I Got To Breathe

By ellalures

1.7K 121 12

Medical Series #4 Note: Contains adult content in the coming chapters. Evangeline Sy Lopez is one of the new... More

I Got to Breathe, You Can't Take that from Me
CHAPTER 1 (The High)
CHAPTER 2 (The moment I knew)
CHAPTER 3 (The Hospital is a battlefield)
Chapter 5 (Jealousy)
Chapter 6 (It Hurts)
Chapter 7 (My Heart)
Chapter 8 (Why do you hate me?)
Chapter 9 (Difficult Man)
Chapter 10 (Bipolar)
Chapter 11 (Hungry)
Chapter 12 (Ang Almusal)
CHAPTER 13 (The Car Ride)
CHAPTER 14 (Why Can't You Just Fall In Love With Me?)
CHAPTER 15 (Fake Feelings)
CHAPTER 16 (The Jealous)
CHAPTER 17 (Sort These Feelings)
CHAPTER 18 (Ligawan)
CHAPTER 19 (I Like You)
CHAPTER 20 (Choose a date)
CHAPTER 21 (Black)
Chapter 22 (Residency)

CHAPTER 4 (Doomed)

75 7 0
By ellalures

May batang lalaking isinugod sa ospital. Masakit ang tiyan niya at nagkataong ako ang doktor na available. Inilipat siya ng medic sa gurney.

"Mark David, 17 years old, male. Severe stomach pains since yesterday. May mga pasa na siya sa tyan. There's swelling as well. We suspect internal bleeding. Naiwan siyang mag-isa sa gild ng isang bar sa university belt. He smells like alcohol as well. May sugat at pasa sa mukha, kanang braso at hita." Sabi sa akin ng medic.

Napapaiyak sa sakit ng tiyan ang teenager.

"Doc... ahhh! Ang sakit-sakit!" Rinig sa buong ER ang iyak niya. Wala akong magawa kundi ang i-check muna siya.

"I'm Dr. Sy, I need to check on you so don't move too much, okay? Lie down on your back." Iniangat ko ang shirt niya at nagulat ako sa laki ng mga pasa. I felt tenderness on his stomach. This is not normal. Bago lang ang mga pasa.

"We're you assaulted? Sabihin mo para alam natin ang gagawin Mr. David. Your life is in your hands. Tell the truth." Nag-aalangan siyang lumingon sa akin. Napahinga na lang siya nang malalim.

"Marami sila. Binugbog nila ako kasi hiniwalayan ko 'yung kapatid ng lider ng fraternity nila. Ahhh!" Napahawak na naman siya sa tiyan niya.

"Nurse Ara, pakiready ang ultrasound." Sabi ko, para makita kung ano na ba ang nangyayari sa abdomen area niya.

"Doc, 40°C na siya. May shortness in breathing din po." Napahawak ako sa sentido ko.

"Hindi pa ako sure pero malamang sepsis 'to. Look at the bruises, talagang pinagtulungan siyang bugbugin. This is unlawful. I need you to call the police. I'm sure about this-"

"What police?" Napalingon ako nang dumating si Dr. Lorenzo. He checked the tenderness on the patient's stomach. Naramdaman din niya ang swelling at tenderness sa tiyan ng teenager.

"The kid. Doc, binugbog ang bata. The tenderness means a lot of things but we have to anticipate the worst; it could be a septic shock."

After a few checks, he nodded in agreement. "Good call, Dr. Lopez. Check for possible sepsis and I'll inform the general surgeon on call about the situation. Blood test and ultrasound are what we need first since it's a possible sepsis. Contact the parents." Napatakbo siya.

"Nurse Ara, we need to attend to his wounds after the tests. He will probably have a surgery."

"Yes, doc." May signs ng bleeding sa loob ng tiyan niya pero hindi pa naman mabilis ang daloy nito. I gave him meds to sleep and some pain relievers while we wait for the surgical fellow.

Dumating si Dr. Lorenzo at dinala na namin sa OR ang batang may signs ng septic shock.

Hindi ako kasama sa surgery, pero si Dr. Lorenzo naman ang first assistant. Sayang, sana nakita ko man lang.

Naglakad ako pabalik ng ER at nakita ko si Dr. Collins.

"Dr. Lopez, nandito na ang parents nung patient mo." Tinuro niya ang front desk.

"Thanks."

May naiiyak na babaeng lumapit sa akin. "'Yung anak ko, iligtas niyo siya." Napakapit siya sa braso ko. Kita ko ang sunod-sunod na tulo ng mga luha niya.

"He's in surgery, kaya hindi ko pa alam ang nangyayari. I... think he was involved in a fight. Halatang pinagtulungan ho ang anak niyo, ma'am, sir. He has a lot of wounds and cuts on his face. I have to be honest pero, he's also drunk. His blood alcohol level is also high."

Lalong umiyak ang nanay ng pasyente. Nasa sahig na ito at patuloy pa din sa paglulupasay.

"Nag-iisang anak ko siya. Lahat ng pag-aalaga ginawa ko, tapos sasaktan lang siya?! Tulungan niyo siya. He's my baby." Inalalayan ito ng asawa niya para tumayo.

"Honey, dapat maging kalmado tayo."

"Kalmado?! Unico hijo natin si Mark!"

"Alam ko, kaya nga dapat huminahon tayo."

Lalong umiyak at halos naglupasay na ang nanay ng bata. Agad naman itong pinatatahan ng asawa niya. Napaluhod ako para alalayan siya tumayo.

"Doon na lang po tayo maghintay sa waiting area. Nakausap na din po namin kanina ang mga pulis para makapag-file ng report kasi nasa medical records po na external factors ang dahilan ng internal bleeding at septic shock ng anak niyo." Napaoo na lang ang mga magulang niya sa akin at inihatid na si ng nurse sa waiting area.

Napaupo ako sa front desk.

"That's a first. Hindi ako makapaniwala na grabe ang nangyari sa bata. He's just a kid at ang duduwag naman nila para pagtulungan ang lasing, lalo na ang batang kagaya niya." Sabi ko na lang. Napahilata ako sa table ng nurse's station.

"Doc, ganyan po talaga. Dati nga, batang maliit may stab wounds sa dibdib kasi mentally deranged ang nanay. Naka-survive ang bata thankfully." Sabi na lang ni Aida na head nurse ng ER.

"Siguro may iba pang mas malala akong mae-encounter dito. Bago lang ako eh. Pati pala problema nila nadadala tayo. Pakiramdam ko kapatid ko 'yung bata. He's awfully young to be in such a state." Napahawak na lang ako sa sentido ko.

"Doc, matulog ka muna. Kami na ang bahala dito." Sabi nila sa akin.

"Thank you. Nakakahiya naman sa inyo."

"Okay lang. On-call naman si Dr. Cruz. Siya na bahala muna dito."

"Okay. Page me if you need me. Hindi na rin talaga kaya ng mata ko." I waved goodbye.

Tumungo na ako ng on-call room para matulog. Kinuha ko na ang bottom bunk at doon na nahiga. Hindi ko alam kung bakit na lang biglang sumakit ang ulo ko nang ganito. Stressed na talaga ako.

Intern na nga talaga ako. Legit intern with headaches, fatigue and panda eyes. Para akong zombie sa antok.

Then I slept.

-=-=-=-=-=-

I suddenly woke up. Halos apat na oras na pala akong tulog. Walang page sa akin, so ibig sabihin walang gaanong pasyente ngayon sa ER. Nakahinga ako nang maluwag kasi walang naghanap sa akin, kahit sa texts wala. Buti naman at na-refresh ako kahit paano sa iilang oras na tulog.

Napaupo ako at nag-inat. 2 AM na din pala at hindi na ako nakapagdinner.

Then I saw him sleeping soundly like a child.

It's Dr. Lorenzo.

How can he be this devilishly handsome? How is that possible? His eyes are big like almonds, he has long lashes and tamed eyebrows. His tan skin matches his alpha male personality. His presence speaks temptation.

Then that dimple on his left cheek appeared. Parang hindi ako makahinga. Napapaypay ako sa sarili ko.

Nakakumot sa kanya ang hospital gown na suot niya kanina. Ni hindi na nga niya natanggal ang face mask na nasa leeg niya.

Sobrang lalim ng tulog niya.

I can hear his breathing, parang malamig na musika.

Dr. Lorenzo, why did you bewitch me like this? Kinakabahan ako kapag malapit ka. Parang kakapusin ako ng hininga kapag malapit ka. Bakit nga ba? Bakit ganito? Anong ginawa mo sa akin?

Napahigpit siya ng kapit sa hospital gown na nakakumot sa kanya. Kinuha ko ang kumot na nasa hinigaan ko at ikinumot iyon sa kanya. Halatang nilalamig siya sa lakas ng buga ng aircon.

Hindi ko sinasadyang matisod sa coffee table na nasa gilid ko kaya naman diretso ang landing ko sa sahig.

Dahil sa ingay, nagising ko siya.

Napakusot siya ng mata at inabot ang salamin na nasa bulsa ng white gown niya.

"Bakit ka nasa sahig?" Tanong niya at napaupo na siya at nakatingin sa kumot na kalalagay ko lang. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya talaga ako kahit kelan nakakahiya talaga ang pagiging clumsy ko.

"Kasi natisod ako. Sorry doc, nagising kita. Sorry din po, kasi napahaba ang tulog ko."

He yawned.

"It's okay, 20 hours ka nang on-call. I think you should go home to sleep longer." Sabi niya sa akin at agad na tumayo para ayusin ang sarili niya.

He offered his hand to me. Napatingin lang ako sa kanya. Kinakabahan ako. Tatanggapin ko ba ang kamay niya?

"Ayaw mong tumayo? Kanina ka pa d'yan sa sahig." He slightly smiled. I took his hand at para bang may kuryente akong naramdaman sa buong katawan ko.

Napalunok ako.

"Thank you doc. By the way, kamusta na po 'yung kalagayan nung bata? I... just can't forget the faces of his parents."

"Forget about them. Marami pang dadating na mas matindi ang kaso, kaya dapat mas matibay ang loob at sikmura mo. Simula pa lang 'yan. May mas magpapalungkot pa sa 'yo."

"D-doc, is he gonna be fine?"

"I don't know, Dr. Lopez. He's stable now, but the septic shock is a little worse than we anticipated. It's all over his lungs and other organs. We're just waiting for him to respond with the ongoing medication." I nodded.

"Is there a possibility that-" Then he cut me.

"Dr. Lopez, we're doctors, not gods. We can't heal everyone, so instead, we work our hardest every single time we have a patient. Doon na lang tayo bumawi."

Paalis na sana siya nang maalala ko ang towel niya na nasa gym bag ko.

"Doc wait!" Napalingon siya.

"Yes, Dr. Lopez?"

"'Yung towel niyo pala isasauli ko na po sana."

"It's fine. I have lots of towels. Keep it. Brand new 'yon kaya you can reuse it. I have to go and monitor my patient." Tuluyan na siyang umalis.

Grabe, usapang tuwalya at pasyente pa lang kinakabahan na ako.

I'm doomed, seriously.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
85.5K 3.9K 27
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
9.9M 296K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...