Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

By GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 17: Exorcism

10.1K 548 68
By GYJones

Nanginginig ang kamay ni Brother Paul habang hawak ang tasa ng kape. Nakaupo siya sa kusina kasama sina Kanor at Wendell na nagaantay sa pagbalik ni Father Markus. Tense sila. Lalo na si Brother Paul na magiging katulong ng pari sa ritwal ng exorcism. Hindi pa man din siya nakaka-get over sa naranasan, sa kanyang vision ni Father Dacayman na nasusunog sa impiyerno kung kaya't panay ang dasal niya.

Malamig ang hangin sa labas na galing sa bundok at bumabaybay sa bukirin. Payapang nagdarasal si Father Markus sa nakabibinging katahimikan sa ilalim ng mga bituin. Nakaluhod siya sa isang tuhod malapit sa may puno. Suot niyang kulay itim niyang abito na pinatungan niya ng kulay violet na estola, o stole, na parang scarf sa leeg. Nang kuntento na sa dinasal, nag-sign of the cross, tumayo, at taimtim na naglakad siya pabalik ng kubo.

Pinagkumpisal niya ang tatlo at dinasalan bago napagpasyahan na ready na sila. Pinag-abang si Wendell sa labas kung saan daw siya ligtas at si Kanor ay pinag-standby naman sa labas ng kuwarto. Nanginginig pa rin si Brother Paul. Namumutla't pinagpapawisan. Hinawakan siya ni Father Markus sa balikat para pakalmahin.

"Huwag kang matakot," ani ng pari. "Ang takot mo ang gagamitin ng dimonyo laban sa 'yo."

Napalunok si Brother Paul, tumango at tinapangan ang sarili.

Naglakad ang dalawa tungo sa kuwarto at pumasok.

Sa loob, nilapag ni Father Markus ang portable lamp sa sahig malapit sa pintuan. Ang madilim na kuwarto ay nagbalik sa malagim nitong hitsura: nagpuputik na pader at sahig, malamig na temperatura at mga naggagapangang mga insekto sa paligid. Nakaupo ang bata sa kama, nakatali ang dalawang mga kamay sa magkabilang poste. Nakatingin na ito sa kanila nang sila'y pumasok.

"Kanina pa kita inaantay, father," sabi ng dimonyo. "Nainip na ako."

Hindi siya pinansin ni Father Markus, diretso agad ito sa ritwal. Hawak niya'ng bote ng holy water na itinapat niya sa bata at tinirace ang sign of the cross sa kanya.

In the name of the Father, and the Son and the Holy Spirit.

Winisikan ni Father Markus ang bata ng holy water at parang asido itong tumama sa kanyang mukha at siya'y napahiyaw. Bilang blessing, winisikan din niya si Brother Paul sa kanyang tabi na hawak ang libro ng ritwal na nakapatong sa malaking bibliya. Sinumulang dasalin ni Father Markus ang Litany of the Saints at si Brother Paul ang nag-response.

Lord, have mercy.
Lord, have mercy.

Christ, have mercy.
Christ, have mercy.

God, the Son, Redeemer of the World.
Have mercy on us.

God, the Holy Spirit.
Have mercy on us.

Mula sa bibig ni Berta, ay lumabas ang tinig ng dimonyong galit na galit.

"TIGILAN N'YONG PAGDARASAL!" sigaw niya.

Habang patuloy ang dalawa ay malakas na umuga ang kama na para itong nililindol.

St. Michael,
Pray for us.

St. Gabriel,
Pray for us.

St. Raphael,
Pray for us.

Nanlilisik sa galit ang bata. Ang bibig niya'y naglalaway.

"MGA HUWAD NA SANTO! HUWAD NA MGA ANGHEL!" kanyang sigaw.

Patuloy lang sa pagdarasal sina Father Markus at Brother Paul, na medyo nagiging affected ng panay na pagsigaw ng dimonyo sa loob ni Berta, na siya'y minsa'y nauutal.

Deliver us, O Lord, from every evil.
Deliver us, O Lord.

From all sin,
Deliver us, O Lord.

From your wrath,
Deliver us, O Lord.

Malakas ang boses ni Father Markus, ume-echo sa kuwarto. Dama niyang kanyang mga salita. May conviction. At ito'y masakit sa tenga ng dimonyo.

"TUMAHIMIK KAYO!"

Sinimulan naman nilang dasalin ang Psalm 53.

God, by your name save me, and by your might defend my cause.
God, hear my prayer, hearken to the words of my mouth.

For haughty men have risen up against me, and fierce men seek my life, they set not God before their eyes. God is my helper, the Lord sustains my life.

"TUMIGIL KAYO!"

Nayanig ang sahig at natumba sina Father Markus at Brother Paul. Pero, agad silang tumayo at ipinagpatuloy ang pagdarasal.

Save your servant,
Who trusts in you.

Let her find in you, a fortified tower,
In the face of the enemy.

Let the enemy have no power over her,
The son of inquity be powerless to harm her.

Sa labas ng kuwarto, dama rin ni Kanor ang pagyanig ng sahig. Ganun din si Wendell sa labas na nagmadaling pumasok ng bahay para alamin ang nangyayari.

"Tay?"

"Doon ka lang sa labas, Wendell," sabi ng kanyang ama.

Nang nakitang ligtas naman ang ama ay lumabas na muli ang binata.

Sa kuwarto, patuloy ang pagwawala ng bata, nagpupumilit pumiglas sa kanyang pagkakatali. Ang salita ni Father Markus ay hindi niya matiis, ang tenga niya'y nagdurugo.

"MAGSITIGIL KAYO! MGA HAYUP KAYO!" sigaw ng dimonyo.

Lumapit si Father Markus at hinawakan ang bata sa ulo.

God, creator and defender of the human race, who made man in your own image, look down in pity on your servant Maria Roberta Trajico, now in the toils of the unclean spirit, sworn foe of our race. Repel, O Lord, the devil's power, break asunder his snares and traps, put the unholy tempter to flight. By the sign of your name, let your servant be protected in mind and body. Keep watch over the inmost recessed of her heart, rule over her emotions, strengthen her will. Graciously grant, O Lord, as we call on your holy name, for the evil spirit to retreat in terror and defeat, so that this servant of yours may be free and praise you, through Christ our Lord.

Amen.

Bumitaw si Father Markus at winisikan muli ng holy water ang bata na humiyaw muli sa sakit na dulot nito sa kanyang balat.

"TAMA NA!"

At walang anu-ano'y nagbago ang boses nito. Nawala ang garalgal na boses ng lalaki at napalitan ng boses ng bata. Boses ni Berta.

"Itay! Tulungan mo ako! Itay! Parang awa mo na!"

Nang marinig ni Kanor ang mga daing ng anak ay hindi siya nakapagpigil at siya'y pumasok ng kuwarto. Nanlaking kanyang mga mata na makitang namimilipit sa sakit ang anak niyang si Berta.

"Itay! Itay! Sinasaktan nila ako!"

Napatingin si Kanor kay Father Markus at Brother Paul na nagsimula namang magdasal ng Our Father. Gusto niyang hintuin sila. Hintuin ang exorcism na ito. Pinapatay nila'ng anak ko, wari niya.

Our Father who art in Heaven,
Hallowed be thy Name, thy Kingdom Come, thy will be done,
On earth as it is in Heaven...

"Itaaaayyyy!"

"F-father?" nanginginig na sabi ni Kanor, hindi niya alam ang gagawin.

Binigyan siya ng tingin ni Father Markus na nagsasabing magtiwala ka lang. Tumango si Kanor at sinamahan sila sa pagdarasal.

Hail Mary, full of grace. The Lord is with you.
Blessed are you among women,
And blessed is the fruit of thy womb Jesus.

Dahil doon, lalo pang namilipit sa sakit ang bata, at bumalik ang garalgal na boses ng lalaki, galit at naghihimasok.

"MAGSITIGIL KAYO! MGA PUTANGINA N'YO! MGA PUTA KAYO NG DIYOS!"

Biglang nagapoy ang hawak na bibliya ni Brother Paul at ang apoy ay kumalat sa harap ng kanyang sutana. Sa gulat niya'y nabitawan niya'ng bibliya at napaatras at dali-daling hinubad ang kanyang suot. Tinulungan siyang makalabas ng kuwarto ni Kanor.

Nahinto ang ritwal at naiwan si Father Markus sa kuwarto.

Saglit na katahimikan. Maya-maya'y nagsalita ang dimonyo.

"Mahina ang proteksyon mo, father."

Nanggigilait si Father Markus sa ginawa ng dimonyo kay Brother Paul. Sa galit niya'y winisikan niya ang bata ng holy water.

Humiyaw ang dimonyo sa sakit.

Nanlalaki ang mga mata ni Father Markus sa galit habang patuloy ang wisik niya at patuloy ang hiyaw ng dimonyo, hanggang sa maubos ang laman ng bote ng holy water at sa pagod ay nabitawan niya ito. Tinukod niya ang kanyang mga kamay sa tuhod, hinahabol ang kanyang hininga. Namimilipit naman sa sakit ang bata, pero, nakuha pa nitong magsalita.

"Kaya mo pa ba, father? O hanggang dito ka na lang?"

Nakita ni Father Markus na hindi pa sapat ang ritwal, at nakaramdam siya ng hinala sa sarili kung may kapangyarihan nga siyang lipulin ang dimonyo kay Berta. Sadyang napakalas nito.

"Natatakot ka, father. Na baka tulad din ito ng dati..."

Dumiretso ng tayo si Father Markus.

"Naaalala mo ba si Sister Juanita?" tanong ng dimonyo.

Paanong makakalimutan ni father ang huli nilang exorcism? Halos gabi-gabi niya itong iniisip. Ang failed nilang exorcism kay Sister Juanita.

"Ikaw ang pumatay sa kanya, Father."

"H-hindi..." napapikit ang pari.

"Hindi mo siya napagaling, kaya siya nagpakamatay."

May matinding poot ang pari, at nilalamon siya ng kanyang kunsiyensiya.

"Nagpakamatay si Sister Juanita, Father..."

Tumingin sa kanya ang dimonyo ng mga matang nangungutya.

"...At siya'y kapiling namin ngayon."

Nanlaki ang mga mata ni Father Markus sa sinabi ng dimonyo.

At ito'y ngumiti sa kanya.

"Hi, daw."

Napaatras si Father Markus at nagkandarapang lumabas ng kuwarto, habang tumatawa ang dimonyo sa loob ni Berta.

NEXT CHAPTER: "Si Bishop Israel"

Continue Reading

You'll Also Like

124K 2.5K 44
Nagmahal ka lang naman ng totoo pero panloloko at pang-uuto isusukli sayo. Kapag mabait daw laging nasasaktan, tanong ko lang? Gaano ba ako kabait pa...
14.1K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016