The Undercover Heiress (lesbi...

By WriteMyHeartForYou

836K 29.1K 6.2K

[FILIPINO] Umuwi si Sam galing sa matagal na pagtira sa Europe dahil nakatanggap sya ng balita na ang isa sa... More

The Undercover Heiress
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 20

26.2K 899 353
By WriteMyHeartForYou

"Ha what? " hindi makapaniwalang tanong ni Paulo. Para syang nakarinig ng pinakamasamang balita na siguradong magbabago sa buhay nya. "You are joking us right?"

"This is not the right time to joke," matigas na sabi ni Papa sa lahat ng tao na kasalukuyang nasa loob ng conference room.

"It's game over," direkta kong sabi kay Paulo na maputla ang mukha dahil sa pagkabigla. "You know what, you are such a great actor," nailing nalang ako. "How can you pretend na wala kang alam! Paano mo kami nahaharap ng daretcho at nakakapagsinungaling sa mga mukha namin!"

Tumayo ang ibang board members maliban kay Grace. Kitang kita ko kung paano bumakas ang sakit at pagkabigo sa kanyang mukha na alam kong ako ang may gawa.

"Pwede kitang sampahan ng kaso dahil sa mga sinasabi mo Sam Concepcion o Imperial!" banta ni Paulo sakin. Talagang hindi sumusuko ang lalaki na ito sa pagdedeny kahit na may ebidensya na. Konting konti nalang ay mabibigyan ko na sya ng award para sa best actor.

"Go on," hamon ko kay Paulo. "Do whatever you want," inabot ni B1 sakin ang folder at USB. "Anyway, do you want to know kung anong laman ng USB na ito?"

"Ano ang laman ng USB na yan?" usisa ng isa sa mga board.

"Nasa USB ang lahat ng bank transaction ni Paulo. At para hindi matrace na galing sa kumpanya ang perang ninakaw nya ay pinapadaan nya muna ito sa ibang account," sagot ko habang isa isang kong pinagmasdan ang mga mukha ng board except kay Grace dahil hindi kaya ng puso ko na salubungin ang kanyang mga mata.

Biglang pinagpawisan ng malapot si Paulo. Parang maiihi na sya dahil sa pagkabisto sa kanya. "Napipi ka ata?" pang iinis ko dito. At tumingin ako kay Papa at inabot ang USB. "You can use this against Paulo,"

"Thank you so much Anak," pasasalamat ni Papa.

"Kaninong account pinapadaan ng pera?" tanong ng iba pang member.

Bigla akong napatingin kay Grace. Ni walang kaemo emosyon ang mga mata, para na syang namatay ng ilang ulit. Mas natatakot kapag ganyan sya. "One of his brother," mahina kong sagot. "Carlos,"

"That is not true!" sigaw ni Paulo, bakat ang mga ugat sa kanyang noo at leeg sa sobrang pagpupuyos sa gakit. "Sinungaling ka!" at tinangka nya akong susugurin pero agad syang hinarang nina B1 at B2. "Umalis kayo sa harapan ko!" pero hindi natinag ang dalawa bagkus ay hinawakan ng mga ito ang braso ni Paulo. "Bitawan nyo ako! Mga walang hiya kayo!"

"Tumawag kayo ng pulis," utos ni Papa sa ibang tauhan nya. "Pinagkatiwalaan kita Paulo tapos nanakawan mo lang kami. Muntik ng mawalan ng trabaho ang maraming tao dahil sa kagagawakan mo!"

"Boss hindi totoo yan!" pagdedeny parin ni Paulo. Siraulo nalang ang maniniwala sakanya. At bago pa sya makagawa ng eksena ay dumating na ang mga police. "Magbabayad ka," pagbabanta ni Paulo sakin.

Unti unting naglabasan ang mga tao sa conference room habang kami ni Grace ay hindi gumagalaw sa aming kinatatayuan. Walang ibang ingay sa kwarto kundi ang mahina naming paghinga. Pakiwari ko nga dinig narin ni Grace ang bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko.

"I'm sorry.." para akong nabulunan sa simple ngunit mabigat na salita na ito. Biglang tumayo si Grace at kinuha ang mga gamit nya. Mabilis ko syang nilapitan. "Grace.." usal ko sa pangalan nya pero hindi sya kumikibo. "I can explain everything,"

"Umalis ka sa daan ko," bulong ni Grace. Ang boses nya ay pinaghalong lungkot at galit pero hindi ako nagpadala sa takot. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanya simula umpisa hanggang katapusan at gusto ko rin syang balaan tungkol kay Paulo.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag please," pagmamakaawa ko, tinangka ko syang hawakan pero iniwas nya ang kanyang braso. Para akong may malala at nakakahawang sakit. Napaatras ako sa ginawang pagtulak ni Grace sakin at nagmamadaling na sgang lumabas ng kwarto pero hinabol ko parin sya. "Grace!" pinagtinginan kami ng mga tao pagkalabas ng conference room. "Grace!" pero tila wala syang naririnig.

Hahabulin ko pa sana sya pero narinig ko ang boses ni Papa. "Sam." bumagsak ang mga balikat ko dahil sa lungkot at pagkadismaya. "Hayaan mo muna si Grace, sigurado akong nabigla sya," wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Papa. Sinamahan ko sya sa opisina nya at pinagusapan namin ang asksyon na gagawin kay Paulo.

"Nakafreeze na ang mga bank accounts ni Paulo pati sa kapatid nya kaya sooner or later ay mababawi nyo na ang lahat lahat," paliwanag ni Laura.

Si Laura ang company lawyer namin. Take note, ang bata pa ni Laura at sobrang ganda. Pero alam nyo ba ang una kong napansin sa kanya? Syempre yung ang mga dimples nya.

"Very well," nakahinga ng maluwag si Papa at pinagsalikop ang kanyang kamay. "I want him rot in jail!"

"But let us not be surpise kapag nakapagpyansa si Paulo dahil may kaukulang bail ang kaso nya," dagdag ni Laura. "At kapag nakapagbigay na ng official statement at documents ang bangko ay maari na natin syang sampahan ng mas mabigat na kaso," dumikwatro ang magandang abogada bago tumingin sakin. "Dahil kung tutuusin, what Ms. Sam Imperial did was illegal dahil hinack nyo ang system ng bangko."

"Magkakaproblema ba tayo kay Sam?" nagaalalang tanong ni Mama.

Ngumiti si Laura habang nakatingin sa laptop at pinagaaralan ang kaso. "Wala naman siguro tayong magiging problema since tayo lang naman ang nakakaalam about that,"

"Anyway Ms. Laura," singit ko sa usapan. "Ano kaya ang pwede nating isampa kay Paulo about stalking?" napakunot ang noo ni Laura. "May mga pictures sya ni Grace. All of them are stolen. He clearly invaded someone else privacy,"

"It's a crime," matuwid na tumayo si Laura at ang kanyang daliri ay tumapiktapik sa kanyang mapupula na labi. "A criminal harassament is an offence in the Criminal Code. It is harassing behaviour that includes stalking."

"Makukulong din ba sya sa kaso na yon?"

"It depends on the facts and the seriousness of the behavior," seryosong sagot ni Laura. "But if the accused person found guilty then the judge will decide the sentence and Grace can file a restraining order."

Parang slow motion na nagbukas ang elevator at lahat ng tao ay nakatingin sa direksyon ko lalo pa at nakabuntot sakin sina B1 at B2. Sa itsura ng mga mukha nila ay malamang na alam na nila kung ano ang nangyari kay Paulo at kung ano talaga ang tunay kong pagkatao. Siguro kaming dalawa ni Paulo ang main at hot topic ng mga chismoso at chismosa sa loob ng elevator.

"Gwen.." mahina kong tawag sa pangalan ng isa sa itinuturing kong kaibigan dito sa kumpanya.

Lumingon sya sakin habang may nginunguyang pagkain. As usual. "Sam!" pinahid ni Gwen ang bibig nya at saka excited tumayo. "Or should i say. Ms. Sam Imperial." napatingin sya sa mga body guards ko. "Now i know kung bakit may nakabantay sa kotse mo nong pinakuha mo sakin yung extra tshirt,"

Sumaludo sina B1 at B2 kay Gwen. "Yeah," ang tangi kong nasabi. "And please just call me Sam, ako parin naman yung Sam na una mong nakilala. Wala namang magbabago." isang malaking ngiti ang sinagot ni Gwen. "Hmm. Nasa opisina ba si Grace?"

May pagaalinlangan sa mga mata ni Gwen. Hindi naman siguro sya bulag para hindi mapagtanto kung ano ba ang namamagitan samin ni Grace. "Wala sya. Maaga syang umalis pagkatapos ng conference."

"Umuwi na sya?"

Napakibit balikat si Gwen. "I'm not sure. Maybe."

"Okay," dismayado kong sabi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ganon ba talaga sya kagalit sa ginawa ko at ayaw nya na akong makita, ni hindi nya nga ako kayang tignan ng daretso. "Salamat,"

"So.. hindi ka na magtatatrabaho dito?"

"Hindi ko pa alam Gwen," hindi ko siguradong sagot. "May naiwanan kasi akong business sa France at kailangan kong asikasuhin." pero hindi ko pa alam kung kelan ako babalik sa France. Ayaw ko namang umalis na ganito ang sitwasyon namin ni Grace.

"Saan tayo Sam?" tanong ni B1 nang naglalakad kami sa parking lot.

"May pupuntahan pa ako," binuksan ko ang pintuan ng aking sasakyan. "Mauna na kayo,"

Pinaandar ko ang sasakyan pero hindi malaman kung saan talaga tutungo.
Ayaw ko pang umuwi ng bahay dahil hindi naman ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita at nakakausap si Grace. Hindi ko akalain na magiging mahirap ang lahat para sakin dahil ang akala ko kapag nalaman na kung sino ang tunay na nagnanakaw ay pwedeng pwede na akong umalis sa Pilipinas at bumalik sa France. But i was completely wrong.

Nagmaneho ako ng nagmaneho hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa mapuno, madamo at tahimik na lugar. Sa totoo lang, hindi ko alam kong bakit dito ako dinala ng mga paa ko pero siguro dito ko matatagpuan ang hinahanap ko.

At kahit sa malayo ay hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. Nakaupo si Grace malapit sa puntod ng magulang nya na may lungkot sa napakaganda nyang mukha. Walang ingay akong humakbang, naglakad at lumapit sa kanyang kinauupuan.

"Grace..." dinala ng hangin ang aking tinig.

Napahinto si Grace sa paghaplos sa lapida ng kanyang magulang. Bumaba at tumaas ang balikat nya bago tumayo.

"Grace.." sambit ko sa pangalan nya.

"What are you doing here?" sing lamig ng yelo ang boses ni Grace.

Sumambulat ang buhok sa aking mukha ng humangin ng malakas. "I was looking for you,"

Inayos ni Grace ang kanyang buhok bago sumagot. "Sabi ko na nga ba at ikaw yung nakita ko sa elevator na kasama ni Peter," umpisa nito na nanatiling nakatingin sa puntod. "Kaya malapit ang loob ng Presidente sayo dahil anak ka nila," napatawa si Grace. Tawa na parang gusto nyang maiyak at matawa. "Damn! I knew it! Ikaw yong lumapit sakin noong Party Sam. Bawat parte ng mukha mo ay kilalang kilala ko pero mas pinili ko na wag kang paghinalaan!"

"I'm so-"

"Shut up! Hindi pa ako tapos magsalita!" sigaw ni Grace sakin na muntik ko ng ikatalon dahil sa pagkagulat. Ngayon ko lang sya nakita na ganitong kagalit. "Pero alam mo Sam. Ang tanga ko e kung bakit ako naniwala sayo! Pinaikot ikot mo ako sa palad mo!"

"Lahat ng pinakita ko ay totoo Grace! Lalong lalo na yung pagmamahal ko sayo," pagkukumbinsi ko sa kanya. "Maaaring nagsinungaling ako tungkol sa pagkatao ko pero hindi ibig sabihin nun na kasinungalingan din na mahal kita."

Hindi agad nakakibo si Grace. Naglalaban ang puso at isip nya kung maniniwala ba sya sakin o hindi. "Sabihin mo sakin Sam. Isa ba ako sa pinaghihinalaan mo na nagnanakaw sa kumpanya?"

Nalunok ko ata ang dila ko. "Er. Lahat ay suspect ko Grace,"

"Pero kami ni Paulo ang primary suspect right? Dahil lagi kaming magkausap at magkasama?" may mapait na ngiti sa labi ni Grace. "Sagutin mo ako Sam!" yumuko ako para iwasan ang mapang usig na mga mata nya. "Answer me!"

Napakagat labi ako. "Ye..yes." wala na akong dahilan para magtago at maglihim. Ngayon na ang pagkakataon para magsabi ako ng totoo kay Grace. "Dahil noong una hindi ko maintinidhan kung ano meron kayong dalawa, kung bakit ka nya laging hinahanap at kung ano ano pa!"

"Kaya kinuha mo ang loob ko para malaman ang totoo?" parang tinatanong ni Grace ang kanyang sarili kaysa sakin.

"Hindi naman sa gan--"

"Just please answer me Sam," pakiusap ni Grace. Isang matigas na tango lang ang sinagot ko dahil hindi rin naman ako makapangatwiran sakanya. Pero naisip ko rin kung ako siguro ang nasa lugar ni Grace baka hindi ako kasing kalmado nya. "Right," isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig ni Grace sabay pahid ng luha. "Ang tanga ko kasi kung bakit binaliwala ko ang mga clue na nasa harapan ko dahil sa pagmamahal ko sayo.."

Lumapit ako kay Grace at nagtangkang hawakan ang braso nya. "Please understand me Grace. I know nasaktan kita, you felt betrayed but believe me maraming pagkakataon na gusto kong sabihin sayo ang lahat lahat pero naunahan ako ng takot,"

Huminga ng malalim si Grace. "Sam.." at tumingin sya sakin. Isang tingin na mukhang mamimiss ko ng husto. "Naiintindihan ko,"

"Marami pa akong gustong sabihin--"

"I need to go," sumulyap saglit si Grace sa puntod ng magulang nya. Naglakad sya pero bago pa sya makalagpas sakin ay hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsalikop ang aming daliri. Ang bigat ng dibdib ko na maghihiwalay kami ng ganito. "Sam.."

"Don't please.." pakiusap ko, nanginginig narin ang tuhod ko na kahit anong oras ay bibigay ako.

Suminghap si Grace ng hangin at huminga ng malalim. Nilabas nya lahat lahat ng tensyon sa loob ng kanyang katawan bago sumagot.

"You don't need me Sam." napakahinang bulong ni Grace. Bakas na bakas ang lungkot sa kanyang boses at tila gusto pa nyang maiyak. "At ngayong okay na lahat sa kumpanya at napatunayan mo na si Paulo ang may sala." lumunok si Grace. "Maari mo na akong kalimutan." dahan dahan nyang inalis ang kamay ko na kapit na kapit sa kanya. "Forget me and I will forget you,"

Nanlamig ang kamay ko ng nawala na si Grace sa aking tabi at parang ulan na bumagsak ang mga luha ko dahil sa sobrang sakit.

Continue Reading

You'll Also Like

188K 7K 20
GirlxGirl Romance. Contains mature content. (Not really) Tahimik na buhay-single si Rio. Kaso komplikado dahil palihim na nagmamahal ng maling tao. G...
348K 7.3K 54
Summer Rain Canda the youngest daughter of the famous family of Canda. The richest in town, and Ranked 2nd richest family in the philippines. She's t...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...