Good To You

Von winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... Mehr

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 60

1.5K 93 21
Von winglessbee


R.I.P Heart.

Nag-aagaw buhay na rin pati lahat ng organs ko at ramdam kong konting kalabit na lang, susuko na yung utak ko.

Napasinghap ako nung maramdaman kong gumalaw yung labi niya at mas lalong nanlaki yung mga mata ko nung maramdaman ko yung dila niya. Tangina. Tangina!

Hindi ko mapigilang mapakapit ng mahigpit sa braso niya dahil sa kinginang halik na 'to. Syet lang. Hindi na 'ko makahinga pero hindi ko siya matulak tulak. Ayaw sumunod ng mga kamay ko! Parang may sariling isip!

"I freaking love you Pamela Reyes," sabi niya bago ako yakapin ng mahigpit. "Matagal na, if you only knew"

I gathered all my strength para itulak siya saka ako tumakbo pabalik sa kwarto ko at nilock yung pinto. Sumandal ako dito at napahawak sa dibdib ko habang hinihingal. "Tangina," sabi ko at napapikit ng mariin. 

Hindi ko pa napoproseso yung sinabi niya. Ayaw pang tanggapin ng utak ko. Mahal niya ko?

"Pam!" narinig kong sigaw sa kabilang pinto.

Nakagat ko yung labi ko ng mariin habang nakapikit pa rin. Ramdam ko pa rin yung labi at dila niya. Kingina. Kinikilabutan ako!

"Kikay!" sigaw ulit nito habang kumakatok ng malakas at pinipilit buksan yung pinto ng kwarto ko. "Pam let's talk! Please!" patuloy nito.

Paano ako makikipag-usap ng ganito?! Ano bang akala niya sakin? Manhid at walang epekto ang lecheng halik niya? Tangina niya. Nahigop niya yata lahat ng energy at cells ko sa katawan. Hindi na yata ako makakarecover. Tapos sinabi niya pang mahal niya 'ko!

"Pam.."

Mahal niya ko?! Syet na malagkit. Totoo ba?! Paano si Ashley? Ano yun  dalawa kaming mahal niya? Kingina. Baliw na talaga yata ako.

Huminga ako ng malalim bago nagdilat ng mga mata at humakbang papunta sa kama, ignoring his presence behind the damn door. Dumapa ako dun at sumubsob sa unan.

'I love you, Kikay',

'I freaking love you Pamela Reyes'

Shit Trystan Cone Perkins. Fvck you!

*

"Lumala ka," Yanna commented pagkasakay niya sa shotgun seat. "Yung totoo? What's happening with you ba?" tanong nito.

I sighed pagkastart ko ng sasakyan. "Di ba best friend kita?" tanong ko.

"Of course!" mabilis na sagot niya.

"Favor Yanna. Ngayon lang to, hindi na mauulit," sabi ko saka huminga ng malalim. Hindi ko inakalang gagawin ko 'to dahil sa pesteng feelings na nararamdaman ko para sa apang yon. 

"Really?" excited na tanong nito na parang nagningning pa yung mga mata. "That's new huh? You never ask a favor nor help to anyone. So, tungkol saan ba yan?"

"Ilayo mo sakin si Cone," sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

Wala na 'kong ibang maisip na ibang paraan kundi ito, at alam kong si Yanna lang yung makakatulong sakin since botong boto na naman siya kay Ashley. Tsk. Ayoko man isipin pero tangina lang talaga.

Hinding hindi ako magpapaloko sa malanding hampaslupang apa na yun. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa lecheng halik at I love you niya. Akala ba niya maniniwala ako sa sinabi niyang yun? Oo nung una, syempre ano, hindi naman ako manhid kaya nga nahulog ako e. Tsk. Pero sorry siya, hindi rin ako tanga na basta maniniwala lalo't yung mismong pinsan at bestfriend niya yung nagsasabing si Ashley ang mahal niya. 

I love you my ass! Ano? Hindi siya makuntento sa isa? Kailangan dalawa kami? Kung magsyosyota na rin naman ako, dun na sa ako lang ang gusto at walang sabit. Selfish ako, ayoko ng may kahati.

"Trystan? Why?" nagtatakang tanong ni Yanna.

Umismid ako. "Umay na umay na 'ko sa presensya niya kaya kung pwede lang, iiwas mo siya sakin at baka sirain 'ko yung pagmumukha ng apang yun," naiinis na sagot ko saka binilisan yung pagpapatakbo sa kotse.

"Hey! Slow down! O-oo na! I'll do it but for Pete's sake, slow down!" sigaw nito.

Binagalan ko naman gaya ng sabi niya at dahan dahang pinark yung sasakyan nang makarating kami sa university.

Inaasahan ko na na siya yung bubungad samin pagkababa ko ng kotse kaya sinabihan ko na agad si Yanna na itaboy yung pinsan niya.

"How am I gonna do that?"

"Itulak mo, hilahin mo o kaladkarin mo palayo. Basta wag na wag mong papalapitin sakin yang hampaslupang apa na yan"

"I wonder why you're that mad at him all of a sudden. Did something happened na hindi ko alam?"  pinanliitan niya ko ng mga mata.

"Wala," mabilis na sagot ko kaya mas lalo niyang pinasingkit yung mga mata niya at binigyan ng nag-aakusang tingin. "Bilisan mo na, baka malate tayo," sabi ko na lang.

Bumaba ng kotse si Yanna at pinanood ko siyang hilahin palayo yung pinsan niya. Kitang kita ko rin yung pagpiglas ni Cone pero tinulungan ni Raven si Yanna kaya wala na siyang nagawa. Mabilis akong lumabas ng kotse at halos patakbong pumunta sa classroom. Nagsalpak agad ako ng headset sa tenga ko kahit hindi ako mahilig sa music para hindi ako matanong ni Yanna ng kung anu-ano pagdating niya dahil paniguradong hindi ako titigilan non at baka sumama pa yung buntot niyang si Raven magfull force pa silang pagtulungan ako.

"So.. Care to explain why are you avoiding Trystan?" tanong ni LWB na nakaabang na pala sa labas ng classroom namin paglabas ko.

"Wala akong dapat i-explain sayo" sabi ko saka siya nilagpasan.

"Yeah. But I heard Yanna talking about it so loud and I can't help but wonder why do you suddenly want him out of your life?" nakangising tanong nito na parang may alam pero walang balak sabihin.

Napairap na lang ako at hindi na siya kinausap. Paki ko ba sa kanya? Puro lang sila sakit sa ulo. Tao lang din naman ako, napapagod mabadtrip.

Napatigil ako sa paglalakad nung mamataan ko sina Yanna, Raven, Ashley at Cone sa isang table. Pinauna ko na kasi si Yanna para masiguro na mailalayo niya yung pibsan niya pero ang walanghiya, sinabay pa talaga? So, ako na naman ang maga-adjust? Tanginang buhay to.

Sinamaan ko agad ng tingin si Yanna na nagpeace sign lang nang mahagip ako. Hindi na 'ko nagpatuloy sa pagpasok sa canteen at napailing na lang.

"Traydor. Tsk" bulong ko habang naglalakad palayo.

"Hindi ka kakain?" tanong ni LWB.

Nilingon ko siya saglit at tinaasan ng kilay. "Bakit ka sumunod?"

"Im your brother, of course I will side on you" kibit-balikat na sagot nito habang nakapamulsa.

Napailing na lang ako. Talagang pinapanindigan niya yang pagiging kapatid kuno e hindi pa naman kasal sina Papa. Buhy nga naman, sa dami ng pwedeng makilala, bakit yung may mga saltik pa?

"Saan tayo pupunta?" tanong ulit niya.

Napabuntong hininga ako saka dumaretso sa parking lot kung nasaan yung kotse niya. "Sa fastfood, libre mo tutal kinacareer mo yang pagiging kapatid ko aabusuhin ko na" sabi ko.

Ngumisi siya saka mabilis na pinatunog yung kotse. Sumakay agad ako sa shotgun seat at tahimik kaming bumayahe. Hindi ako umimik kahit na tanong ng tanong si LWB ng kung anu-ano nang makarating kami sa malapit na fastfood. Hinayaan ko na siyang magorder tutal libre naman niya at mukhang alam naman niya yung mga gusto ko.

"You can share your problems with me, you know" sabi nito habang kumakain.

Umiling ako at nagpatuloy lang sa pagkain. Wala akong balak sabihin ito kahit kanino. Mas mabuting ako lang ang may alam para hindi na mahukay kung sakaling maibaon ko na sa limot kung ano man tong nararamdaman ko. Mas masakit kasi sa pride kung malalaman nila na naranansan kong mainlove tapos one side pa. Baka sabihin nila na karma ko yun dahil masama ang ugali ko. Hindi yata kakayanin ng pride ko yun.

Hindi na siya nangulit hanggang sa makabalik kami sa school. Sumama pa siya sakin hanggang sa classroom ko kahit sinabi kong wag na. Mag-iingay lang naman kasi yung mga kaklase kong mahilig sa lalaki. Kala mo naman mauubusan.

"See you later!" sigaw ni LWB habang tunatakbo palayo sakin pagkatapos akong halikan sa pisngi.

Kinginang yan.

Bakit ba ang hilig nila manghalik?! Tapyasin ko nguso nila e! Ugh.

"San ka galing?" tanong ni Cone na nakaupo sa pwesto ko habang busangot ang itsura. "Bakit kasama mo na naman siya?" dagdag nito.

I rolled my eyes at kitang kita ko kung paamo magningning ang mga mata ni Yanna na nakaupo lang sa tabi ng pinsan niya.

"Wala kang pakialam. Alis dyan" sagot ko pero hindi siya natinag.

Hindi niya inaalis yung tingin niya sakin na para bang may kasalan akong ginawa sa kanya.

"Problema mo? Sabi ko alis dyan. Bakit ka ba nandito?" naiinis na tanong ko nung hindi pa rin siya kumilos.

Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko pero wala akong pakialam sa kanila. Ganyan lang naman ang alam nilang gawin, ang mangchismis. Tsk.

Ginulo niya yung buhok niya saka nagbuntong hininga bago tumayo. Narinig ko pang tumawa si Yanna at Raven na nasa likod lang pala nila nakaupo saka tinapik si Cone sa balikat.

"Wala ka pala e" sabi nito bago naunang lumabas ng classroom pagkatapos magpaalam kay Yanna.

"We'll talk later" sabi ni Cone saka umalis.

"Tss"

Umiling ako saka naupo sa upuang binakante ni Cone at nagpatay malisya na lang sa nangyari. Pero dahil sa hamak na usisera si Yanna, pinaulanan niya agad ako ng mga tanong pero wala akong sinagot kahit isa.

"I hate you!" she hissed.

Nginisian ko siya saka tumango na lalong nagpasimangot sa kanya. Natapos ang klase sa buong maghapon at mabilis akong lumabas ng classroom para hindi maabutan ni Cone. Pero sa kasamaang palad, isang tapak ko pa lang palabas ng pintuan, nahagip na siya ng mga mata ko.

He walked towards me with an intensed gaze na para bang sinasabing wala na 'kong takas. Bago pa man ako makakilos, may dalawang kamay ng humawak sa magkabilang braso ko para pigilan ang pagalis ko. Sinamaan ko ng tingin si Yanna at Raven pero matamis na ngiti lang yung sinukli nila sakin.

"Anong kalokohan to?!" tanong ko ng simulan nila akong kaladkarin palabas ng university.

Yanna chuckled habang nagniningning na naman ang mga mata na parang tuwang tuwa sa nangyayari. Si Raven pangisi ngisi lang habang nauunang maglakad si Cone papunta sa kotse ko.

"Sumama ka na lang ng maayos Pam. We'll just gonna watch my cousin confessed his love" Yanna giggled.

Kumunot ang noo ko. Papanoorin? So, kailangan kasama pa talaga ko?!

"Bakit kailangan na kasama pa 'ko?" naiinis na tanong ko. Kumukulo na naman yung dugo ko kingina.

"To prove you things you refused to believe in the first place"

"Ano?"

Ngiti lang yung sinagot sakin ng dalawa saka ako pwersadong pinasok sa shotgun seat at mabilis na sinarado yung pinto ng kotse ko. I jolted on my seat nang bigla naman akong kabitan ng seatbelt ni Cone.

"Don't try to escape Pam" banta niya saka pinaandar ang sasakyan.

Hindi na ko umimik. Gustong gusto ko ng umuwi at magmukmok sa kwarto ko na once in a blue moon ko lang gawin pero ayokong ipaalam sa kanya na hindi ako komportable at ayokong masaksihan kung ano man ang gagawin niya.

Eto na naman yung letseng sobrang bilis na tibok ng puso ko. Hindi na napagod kakatibok. Kingina lang.

Tumingin ako sa bintana at napakunot yung noo ko ng makitang pamilyar yung dinadaanan namin. Mas lalong nagsalubong yung kilay ko nang tumigil kami sa sobrang pamilyar na lugar. Parang may kumurot sa puso ko nang mapagtanto na dito siya magcoconfess kay Ashley. Dito sa treehouse na gustong gusto ko at may memories namin kahit hindi maganda.

Napailing at napangiti na lang ako ng mapait. Nagiging sentimental na ko. Hindi na talaga maganda to.

"Let's go" sabi ni Cone saka bumaba ng kotse at tumakbo sa side ko para mapagbuksan ako ng pinto.

He grinned at me as he offered his hand. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis nag-iwas ng mata sa kanya dahil hindi na ko sanay makita yung ngising aso niya.

"Do you remember this place?" tanong niya sabay lahad ng kamay sa direksyon ng malaking puno kung saan nakatayo yung treehouse.

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang yung treehouse at ngayon, parang pinipiga na yung puso ko nung makita ko si Ashley na nakadungaw sa bintana.

"I told myself when I first saw this that this is the perfect place to confess my feelings to the one I really love"dagdag niya.

Kitang kita ko yung tingin niya sa tree house habang nakangiti sa gilid ng mga mata ko. Para akong nanghina bigla at gusto ko na lang tumakbo palayo. Hindi ko akalain na ganito ako kahina pagdating sa mga ganitong bagay. Ayoko ng ganito. Sana matapos na, kasi nakakapagod na.

I heard him chuckled kaya napatingin ako sa treehouse at nakita kong kumakaway si Ashley sa kanya.

Mariin akong pumikit at huminga ako ng malalim bago tumalikod at nagsimulang bumalik sa kotse. Naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko para pigilan yung pag-alis ko.

"Saan ka pupunta?" 

Hindi ako sumagot. Marahas ko binawi yung braso ko sa kamat niya at nagsimula ulit humakbang. Kinagat ko yung ibabang labi ko habang salubong na salubong ang kilay ko. Pakiramdam ko sasabog ako kapag pinagpatuloy ko pa ang panonood sa kanila.

"Pam! Pamela! Stop! Pamela Perkins!"

Bigla akong napahinto sa narinig ko. Ano daw?!

"Pamela Perkins" ulit niya.

Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. Muntik ng matunaw ang puso ko ng makita ko yung ngiti niya habang titig na titig na humahakbang palapit sakin.

"Pamela Perkins, bagay na bagay. Parang tayo Kikay" sabi nito sabay abot sa mga kamay ko at pinaghahalikan ang mga ito. "Im so tired chasing you. Please stop running away from me"

Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa mga kamay ko na patuloy niya paring hinahalikan. May kung anong umiikot sa tiyan ko habang pinapanood siya. Nakakapanghina na kahit pagbuka lang ng bibig, hindi ko na magawa.

"My Kikay.." he said then cupped my face. "Im in love with you"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

149K 3.3K 62
Love is a gamble and in a blink of an eye you could lose everything. Will Flynne de Leon be willing to risk it?
117K 2K 48
Love comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes d...
4.8M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
25K 2.5K 42
May bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapa...