Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 15

1.8K 22 0
By MaraMCM

****

Nagsimula ng maglubluban yung mga bruha. Parang ngayon lang nakakita ng dagat. Si Jerich, lumusong agad, tas bumalik din naman.

“ALAT!” complain nya.

“Malamang, dagat yan eh.” Natatawa na sagot ko.

Wala pa ako sa mood magswimming, pero nagpalit na din ako kahit papano. Nakabikini din ako kaso pinatungan ko ng sleeveless at shorts. Medyo naawakward pa din ako na may boyfriend na ako. dati rati, okay lang saakin na nakabikini nagswiswimming, ngayon, parang iba eh. Si Mike, parehas lang sila ni Alfred na naka board shorts.

Iniwan sakin ni Denise yung digicam nya kaya ako ang naiwan na picture ng picture sa kanila. Yung dalawang lalaki, naghanap ng mga kahoy, gagawa daw sila ng bonfire ngayong gabi. Sana lang hindi maginarte tong si Mike kasi si Alfred ang kasama nya.

“Hoy Angelie, pavirgin ka pa dyan, tara na!” sigaw ni Jerich na basang basa na.

“Oo, sige, mamaya na.”

Sunset na. Sa Maynila, ang horizon mo ay ang mga bahay o buildings, dito makikita mo talaga yung guhit na namamagitan sa dagat at langit. Nakakrelax tignan. Nakaupo lang ako sa may buhangin habang pinanunuod sila ng may naramdaman nalang akong mabigat sa balikat ko. si Mike, nakatungo nanaman sakin.

“Napagod ako.” sabi nya, pawis na pawis.

Inabot ko sa kanya yung hawak kong tuwalya. Pinunas nya naman to.

“Lulusong ka na?” tanong ko.

“Maya na siguro.”

“Pahinga ka muna.” Sabi ko habang naka patong pa din yung mabigat nyang ulo sa balikat ko.

Pagkalingon ko, andyan na din si Alfred, may hawak na mas madami pang kahoy. Marami rami na din silang nakuha. Para ngang sapat na hanggang bukas.

“San kayo nakarating?” tanong ko sa kanya habang si Mike, nagpapahinga sa gilid ko.

“Dun!” tinuro nya yung malaking bato sa may kaliwa. “sa likod nun, madaming tuyong kahoy.”

“Upo muna kayo oh.” Sabi ko.

Naupo si Alfred malapit samin saka tinanggal yung sando para ipunas sa mukha. Inabutan ko sya ng pamaypay na hawak ko kanina.

“Hoy, inaway mo ba si Alfred?” bulong ko kay Mike.

“Hindi ah, ambait bait ko nga eh.” Sabi nya habang nagpupunas ng pawis sa braso.

Nahihirapan ako sa itsura nya. Hinablot ko yung tuwalya saka ipinunas ng maayos sa may balikat pababa sa likod nya. Parang natural lang tong ginagawa ko, hindi naman ako obligado. Parang Masaya nga eh kasi iba yung feeling. May inaalagaan kang tao na alam mong importante sayo. Hindi dahil naawa ka talaga o inuutusan ka kundi dahil gusto mo yung ginagawa mo.

Maya maya ng konti, sumunod na din si Alfred sa dagat. Habang tinititigan ko sya, napansin kong magaling din pala sya lumangoy. Nakita yun nila Denise kaya sya namang lapit nila dito para magpaturo kasi para silang mga bata na sa mababaw lang naglulublob.

“Gel.” Bumulong si Mike sa tenga ko.

Tumingin ako sa kanya pero kailangan ko pa na medyo tumingala kasi nga ang tangkad.

“Thank you ha.”

“Saan?”

“Sa pagsama sakin dito.”

“Sus. Parang yun lang eh.”

Ngumiti sya. Pero feeling ko di naman nya sinasadya yun pero ganun pa din, kinikilig pa din ako. Kinuha nga yung kaliwang kamay ko since nasa kaliwang side ko sya nakaupo. Saka nya nilapit sa lips nya tapos kiniss nya to. Lalo akong kinikilig, nararamdaman kong namumula na ako.

“Promise, behave ako ngayon, di ako maiinis kay Alfred kahit kanina pa sya tingin ng tingin sayo.”

“Eh panong hindi sya tingin ng tingin saakin eh kanina ka pa pumiPDA sa kotse.” Sagot ko.

“Kahit na. Nakakaselos din kaya.” Sagot nya na parang bata.

Di ko na papatulan to. Hahayaan ko nalang muna, at least kahit papano, masaya ako. palubog na yung araw, tumayo na ako ng bigla nalang napasubsob si Mike sa buhangin.

“Aray. Plano mo bang ngudngudin ako?” sabi nya habang nakatukod yung siko nya sa buhangin.

“Tumayo ka na kasi dyan, kunin na natin yung mga pagkain.” Sabi ko. hindi ko naman sinasadya na napasubsob sya, hindi ko naman kasi alam na buong bigat nya nakapatong saakin.

Binigay ko yung kamay ko sa kanya at hinila sya patayo. Bang bigat naman kasi nitong higanteng to. Nung nakatayo na sya, agaran naman syang humawak sa balikat ko na parang nakaakbay. Tinignan ko sya ng masama, ngumiti lang na parang tanga.

“Tanggalin mo yang kamay mo.” Sabi ko.

“Sige na, minsan lang naman eh.” Pilit nya.

“Tanggalin mo nga sabi eh.”

“Sige, tatangalin ko pero ikikiss kita.”

“Isa.”

“Ikikiss talaga kita.”

“EWWW.” Nilayo ko yung mukha ko malapit sa kanya.

Naglakad kami pabalik sa cottage para kunin yung ibang pagkain for dinner habang yung dambuhala nyang kamay, nakahawak sa balikat ko.

Pagbalik namin, inayos na nila Alfred at Denise yung mga kahoy. Ang maganda dito sa resort na to, may freedom ka na magpicnik at manguha ng mga kahoy-kahoy sa paligid. Saka walang masyadong tao since hindi naman summer kaya mas may privacy at mas malinis yung dalampasigan.

Si Alfred yung nagparingas ng apoy. Tinuhog namin ni Denise yung mga nabili naming baboy kanina para gawing barbecue. Si Mike naman, naiwan dun sa loob ng cottage kasi sya yung naglilinis ng isda pang ihaw. Si Jerich? Sitting pretty sa kanyang banig, kanina pa picture ng picture, hindi na nagsawa sa mukha nya.

“Okay naman pala kayo ni Mike ah.” Sabi ni Denise.

“Ha?”

“Ang sweet nyo kaya.” Puna nito.

“Hindi kaya,” ako naman tong si deny.

“Ows? Subo-subo effect? Holding hands na may pa-akbay and punas factor? Hindi sweet yun?” sinisiko nya yung gilid ko na parang sya pa yung mas kinikilig kaysa saakin.

“Ang kulit kasi eh.”

“Alam mo Anj, maswerte ka nga eh. Mabait si Mike, galante, tsaka kahit na alam nating pinagseselosan nya si Kuya Alfred, pinakikisamahan pa din nya to ng maayos.” Explain nya. “Infairness sa jowa mo, almost perfect na.”

“Perfect ka dyan. Demanding kaya.”

“Ano ka ba? Lalaki kasi yan. Lambingin mo lang ng konti, yun lang naman, ayos na.” natapos nya na yung isang goma ng barbecue, tinransfer nya sa paper plate na nabili namin. “Mahal ka nyan Anj, kung hindi edi hindi na yan mageeffort na tawag-tawagan kami ni Jerich para ipacheck ka or magvolunteer sa halos lahat ng bagay. Hindi ba yun naman ang gusto natin sa lalaki? Effort?”

Napatingin nalang ako sa bukas na pinto sa cottage. Tama naman kasi si Denise. Napakadami na ding effort ni Mike saakin. Lumabas na sya galling sa kubo dala yung nalinis na isda. Aba, impressive, kahit medyo rich kid ang dating, marunong maglinis ng isda.

May dalang grilling plate si Alfred. Dun namin pinatong yung isda saka barbecue. Tumabi na din sakin si Mike at binigyan ako ng isang basong coke.

“Omygulay, we’re like scavengers desserted in an Island!” sigaw ni Jerich.

“Omy ka ng Omy dyan, wala ka pa ngang naitutulong eh!” sabi ni Denise. “Picturan mo na nga lang kami.”

Inabot ni Denise yung camera nya kay Jerich at pinicturan kami. Apat kaming magkakatabi, ako si Mike, si Denise tas sa likod nya nakatayo si Alfred. Tinignan ko yung picture, maganda yung kuha at ngayon ko lang din narealize, photogenic pala tong si Mike.

“Mike, picture tayo.” Sabi ni Jerich habang hinihila yung braso ni Mike. “Anj, peram muna ha?”

Inabot nya saakin yung camera at pinicturan ko silang dalawa, si Mike, nakaakbay kay Jerich. Baklang bakla talaga kahit sa picture. Ang layo ng agwat ng height nila, 5”5 lang kasi si Jerich pero compare naman sakin? Para akong bata sa tabi ni Mike.

Kinuha ni Alfred yung gitara na dala nya at bumalik na din sa bonfire. Para kaming yung mga nasa movies, ang difference lang, hindi kami nagkwekwentuhan ng nakakatakot. Wala kaming kanin na niluto, puro papak lang ng ulam pero Masaya naman. Si Jerich kasi ang buhay ng barkada, kanina pa kwento ng kwento, nageexibition, bumabali, tumatalon, parang lahat ng kinekwento nya, pinoportray nya.

Si Alfred, nagstrum ng gitara. Lahat natahimik. Nagpatuloy sya sa pagtugtog. Ang ganda ng intro, si Denise at Jerich, sumasabay sa beat habang pumapalakpak. Hindi ko alam yung kanta, pero parang familiar. Sinimulan na ni Alfred yung first stanza, sumabay si Denise.

Ilang beses ng nagaway, hanggang sa magkasakitan, di na alam ang pinagmulan.

Pati maliliit na bagay, na napaguusapan, bigla nalang pinagaawayan.

Ngunit kahit na… ganito, madalas na di tayo magkasundo.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.

                “Anong kanta yan?” tanong ko sa kanila.

                Si Jerich sumama na din sa kantahan. Tinignan ko si Mike.

                “Walang iba.” Bulong ni Mike.

                “Ha? Sinong kumanta?”

                “Ezra.”

                Hindi ko pa din alam. Nakikinig nalang ako sa kanila, at ang nakakatawa pa ditto, parang sakto yung kanta samin ni Mike. Di ko tuloy maiwasan mapangiti.

 

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano, ikaw pa rin ang gusto ko.

Kahit na sinasampal mo ako at sinipa’t nasusugatan mo,

 ikaw pa rin walang iba. Ang gusto kong makasama, walang iba.

“YIEEEE!!!”  hiyaw ni Denise, “may nakakarelate dito oh.”

“Oo nga.” Agree ni Jerich. “Dapat ito theme song nyo kasing brutal tong si Angelie.”

Huminto si Alfred sa pagkanta, mukhang di alam susunod na lyrics. Si Mike ang sumalo, sya yung nagpatuloy ng kanta. Laking gulat ko naman na maganda din pala yung boses nya. Nagpatuloy si Alfred sa pagtugtog.

 

Nagsimula sa mga asaran, hanggang sa magkainitan, isang eksenang bangayan nanaman,

Ba’t kasi pinagpipilitan, ang hindi maintindihan, hindi man kinakailangan….

Ngunit kahit na… ganito, madalas na di tayo magkasundo.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.

 

Sinapak ko si Mike sa balikat. Tawa kasi ng tawa habang kumakanta, feel na feel naman yung pangaasar nila.

“OH! TIGNAN NYO!” sumbong nya sa mga kaibigan ko. “Sinasapak ako oh.”

Tawa naman sila sabay “YIEEEEE”.

“KASI NAMAN EH!!!” hiyaw ko, pulang pula talaga ako. buti nalang gabi na tas may apoy pa sa gitna naming kundi lalo akong maasar sa kulay ng pisngi ko.

Niyakap ako ni Mike mula sa likuran habang parehas kaming nakaupo.

“Maki-ride ka nalang para di ka na maasar.” Bulong nya sakin, yung bibig nya, sobrang lapit lang sa tenga ko.

Nag make face ako. kapag magpapaapekto ako, lalo lang akong di titigilan ng mga to. Ang weird lang kasi nakayakap sakin si Mike mula sa likod, yung mukha nya nakapatong sa kanan kong balikat.

Mga bandang alas-gis, pinatay na namin yung apoy at bumalik na sa cottage. Malamig na din kaya nakajacket na kami lahat. Ang usapan sa higaan, magtatabi nalang kami ni Denise sa isang kama at lahat ng lalaki, tig-iisa na sila. Payag naman lahat. Nung nakapagayos na kami, natulog na din lahat kasi pagod din sa byahe. Hindi na kami ni Mike nakapagswimming, bukas nalang din siguro.

 ****

                Maaga ako nagising. Mas sanay kasi akong maagang gumising kasi madalas, mga ala-singko may training na kami agad sa school. Tinignan ko si Angelie sa kabilang kama kasama si Denise, pareho pa rin silang masarap ang tulog. Si Jerich, nakanga-nga habang naghihilik, nung lumingon ako sa kabilang kama, wala na si Alfred. Tinignan ko yung relo ko, 5:15am palang. Maaga rin pala syang gumising.

                Binuksan ko yung pintuan, malamig yung hamog kaya sinara ko yung jacket ko. nandun na si Alfred sa may dalampasigan, nagjojogging. Okay din naman sya kagabi. Nagkausap kami, sa totoo lang, ayos naman sya. Pareho sya ng mga kabrad ko sa school, siguro kaya lang ako nagiging aloof sa kanya kasi madalas silang magkasama ni Angelie pero aside dun, wala naman talagang nakakainis sa kanya.

Sa totoo lang, kagabi, nung tulog na silang lahat, naginuman pa kami. May binili din pala syang dalawang bote ng beer para samin talaga. Una, si Angelie yung topic namin, tapos napunta sa basketball, tapos yung sa school nila, hanggang sa natural na kwentuhan nalang din. Kaya pala sya malapit kay Gel kasi naalala nya yung kapatid nya na babae na namatay nung 10 pa lang sya. Hindi ko alam na yun pala ang istorya. Saka Masaya din kasama yung mga kaibigan ni Angelie kasi mga kalog, natural at maingay. Hinding hindi ka mabobore kapag sila yung kasama mo. Kinwento ko sa kanya kung gaano kasungit si Angelie nung una kaming nagkakilala, tawa sya ng tawa, kinwento nya din yung nangyari sa kanila ng ex nya, nagging kumportable na din akong kakwentuhan sya.

                “Hoy.” May humawak sa likod ko.

                “Aga mo naman nagising?” tanong ni Angelie saakin habang nakahawak sa may kawayan na harang ng balkonahe.

                “Good morning.” Sabi ko at niyakap sya gamit yung isa kong braso.

                “Si Alfred?” tanong nya.

                “Hayun oh.” Sabi ko habang nakaturo sa anino malapit sa dagat.

                Halatang inaantok pa din sya. Lumapit sya sakin at sinandal yung ulo nya sa dibdib ko. Pinasok ko sya sa loob ng yakap ko. Ang liit nya masyado, parang kayang kaya ko syang durugin ng mga braso ko. Pinatong ko yung baba ko sa kanyang ulo, naamoy ko pa yung bango ng shampoo nya.

                “Ano pang ginawa nyo kagabi?” nagsalita ulit sya saka humikab.

                “Hm?” ineenjoy ko nalang muna tong pagkakataon na to kasi malamang mamaya, magngangangawa nanaman sya.

                “Kagabi? Lumabas pa kayo ni Alfred diba?” pinaglalaruan nya yung daliri ko.

                “Gising ka pa nun?”

                “Oo nga. Bakit pa kayo lumabas?” inulit nya yung tanong. Warning nay un.

                “Wala, nagkwentuhan lang.”

                “Bati na kayo?”

                “Di naman kami magkaaway ah.”

                Humarap sya sakin. Yumuko ako para makita yung mukha nya. Namamaga pa yung mata nya kakagising.

                “Weh? Diba naiinis ka sa kanya?”

                “Hindi na. Joke nalang yun.”

                “Joke daw?”

                “Wala. Bati na po kami.” Ibinalik ko ulit sya sa dati naming pwesto kanina para mas mayakap ko pa sya.

                Walang nagsalita saaming dalawa, nakatingin lang kami sa sumisikat na araw sa beach. Mga bandang ala-sais, bumangon na din sila Jerich at Denise. Bumalik kami sa bayan para mag agahan tapos naglibot libot lang kami. Maraming beach sa Batangas, may mga talagang pang sosyal, pero din naman yung pang masa. Kung san san kami nakarating, napakadami na rin siguro naming pictures kasi walang kasawa sawa yung mga kaibigan nya kakakuha ng litrato. Isa lang naman na picture yung gusto ko eh, yung kaming dalawa lang talaga ni Gel na ewan ko ba kung kelan ko makukuha.

                Bumalik kami sa resort after lunch. Hayun, as usual, takbuhan sila sa cottage, and this time, nakisama na si Angelie. Unahan sa pagpalit ng damit. Magswiswimming nanaman kasi. Grabe nga eh, tanghaling tapat pa yung napili nila. Buti nalang talaga, hindi summer kasi hindi ganun katirik yung araw. Nakaready naman na kami ni Alfred, board shorts nanaman tapos polo lang. nung lumabas sila sa cottage, si Denise, nakabikini na at shorts ulit, si Jerich, parang parehas yata ng ginamit nya kahapon habang si Gel, nakasleeveless lang na puti at swimming shorts na itim.

                “TARA!” yaya nya sakin. “Huy Aflred, halika na din.”

                Hinatak nya yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa dalampasigan. Nagrenta si Jerich ng salbabidang gulong para naman daw makarating sya ng konti sa malalim. Kinuhanan ko na rin si Angelie kasi hindi rin pala sya marunong lumangoy. 50 isang gulong, medyo mahal pero unlimited na yung gamit kaya sakto nalang din.

                “Lakas mong mangyaya lumangoy, di ka naman pala marunong.” Lait ko habang tinatanggal yung polo ko at nilapag kasama yung mga tsinelas malapit sa banig na nilatag ni Denise kanina.

                “Ikaw ba?” tanong nya.

                “Nako ha, uno kaya ako sa swimming namin. Kung hindi ako nagging basketball player, malamang nasa swimming team ako.” totoo naman kasi, magaling talaga ako lumangoy kasi bata palang kami, naexpose na kami sa pagswiswimming.

                “Yabang mo kahit kalian.” Sabi nya at sumakay sa gulong. “Tulak mo nalang ako.”

                “Basta humawak ka sakin.” Sagot ko naman.

                Nakaupo na sya sa gulong at saka ko tinulak sa malalim. Medyo malayo na nga narating namin, hindi na umaabot yung paa ko sa sahig pero tinutulak ko pa din sya.

                “Para ka namang ewan, hindi nababasa yung buhok mo.” Sabi ko.

                “Sun bathing tawag dito.”

                “Sun bathing, wala ngang araw eh.”

                “Kontra bulate ka kahit kalian. Tulungan mo ko, bababa ako.” kumikilos na sya paalis ng gulong.

                “Teka, wag.” Sabi ko habang nakahawak sa braso nya.

                “Sige na. para di mo na ako laiitin.” Lumusot sya sa gitna. “MIKEEEE!!!”

                Bigla nalang sya lumubog pagkabitaw nya sa gulong. Hinawakan ko agad yung dalawang braso nya at inilagay sa likod ko. nung naiahon nya na yung ulo nya, ito nanaman ang boses na paborito ko.

                “BAKIT HINDI MO SINABI NA MALALIM NA??? EFFORT KO PA NAMAN NA MAGLALAKAD, HINDI KO NA PALA ABOT YUNG FLOORING!!!” nagtatatalak nanaman po ang girlfriend ko. “MUNTIK NA AKO MALUNOD, SIRA ULO KA!”

                “Diba sinabi ko na wag nga? Ayaw mo kasi makinig saakin eh.” Grabe nalang yung kapit nya sa likod ko habang winowork out ko yung mga hita ko para lumutang kami.

                “Pwede mo naman kasi sabihin na, Gel, malalim na! yun magegets ko. Eh yung wag, malay ko ba?” pinagpilitan nya.

                “Tumalon ka kasi agad!” sisi ko naman. Kahit kalian, ang sakit sa tenga ng boses nya.

                “Ibalik mo na ako sa mababaw!” sabi nya, nakalock yung mga kamay nya sa leeg ko.

                “Hindi naman kita hahayaan na malunod eh.” Hinawakan ko yung bewang nya mula sa likuran ko para ayusing yung pwesto at nasasakal na ako.

                “BASTA, IBALIK MO NA AKO!”

                “Ayoko nga.”

                “Mike naman eeehhhh.” Ngayon sya ang nagmamakaawa.

                “Sige, dyan ka magsun bathing sa likod ko.” haha, natatawa nanaman ako.

                “Pano ako magsusunbathing ditto eh feeling ko mamatay na ako.” ngumingisngis na sya.

                “Di naman kita hahayaan na mamatay.”

                “Kasi naman Mike, please!!!”

                “Kiss mo nalang ako.” HAHA! It’s my time to shine. Chance ko na to para makahirit.

                “Lahat naman ng gusto mo may kapalit eh!” hinahampas nya nanaman ako.

                “Parang kiss lang.”

                “MICHAEL RIGUERRA!!! IBALIK MO NA AKO SA MABABAW KUNDI IBEBREAK KITA!”

                “Ito na po, ibabalik na po. Sandali lang po.” Ano ba yan, akala ko pa naman ako na yung makakalamang ngayon, eh mas matalino pa din pala tong reyna ng kasungitan na nasa likuran ko.

                Binagalan ko yung paglangoy pabalik sa mababaw. Hindi naman sya nagsasalita. Nung naramdaman nya na yung mga buhangin sa paa nya, bumitaw na sya agad saakin. Kala ko wowalkoutan ako, mas malala pa pala.

                “NAKAKAINIS KA RIGUERRA!!!” suntok sya ng suntok sa likod ko. tuloy tuloy, sunod sunod. Lahat malalakas, masakit na nga actually. “NAKAKAINIS KA.”

                “Aray, tama na. Hindi ka naman napano diba?” sabi ko at humarap para isangga yung mga braso ko sa sunod sunod na hataw nya.

                “EWAN KO SAYO, SIRAULO KA!” suntok pa din sya ng suntok, ewan ko kung sya na yung nasasaktan kasi nasasaktan na din yung mga braso ko kakasangga ng mga suntok nya.

                Nakakatawa sya kaya lalo akong natatawa. Parang syang bata na ngumangawa hanggang sa napansin ko, hindi na pala tubig sa dagat yung tumutulo sa pisngi nya. Luha na pala!

                “Ui Gel. Umiiyak ka?” tanong ko, hinawakan ko na sya sa dalawang balikat.

                Tuloy tuloy pa din sya sa pagsuntok sa dibdib ko. Umiiyak nga! Umiiyak nga siya! Ano ba to, hindi ko naman inaasahan na maaasar sya. Nagjojoke lang naman ako, hindi ko naman sya hahayaan na malunod kasi nakakapit ako lagi sa braso nya.

                Nung niyakap ko na sya ng mahigpit, saka na sya tumigil sa pagsuntok. Naramdaman ko na mainit nga yung mga patak ng tubig sa dibdib ko, totoo ngang mga luha nya yun. Nagsimula na sya talagang humikbi at humagulgol.

                “Angelie.” Pinapatahan ko. “Shhh. Wag ka na umiyak.”

                “Gago ka kasi eh. Muntik na kaya ako malunod.” Iyak nya.

                “Hindi naman kita hahayaan na mapahamak. Diba sabi ko sayo basta humawak ka lang sakin?”

                “Kasi naman ehhh.” Umiyak pa sya lalo.

                “Shhh. Tahan na. wala namang mangyayari sayo pag ako kasama mo, tandaan mo yan. Basta magtiwala ka lang sakin.”

                “Pano ako magtitiwala sayo, nilalait mo naman kasi ako.”

                “Jinojoke lang naman kita.” Naguilty tuloy ako bigla. “Sige na, shh. Tahan na.”

                Yumakap na din sya sakin. Paunti unti, tumigil na sya sa paghagulgol. Hinaplos haplos ko yung basa nyang buhok pati yung mga braso nya, mapatahan lang sya. Hindi ko alam na sa ganito ko pa pala mapapaiyak si Gel, ang sama tuloy ng loob ko sa sarili ko.

                Tumigil na sya, pero nakakapit pa din sya sakin. I cupped her face at nilift para makita ko yung mga mata nya. Pulang pula, namamaga. Pinunasan ko yung mga luha nya. Hinalikan ko yung noo nya, it’s the least I can do to comfort her.

                “Tahan na ha? Andito lang ako.” niyakap ko ulit sya.

                Maya maya ng onti, bumitaw na din sya at nilinis yung mukha nya ng mga bahid ng luha.

                “Hoy Riguerra, wag mo nang uulitin yun, sira ulo ka.” Babala nya sakin.

                “Opo.” Ngumiti ako.

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
6.3K 379 58
Will you chase someone who's never been yours? Specifically that someone is your crush who happens to be your best friend's boyfriend. The title say...