Heart Held Captive

By AaliyahLeeXXI

68K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... More

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*2*✿~
~✿*3*✿~
~✿*4*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*22*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*27*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*6*✿~

1.3K 62 28
By AaliyahLeeXXI

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Nang magising ako ay parang dinuduyan yung pakiramdam ko. I opened my eyes and darkness immediately welcomed my gaze.

Sinalakay agad ako ng matinding takot nang maalala ko yung mga nangyari bago ako nawalan ng malay kanina.

Umupo ako rito sa hinihigaan ko at pinakiramdaman ko yung sarili ko. Wala naman akong kakaibang nararamdaman kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto kahit madilim. Napatingin ako doon sa bilog na bintana na pinapasukan ng kaunting liwanag.

"Yate?"

Nasa isang yate ako. Hindi ako pwedeng magkamali dahil taon-taon akong nakakasakay sa yate ni Grandpa Andy.

Kinapa ko yung suot kong jacket. Wala na sa akin yung phone ko.

Bumaba ako mula sa kama at hinanap yung pinto. Binuksan ko iyon. It was opened! I went out and very cautiously walked on the dark hallway. Maliit lang itong yate na ito hindi katulad ng kay Grandpa. Tahimik na tahimik pero hindi mawala-wala yung sobrang kaba sa dibdib ko.

Umakyat ako sa top deck at nanlaki yung mga mata ko nang may maaninag akong dalawang lalaki na palapit sa kinatatayuan ko. Shucks! Mabilis akong bumaba ulit pero dahil walang ilaw na nakasindi ay hindi ko makita nang maayos yung hagdan. I slid and fell off the stairs, groaning painfully as my būtt hit the floor.

"What's that?"

Narinig kong sabi nung isang boses ng lalaki. Panic suddenly attacked me so I forced myself to get up. Nakatayo na ako at tatakbo na sana pabalik sa cabin na pinagdalahan sa akin pero nakita na ako nung mga lalaki at mabilis na tumakbo palapit sa akin at hinuli ako.

"Let me go! I said let me go!" Pilit akong nagwala mula sa pagkakahawak nung lalaki. Masyado itong malakas at di hamak na mas matangkad kumpara sa akin kaya ang ginawa ko ay kinagat ko nang mariin yung braso nung lalaki at nang mabitiwan ako ay mabilis akong umakyat ulit sa top deck. Nagtataka ako kung bakit walang pumigil o humabol sa akin. But when I reached the railing, yung tubig agad sa dagat na humahampas sa yate ang narinig ko at parang noon ko lang naalala na nasa dagat nga pala kami because my mind was preoccupied by the thought on how to escape those people who kidnapped me.

I was slowly losing hope as the memory of my whole family flashed in my mind. Wala akong ibang pupuntahan. Kapag tumalon ako sa tubig, malaki ang posibilidad na mamatay lang ako sa lunod o kainin ng mga pating dito sa dagat. Hindi ko na makikita yung buong pamilya ko pag nagkataon.

"Do you really think you can get away from us?" tanong nung isang lalaki sa likod ko.

I felt my eyes started to tear up as I turned to the man behind me. "Who are you? What do want from me?"

"Get her, Jonas," sabi nung isa pang lalaking umakyat din dito sa top deck.

Parang may pumitik sa utak ko nang marinig ko yung boses nung lalaking nagsalita. Parang narinig ko na yung boses na yun somewhere.

Umatras ako nang lumapit na yung lalaki sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin. Bakit nila ako dinukot? Saan nila ako dadalhin?

Gulong-gulo na yung utak ko at naisip ko na lang na tumalon na sa tubig pero kapag naiisip ko iyon ay yung mukha nina Daddy at Mommy yung naiisip ko.

Daddy, I need you again right now. Help me please.

The man caught my arm and I tried so hard to freed myself from him.

"What do you want from me?! I said let me go!" Nagpumiglas ulit ako at pilit kong hinihila yung braso ko. Pero dumulas yung paa ko sa sahig. I fell on the floor and I hit my head.

﹏~✿**♡**✿~﹏

I turned to my side and hugged the pillow beside me. I felt the back of my head ached and that was when I suddenly remembered what happened to me. I lost my consciousness when I fell on the floor of the yacht when I tried to freed myself from my kidnappers.

Mabilis akong napadilat. But this time, instead of waking up inside a dark cabin of a yacht, I woke up inside an elegant bedroom.

Mabilis akong umupo at napahawak ako sa likod ng ulo ko nang kumirot ulit iyon. Ang sakit. May bukol pala ako. Siguro tumama sa kung saan yung ulo ko nung nawalan ako bigla ng malay.

"Nasaan na naman ako?" Bumaba ako mula sa kama at lumapit doon sa isang bintana. Nasa taas ako ng isang bahay na napapaligiran ng maraming puno. Sobrang daming puno na parang walang hangganan. "Nasa gitna ba ako ng isang gubat?"

Binuksan ko yung bintana. Bumukas naman pero pagtingin ko sa ibaba ay bigla akong nalula. Mataas masyado itong bahay. Elevated pa nga mula sa lupa kaya hindi ko kakayaning talunin mula rito sa second floor dahil siguradong katapusan na ng buhay ko pag bumagsak ako sa lupa.

Napapikit ako. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nila ako dinukot? Wala naman akong nilalabag na kahit ano rito sa bansa na ito ah. O nasa France pa rin kaya ako? Isinakay nila ako sa yate. Maaaring ibang bansa na itong kinaroroonan ko. Kaya siguro ang dlim-dilim dun sa yate. Hindi nila binuksan yung mga ilaw para di makakuha ng atensiyon habang dinadala ako rito.

Nag-init yung mga mata ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Pinahid ko yung mga luha ko.

I ran towards the door but it was locked. Inilapat ko yung tenga ko doon.

"Trev, any news about your kuya?"

"Lumilipad na papunta rito."

My eyes widened. "Pilipino? Pinoy yung mga dumukot sa 'kin."

"Buti naman. Marami pa kaming kailangang gawin ni Jonas sa Pilipinas. Kung hindi ka lang sana weak, hindi ka namin sasaklolohan sa pangingidnap sa Monteverde na 'yun."

"Tangina mo! Sino'ng weak?! Tarantado ka! Kayang-kaya kong kidnapin mag-isa yung babae na yun. Concern lang talaga si Kuya sa 'kin at ayaw niyang mapahamak ako mag-isa kaya pinasama niya kayo para magkahulihan man eh may karamay ako!"

Nakarinig ako ng malakas na pagtawa galing dun sa isang lalaki.

"Napakapikon mo talaga, Trevor. At ikaw naman, Bruce, manahimik ka nga diyan! Palagi mo na lang pinagti-tripan 'tong si Trevor. Ano na ba sunod na plano?"

"Pagdating ni Kuya rito, babalik na kayo sa Pilipinas at kayo ang assigned na magbantay sa iba pang mga Monteverde dun. Kami naman itatago namin si Katheryne Monteverde rito hanggang sa mabaliw sa kahahanap yung pamilya niya."

"Ang bopols ng plano mo, Trev!" sabi nung isa saka tumawa.

"Tarantado! Si Kuya may utos nun! Pahihirapan namin yung babae rito hanggang sa ma-torture sa kaiisip yung pamilya niya sa Pilipinas."

Napapikit ako nang mariin. Ano ba ang kasalanan ng pamilya ko sa mga tao na 'to? Bakit kailangan nilang gawin sa akin ito?

Kinakain na naman ako ng takot. Pangalawang beses na itong nangyayari sa akin pero mas natatakot ako ngayon dahil nag-iisa na lang ako. Wala si Kuya at yung mga kapatid ko para palakasin yung loob ko ngayon.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko at sunud-sunod na tumulo yung mga luha ko. Alam na kaya nila na nawawala ako? Baka nag-aalala na si Mommy sa akin at si Kuya pati yung mga kapatid ko. At si Daddy, siguradong mag-aamok yun pag nalaman na kinidnap ako. Ano nang gagawin ko? Paano ako makakatakas dito sa mga dumukot sa akin kung hindi ko nga alam kung nasaan ako?

Yung tinatawag nilang Trevor. May kaparehong magsalita yun na hindi ko ma-pinpoint kung sino. Pati boses familiar din sa akin. At sino naman sina Jonas, Bruce, at yung kuya nung Trevor? Wala akong kilalang mga taong ganun na pwedeng magkaroon ng atraso yung pamilya ko. Besides, hindi naman kami nang-aagrabyado ng mga tao.

Sino ba sila? Mga nakalaban sa negosyo nina Daddy or ni Kuya?

Mabilis akong napaatras nang marinig kong may nagbubukas ng pinto. Sobra-sobra yung kaba ko nang tumambad sa akin yung mukha nung isang lalaki.

Tumaas yung isang sulok ng mga labi niya nang mapatingin sa akin. "Gising na pala ang prinsesa, Trevor."

Matangkad siya. Maputi. Balingkinitan ang katawan. Mahaba rin yung buhok na nakapusod sa likod.

"Give her some food, Bruce. Let's show the lady some hospitality," sabi nung isang lalaki na nasa labas ng kwarto kaya hindi ko nakikita.

Lumingon sa labas yung lalaki. "Tangina, bakit ako? Tumulong na nga ako sa pagkidnap dito sa prinsesa na ito tapos kinagat pa 'ko kagabi ng mala-pating na mga ngipin nito. Tapos ngayon gagawin n'yo pa 'kong serbidor."

Napatingin ko dun sa braso nito. Nakabakat pa nga doon yung mga ngipin ko.

Tumingin ulit sa akin yung lalaki na tinawag na Bruce kaya napaatras na naman ako.

"Dami mong reklamo. I-lock mo muna yang pinto at ako ang kukuha ng pagkain para sa bisita natin."

Isinara nga nung Bruce yung pinto.

Paano kung may gawin na hindi maganda sa akin itong tatlo na ito? At yung tinatawag nung isa na Kuya. Mukhang iyon yung pinaka-leader nila. Delikado talaga ako rito. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito kahit ano pa ang mangyari.

I frustratedly sat on the edge of the bed as I felt my knees shook in fear. Bakit ba sa akin pa kailangang mangyari ito?

Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto at naghanap ng pwede kong gamitin for self-defense. May tatlong bato na may design na ginagamit na home decor akong nakita doon sa ilalim ng lampshade na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko yung isa at inilagay sa likod ng bulsa ng jeans ko.

Nagulat pa ako nang bumukas ulit yung pinto at ibang lalaki naman yung pumasok. Contrary to the man who came here awhile ago, mas malaki ang katawan nito, mas matangkad, at moreno ang kulay ng balat. Clean cut din itong isang ito pero mas maamo yung mukha kaysa doon sa isa kanina. He was wearing a jeans and brown leather jacket.

Kidnapper ba talaga 'tong isa na 'to? He could pass as a male fashion model eh.

"Change of plan, Miss Monteverde. Doon ka na lang daw kumain sa dining room dahil gusto kang makasalo ni Trevor sa lunch."

Napaatras ako sa pagkakaupo ko sa kama lalo pa nang lumapit sa akin yung lalaki. Kung hindi siya si Trevor, ibig sabihin siya yung Jonas na naririnig ko kanina.

"Wala akong gagawing masama sa 'yo, Miss. Mahal ko pa ang buhay ko at hindi ko gugustuhin na sa akin mabaling yung galit nung magkapatid para sa inyo ng pamilya mo kapag kinanti kita. Kaya sumama ka na sa 'kin nang tahimik."

Maamo rin yung boses ng isa na ito compared dun sa Bruce kanina na mukhang manyak. Saka ang attractive nitong ngumiti.

"Nasaan ako? Bakit n'yo 'ko dinala rito sa lugar na ito? Ano ba ang kasalanan namin ng pamilya ko sa inyo para gawin n'yo sa amin ito?"

"I'm not in the proper position to tell you anything, Miss. Just go with me downstairs para makakain ka na."

Sanay makipag-usap itong lalaki na ito sa English. Ibig sabihin, may pinag-aralan siya. Hindi siya basta-basta goon lang na napag-utusan para kidnapin ako.

Kung gano'n, sino yung magkapatid na yun na nag-utos para gawin ito sa akin? Ano'ng kinalaman namin ng pamilya ko sa kanila? Alam kong pinagplanuhan nila ito nang maayos. Hinintay nila na mahiwalay ako sa pamilya ko bago nila ako  dinukot.

"Hindi mo gugustuhing mainip si Trev kaya sumama ka na sa akin."

I gritted my teeth in annoyance. Wala rin naman akong choice kundi sumunod dahil pag hindi ko ginawa ay baka saktan nila ako.

Bumaba ako sa kama at sumunod doon sa lalaki pababa ng bahay. Ni hindi niya ako hinawakan. Siguro ay dahil sa sumama ako sa kanya nang kusa at hindi na niya ako kinailangang pilitin pa.

Habang naglalakad kami ay may narinig akong tunog ng helicopter sa labas. May dumadaan palang helicopter dito.

Inilibot ko yung tingin ko sa buong bahay. Gusto kong makabisado yung pasikot-sikot sa malaking bahay na ito para kung magkaroon man ako ng chance na tumakas ay alam ko kung saan ako dapat dumaan.

"I know what you're thinking. Wag mo nang tangkain pang tumakas.  This house is in the middle of a forest at hindi mo alam ang tamang daan para makalabas dito. Pag naligaw ka sa kakahuyan, baka gawin ka lang pulutan ng mababangis na mga hayop dun. So if I were you, susunod na lang ako sa gusto nina Trev."

I sighed frustratedly while following him. Lumakas pa yung tunog nung papalapit na helicopter. Baka pwede akong makahingi ng tulong sa mga dumadaan na helicopter. Pero paano ko gagawin yun? Kailangan ko munang makalabas dito sa bahay na ito.

"We're here," sabi nung Jonas pagdating namin doon sa nakabukas na pinto ng sinasabi niyang dining room. He turned to me and motioned his head for me to come in. "Pasok na. Trev, the lady's here."

Hahawakan na sana ako nung Jonas para ipasok doon sa loob ng dining room pero umiwas ako at ako na yung kusang lumakad papasok doon. Isang mahabang puting dining table na may maraming mga upuan ang sumalubong sa akin. Yung Bruce kanina ay nakatayo at nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip yung mga braso at nakangising tumingin sa akin.

"Surprise, surprise..." nakangising sabi nung Bruce.

Napatingin ako doon sa lalaking nakatalikod sa akin na nakaupo sa harap ng dining table na may nakahain na mga pagkain. I frowned as I felt my heart started to thump wildly inside my chest.

Parang kilala ko yung likod na yun ah.

"Kamusta ka na, Katie? It's been quite awhile, huh?" sabi nung lalaki habang tumatayo bago humarap sa akin.

My jaw almost dropped and my eyes almost came out of their sockets when I saw the face of the other man who kidnapped me.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Cliffhanger! Haha! Ang salbahe ko! Pero napatawa n'yo talaga ako sa mga hula n'yo dun sa previous chapter kung sino yung kidnappers ni Katie. Eh sino nga kaya si Trevor at si Kuya? Haha! Si Pinoy Big Brother daw! Wahahahaha!

Anyway, kagabi pa dapat ito kaya lang di ko naedit dahil napanood ako ng MMK. Very interesting kasi yung story about sa Marawi. Nakakaiyak eh!

And speaking of iyak, kahapon habang nakasakay ako sa UV paluwas sa QC, binabasa ko yung story ni Katie. Nasa chapter 27 na ako at pahinto-hinto ako magbasa dahil nangingilid yung mga luha ko. Haha! Kakahiya dun sa mga kasakay ko. Feeling ko talaga dati nung isinulat ko itong HHC eh di maganda at di ko nabigyan ng justice yung story. But as I was reading, naapektuhan naman yung emotions ko kaya sa tingin ko naman eh I was able to give justice to Katie's story. Haha!

Sa next chapter, makikilala n'yo na sina Trevor at Kuya. Promise! Love you, guys!

w◆011317-u◆091017

Continue Reading

You'll Also Like

Ice Cold By m

General Fiction

2.3M 85.7K 50
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
475K 29.9K 40
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
583K 15.7K 80
A butler was the job description. Do what he wants. Get what he desires. That's all I have to do, but suddenly, I am thrown into a completely differe...
1.6M 139K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...