Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

Av GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... Mer

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 21: Mayor's Den

10.6K 572 72
Av GYJones



Kinaumagahan, nagising sila sa mababaw na pagkakatulog sa Daigdigan Motel sa malakas na ringtone ni Jules na Lorde. Royals to be exact, at nakatanggap ng pang-aasar kay Hannah. Ang tawag ay mula kay Karen na nagsabing pumunta na sila sa bahay ni Mayor at doon na sila mag-Continental Breakfast. Tumililing iyon sa tenga ni Jules, at gusto pa man matulog nina Hannah at Father Markus ay pinilit niya sila'y magsibangon. Excited lang ang parapsychologist na makapag-agahan nang matino. Ang hinahanap-hanap niyang "bed & breakfast" ay at last, matutupad na rin.

Nag-check out sila at kinarga ang mga bag sa Hi-ace. Nang paalis na sila'y naroon ang security guard ng motel at panay ang paalam at may pasaludo-saludo pa. Inayos pa nitong uniporme niya't itinuck-in. Naawa naman si Jules sa effort ng guard at kanyang binigyan ng one hundred pesos na kanyang lubos na ikinatuwa.

"See you soon!" sigaw ng guard habang sila'y paalis.

In a way, tumatak sa isipan nilang tatlo ang sinabing iyon. See you soon. Pakiramdam nila'y hindi pa iyon ang last time na makikita ang guard, ang motel, at lalong-lalo na ang Daigdigan.

"Feeling ko, makikita natin siya uli," sabi ni Father Markus.

Kinatok ni Jules ang side ng car door. "Knock on wood, Father."

Habang nasa daan, napansin ni Jules na aburido si Hannah habang nagmamaneho.

"Bakit?" tanong niya.

"Nakita mo ba 'yung CD ko?"

"Ha?"

"'Yung CD ko. 'Yung alternative compilation ko."

Panay ang kapa ni Hannah sa dashboard, sa side ng seat, sa ilalim at gilid ng upuan.

"Tignan mo nga d'yan sa glove compartment," sabi ni Hannah.

Kinabahan si Jules.

"H'wag na tayong magpatugtog, noh," suggest niya. "Pakinggan na lang natin ang sound of nature."

"Sound of nature?" pagtaas ng kilay ni Hannah. "Ano, unga ng mga kalabaw? Kwak-kwak ng pato?"

"Masarap na ihip ng hangin, huni ng ibon, wasiwas ng mga dahon, ganun. Tunog ng kalikasan," ngiti ni Jules, pagkatapos ay lumingon kay Father Markus na nasa likod. "'Di ba, father, okay 'yun?"

Napaisip ang pari, "Mabuti pa, habang nakikinig sa kalikasan ay magdasal tayo. Umpisahan natin sa The Angelus."

Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumalik sa kanyang hustong pagkakaupo si Jules.

"Okay, pass."

"Pass din," sabi ni Hannah sabay kuha ng pakete niya ng Marlboro Reds at nagsindi ng stick.

"Besides, lampas na ang 6AM," sabi ni Jules habang binubuksan kanyang bintana.

Maluwag ang daan, ang mga sasakyang maaaga sa kalsada ay pawang mga delivery jeepney na maghahatid ng mga paninda paluwas ng Maynila o sa karatig na bayan ng Callejon, na suki ng Daigdigan sa saging. Dahil panay ang sabi ni Jules na bilisan ni Hannah ang pagpapatakbo ay saglit lang ay narating nila agad ang bahay ni Mayor Arteza. Ang inaasahan nila ay mala-mansion na bahay, trapo-style, pero ang nadatnan nila'y isang modernong architecture. Kuwadradong 3-storey na residence na maraming salamin, polycarbonate canopy, steel railings at exterior metal grills.

"Nice," sabi ni Jules.

"Oo nga!" pag-agree ni Hannah. "Kala natin sa haunted house din siya nakatira eh!"

Natawa sila.

Bumukas ang gate at sinenyasan ng bodyguard ni Mayor ang Hi-ace na pumasok. Pumarada sila sa loob at tinabihan ang Pajero na kasalukuyang pinupunasan ng feather duster ng may edarang driver. Sa harap ng entrance ng bahay, nakatayo si Karen na naghihintay sa kanila. Pormal pa rin ang suot na blouse at skirt.

"Look," bulong ni Jules. "Tour guide na sa bahay na bato, tour guide pa rin dito?"

"Well..." usal ni Hannah sabay taas ng handbrake.

"Let them be," sabi naman ni Father Markus mula sa likuran.

"Oo nga naman, ikaw talaga, Jules, pakialamero!" biro ni Hannah.

Pagbaba nila'y nakangiti na sinalubong sila ni Karen.

"Welcome! Come in!"

Modern ang interior at furnitures. Exposed beams at tiled flooring. May giant 60" TV sa sala na naka-surround sound, component at turn table. Sa wall, nakahang ang abstract paintings.

"Follow me," sabi ni Karen. "Naghihintay na si Sonny sa may pool."

Nagpalitan ng mga ngiti sina Jules, Hannah at damay na rin si Father Markus. Bulong nila, Sonny 'pag sa bahay, Mayor 'pag sa Bahay na Bato. Tinago nila'ng mga ngiti pagdating sa poolside kung saan may maliit na buffet table. Although ang press release ay simpleng Continental Breakfast lang, sa tuwa nila'y may bacon, eggs, vienna sausages, corned beef hash at fried rice rin. Gusto lang ni Mayor na magpasikat nang kaunti. Nagaantay na ang alkalde na suot ay white collared shirt, khaki shorts at Birkenstocks. Sa kanyang likuran, kaaya-aya ang tubig ng swimming pool kung saan nagre-reflect ang skyblue na umagang may streaks ng mga ulap.

"Welcome!" bati ni Mayor. "Care for some breakfast?"

Parang patay gutom na nagkuhanan sina Jules, Hannah, and yes, even si Father Markus. Feeling nila nanalo sila sa reward challenge ng Survivor. Unang naubos ang bacon kasunod ng vienna sausage at naka-dalawang refill sila ng coffee. And during breakfast, ang usapan nila ay hindi ang Bahay na Bato, demonic possessions o the supernatural, kundi'y small talk na tungkol sa magandang bahay ni Mayor, ang design at arkitektura nito na ang claim ng akalde ay siya ang nag-design, at kung gaano kasarap ang crispy bacon. Hindi maalala ni Jules kung kailan siya huling nakakain ng bacon. Sino ba?

After nilang mag-almusal ay nagyosi muna sina Hannah at Father Markus. At nang matapos sila'y pinalakpak ni Mayor ang mga palad niya sa kanyang hita.

"Well, shall we go to my den?" aniya.

"Den?" pagtaas ng kilay ni Jules.

"Mancave ko," ngiti ni Mayor. "Kung nasaan ang aking collection."

Ang pinakaimportanteng part ng bahay ni Mayor ay ang kanyang den kung saan nakatago't naka-display ang kanyang mamahaling collection ng mga artifacts. Ang mancave niya ay parang mini museum na may mga glass cases na naiilawan, bookcases puno ng mga lumang libro, sculptures at paintings sa walls. Nagumpisa si Mayor sa pangongolekta ng vintage comics at laruan, pero nang may na-acquire siyang agimat na di-umano'y pagmamay-ari raw ni Nardong Putik ay nag-spark ang kanyang interes at nahilig siya sa mga kakaibang artifacts, lalo na ang may kinalaman sa religion at sa occult. Pinakita agad ni Mayor ang bakal na agimat.

"This started it all," aniya. "Ang agimat mismo ng notorious na robber na si Nardong Putik!"

"Wow," mangha ni Hannah. "Sure ka ba, Mayor? Baka galing lang sa underpass ng Quiapo 'yan."

"Trust me. It's the real deal."

Lumingon si Hannah kay Father Markus, "Father, baka magamit mo ito o! 'Di ka tatablan ng bala o kaya ng hellfire!"

Umiling lang ang pari. Hindi sa hindi siya naniniwala sa agimat o anting-anting, para sa kanya, meron din naman silang mysticism na pinabisa ng matinding pagdarasal, pero sila'y mas gamit ng mga kulto sa black magic. Sa isang banda, ina-admire naman ni Jules ang maliit na rebulto ng Santo Niño na nasa display case.

"Early 16th Century Santo Niño from Cebu," pahayag ni Karen. "One of the oldest in the country."

"Hmm. Nice," mangha ni Jules.

Pamilyar si Karen sa mga items na nasa den, in fact, siya ang nag-catalogue ng mga ito. Plano ni Mayor kasi, na kapag sapat na ang dami ng collection niya, ay magre-release siya ng coffee table book tungkol sa mga artifacts niya. May title na nga siya na ninakaw niya sa kanta ng Red Hot Chili Peppers—Dark Necessities: From the Collection of Sonny Arteza.

Mayroon ding mga lumang mga krus, burial jars at iba pang scultpures. Hindi lang exclusive sa Christianity, mayroon ding Hindu, Muslim at Buddhist na mga artifacts. Hindi ganoon ka-impressed si Father Markus, madami na siyang nakitang ganitong mga bagay sa kanyang paglalakbay. Pero, may isang bagay na naka-attaract ng kanyang atensyon sa collection ni Mayor, at ito'y ang lumang bibliya na naka-encase sa salamin na naka-mount mismo sa wall. Nakita ni Mayor na na-bilib ang pari at nilapitan niya ito.

"Okay ba, father?"

Tumango ang pari.

"First Edition King James Bible..." sabi niya.

"Yes," proud na ngiti ni Mayor. "There are only a few hundreds in existence."

Biglang may naalala ang alkalde.

"And speaking of books..."

Binuksan niya ang cabinet na katabi ng bookcase at doon kinuha ang maliit na parang libro at binigay kay Jules.

"I think magagamit mo ito, Jules."

"Ano ito, Sonny?" tanong ni Jules, first-name basis na sila.

"Ang personal journal ni Dr. Nakadai," inform ni Mayor. "Isa sa mga natagpuan namin sa basement."

Nagliwanag ang mukha ni Jules habang hawak ang libro at agad na naupo sa sofa para usisain ito. Nakasulat lahat doon ang mga detalye tungkol sa human experiments ng duktor sa Bahay na Bato, including mga private thoughts niya.

"Shit!" sabi ni Jules habang binubuklat ang journal. "May correspondence mismo si Dr. Nakadai kay Josef Mengele! Nagpapalitan sila ng mga notes!"

"Yeah! Angel of Death!" bulalas ni Hannah.

Napatabi agad si Hannah kay Jules para makibasa sa journal. Na-excite silang malaman na ang Nazi officer na si Josef Mengele ay may contact kay Dr. Nakadai. Si Mengele ay tinaguriang Todesengel, German for Angel of Death. Ito'y dahil siya'ng responsible sa mga human experiments naman ng mga Germans noong World War II at siya'ng namili ng mga hudyong ilalagay sa gas chamber sa Auschwitz concentration camp. Napangiti si Father Markus na makitang excited ang dalawa. Mukhang may maitutulong nga ang journal sa kanilang imbestigasyon.

"Father, meron naman ako para sa iyo," sabi ni Mayor sa pari. "Isang powerful religious artifact!"

Napalingon ang pari with interest. Napahinto naman sina Jules at Hannah sa pagbabasa. Sinenyasan ni Mayor si Karen, at ini-unhook nito ang isang painting sa wall. At sa likod ng painting na-reveal ang kuwadradong safety vault. Napatayo sina Jules at Hannah, si Father Markus ay lumakad palapit. Napuno sila ng curiosity.

"Nasa loob ng kaha de yero na ito ang aking prized possession," pagmamalaki ng Mayor. "My jewel of the crown, the piece de resistance!"

Nakatalikod si Mayor habang pinindot ang combination ng vault sa keypad at kanyang binuksan ang vault at may kinuha sa loob. Pagturn around niya'y hawak na ng dalawang kamay niya ang isang leather-bound na jewelry box.

"Akala ng marami ay isa siyang myth, pero tutoo siyang nage-exist!" madramang hayag ng alkalde. Parang showman lang. Binuksan niya ang kahon at tinanggal ang tela na nakatakip and with eyes wide open, in-announce, "Behold! Ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz!"

Sa loob ng kahon ay naroon ang isang rosaryo na gawa sa kahoy. Without even looking, bumagsak ang mukha ni Father Markus. Ganoon din sina Jules at Hannah. Na-disappoint sila. Napakunot-noo sina Mayor at Karen. Ini-expect nila na magtatalunan sa saya ang tatlo, pero hindi.

"Hindi kayo impressed?" nagtatakang tanong ng alkalde.

"Well..." nagkatinginan sina Jules at Hannah, nahihiya kung paano ibe-break ang bad news kay Mayor.

"Well what?"

Napakamot si Jules.

"Sonny, it's a fake."

Nanlaking mga mata nina Mayor at Karen. Hindi nila ini-expect iyon.

"Fake ang rosary?" gulat na sabi ni Karen. "Paano nangyari iyon?"

"Sorry, Karen, pero tutoo," sabi ni Hannah.

Napatunganga si Mayor at tahimik na isinara ang box. Shit, sabi niya sa sarili. Alam niyang tama sila, dahil sila nga ang experts. He'll take their word for it, ikanga nga. Pero, hoping pa rin siya na baka lang may chance na mali sila. He had to ask.

"P-paano kayo nakaka-sure?"

Si Father Markus ang sumagot, tinignan niya si Mayor at sinabi:

"Dahil alam ko kung nasaan ang tutoo."

NEXT CHAPTER: "The Appeal"

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

1.7M 99.3K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
5.1K 385 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
14.3K 469 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
Hugot Pa Besh Av Flower🌸

Slumpmässig kategori

320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018