Invisible: The Player Killers

By yeppome

14.1K 301 37

WRITTEN BY YEPPOME----- Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin? Storya... More

Prologue
Madaldal na Author's Note:
Let's start here.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Author's Note:
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Note: Story behind
Ano nga bang magandang gawin kapag umamin sayo ang kaibigan mo na mahal ka niya?
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Author's Note:
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Epilogue 1
Epilogue 2: Final Goodbye
Bye bye!

Chapter 22

219 3 1
By yeppome

Dedicated to one of my inspirations in writing, Alyloony! Idol! =3=

Dahil natutuwa ako sa The Legal Wife, I posted another update! Hindi ako makakapagupdate tomorrow. Hope you'll vote for this and comment. Enjoy reading guys! Kirt and Paige on the side bar. And also the song =3=

PAIGE'S P.O.V.

"Thank you po!" 

Ngumiti ako sa saleslady noong iabot nito ang gitara na binili ko, syempre, kasama ang tuner. Omaygaaaad! Nakakatuwa pala yung feeling no? Yung feeling na sa hinaba-haba ng prusisyon ko, tag-gutom, luha, pag-iisip ay sa tindahan pa rin ng gitara ang tuloy ko. At heto na hawak ko na ang regalo ko para kay Kirt. 

Kinikilig ako! Hahaha. Kinikilig sa sarili ko, baliw na yata ako. Ang ganda kasi noong gitara. Hindi lang siya pangkaraniwan na acoustic guitar. Ibang klase yung style nito, kulay pula ito at may mga designs na astig! O'yeah. Bagay na bagay to sa kanya. Mahilig pa naman siyang tumugtog talaga. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at dini-al ang cellphone ni Julie. Lenchak na bespren yan, nakakamiss! Simula kasi noong dumating ang mga asungot niya sa buhay. Ayon, minsan na kami mag-hang out. Kumbaga, nagaadjust pa siya sa bago niyang 'life' pero bakit si Romie? Kasama niya palagi. Hay. Nubeyen. 

"Julie?"

"Bespren! Nakakamiss ka, alam mo yon? Kahit magkasama lang tayo kanina, no?"

"Ugok, oo na. Onga pala, sasama ka ba sa party ni Kirt mamaya?"

"Anong oras na ba?"

"4:30pm na bespren. Sama ka ba? Invited ka naman yata eh"

"Hmm. Ikaw ba, sasama ka?"

"Magtanong pa kaya ako kung hindi ako sasama no?" Ugok minsan tong si Julie eh, no? Siguro iniisip niya di ako pinansin ng one week  ni Kirtmyloves. Pwes, she's wrong!

"Ay syempre, nagsisigurado. Sasama ka ba?"

"Oo, tutal. Kakabili ko pa lang nitong gitara na regalo ko sa kanya. Ang ganda ganda nga ehh"

"Huwaw, ikaw na talaga. Da best 'hindi girlfriend' ka talaga"

"Ugok, ano ibig sabihin non?"

"E hindi ba yung iba sinasabi, 'dabest girlfriend ka talaga'? E, di ka naman girlfriend e. Pero da best ka! Hahaha'

"Ang sakit non, Julie. Bahala ka, basta pupunta ako. Tawag ka na lang sakin ha? Sunduin ka namin ni Macko o kaya naman ay sabay na kayo ni Romie"

"Sige, bespren. I'll let you know kung makakapunta ako ha? Baka kasi di nanaman ako makatakas dito sa bagong kastilyo ko. Ugh"

"Hay nako, kung pinapatay mo na yang mga yan"

"Paige!"

"Joke lang, sige na. Bye bye!"

Aish. Dapat kasi hindi na nagtataray at nagtitiis pa e, dapat pumapatay na lang! Hahaha. Joke. Okay, ako na brutal. Dumiretso na agad ako sa bahay pagkatapos kong bumili ng gitara. Hmm, kamusta kaya si Kirt? Excited na ako for his birthday party! Yearly naman may ganito pero ngayon lang ako excited kasi syempre maganda ang regalo ko sa kanya. Nakakatuwa. Yieee. 

Pero ano ba silbi ng regalo ko sa kanya kapag nakita na niya ang regalo ni Phoebe? Miski note o  medyas na butas yon, mas importante yun kay Kirt.  Sigh. Hampas ko sa kanila itong gitara eh. 

Hindi pumasok si Kirt ngayong araw na to. Siguro naghahanda na siya. Si Phoebe pumasok naman. And you know what's weird? Siya yung kasama ni Macko the whole day. Well, mostly, alone si Macko. Pero ni hindi man lang niya ako kinausap today? Hmp. Makamandag talaga si Phoebe. Palengkerang palaka! Amp. 

Batiin ko kaya si Kirt? Tama. Tatawag ako. Yieeee. 

Calling Pare Kirt....

"Hello, Paige? Napatawag ka?" Ang cute cute ng boses niya! Eeep! =3=

"Pare! Kirt! Happy Birthday to you! Happy Birthday to you. Happy Birthday Happy Birthdaaaaay! Happy Birthday to youu!" Oh ayan, kinantahan ko pa siya. Habang kumakanta ako, naririnig ko yung mahihina niyang tawa. "Sana maging masaya ka ngayon, araw mo to ehh" dagdag ko. 

"Thank you, Paige. Salamat talaga andyan ka. Dapat hindi ka absent mamaya, ha? May gusto rin kasi akong sabihin. Marami, Paige. Maraming marami"

"Marami din akong gustong sabihin, Kirt. Believe me"

"Hahaha. Mukhang parehas lang naman sasabihin natin. Susunduin ka ni Macko, right?"

"Yup"

"Si Julie, kasama mo?"

"I don't think so. Mukhang di siya makakatakas sa kulungan niya ngayon. Sana makagawa ng way si Romie"

"Sana nga. Anyway, pwede bang..Ano...Pa-pasabay na rin si Nikki?"

Natigilan ako. "H-ha? Bakit di ikaw ang sumundo, Pare?"

"Ayaw niya, Pare eh. Ewan ko don baka may surprise sakin? Hahaha. Pero tinext ko na si Macko. Di pa siya sumasagot. But could you please tell him na sunduin si Nikki at isabay na? Please?"

"S-sige. Syempre, di siya mawawala sa birthday mo" nalulungkot kong sinabi. 

"Yeahh, she'll sing a song for me. May mini program kasi ako"

"Kakanta siya?" tanong ko. Sabi na e, may part talaga siya sa program. Di mawawala yan. 

"Yep, she'll sing solo and we'll sing a duet. Cool right?"

"Yeah, definitely" sabi ko ng nanlulumo, alam niyo na siguro yung tono. 

"Ay pare. Tinatawag na ako noong mga trabahador ko. Sandali ha? May inaayos lang kami. Basta text me kapag malapit na kayo para masalubong ko kayo, ha?"

"Sige pare. Happy Birthday ulit!"

"Thank you, Paige"

And then nawala na yung tawag. Nangiti ako sa napagusapan namin at pinisil ang cellphone ko, idinikit ko ito sa dibdib ko. Wari kinikilig kasi ako. Alam mo yon? Hahaha. 

"HAYYY KIRT MY LOVES TALAGAAA~" sabi ko tapos nag-free fall ako sa kama ko, nakatitig ako sa taas ng kwarto ko. Dito ay may imaginary picture ni Kirt palagi. Dito ko nakikita ang moments namin dalawa, pictures niya at mga ngiti niya sakin. Syempre, invisible. Lahat ay kathang isip ko lamang. 

Dumial ako sa celfone ko at tinawagan si Macko. May number na rin niya ako sa wakas! Malamang, siya lang naman yung masungit na nagtetext sakin ehh. Wala ng makakabura nito ulit. 

"What?" malamig niyang sagot. Grabe naman ito. Napaka-cold! T^T

"Wala man lang, hello? O hi?"

"What do you want now?" Aish! Ang taray nanaman. Nasaan na kaya yung isang ispirito nito na mabait? Tulog yata. 

"Susunduin mo ako diba? Mamayamg 6pm? 5pm na ohh. Magready ka na ha?"

"Yeah, whatever"

"Teka bakit parang tinatamad ka? Hoy baka mamaya di mo ako sunduin ha? Sinabi mo yan! Wag kang papalpak sa usapan!"

"Yeah whatever"

"Tipid sumagot a. Kala mo Twitter to na may limit na 160 characters lang ang sasabihin"

"Pssh. Do you have anything important to say?" sabi niya ng masungit. Ay grabe, ibababa kona nga itong tawag. Bumababa lang self-esteem ko sa kanya e. Feeling ko tuloy ang sama ko kausap. Huhuhu. 

"Wala, yon lang. Tsaka pinapasabi ni Kirt na sunduin mo rin daw yang pinsan mong si Phoebe. Yon lang. Byeers!"

"She won't come"

*toot toot toot*

Pinatay ko na yung tawag kasi baka mamaya ang isagot lang niya sakin ay kung ano ano nanamang katarayan na hindi makakacontribute sa Mother Earth and---

WAIT A SECOND...

Dial ulit. Dial, dial, dial. 

"What now?!" sinigawan niya talaga ako over the phone. Babatukan ko to mamaya. 

"What do you mean she won't come?"

"She won't"

"She can't?" Iba kasi ang meaning non, hindi ba?

"She can but she won't. Stop calling me, moron"

*toot toot toot*

Napatulala ko sa taas ng kwarto ko dahil sa tawag na yon. Hindi dahil sa kasungitan ni Macko. Sanay na ako don. Mamaya, baliw na ulit yon. Kundi dahil sa sinabi niya..

Phoebe can't come to Kirt's party?

Oh wait, lemme rephrase that. 

She can come but she won't. So ibig sabihin, kaya niyang pumunta. Wala siyang schedule or anything pero hindi lang talaga siya pupunta? Omaygod. I must tell this to Kirt. 

Wait lang, wala ako sa posisyon sabihin. Tsaka baka mamaya tinitrip lang ako ni Macko. Malay mo ba naman kung may surprise yung palakang yon na hindi naman ako kasali kaya di dapat iinform, hindi ba? Siguro nga. Sana nga. Sana pumunta siya. Para maging masaya si Kirt. 

Ako na yung tipo ng nagmamahal na hinihiling na magkasama yung taong mahal ko at taong mahal niya kahit nasasaktan ako. Wala e, gusto ko masaya siya. 

Mabilis akong naligo at binlow-dry ang buhok ko. I need to be pretty tonight. Inilabas ko yung matagal ng pinapatry sakin ng maarte kong mommy na curlers. Try ko magkulot ngayon. Nagmake-up rin ako at ang outfit ko? Bongga! Well, simple pero basta BONGGAA!

Saktong 6pm, tapos na ako. Lumabas na ako ng kwarto. Wala pa naman si Mommy sa bahay nasa work pa. Kaya mag-isa akong naghihintay sa salas. Hawak hawak ko yung regalo ko para kay Kirt. Magustuhan ka sana niya. 

At sana ako rin, magustuhan. Chos! =3=

Time flies so fast, indeed. Akala ko sa mga Valedictorian Speeches lang yan sinasambit pero potek na yan! Nasaan na ba si Macko? What time is it na ba? 6:30 na oh! Baka mamaya iniisip ni Kirt na hindi na ako pupunta. Argghh!

Tinext ko siya ng tinext para makulitan siya. He hates spams. Well, iispam ko siya. 

To: Cheesefreak

Nasaan ka na? Dalian mo kundi magiingay ako ng magiingay sa kotse mamaya. Sige ka. 

I sent it to him for like....25 times? Multiplied by two? Hahahaha. Oh yes. Bahala ka sa buhay mo magbura Macko. 

Time Check: 7:00pm

Uwaaaaa! Langhiya. May plano pa kaya yon sunduin ako? Huhuhu. Feeling ko nada-dry na ang make-up ko. Ang ganda ko pa naman tonight. Huhuhu. Narinig kong may tumigil na sasakyan sa labas at may nagbukas ng gate namin. Yes! Andyan na siya. 

*dingdong*

Uwaaa! Siya na! Siya na talaga yan. Omaygad. Madali kong binuksan ang pintuan namin and behold, Macko on my front door. I smiled big. 

"Kanina pa kita iniintay! Saan ka nanggaling? Grabe, Macko! Ihit na ihit na akong umalis. So, ano. Tara na?" tanong ko sa kanya na di nakatanggap ng kasagutan. He just stood there frozen staring at me. 

"Hoy! Baluga ka. Tara na?"

Aba, at di pa rin sumasagot. Nakatitig lang sakin. Creepy! Although he looks cute. He..is creepy. Ugh. Creepy...in a cute way. 

*poke*

Ugh. 

"HOY!" sabi ko sabay hampas ng malakas sa braso niya. Para namang nagising siya noong ginawa ko yon. "Ano ba? Nagagandahan ka sakin, no?"

"No..It's just.."

"It's just what?"

He smiled at me which cleared the tension between us. Nakaka-enlighten kasi ng mood yung ngiti niya. "Yeah, you're beautiful tonight. Very beautiful. Let's go?"

"Thank you?"

Inoffer niya yung braso niya at humawak ako rito. Naka-abresyete kaming lumakad papuntang sasakyan. Just as I remembered na may dala pala akong gitara sa balikat. Sus, hindi niya napansin?

"Di mo lang ako pinagdala ng gitara" sabi ko ng nakapout. 

"Sus. Regalo mo, dala mo" sabi niya ng masungit tapos ay pumasok na kami sa loob ng kotse niya. 

Chineck ko muna yung itsura ko sa salamin sa kotse niya, doon sa bandang taas? Oo, don. Nag-retouch agad ako sa  mukha, sa lips at medyo tinease ko yung buhok ko. Napatingin ako kay Macko ng maramdaman na hindi pa pala kami naalis. 

He's smiling at me when I looked at him. 

"Don't need to retouch, Paige. You look fine. Very beautiful"

"Really?" I said dreamily.

Tumango siya. "Your beauty is like a vista...worth a lingering stare"

"Th-thanks" I stammered! Gash. Eh bakit kasi ganoon yung pagkakasabi niya no? Medyo....nakaka...

Nakakakilig. 

Seryoso, no one has ever told me that. Macko's so sweet. I smiled at him and then he focused his eyes on the road and he started driving. Malapit lapit na kami pero iniisip ko pa rin yung linya na sinabi ni Macko. Mala-teleserye! Teka..

Lumingon ako sa backseat ng kotse. Walang tao. 

"Macko? Where's Phoebe?" tanong ko. 

He smirked. "Told ya she won't come"

"Eh anong dahilan? Birthday ngayon ni Kirt diba? Sinabi niya ba sayo kung bakit?"

"None of your business, Paige. It's your night"

"What do you mean 'my night'?"

"Phoebe won't come. So...Kirt is all yours tonight. You have plenty of time to be with him. You want him solo right? Then there you have it. Masosolo mo na si Kirt" 

He sounded sad and worse. He didn't took his eyes off the road. But there's something that bugs me, really. Nahihiya lang akong itanong kay Macko eh. Pero sige..

"Macko..Why...Why does it feels like you have something to do with Phoebe's abstinence on Kirt's party? Do you have?"

He laughed. A laugh that sounded fake, seryoso. "I don't know. Paige, paige, paige. Your feelings do really come along the way, always"

"I..I don't understand. Bakit nga? Bakit konektado to sa kagustuhan kong masolo si Kirt? Teka nga..May kinalaman ka talaga no? Umamin ka! You're doing our plans without me?" 

"No. I have nothing to do with Phoebe's reason why she won't come. And I care less not. End of conversation, understood?"

Tumango na lang ako at tumahimik. May kinalaman dito si Macko. Ramdam na ramdam ko. Ewan ko ba basta malakas yung radar ko sa ganito. Nagflashback bigla yung mga pinaguusapan namin ni Macko sa rooftop almost everyday. Yung mga kaartehan ko at pagnanasa kay Kirt. Yon. Pero ewan ko kung bakit feeling ko may konekta to. 

Psh, I'm not that special to Macko for him to do such things like that. 

Siguro nagiisip lang ako ng kung ano ano. Mas maganda siguro kung ihanda ko sasabihin ko kay Kirt. Tama, yun na nga yon. We acted like nothing happened but I really want to say sorry to him para mawala yung awkwardness. 

"We're here" he said, stopping the car.

Ngumiti ako sa kanya at lumabas ng kotse. Whoosh! Malamig pala. Naka-dress kasi ako, sleeveless dress ito. Lakas tuloy ng hampas sakin ng malamig na hangin~ Ajuju. Napayakap ako sa sarili ko bigla. 

"Lamiig" bulong ko. 

"Lakas mo maka-sleeveless tapos di mo kayang panindigan? Psh"

Inirapan ko lang siya at di na umimik. Keribels ba niya? Para kay Kirt to, tiis lamig. Tiis ganda to. 

Pumasok na kami sa loob at nakita kong marami-rami na rin ang mga tao. Naririto halos lahat ng mga katropa, mga wannabees, mga sikat, mga varsity, at lahat ng uri ng estudyante sa school.

"Wow, all sorts of students here" 

"Yeahh, Kirt is really friendly, no? Lahat ng estudyante, kinakaibigan niya. He's one of a kind" I said, dreamingly~

"Basta kay Kirt lahat napapansin mo"

"Sungit mo talaga" sabi ko tapos inirapan ko siya at nagsimulang lumakad papasok. 

Iwanan nga kita dyan. Puro reklamo, puro pagsusungit. Ugh, basta ako masaya ako ngayon. I'm pretty with my dress and heels and my curls! Omeygeee~ Wala si Phoebe. Yahoo. 

"And all that I get is the label of 'masungit' What a happy life

Lumingon ako kay Macko. He looks sad, nakatingin lang siya sa sementadong daan papasok sa bahay nina Kirt. I...I heard him. Loud and clear even if he whispered it. I felt guilty, suddenly. Bumalik tuloy ako sa kanya at pinulupot ang braso ko sa braso niya. 

"Tara!"

"Na-ah" He stayed on his position. Di siya umaalis kahit hinihigit ko siya. Trip neto?

Tiningnan ko siya ng masama. And then our attentions got caught with some of the people walking towards us. Galing sila sa loob ng party ni Kirt, siguro. Kilala ko tong mga to. Mga basketbolista ito e. 

"Hey Mack! Hot girl you got there" sabi nito tapos nag-apir lang kay Macko at umalis na. 

Sumunod sa lalaking yon ang isang grupo pa ng mga kalalakihan na hindi naman yata mga basketbolista. Nakatingin sila sakin...samin. Dahan dahan sila maglakad kasi magkaka-akbay sila. Parang mga lasing, bangag T__T 

Tumingala ako kay Macko at nakita kong masama ang tingin niya sa mga to. 

"Kilala mo sila?" tanong ko.

"Hindi" sagot niya. 

"Eh bakit nakatingin sila sayo?"

"They're looking at you" 

And that moment when he answered, he pulled me by my waist and tucked me on his side. Nagulat ako sa ginawa niya, tumingala ako sa kanya pero doon pa rin naka-focus ang tingin niya. 

"Bakit sakin sila nakatingin?" tanong ko. 

Pero di niya ako sinagot, pinagmasdan lang niya na maka-daang lagpas samin ang grupo ng mga kalalakihan na yon. Masama pa rin ang tingin niya. 

"Huuuyy, bakit nga?" tanong ko.

Humarap siya sakin. "Cause you look very beautiful.."

"E? Sadya yon! Hahahaha. Eh bakit ang sama ng tingin mo sa kanila? Nagagandahan lang sila sakin, no" sabi ko ng style-maarte. Hahaha. Haba ng hair ko tonight, told ya!

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko. Tiningnan niya ako mata sa mata. 

"Cause I don't want anyone to look licentiously on my beautiful vista..my vista.."

He sighed and took his leather jacket off. I continued looking at him in a puzzled way, lagi akong ganito. Mukhang eng eng. 

"Here, you'll look more beautiful if you look decent. Wear this. So you won't catch a cold tonight"

Isinampay niya sa balikat ko yung leather jacket niya pero umiling ako. "Wag na, Macko. Itsura mo ohh"

Tiningnan niya yung sarili niya. Oh-em-gee. Naka-sando lang siya ngayon. Hindi siya sando. "Tee" ang tawag sa kanya na may design na astig. Bale kasi naka-tee lang siya at leather jacket. Astig na porma no? And ohmy, kitang kita ngayon ang hot niyang bisceps and muscles and..

Manyak na yata ako. Tama na ito. 

"Wear this"

"No" sabi ko sabay tulak sa isinasampay niya ulit na jacket niya. "Lalamigin ka"

"Di bale ng ako wag lang ikaw" 

Nagkatinginan kami saglit. Isinampay niya yung jacket na yon sa balikat ko, hinawakan ko na rin ito. Buti bagay ito sa outfit ko. Hahaha. Mukhang di papatalo si Macko. Natahimik ako sa sinabi niya. He chills me down to the bone. Ugh. 

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you"

"You're welcome"

And then he turned his back and started walking....AWAY? 

"Hey, you won't come?" tanong ko. Saan ba to pupuntang mokong na to?

"I'll be back, Paige"

"Promise?"

Lumingon siya sakin. "No"

Iimik pa sana ako at itatanong kung bakit ngunit mabilis siyang nakapasok sa kotse niya at umalis na. Teka..Saan yon pupunta? Siguro may naiwan lang, no? Siguro babalik yon. 

Katext ko si Julie habang papasok ng bahay nina Kirt. Di siya makakapunta. Bwisit na Mamita na yan. Pero yon, ala Romeo and Juliet daw sila ni Romie. Sakto sa name nila. Naroroon daw sa baba si Romie, sinisilip siya. Ang sweet lang. Potek, kelan ako magkakaganon?!

"Paige!"

"K-kirt!"

Nasa labas na pala ako ng bahay. Nasa pool area na pala ako kung saan ang venue ng party, kakatext ko, hindi ko napansin. Agad naman niya akong niyakap. Yakap na...EMEGHED. Di ko inexpect!

"You came! Akala ko hindi na ehh. Oh, si..Macko?" tanong niya sakin. 

Lumingon ako sa likuran ko. "Uh..Babalik daw siya.."

"Wala pa rin si Nikki eh. Siguro susunduin niya, no?"

I half-smiled at him. Tumango na lang ako. Ayokong maspoil yung araw niya.  Hinawakan niya ako sa waist ko tapos naglakad kami papalayo sa mga tao. 

"Di pa naman nagsta-start yung program. Usap muna tayo, Paige?"

Tumango ako tapos umupo kami sa isang sulok ng garden. Napakaganda rito, pramis! Daming bulaklak at halaman. Malamang, GARDEN nga, ano po? Tahimik kami noong una and then..

"Paige"

"Kirt"

Natawa kami parehas. Anak ng destiny at apo ng meant-to-be oh! Sabay pa kami. Kiligs! :">

"Ikaw muna"

"Ikaw muna"

Natawa kami muli noong nagkasabay nanaman kami ng salita. Inayos ayos niya yung buhok niya habang nakangiti sakin. Nakakamiss to. For the past week, hindi ko siya nakitang ngumiti ulit sakin ng ganito. 

"Osige, ako muna" sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko, "Sorry, Paige. Ang dami kong sinabi sayo. Mga salita na hanggang ngayon ay hinding hindi ko pa rin nalilimutan. Ni hindi nga ako pinatulog eh!"

Hindi siya pinatulog? So...Iniisip niya rin ako? 

"Nasasaktan kasi ako sa tuwing naiisip ko na...sinaktan kita. Kaya sorry ha? Kakainis na emosyon kasi eh! Alam mo yon? Nadala lang ako. Nagmukha tuloy na teleserye yung nangyari satin, no?"

Natawa ako sa sinabi niya. "O'nga eh. Pero alam mo, ako yata dapat mag-sorry. Kasi naman, malay ko ba naman na pinagseselosan ako niyang palaka mong girlfriend-- Ay etse..Girlfriend mo pala"

"Well, she has her flaws. And something she can be so..."

"Paranoid?" I asked and then he chuckled. 

"Yes, paranoid. She sometimes lacks trust. Pero that's okay, I can handle her. I love her. I really do"

"Mahal mo na siya talaga, no?" tanong ko sa kanya. 

Nangiti siya ng kaunti at pagkatapos ay tumingin sakin. "Do you think I would go this far if I don't really love her? Of course, I do"

"This far?" tanong ko, di ko kasi naintindihan kung ano yung pinapatungkulan niya noon. 

"Umabot ako sa nasaktan ko ang best friend ko para lang sa kanya"

Dead-end. That's what I felt with what he said. Unimportant and useless to him. Feeling ko, ako yon. Siya na mismo yung nag-sabi na sinaktan niya ako para kay Phoebe. Mahal niya talaga yon, no? Sana ako rin. Nakakalungkot naman. Hays. 

"Kaya sorry. Sorry Paige. Natakot akong pansinin ka this whole week dahil pakiramdam ko galit ka pa sakin. Tsaka natakot ako na baka magalit si Nikki sakin kaya--"

"Kaya hindi mo ako pinansin? Ganon ba? Ganoon pala ako kawalang importante sayo, Kirt. Okay lang na mawala friendship natin ng tuluyan, wag lang magalit yan girlfriend mo sayo. Tama ba?"

"Paige..Hindi naman.. Pero..."

"Pero tama ako?" I smirked. Hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko, so I let it out. He needs to hear a bit of me. 

Tumungo siya at parang nahihiyang tumingin sakin. "Ta-tama ka..Pero..Pero kaya nga heto na ako..Sorry, Paige. Sorry talaga. I felt guilty to think of that our relationship is worth to keep than ours"

Pinipigilan ko yung sarili ko umiyak. Ayoko, di ako iiyak sa harapan niya. Ayoko. 

"Then what made you changed your mind and invited me to this party?"

"Not 'what', it's a 'who"

"So, it's a person. Imposible naman na kinumbinsi ka ni Phoebe na makipagbati sakin no? Kasi parang ang--"

"Si Macko. He talked to me"

And then finally, he glanced up to me. I was shocked with the name he stated. I..I...Can't believe that...It's Macko that..

"He talked to me, Paige. Well, at first, he told me that you're not his girlfriend. Tapos sinuntok niya ako ohh" tinuro niya yung parte ng mukha niya na medyo may maliit na pasa.

"Sinuntok ka niya? Napakasama talaga non!!"

"No, he's not, Paige. He's helping me. Pinarealize niya sakin na mali ako. Na nagiging selfish ako sayo. Tama siya, wala kang kinalaman sa mga pictures na kumalat. Wala kang kinalaman sa relasyon namin. Kaya bakit nga naman kita iiwasan? Unfair, diba?"

"Si..Sinabi niya yon?" 

"Oo. Noong nasa rooftop kami. Sabi niya sakin, mag-usap daw tayo sa party ko. Well, natakot ako noong una kasi Nikki hates to see me with you pero sabi niya, Nikki won't mind. Siya na daw ang bahala. So, yon. Pinaalam ko na rin naman kay Nikki na maguusap tayo. Then she approved"

"So kailangan lahat ng gagawin mo, approved siya?"

"Sometimes"

"Ugh. Battered boyfriend"

"Battered boyfriends have their reasons. They love their girl. That's all"

And he's a battered boyfriend. Thus, he loves Phoebe so much. Ugh, curse that logic! Ayoko ng isipin. Amp, wag na nga lang. Di na nga ako makikipaglaban pa. Tutal, kahit naman anong sabihin niya. Walang magbabago. I still love him, he doesn't love me, and I will forgive him no matter what.

Can I be called a 'battered' admirer for that? 

I have my reasons. I love him. That's all. 

"So...Friends?" iniabot niya yung kamay niya sakin.

I looked at him and smiled. I love this guy. Wala akong magagawa. I'd rather lose my pride than lose him. 

"Best friends" I shook his hand and then niyakap niya ako. 

"I really missed you, Paige" sabi niya habang kayakap ako. 

"Miss mo lang mga libre ko"

"Yes, that's included"

Natawa kami parehas at pagkatapos ng napakasweet na yakap na yon. O, ang OA ko magdescribe. Hahahaha! Kinikilig kasi much ako. Tumayo na kami. At bago ko makalimutan..

"Kirt. May ibibigay pala ako sayo"

"Ano yon?" he asked, smiling. 

Tinanggal ko sa balikat ko ang naka-sabit na case. Iniabot ko ito sa kanya. 

"Sana magustuhan mo. Happy Birthday"

Kinuha niya ito sakin at binigyan ako ng nagtatakang itsura. Binuksan niya yung case at napa-nganga siya sa nakita niya. Inilabas niya yung gitara at nagstrum strum ng kaunti. 

"Where..Where do you got this? It's..It's beautiful, Paige. Thank you" sabi niya habang pinagmamasdan ang gitara na bigay ko. 

"Dyan lang sa tabi tabi. Nabalitaan ko kasi na hindi na naibalik yung gitara na pinahiram mo sa isang kakilala mo. So, yan. Naisip ko na baka namimiss mo na tumugtog at.."

(*________________________*)

Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil sa isang halik sa pisngi na naramdaman ko kasabay ng isang mahigpit na yakap mula sa kanya. 

"Thank you, Paige. Thank you sobra. Ang ganda nito"

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo, sobra! Sobra kong nagustuhan, Paige. Gustong gusto ko" sabi niya sabay alpas sa yakap ko. 

"Sana ako rin magustuhan mo" bulong ko.

"H-ha?" 

"Ah...Ano! Wala. Ano kasi..May isa pa akong regalo..Sana magustuhan mo rin..Ito.." inilabas ko yung tuner na binili ko, "It comes in the package"

Iniabot  ko ito sa kanya at ngumiti muli siya sakin. "You're really awesome Paige. Thank you. Napakabait mo, kaya mahal kita eh!"

"Eehh, sana totoo yan"

"Totoong totoo!"

Inakbayan niya ako at lumakad na kami papunta sa pinaka-venue ng party niya. Nakakatuwa naman. Nakakatuwa makita yung mga ngiti sa mukha niya na buhat ng regalo ko para sa kanya. 

"Ano nga pala ipapangalan mo sa gitara na bigay ko sayo?" tanong ko.

"Kailangan ba may pangalan yon?" tanong niya. 

"Oo naman! Dali pangalan mo! Yung makakapagpaalala sayo tungkol sakin, dali!"

"Hmmm, alam ko na! Papangalan ko siyang 'Ki-teh'"

"Bakit 'Ki-teh'? "

"Para ka kasing kite-kite. Napakakulit! Hahaha. O siya, yon na yung name non ha?"

"Baluga ka talaga, Pare. Bahala ka"

Pero nakakatuwa dahil naisip niya ako. Yieee! Magkaakbay kaming bumalik sa venue. Marami rami na ang tao. 

"Dito ka muna, ha? Magentertain lang ako ng dumarating na bisita" sabi niya sakin at inupo ako sa isang lamesa. Tumango lang ako sa kanya. 

Mula dito sa lamesa, kitang kita ko na yung tropa ko na si Ejay na nasa Buffet Table. Ay susme, doon na tumambay oh. Napaka-takaw talaga =____= Pinagmasdan ko naman itong dalawang sweet na sweet na kasama ko rin sa lamesa ko. Nakakainggit naman =___=

"Excuse me?" 

Lumingon ako sa boses na yon.Ako yata yon. 

"Hi" Ay ang cute naman ngumiti ni Ate na nasa harap ko. Tapos ang gwapo gwapo ng kasama niya na...asawa niya yata o boyfriend niya? Ay ewan. 

"Hi" nahihiyang sagot ko. 

"Girlfriend ka ba ni Kirt? Sorry to ask ha?"

"Chismosa" bulong ng katabi niyang lalaki.

"Ssh, wag ka maingay" sabi nito sabay hampas sa katabi. 

Ngumiti naman ako sa kanila. 

"Hindi po, hindi po ako girlfriend ni Kirt. Best friend lang po" sabi ko ng nahihiya. 

"Dyan nagsisimula yan" dagdag noong babae, yung tono niya nang-aasar. Ay bet ko to! Hahaha. 

"Hahaha. May girlfriend po siya ehh. Di po pwede" sabi ko.

Nakita ko naman ang disappointment sa mukha noong babae. 

"Sayang, bagay pa naman kayo. Diba Tutee?" sabi nito sabay tingin sa lalaking katabi niya. 

"Mas bagay tayo" sagot noong lalaki. 

"Syempre, true love tayo ehh. Pangit ka, maganda ako"

"Bakit parang baliktad?"

"Ugh!"

Tapos nagtawanan silang dalawa. Ang cute cute nila tingnan! Gwapo yung lalaki na kasama niya tapos yung babae, maganda rin. Ang cute pa ng samahan nila. Hayy~ Love love love~

"Ah, matanong ko lang po, kaano-ano po kayo ni Kirt?" tanong ko. 

"I'm Mark Lurves, his cousin. And this girl beside me is Lychee, my fiance"

(Hi! Kaway kaway tayo sa casts ng She's O.B.M. May guesting sila dito sa kwento na ito. Hahaha!)

"Ah, wow naman. Ang cute niyo pong dalawa, pramis. Sana may ganyan din ako. True love, hays" sabi ko ng kinikilig, kasi naman ang cute kaya nila! :">

"True love? Hahaha. Well, you got that one right. Marami rami na rin kaming pinagdaanan nito" sabi niya sabay akbay kay Lychee na fiance niya daw. 

That girl smiled, "Yup, don't worry you'll find yours too. At siguro mahaba haba rin ang dadanaan mo. Malay mo maging O.B.K, ka? Hahaha. Kidding!" sabi nito tapos tumawa. 

O.B.K? Ano yon? O____O 

"Hahaha. Akin lang yon, Pandee. Maybe Kirt has his own ways"

And his own girlfriend, by the way. Hays, nagkwentu-kwentuhan lang kami ng medyo matagal tagal habang iniintay ko si Kirt na dumating. Sana balang araw, maging kasing cute din ng relasyon namin si Kuya Mark at Ate Lychee. Di pala sila nagsimula ng ganoon kaganda. Pero natapos ang love story nila ng maganda. Ay hindi pala. Hindi pa natatapos ang love story nila pero alam nila na maganda ang patutunguhan nito. 

Sana ganoon rin kami. 

Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok na si Kirt at palakad na papunta sa direksyon namin ng malungkot. Bakas sa mukha niya ang disappointment at pagkalungkot kaya tumayo ako para puntahan siya. 

"Kirt, anong problema?" tanong ko

He stopped and looked at me. Nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mata. Hala, bakit?! 

"She..She..Won't come.."

And then he walked away from me and I stayed on my position. Sabi ko na nga ba, sasaktan lang siya ni Phoebe. Lechugas na palaka yon! Huhuhu. So totoo pala. Totoo na hindi siya pupunta? 

Hinabol ko si Kirt at iniharap siya sakin. At daglian niya akong niyakap, narinig kong umiiyak siya kaya hinaplos haplos ko ang likod niya. 

"Ssh, it's alright. Ano ba daw ang dahilan?"

"She..She said...She has a very..Important..Important appointment.."

"More important than you?"

Umalpas siya sa yakap ko at parang bata na pinunasan ang mga luha niya. Nalulungkot ako para kay Kirt. 

"Maybe because I wasn't important at all"

"Ssh, don't say that. Baka naman importante lang talaga, wag mong isipin yon Kirt. Birthday mo to. Araw mo to. Don't let that thought spoil your day. Come on! Maging masaya ka. Nari--Narito pa rin ako, oh. Importante ka sakin"

"Importante ako sayo?"

"Oo naman! Kaya nga ako naririto, diba? Gusto ko masaya ka ngayon. Kaya ngumiti ka para sakin ha? Para naman di sayang tong dress na sinuot ko ngayong gabi. Babaeng babae nga ako ohh" sabi ko tapos nagkikay pose ako sa harap niya.

Natawa siya. Yes! Achievement! "Ikaw muna si Nikki, Paige"

Tapos inakbayan niya ako pabalik sa lamesa. Nakakalungkot. 

I didn't like it's sound. Ako muna si Nikki? Huhuhu. Hindi ba pwedeng mahalin niya ako bilang sarili ko? Bilang Paige? Ang sagot? Hindi. Tama na, kakain na lang ako sa birthday niya. 

Maganda yung naging flow ng program. Maraming mukhang unggoy na naki-sayaw, naki-kanta sa mga tugtog sa party. Actually, sobrang saya nga nito. Napapasayaw tuloy ako. Tugs tugs tugs~ 

May mga taong, loner. Puro text ang ginagawa at halos di umaalis sa lamesa. May mga taong friendly, papicture dito, doon, kwentuhan dito, doon. At may mga taong kunwari'y friendly pero malandi pala. Ayon, kuha ng kuha ng number ng mga tao. Ay jusmiyo~ At mga party people, sobrang wild sa dance floors! At ang matatakaw....AYON. Tambay sa buffet table. Tuwang tuwa sa Chocolate Fountain. Mga bungol. 

Hmm...Pero dini-differentiate ko kami ni Kirt sa kanila...

We're talking here on the table. Kumakain tapos sasayaw. Ang sarap nga sa feeling eh, walang Phoebe. Walang epal. Ang saya saya. Feeling ko tuloy SOLO na SOLO ko siya at ako ang girlfriend niya. Although, I know. Malungkot pa rin siya. Dibale, ako bahala sa kalungkutan na yan.

"Paige?"

"Hmm?"

"Anong meron sa inyo ni Macko?"

"Sa..Sa amin?"

"Oo, pansin ko kasi mas nagiging close kayo ngayon. Parang lagi kayong magkasama. May something ba sa inyo?"

"Something? Pft. HAHAHAHA. Ano ka ba Kirt. Wala no! At hindi magkakaroon. Ba't mo naman natanong yan bigla bigla?"

Tinuro niya ako at napatingin ako sa suot kong jacket. 

"Kannya yan, diba?"

"Ah. Oo. Bakit?"

He smirked. "Alam mo ba, kilala ko si Macko. He's quite an uptight person. Misteryoso na kung misteryoso, si Macko yan. At kung di mo papakasamahan, mawawalan ka ng isang mabuting kaibigan"

I nodded. Tama siya. Kulang lang sa pakisama at intindi ang personalidad ni Macko. He's a good person. He's a good friend. Malaki siyang kawalan.

"Kalog yan minsan. Napakakulit, wagas magpatawa. Pero may mga pagkakataon na sobrang tahimik niya na minsan feeling mo--"

"Feeling mo ikaw may kasalanan?" sabi ko sabay tawa sa tinapos kong sentence niya.

He nodded. "At! Gusto mong gumawa ng paraan na bumalik siya sa Macko na makulit, hindi ba?"

"Kuhang kuha mo! Hahaha!" sabi ko tapos nag-apir kaming dalawa. 

Tapos tumigil siyang tumawa. "Pero may isang bagay akong alam kay Macko...He...He's never been in love"

"Ta-talaga? Akala ko nagkagirlfriend na siya?"

He nodded. "Maybe, yes. Marami na rin ang mga babae na lumagpas kay Macko. Gwapo e, mas gwapo nga sakin yun. Hahaha. Pero lahat sila di natagalan si Macko. Or let's just say di natagalan ni Macko. May naging girlfriend si Macko na akala kong seryoso siya pero di pala. Wala talagang makatagal"

"Bakit naman? May tipus ba si Macko?"

Natawa naman si Kirt sa sinabi ko. "Tipus? Hahaha. Baliw! Wala, no! Macko's just...not that...expressive with what he feels kaya nagtatampo madalas lahat ng girlfriends niya. At sa pag-aaway nila, iiwanan na lang sila ni Macko or minsan iiwan nila si Macko but in the end, hahabulin pa rin nila ito pero wala e...kaya naisip ko..hindi pa yan naiinlove..kasi.."

"Kasi ano?"

"Kasi kung mahal mo ang isang tao, magagawa mo ang lahat para sa kanya. Hindi ba? Beyond your imaginations"

Naisip ko yung sinabi niya. Tama siya. Beyond our imaginations nga. Tumo ako, hindi ko nature ang mag-ipon at maghirap ng tag-gutom pero para kay Kirt, sinubukan ko. Para kay Kirt, kinain ko pride ko at humingi ako ng sorry sa girlfriend niya. I did that because of love. 

"Ako nga e, isang buwan pa lang kami ni Nikki. I already did a lot for her. The efforts? Di man alam ng iba pero sobrang dami kong nagagawa para sa kanya"

"T-talaga? Gaya ng ano?" tanong ko. But deep inside, ayokong marinig ang sagot. Pwede bang takpan na lang tenga ko?

"Hmm. Marami e. Pero may mga times na naiinsecure siya sa family niya, tatawagan niya ako ng dis-oras ng gabi. At alam mo bang kahit 2am na noon ay pinuntahan ko siya sa kanila para mayakap lang siya..."

"...At isa pa, siguro alam mo nanaman yung ugali ni Nikki na madalas siyang mag-tampo, no?"

"Yeah, irritating right?" sagot ko.

Natawa naman siya ng kaunti. "Maybe. Pero naiintindihan ko kung bakit, she's from a broken family. And she cuts her wrist sometimes. Masyado siyang insecure. Sa pamilya niya, sa tatay niya, at minsan...sayo, Paige"

"Sa-sakin? Bakit sakin?" Tinuro ko yung sarili ko. 

"I don't know. Pakiramdam ko hindi naman dahil sa friendship na meroon tayo dahil noon, sobrang natutuwa siya sa friendship na meroon tayo. And then..BOOM. It changed. She became very...impulsive when it comes to you.."

"Impulsive? Sakin? Hindi ko maintindihan. Bakit?"

"I don't know, Paige. Believe me. Kaya nga, sorry. Sorry kung masasaktan ka niya sa mga salita niya. Yes, she's like that pero mabait yun, Paige. At ramdam ko na mahal ako non...sometimes"

"Sometimes? Hindi mo ba siya ramdam palagi?"

He smiled a little. "I..I sometimes feel insecure. Sa sobrang dami ng simpleng bagay na pinag-aawayan namin, naiisip ko na baka trip niya lang yon kasi ang babaw naman. Minsan ako na rin nagpla-play sa sarili ko na mahal niya ako kahit minsan, di ko ramdam. And it hurts me.."

I patted his back. Heto nanaman siya, letting his feelings out. Ramdam ko yung lungkot sa kanyang mga mata. Kitang kita ko. And it hurts me too. 

"Kahit boyfriend na niya ako. May mga pagkakataon na parang pakiramdam ko.....Invisible ako. Parang hindi niya ako makita, ni maintindihan.."

"Kung gayon, bakit hindi mo iwan?"

"Pfft. Ano ka ba, Paige. I love her. Minahal ko siya ng sobra. Everything she does is beautiful to me. I don't know why and I'm not giving up on our relationship, never. Sana lang mawala tong confusion na nararamdaman ko"

"It's not love when you're confused. Dapat sigurado ka, masaya ka. Ganon"

"But it's not love when it doesn't hurt, right? When you don't cry? When you don't sacrifice"

"Yes, tama ka pero sa sinasabi natin na to. Sino ba yung masasabi natin na nagmamahal ng totoo at hindi? Alam mo naman siguro no?"

Ngumiti lang siya sakin. Ngiting mapait. Hinawakan niya yung kamay ko at parang nilalaro laro. Tumingin siya sakin at kitang kita ko ang kalungkutan at kadesperaduhan sa kanyang mga mata. 

He feels invisible too. Posible pala yon kahit nasa relasyon ka na. 

"Okay lang ako, Pare. Wag mo akong alalahanin" sabi niya tapos ngumiti siya. Ngumiti na parang hindi peke pero ako na best friend niya, halatang halata ko na kunwari lang yon. 

Bakit ganon? Ang galing ng natin magkunwari kapag nasasaktan tayo, no? Pero minsan hindi natin kayang alamin kung sino ang nagkukunwari at nagpapakatotoo sa atin. The irony. 

"Marami naman kasing iba, Kirt. May nagmamahal sayo...Yung taong di ka iiwan, may kilala ako. Alam ko na--"

"Di ko siya kailangan, Paige. Nikki's my world now. Sorry na lang sa kanya" sabi niya tapos tumawa siya tapos kinurot ang pisngi ko. 

Sorry na lang sakin, hindi niya kasi ako kailangan. Kelan ba ako magiging mundo ng isang tao? Tipong sakin umiikot ang araw niya. Kulang ang isang araw kapag hindi niya ako nakausap man lang. Kelan kaya yon?

Ayoko na nitong pinag-uusapan namin. Nasasaktan lang ako. Ang layo ng inabot. Na kay Macko kami kanina, hindi ba?

"Teka nga lang, Pare. Na kay Macko tayo kanina. Tapos umabot dito. Ano ba konektado ni Macko sa love? Wala na yatang balak magmahal yon ehh"

"Meron, pare. Akala mo lang"

"Eh ano nga kasing konek ng pagkakakilala mo kay Macko sa akin? Ano yon? Di ko gets"

"Kasi may isang bagay pa akong alam kay Macko na baka hindi mo alam"

"Ano yun?"

Nagkatinginan lang kami. Ano ba yun. Sa hinaba haba ng paguusap namin, nawala si Macko. Dumiretso kay Phoebe. Ang gulo na. Sakit sa bangs!

"..to be rendered by our birthday celebrant! Around of applause, please!"

And then everyone clapped. Tumayo si Kirt at tumingin sakin bago pumanhik papalayo. 

"He's selfish. He sometimes doesn't care if his seatmate is dying or not. That's what his girls has been bugging about. Ni wala daw care sa kanila. Miski sunduin sila, aayawan pa."

"Oh tapos?"

"And sa lahat ng naging girlfriend niya, ikaw lang pinahiram niya ng jacket, Paige. Hindi ka pa niya girlfriend niyan. That's got to be something"

Ngumiti siya sakin at iniwan ako ng palaisipan. O' ano connect nanaman? Sorry ha. Di ko kasi maiconnect sa isip ko. Pakiramdam ko kasi si Macko, he's just being kind to me. Siguro kung may magugustuhan siyang babae. Posibleng si Julie pa. Maganda si Julie, masikap, matalino, sporty. Hindi katulad ko na medyo bitchy ang dating. But not as bitchy as Phoebe. Ang gulo, hayaan ko na nga. 

Umakyat na si Kirt sa stage. Ito na yata yung sinasabi niyang kakanta siya. Inilabas ko agad yung camera ko at tinutok sa kanya. I do this a lot. 

"Hey guys. You havin fun?" tanong niya habang hawak ang mic.

"HOOO!" Nag-cheer yung mga tao. 

"I just want to thank you for coming to my birthday. It means a lot, really. Sana nag-eenjoy kayo and I want to thank God for this life that he's given me, napaka-blessed ko"

"May pamilya akong supportive" sabi niya tapos tumingin siya sa pamilya niya tapos nagkangitian sila. 

"May mga kaibigan pa ako na makukulit at sinasamahan ako lagi sa mga kakulitan ko" sabi niya tapos nag-hoo lahat ng mga kaibigan niya, the varsity, the nerds, and halos lahat!

"At may bukod don, may isang taong nagpasaya talaga sakin tonight. She never left my side. And I thank God for her" 

Naramdaman kong tumibok ng mabilis yung puso ko ng mabilis. Yiee. Tumaas balahibo ko sa lamig at kakiligan ng....TUMINGIN siya sakin at ngumiti. Omaygaaad! Bakit mo ba ginagawa sakin to Kirt? Uwaaa! Shattap and kiss mehh! Hahaha. Joke. 

"And this song is for all of you"

And then the music started. I cheered for him kahit mukha akong shunga, jusmiyo, kinig to sa mga videos pero I don't care. I'll do everything for him. He sang 'When God made You' A beautiful song, saktong sakto at swabeng swabe sa boses niya. Ng matapos siya, bumaba na ito sa stage at nagpalakpakan ang mga tao. Well, he's really great, BTW. 

"And the next number is to be rendered by...Kirt's one and only...Nikki. Let's give her--"

Tumigil sa pagsasalita yung host ng senyasan ito ni Kirt. So, yun. Nagtugstugs ulit ang music. Mamaya na lang daw ulit sabi noong Host. Lechugas na Host. Di nainformed? Nalungkot tuloy si Kirt. It was supposed to be a special moment for him. 

Papalapit na ako sa kanya ng makita kong may kausap  pala siya sa phone. Hindi ako shunga para hindi makita na umiiyak siya. Kitang kita ko. 

"What? Ikaw pa ngayon ang galit? Seriously, Nikki! Di ka pumunta sa birthday ko na once a year lang tapos magagalit ka sakin ngayon? Ano ba problema mo, ha?"

Nag-aaway nanaman sila. I stayed there, watching him quietly. Wishing that he'll see me. Wishing that I won't be invisible this time. Ako naman, please. Mahal kita, Kirt. Di kita sasaktan ng ganyan. 

"..what? Yes, she's here. Mabuti pa nga siya, naririto. Ikaw, wala. Sagutin mo nga ako..Do you love me? Yung totoo?"

Malakas ang pakiramdam ko na baka ako yung pinaguusapan nila. Nagselos nanaman ang palaka. Butenga sa kanya. Sarap sapakin, ay. Pero iniintay ko yung kasagutan na maririnig ko. 

"..ewan mo sakin? Ewan ko rin sayo, Nikki. Mahal kita e pero--Hello? Hello? Nikki, hello?" 

Sinapo niya yung noo niya at ibinato yung cellphone niya kung saan. Wala naman nakakita rito kundi ako lang, agad naman akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. 

"Let it out" sabi ko sa kanya. 

"Pa..Paige..Mahirap..Bang sagutin yung tanong ko? Ang..Ang sakit.."

"Ssh, it'll be fine"

Matagal din kaming magkayakap ni Kirt. Halos pare-parehas lang ang sinasabi niya pero nakikinig pa rin ako. Pinaparamdam ko sa  kanya na sa lahat ng tao, ako lang ang nandito para sa kanya. Thus, we can be together. Hindi ba? Di nagtagal, bumalik na kami sa lamesa namin. Pugto yung mata niya kaya nag-shades siya. Malungkot siya talaga kaya nakaisip ako ng paraan. 

Tumakas ako sa mula sa kanya at kinausap yong host. Pumayag naman siya sa gusto ko, buti naman. Sapakin ko siya. 

"..to be rendered by a very beautiful girl right here"

Umakyat ako sa stage, ganda ng introduction ko. Hinawakan ko yung mic at bumati sa kanila. 

"Hi! Ano. Wala naman talaga ako sa program, kumbaga epal ako. Hahaha. Pero may isang tao lang ako na gustong mapasaya tonight kaya ko gagawin to" Tumingin ako kay Kirt na ngumiti sakin ng kaunti. "Birthday mo to, araw mo to. Sana maging masaya ka, Pare"

3....2.....1....

Hinga ng malalim. Wala sanang mag-video nito. Jusmiyo, para kay Kirt to. 

Pong chuwala (pong chuwalai)

Chi chi ri kong koila

Butse kik (butse kik) ek-ek-ek (ek-ek-ek)

Bo bochichang (bo-bochichang)

Chi chiri kong tong nang

Butse kik (butse kik) ek-ek-ek (ek-ek-ek)

Nagtawanan yung mga tao dahil habang kinakanta ko ito ay sumasayaw ako ng chicken dance. Tapos pakembot kembot pa ako. Tumingin ako sa direksyon ni Kirt at kita ko na tawang tawa siya sakin. Yes! At least napatawa ko siya. 

Chiri wong tong choi, toro kong tong loy

Chidang bo bochichang chiri kong nong nang

Chiring cho ro yak kang kong o-ohup butse kik ek-ek-ek

Mukha na akong timang dito. Huhuhu. Kung ano-anong stunts na ginawa ko at..Huhuhu. Dami cameras. Huhuhu. Pero napatawa ko na si Kirt. Okay na yun, achievement na yun. Yiz!

Tumigil na ako at umupo sa stage. May upuan kasi don. 

"Wooh, nakakapagod. Nabuhay ba kayo sakin? Hahaha. Well, hindi naman talaga yon kakantahin ko. Meron talaga akong kakantahin. Para rin ito sa may birthday. Sana pakinggan niyo"

May iniabot sa akin na gitara yoong host, sinabi ko ito sa kanya ehh. Tumahimik tuloy ang audience ko, iniintay nila ang kakantahin ko. Tumingin ako kay Kirt na nakangiti sakin. 

Para to sayo, Kirt. Sana maintindihan mo yung gusto kong iparating. 

Now Playing: Invisible

 ♪ She can’t see the way your eyes

Light up when you smile.

She’ll never notice how you stop and stare

Whenever she walks by.

I started out solemnly. The lyrics of this song might hurt Kirt but hey, I just want him to realize that Phoebe doesn't really care. I knew it! Narinig ko siya sa CR noon, hindi ba? Hindi ko pa lang sure at natatakot akong sabihin sa kanya ito. 

And you can’t see me wantin' you the way you want her

But you are everything to me.

Oo, Kirt. You are everything to me. We're like dominos. I fall for you and you fall for her. And we both fall hard. That's why we're hurt this bad. 

I just wanna show you

She don’t even know you,

She's never gonna love you like I want to.

And you just see right through me.

If you only knew me

We could be a beautiful

Miracle,

Unbelievable

Tumingin ako sa kanya at napalitan ng lungkot yung ngiti niya kanina. Oh noes, Kirt! Gusto ko lang naman kantahin sa kanya to e. Para sa kanya talaga to. Sana marealize niya.

Instead of just.....invisible.

Tumayo siya bigla tapos inilagay ang cellphone sa tainga. Pero hindi siya umalis sa pwesto niya, nakatingin pa rin siya sakin habang may kausap sa phone. 

♪ There’s a fire inside of you

That can’t help but shine through.

She’s never gonna see the light

No matter what you do.

Listen, Kirt. Pakinggan mo tong puso ko. I'm tired of being invisible. I'm tired of disagreeing on things about you and her. I want to start something new. Bakit hindi na lang tayo?

And all I think about is how to make you think of me

And everything that we could be

I just wanna show you

She don’t even know you,

She's never gonna love you like I want to.

And you just see right through me.

If you only knew me

We could be a beautiful

Miracle,

Unbelievable

Instead of just.....invisible.

Like shadows in a faded light

Oh, we’re invisible.

I just wanna open your eyes

And make you realize.

Dumiretso na agad ako sa Bridge. Mahirap na baka mamaya umiyak pa si Kirt. May kausap pa rin siya sa phone. Alam ko na si Phoebe yun. Siguro nag-aaway nanaman sila. Puro away nanaman. 

I just wanna show you

She don’t even know you,

She's never gonna love you like I want to.

And you just see right through me.

If you only knew me

We could be a beautiful

Miracle,

Unbelievable

Natapos na yung tawag niya. Nakatingin pa rin siya sakin. Gusto kong kiligin dahil di niya maalis sakin yung tingin niya pero hindi ko magawa. Masyado akong nasasaktan para sa kanya. If there's a way to mend his broken heart...

Instead of just.....invisible.

Tapos na yung kanta. Ngumiti lang ako sa kanya at sa madlang pipz. 

"Happy Birthday, Kirt"

Bumaba na ako sa stage. At sari-saring special number na ang mga sumunod. Katabi ko ngayon si Kirt. Pakwento kwento lang siya sakin. Patawa tawa. Ako naman, nagpapatawa. Inaalis ko yung isip niya sa problema nila ni Phoebe. Try lang. 

"Pang-asar kanta mo ahh"

"Untog mo sarili mo, Kirt"

At matatawa na lang siya sa tuwing gaganu-nin ko siya. Lumipas ang oras ng mabilis at unti unting nagpaalam ang mga tao. Umunti ng umunti ang mga tao. Tapos na rin kasi yung program. 10pm na halos. 

Tinulungan ko si Kirt na ipamigay yung give-aways niya. O, sosyal! May give-aways kala mo debut, e no? Hahaha. Gusto daw kasi ng maarte niyang pamilya. Pumasok muna ako sa bahay nila, umupo ako sa sofa ng receiving area nila habang nagiisip kung paano uuwi. Nahihiya naman akong itext si Macko kasi baka naman busy yung tao atsaka, 10pm na halos ohh. 

Lumabas si Kirt ng kwarto niya na nakabihis na ng pambahay. He looks cute in his panjamaaas. Hawak hawak niya yung gitara  na bigay ko sa kanya tapos lumapit siya sakin. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan tapos jamming na rin. Sa di niyo natatanong, singer kasi ako. Oo, singer ako. Di frustrated. Singer talaga. So, yun. Bagay kami no?

At sa di ko alam na dahilan napatingin na lang ako sa orasan..

"Hala, Kirt. Anak ka ng tinapa! Mag-12am na! Ano ba yan, bakit hindi ko nalaman ang oras?"

Tumayo na ako at akmang paalis na ng hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya at binigyan niya ako ng malungkotna expresyon sa mukha. 

"Wag..Wag ka ng umalis, Paige. Could you stay here with me please?"

"Kirt, gabi na oh. Ay este umaga na ohh, papagalitan na ako samin"

"Pare, please? Dito ka na matulog. May guest room naman kami, diba? Tsaka okay ka naman kina Mama. Gusto nga nila pakasalan na kita eh. Please? Dito ka na muna matulog"

Hindi ko alam sasabihin ko. Pero sandali, kinilig ako ng kaonti doon sa gusto ako ng parents niya. Oyes, approved na sa kanila. Hahaha. Napaisip ako. 

Ano ba yun. 

Isang daang libong trophy at medals(in other words:sermon) na ibibigay ng Nanay ko sakin o ang chance na makasama si Kirt at mahulog pa siya sakin?

Choose. Choose.

Left or Right. 

Ugh! It's so hard! Tumingin muli ako kay Kirt. 

"Please? Alam mo naman na...Malungkot ako ngayon, hindi ba? And.. So far, ikaw yung nakapagpasaya sakin tonight. Dahil sa mga kwento mo, dahil sa saya mong kasama. Nakalimutan ko halos na yung pinakaimportanteng tao sakin, hindi man lang ako naalala sa birthday ko. Kaya Paige...Pwede bang ituloy mona hanggang mamayang umaga?"

Mukhang kailangan talaga ako ni Kirt ngayon. Di ko siya matitiis. Chance ko na to. 

"Could you stay here with me till dawn? It's the best birthday gift that I'll receive. Please, Paige?"

When somebody's broken, he's vulnerable on falling in love with the person comforting them from time to time. 

And yes, I believe in that.

Sorry, Mommy. Chance ko na to. Sana maintindihan mo ako. Huhuhu.

"Sure, I'll stay"

Ngumiti ako sa kanya at inakay niya ako muli sa sofa. Kami na lang ang gising sa bahay nila. Naayos na ang mga gamit sa labas at halos walang nangyari nga. Astig din mga tauhan nila. At buong magdamag?

I sang for him. I comforted him. I made him happy. I made him laugh. I made him forget what happened. And I made him feel that today is his birthday. I mean, yesterday.

And yes, I flirted with him. 

I took my chances and tried everything to make him forget Phoebe, his girlfriend. I blurted out sort of words to make him realize that he's with the wrong person. I'm selfish? Yes, thank you. 

Mahal ko siya ehh. 

I guess it's time na ako naman ang sumagawa ng plano..

....bilang player killer. 

I hate being invisible, did I mention?

-

THIRD PERSON'S P.O.V.

Location: At Phoebe Nikki M. Lim's Condo Unit

"Funny right? Ako yung girlfriend pero ako mismo yung wala sa birthday party niya. Hahaha. Am I a bad ass or whut?" 

Hindi umimik ang katabi niya. Tutok na tutok kasi ito sa pinapanood na movie nilang dalawa. Madilim ang paligid at may sandamak na popcorn at drinks sa lamesa sa harap nila. 

"I'm glad that I chose this movie date with you. Akalain mo yon? Sa dinarami rami ng pagiinvite ko sayo na maghang-out tayo o kaya mag-date...Ngayon mo lang ako pinagbigyan! Omaygaassh. Akala ko nga, dedma ako sayo e. Pero heto, bet mo rin pala ako. Hihihi. Pakipot ka lang pala" sabi nito sabay dampot ng popcorn at isinubo ito sa bibig. 

Pero tahimik talaga itong katabi niya. Tila yata wala pang pakielam. Salita lang siya ng salita pero walang kibo ni walang tingin sa kanya ang kausap niya. 

"May paconsequence consequence ka pang nalalaman. Hihihi. If I know na isang araw na wala ako kay Kirt ang hihingiin mo palang KAPALIT, edi sana. Noon pa, ginawa ko na. Pero ba't naman sinakto mo at ginusto mo sa birthday niya? Ang sama mo din, no?"

Humagikhik siya ng mahina sabay inom sa San Mig Light na nakapatong sa lamesa nila. Bottoms up! Umarte arte siya na palapit sa lalaking katabi niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito. 

"Kawawa tuloy yung tao, malungkot na wala ako. Ewan ko ba, ang ganda ko naman kasi! Hahaha. Kaso bakit ganon, sa sobrang ganda ko, hindi ka pa rin nahuhumaling sakin, no? Kainis. Tagal ko na may gusto sayo. Noong bata pa tayo"

"Tss" Yun lang ang tanging naging sagot niya. Aw.

"'Tss' ka pa dyan! Napakasungit mo talaga. Pasalamat ka, mas importante ka sakin kasya kay Kirt ko, no! Aish, bakit ganon kung sinong gusto mo ayaw sayo tapos yung ayaw mo, gustong gusto ka? Ang ironic no?"

Tumingin sa kanya yung kausap niya at tila wari ay nag-isip ng kaunti, ngumiti at pagkatapos ay tumingin na sa TV ulit. 

"Sungit mo talaga. Kaya patay na patay ako sayo ehh" 

"You are immoral. We're cousins" Sa wakas ay umimik na rin ang katabi niyang kanina pang walang kibo, tutok na tutok lang sa flatscreen TV. 

Humarap sa kanya ang katabi niyang babae. At itinuon ang kaliwang kamay sa ulo habang nakapatong ito sa sofa na kinauupuan nila. 

"You know we're not! Hindi mo kaano-ano yung asawa ng tita mo na unfortunately...tatay ko. So, you're wrong. We're not cousins"

"Whatever" 

Umirap siya sa reaksyon ng lalaki sa kanya. Bakit kasi hindi siya nito magustuhan? Naisip niya. Tinanggal na niya yung tuon niyang kamay sa ulo niya at umupo na lang maayos. Sumiksik pa ito sa tabi ng lalaking katabi niya ng kaunti pa. Animo'y nilalamig. 

"I want a jacket, not a human-jacket" sabi nito sa kanya. 

"Sus! Arte nito. If I know, you're attracted with me, right? Right?" 

At sa unang beses, tumingin ang kausap niya sa kanya. Nag-smirk siya ng kaunti at umiling iling. 

"Immoral and ambitious, you got it all, cousin" sabi nito na may halos pang-aasar. Epektib, naasar yung kausap niya ehh. 

"Stop saying that we're cousins! Ugh, kanina ka pa ha! Di mo ako iniimikan dito sa movie date natin. At kapag iimik ka, puro pangaasar at pangiinis lang. Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako pumayag sa consequence mo!"

"Okay, fine. Then I'll go"

Akmang tatayo na ang lalaki ng tumayo ang babae at hawakan ito sa bisig. Pinipigilan niya ito. 

"Wait, Macko. Don't go. Joke lang, dito ka lang sa tabi ko, please? Come on. Maging grateful ka naman. Pinili nga kita tapos ganito ka. Let's enjoy this night, okay? May usapan tayo"

Nagkibit balikat lang siya at umupo na sa tabi niya. 

"Don't be so clingy or I'll leave. Nilalamig ako pero ayoko ng kalandian mo" 

She rolled her eyes. "Tsk, nasaan ba kasi jacket mo? Di ka naman nagsusuot ng 'tee' kapag walang jacket, hindi ba? Or...Siguro...Gusto mo lang makita ko yang bisceps mo no? Ang hot, infairness" sabi nito sabay hawak sa bisig ng lalaki. 

"Gave it to a girl"

"Gave it? As in binigay mo? Huwaaw, that's gotta be something new. Di ka naman concern sa mga babae, hindi ba?"

"Well, she's different. She's...special"

"Alam ko na kung sino yon, Macko. Don't try to deny it"

"I'm not denying it. Alam mo na pala kung sino e, tumahimik ka na. I thought this is a movie date. Not a chikka-date. Psh"

"Oo na, ang sungit ehh. Dyan ka na nga, tawagan ko muna boyfriend ko" sabi nito sabay tayo. 

"Phoebe!"

Lumingon ito sa kanya na parang kinikilig pa kasi natawag siya nito. Kagulat gulat, hindi ba?

"Fine, ikaw lang pwede tumawag sakin niyan"

"Phoebe..If..You don't love Kirt..Leave him..It'll be more painful for him to believe that you're really into him when you're not"

Nagpamey-awang si Phoebe at tumawa ng kaunti. An evil laugh. 

"Not unless you'll be mine. Segurista ako, ayokong naiiwan. Kailangan may reserba. Tsaka sayang din si Kirt no"

"Love is sacrifice, Phoebe. You won't earn it unless you do it"

"Tss. Whatever, matanong ko nga, bakit mo nga pala talagang sinakto sa birthday ni Kirt? Pakiramdam ko naman, wala ka namang galit sa kanya. Hmm....Siguro tinutulungan mo lang yung pugitang Paige na yon, no? Hahaha. Ano ka, martyr? Whatever. I'm not going to break up with Kirt unless you'll be mine. Okay? Tawagan ko lang ang kutong lupa"

Natungo lang si Macko sa sinabi ni Phoebe sa kanya. Sabagay, hindi naman ito palaimik kaya kung tutuusin. Sayang din yung mahahabang salita na sasabihin mo sa kanya. 

"Gusto mong malaman ang rason?"

"Oo. Ano yon, Macko? Say it" Tinaasan niya ito ng kilay pero tumungo lang si Macko.

"Love is sacrifice, Phoebe. You won't earn it unless you do it. Tandaan mo yan"

"Ugh, yan din sinabi mo sakin kanina. Whatever, dyan ka na nga"

She rolled her eyes and walked away from him. Nilingon na lang siya ni Macko at nakitang may katawagan sa may kusina ng condo unit nito. Ngumiti siya ng kaunti ng makahinga siya papalayo sa kanya. Kanina pa kasi itong clingy sa kanya. Ayaw naman niya talagang makadate ito ehh. Ayaw niya talaga. Yun nga lang, may isang bagay na nakapag-pasubok nito sa kanya. 

"Love is sacrifice....

..... Gusto kong masolo niya si Kirt tonight. Isang gabi man lang, maging masaya naman siya. Kahit ako..

... Nasasaktan. I'm the worst player killer ever"

He sighed. 

TRUE love isn't measured by someone's sweet words, hugs, kisses, and expensive gifts given to you. It is measured by the sacrifices he's given to you. By the tears he poured out. 

And the painful things he resisted just for you. 

Continue Reading