lang nagkakasundo ang dalawa, kapag magtutulungan sa school…pero sa normal life nila, magkaibang magkaiba na sila.

Lalo pang nakakalungkot dahil bukas, magkakahiwalay na talga sina Julia at Kath. Bukas ang flight ng buong pamilya pauwi sa Pilipinas para doon manirahan. Dahil nasanay sa marangyang buhay at sa paligid niya, nagpaiwan si Julia at mas gusto pang manirahan sa mga Lola nila na kapitbahay lang nila sa America. Ayaw niyang iwanan ang mga kaibigan at ang buhay na nakagisnan nya.

“Wag ka nang magalit sakin oh… aalis na nga kami bukas eh. Baka naman pwedeng kahit last minute ok naman sana tayo.” Mahinahong lumapit si Kath kay Julia na nagmumukmok sa bintana ng kwarto nya.

“Alam mo nalulungkot din naman ako  na maiiwan ako dito…pero ayoko talaga sa Pilipinas. At pwede ayoko din ng dramahan kung magpapaalam ka.” Matigas talaga ang loob ni Julia pero unti-unti na rin syang nadala nung umiyak na sa harap niya si Kath at yumakap ng mahigpit sa kanya.

“Mamimiss kita sis.. Naalala mo ba nung mga bata tayo lagi mo ko pinagtatanggol pag may umaaway sakin… Uso pa naman mga bully dito sa America… pagdating ko sa pinas dapat tough na ko kasi wala nang Julia na magtatanggol sakin… Mamimiss ko na din yung pag madaling araw hindi ako makatulog ikaw kinukulit ko kahit naiinis ka na… Mamimiss ko lahat yun… hindi na ba talaga magbabago isip mo? Ayaw mo ba talagang sumama-” hindi pa natatapos magsalita si Kath pero kumontra na si Julia habang inaalis ang pagkakayakap sa kapatid.

“Kath pwede ba tigilan mo yang kakadrama mo. Wag mo kong iyakan hindi magbabago isip ko.” Sabi ni Julia pero tumutulo na din ang luha sa mga mata nya.

“Mamimiss din kita… namimiss ko din naman lahat ng mga ginagawa natin dati pero, Kath kahit kambal tayo, magkaiba pa rin yung buhay natin. Iba ako, iba ka. Hindi pwedeng tayong dalawa lang magkasama habang panahon. At ikaw kailangan matuto kang manindigan sa sarili mo… ingatan mo sarili mo… kaya ako humiwalay sayo kasi yun ang gusto kong matutunana mo… ayoko nang laging nakadepende ka sakin… gusto ko matuto kang magdesisyon sa sarili mo dahil in the end ikaw din ang kawawa… naiintindihan mo ba? Wag mo na kong pilitin kasi masaya ko dito at dito ko gusto. Sige na matulog kana maaga pa flight nyo bukas.” Pinaliwanag ni Julia ang lahat habang pinipigil na maiyak pero umagos pa rin ang luha nya. Ang totoo nalilito sya kung anong pipiliin nya. Gusto nyang kasama ang pamilya niya pero hindi rin niya maiwan ang buhay dito at sa tingin niya hindi nya kakayanin sa Pilipinas. Isa pa gusto rin ni Julia maranasan na tumayo sa sarili nyang mga paa dahil naiispoiled na talaga silang dalawa ni Kathryn. Simula pagkabata sunod na ang luho nila.

“S-sige…” Sabi na lang ni Kath, disappointed na hindi niya pa rin nakumbinsi ang kakambal niya.

“Kath.” Bago pamakalabas ng kwarto, tinawag ulit siya ni Julia.

“Pwede namang mental telepathy diba? Kahit magkalayo tayo makakapg-usap tayo sa isip natin… pero wag madalas dahil nakakapagod pag matagal nating ginagamit yung kakayahan na yun. Sige na. Goodnyt.” Paalala ni Julia bago tuluyang nagpaalam si Kath sa kanya.

Hindi sumama sa paghahatid sa airport si Julia dahil ayaw nyang Makita nang lahat na malulungkot din sya. Imbes na malungkot nagpaaalam na lang siyang pupunta sa party ng isa sa classmates niya. Kahit na liberated ang dating ni Julia pinapayag pa rin ito ng guardians niya dahil alam nilang alam ni Julia ang limitasyon nya at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

~~~

Bakasyon pa sa Pilipinas nang dumating ang Pamilya Salamanca kaya hindi napressure si Kath sa pag-aadjust sa bago nilang lugar. Sa loob ng dalawang buwan na bakasyon sa mga skwelahan sa Pilipinas, nakahanap sina Martin at Min ng sa tingin nila ang the best para sa anak nila. Ang Monte Cristo Academy. Pinakamataas ang standards at pinakamagandang school para kay Kathryn dahil maraming matatalino at achievers dito. Siguradong matututong makipagcompete ang anak nila.

“Monte Cristo Academy..? Ang weird nang name huh… Anyways good luck na lang sayo dun. Sigurado hindi kasing ganda ng schools dito yan… dapat kasi dito ka na lang mag-aral!” Magkausap sina Julia at Kath sa telephono.

Although minsan nag-uusap sila gamit ang isip, mas madals nilang gamiting ang technology dahil nakakapanghina talaga ang mental telepathy lalo na ngayon na masyadong malayo sila sa isat isat. Napansin nila na mas malayo sila, mas mabilis silang manghina tuwing maguusap sa isip.

“Ok lang yun eh sigurdo naman maganda dun tska excited na din ako sana magkaroon ako ng maraming friends don. Teka, sige na mamaya tatawag ako ulit ha. First day of school kasi baka malate ako nakakahiya. Bye Julia.” Nagpaalam si Kath at kinuha na ang bag niya. Tumawag lang sya kay Julia para ibalita na unang araw ng school niya pero mukhang hindi ito talaga interesado at napipilitan lang na makinig sa kanya.

“Dad ang laki pala talaga ng school na toh ah…parang palasyo sa lawak…baka magkandaligaw ligaw ako nyan.” Napanganga si Kath habang papasok ang sasakyan nila sa gate ng malaking school. Pakiramdam nila Kath parang kasing laki ng Hogwarts School or Witchcraft and Wizardry sa Harry Potter movies pero hindi ito mukhang castle… Modern styled ang building at mukhang mayayaman ang mga nag-aaral dito. Mejo nasa liblib din ang school na napapalibutan ng makakapal na puno para hindi Makita ang matataas na building nito. Parang nasa ibang dimension ang aura ng school…parang ibang bansa…parang hindi karaniwang design ng mga Pilipino ang pagkakagawa ng school.

“Kaya nga next week inayos na namin yung dorm mo. So every weekend ka na lang uuwi sa bahay para hindi hassle.” Paalala ni Martin. Huminto ang sasakyan sa harap ng entrance ng pinakamalaking building ng school.

“Mamaya na lang ha tumawag ka pag susunduin na kita. God bless you, nak.” Reminder ni Martin kay Kath pagbaba nito sa sasakyan. Halatang excited si Kathryn sa bago niyang school kulang nalang magtatakbo na at wag nang humalik sa kanya bago sila maghiwalay.

Unang inilabas ni Kath ang school map para hanapin kung saang  building ang una niyang subject.

“Basic Accounting 101” hanap niya sa schedule niya kung anong room ga ba sya at kung paano makakapunta don.

“Left….” Humarap sa kaliwa si Kath habang tutok na tutok sa mapa. Hindi niya namalayan na may isang lalaking tumatakbo papunta sa gawin niya.

BLAG! Parehas natumba sa sahig si Kath at ang lalaking nakabunggo niya. Halos mahilo hilo si Kath sa pagkakbagsak at parang nagdidilim dilim pa ang paningin nya.

~~~

Sa kabilang sulok ng mundo, sa bansang America, nagssoundtrip lang sa kwarto niya si Julia nang bigla na lang sumakit ang katawan niya at parang nahilo sya. Parang may kung anong bumunggo sa kanya at sa lakas ng impact halos magdilim ang paningin niya. Napahawak si Julia sa likod at  hinimas himas ito habang umiiling iling para matanggal ang pagkakahilo niya.

“Ouch…” napadaing si Julia habang tinatanggal ang headset para hindi na makadagdag hilo ang rock songs na pinapakinggan niya.

Nang makarecover, napabuntong hininga si Julia at pumikit.Mukhang nahulaan na niya kung bakit biglang ganon ang pakiramdam niya.

‘Kath! Anong ginawa mo?! Ang sakit nun ah!’ naiinis na ginamit nya ang mental telepathy skills para kausapin ang kapatid.

~~~

Narinig ni Kath na naiinis si Julia. Mukhang naramdaman din ng kakambal niya ang pagkakabagsak niya sa sahig. Siguro ganun talaga kalakas ang impact.

“Ano ba! Anong ginawa mo?! Ang sakit nun ah!” ibinaling ni Kath ang inis sa nakabunggo niya na pinapagpag na ngayon ang damit. Hindi niya pinansin ang tawag ng isipan ni Julia at binlock nya ito para hindi mapasok ang isip niya at Makita kung anong nangyayari sa kanya.

Khaki jacket, headset sa leeg, backpack at nakashades and get up ng kaharap ni Kath.

“Siguro bulag ka noh?! Kaya ka nakashades at kaya nangbubunggo ka!” inis na dagdag niya nang hindi kumibo ang lalaki at tumayo lang sa harap niya na nakapamewang pa.

 Tatango tangong ibinaba nito ang shades niya at tumingin ng malagkit kay Kath.

“sa ganda ng mata kong ‘toh, pagbibintangan mong bulag? Alam mo ba kung ilang babae na ang umiyak dahil sa mata na toh?” maangas na tanong ng lalaki at inilapit pa ang mukha kay Kath.

Lalo namang naningkit ang mga mata ni Kath sa kahambugan ng lalaki. Nakaperwisyo na nga nagyayabang pa!

“Hindi ko alam. Eh ikaw alam mo ba kung ilang mata na ang tinusok ng mga daliri ko?” tanong naman ni Kath sabay taas ng kamay na parang nakapeace sign na parang manunusok nga talaga ng mata.

“Sa itsura mong mukhang warfreak, lemme guess… 3?” nakiride-in naman ang lalaki.

“Actually wala pa… pero ngayon magkakaroon na pag hindi ka umalis jan sa dadaanan ko! Hmf!” inambaan ng suntok ni Kath ang lalaki sabay irap, then talikod para pumunta na sa dapt nyang puntahan.

“Uy… teka Miss. Sige na nga! Sorry. Nakikipaghabulan kasi ako sa mga barkada ko kanina wag ka nan gang magalit lalo kang gumagnda.” Hinabol ng lalaki si Kath at humarang ulit sa daan nang maabutan siya kaya no choice, huminto si Kath.

“Sorry din nabigla ako ang sakit kasi. Kalimutan mo na lang.” insincere na parang bored na sabi ni Kath at nagsidestep para lampas ang makulit na lalaki.

“Ako nga pala si Daniel pero Dj nickname ko. Anak ako ng may-ari ng school na toh.” Pakilala ni Daniel sabay offer ng kamay nya kay Kath.

Mejo nagulat si Kath…anak ng may-ari ng school…baka mapag-initan siya kung susungitan niya ah…pero baka naman joke lang yun? Tska bakit parang pinagyayabang talaga na anak ng may-ari?

“Kathryn Salamanca. Psensya na kailangan ko nang pumunta sa unang subject ko. Nice meeting you.” Pairap na umikot ang mata ni Kath sa pagkakasabi niya nito dahil ayaw naman niya talagang sabihin pero for the sake of “tamang pakikipagkagpwa tao” ginawa pa rin niyang makipagusap ng maayos sa hambog na anak ng may-ari ng school.

“Ah….gusto mo samahan na kita..baka kasi di mo alam..ako kabisado ko na toh.” Offer pa rin ni DJ at tinaas baba pa ang kilay nang mapahinto ng tingin sa kanya si Kath na parang nag-iisip kung papayag ba sya.

“Hinde wag na ok lang ako salamat.” Tanggi ni Kath at nagtatakbo para hindi na siya kulitin pa.

“Daniel bro, sino yun ah?” lumapit ang barkada ni Daniel sa kanya nang makaalis si Kath.

“Bagong chix bro… Mukhang pakipot pa… interesting.” Mala-evil smile ang nabuo sa mukha ni Daniel habang pinagmamasdan ang gawi kung saan pumunta si Kath kahit wala na ito sa paningin nila.

Katatapos lang nya makipagbreak sa EX nya for the month at mukhang may maipapalit na sya dito…

“Next victim… Kathryn Salamanca.” Sabi pa ni Daniel sa mga kasama  niya sabay high five. Alam nan g mga ito ang ibig nyang sabihin.

~~~

JulNiel KathNiel JulKath story po ito… yung chapter na toh para sa mga readers ko na Kathniel. Alam ko madalas magclash ang JulNiel at kathNiel fans kaya naisip kong gawin ito at mukhang pumatok naman salamat sa support nyo as in superb! First day pa lang na napost ang dami nang comments, votes, share, like, lahat lahat na! Super nageenjoy ako sa lahat yung sa comments niyo. Thanks talga at pasensya na if mabagal ang updates sa iba..babawi ako sa inyo sa Ramadan time super magsusulit ang araw nyo s time n yun hehe.

Sa JulNiel readers, wag muna kayong mainip there is a time for everything.

Sa KathNiel readers, yes expect kathniel moments and julniel moments here.

Yung chapter na toh dedicated sa KathNiel fans na nagbabasa din ng stories ko. Sana magkaayos na lahat at tumigil na ang bashers.

Sorry sa mga typo errors wala talaga kong time magreview bago ipost tska super nagmamadali ako magtype dahil mas nauuna yung isip ko kesa sa daliri ko pag nagsusulat ng stories kailangan mahabol ni hand si mind heheh and para makatakas sa boss ko hahahah

So ayun…looking forward to reading your comments..super yung talaga inaabangan ko sa inyo yung mga comments nyo ^_^

~Marikit

Continuar a ler