A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Epilogue

Forty [3]

78.4K 1.4K 94
By YGDara

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa natutulog na si Adie. Inis na bumangon siya at hinanap ang alarm clock na tumutunog. Nang makita ito sa bedside table ay agad na pinatay niya iyon.

Kailan pa nagka-alarm clock rito? - nagtataka niyang isip. Napakamot siya sa ulo at sinipat ang orasan.

She groaned when she saw that it's only six thirty in the morning. Nilingon niya ang katabi pero wala na roon si Marco. Tanging isang papel ang nakita niya sa unan nito. Kinuha niya iyon at binasa.


'Went to the gym, love. I love you!'

Napangiti nalang si Adie sa note nito sakanya. They are still here sa isang resort sa may El Nido. Dito kasi pinili ng kanyang mga magulang na magrenew ng vows tapos nagextend pa silang lahat ng three more days para raw makapagbakasyon naman daw kaya naman hindi na sila umangal.

Kinusot niya ang kanyang mata at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Maaga pa naman, kaya matutulog muna siya ulit. Mamaya niya na pupuntahan si Marco. Knowing her boyfriend, magbababad nanaman iyon sa gym.

She was about to close her eyes when another noise came up.

"What the hell?!" Kumunot nalang ang noo niya dahil hindi niya makita ang pesteng pinanggagalingan ng tunog. Tingin niya ay isang alarm clock nanaman iyon. Mukha siyang tanga na sinusundan ang ingay na iyon. She ended up at the other bedside table, sa loob ng drawer. Naroon ang isa pang alarm clock na naghuhurumentado. Inis na pinatay niya iyon.

Huminga siya ng malalim. Sagana ba itong resort na ito sa alarm clocks?

Lumundag ulit siya sa kama at humiga. Hinintay niya kung may tutunog nanaman ba, pero wala nang nag-ingay kaya naman pumikit na siya. Inaantok pa siya.

"Peste!" Sigaw niya ng isa nanamang malakas na tunog ang gumulantang sakanya. This time, it's louder. Tapos ang tunog naman na ito ay tila bombang sasabog.

"Ahhh! Nasaan ba 'yun?!" Naiinis na asik niya. Hindi niya kasi mahanap ang nag-iingay. Tumigil siya sa kama nila at pinakinggan ang tunog. At tama siya, nasa kama nga nila iyon nanggagaling, inalis niya ang comforter, ang mga unan pero wala ito roon. Naiinis na siya sa ingay kaya tumigil ulit siya at nagconcentrate kung saan talaga nanggagaling yung tunog.

She groaned nang matanto niya kung nasaan iyon. Mabilis na dumapa siya sa sahig at sinilip ang ilalim ng kama and there it is. That annoying little thing! Mabilis na hinablot niya iyon at inis na tinaktak ang battery nito sa likod. Pero ang alarm clock, sosyal! Walang battery, di-switch ito kaya naman hinanap niya ang button para mapatay ito. Nang mapindot niya ang off button ay hapong umupo siya sa gilid ng kama.

Wala na! Nawala na ang antok niya. Pero napatayo siya ng biglang may tumugtog. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang musikang tumutugtog and there at the two corners of the ceiling may dalawang speakers na nakakabit.


Kailan pa nagkaroon ng speakers ang kwarto? Bakit parang hindi niya iyon napansin nang pumasok siya kagabi?

And then, as if on cue.. biglang may kumanta.

* A hundred and five is the number that comes to my head, when I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed, that's precisely what I plan to do *

Napatayo si Adie nang makilala ang boses na iyon.

"What the hell! Marco?" She cursed under her breath. Ano nanaman ba'ng pakulo nito?


"Love! Good Morning! I assume that you're awake now." Tumigil si Marco sa pagkanta pero may background music parin na tumutugtog. "Sa dami ba namang alarm clock ang sinet ko alam ko namang tulog-mantika ka." Pagkasabi nito ay tumawa pa ito.

Napailing nalang siya sa sinabi nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kung nagtataka ka kung ano ang nangyayari, might as well get you ass here at the shore. I'll be waiting, I love you. Oh! I wrote this song for you by the way! I love you!" Pagkasabi nito ay umulit ulit sa umpisa ang kanta.

* A hundred and five is the number that comes to my head, when I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed, that's precisely what I plan to do *

Mabilis siyang lumabas ng kwarto. Pero rinig parin niya ang pagkanta ni Marco dahil pagkalabas niya naglipana ang mga speakers and stereos sa buong hotel. Nakahilera iyong mga staffs sa hallway at gina-guide siya kung saan ba siya pupunta. Pero kahit ganoon, nakafocus ang mga tenga niya sa kanta ni Marco para sakanya.

* And you know one of these days, when I get my money right, buy you everything and show you all the finer things in life. We'll forever be in love, so there ain't no need to rush. But one day, I will be able to ask you loud enough. *

Nang makarating sila sa lobby ng hotel ay bumulaga sakanya ang isang malaking Flat screen tv. Other guests of the hotel are grinning from ear to ear. Ang mga staffs naman ng hotel ay nakapalibot sakanya. And then the Flat screen tv lit up revealing the words Marco is singing right now.

* I'll say, 'Will you marry me?' .. I swear that I will mean it. I'll say 'Will you marry me?' Singing.. ooh-woah.. ooh-woah .. ooh-woah *

Napatakip si Adie sa bibig niya ng nabasa at narinig niya ang mga sinabi ni Marco. Oh my God! Is he really proposing to her?

Her heart suddenly beats faster. Gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa dahil na-shock siya. Hindi siya makagalaw ngayon. All she can see is the words that are continuously flashing at the screen. She can hear the guests and staffs of the hotel clapping their hands to the beat of the song while swaying sideways.

She was interrupted by her thoughts when two ladies wearing yellow sundresses with flowers at the side of their hair came to her. Nakangiti lang ito sakanya nang maingat na hilahin siya ng mga ito sa labas ng hotel papunta sa shore.

Different colors of rose petals were scattered on the floor of the balcony hanggang sa buhanginan ay maraming nagkalat. Parang nagsisilbi iyong daanan para sakanya. Malalaking speakers nanaman ang nakahilera hanggang sa shore. Kinakabahang sinundan niya ang mga petals na iyon na alam niyang dadalin siya sa taong sasagot sa mga katanungan niya na naglalaro sa isip niya.

* How many girls in the world can make me feel like this?
Baby, I will never plan to find out. The more I knew, the more I find the reasons why, you're the love of my life.

And you know one of these days, when I get my money right, buy you everything and show you all the finer things in life. We'll forever be in love, so there ain't no need to rush. But one day, I will be able to ask you loud enough..*


Sa wakas, natatanaw na niya si Marco malapit sa may dagat. Pero ang mas ipinagtataka niya ang mga taong nasa likod nito. Pero hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin iyon dahil tanging nasa isang lalaki lang na nakatayo sa isang malaking heart na gawa sa pulang mga shells ang atensyon niya. Nahiya naman ang suot niyang yellow na sleeveless at white short sa suot nitong all white outfit. White pants and white long sleeve not to mention na bukas ang unang tatlong butones. And why the hell is she checking up on his boyfriend in the middle of this situation?

Lalapit na sana siya rito pero itinaas nito ang kamay para pigilan siya sa paglapit rito kaya naman napatigil siya sa kinatatayuan. Kinuha ni Marco kay Dylan ang isang microphone. Nagtatakang tinignan niya lang ang mga ito. Itinapat nito ang microphone sa tapat ng bibig at ito na mismo ang kumanta para sakanya.

"I'll say, 'Will you marry me?'.. I swear that I will mean it, I'll say, 'Will you marry me?'.. And if I lost everything, in my heart it means nothing 'cause I have you.. Girl, I have you.." Nilapitan siya nito at masuyong hinila papasok sa loob ng hugis pusong ginawa nito. Hinalikan siya nito sa kamay at hindi na napigilang umiyak ng lumuhod na ito sa harap niya hawak sa isang kamay ang kamay niya at ang isa naman ay sa microphone habang kumakanta parin ito.

"..To get right down on bended knee, nothing else will ever be.. better, better. This day when I'll say.." Ibinaba nito ang microphone sa gilid niya. May dinukot ito mula sa bulsa niya sa likod at napahikbi na siya ng bumungad sa harapan niya ang isang kumikinang na singsing.


"Adrienne Marie Martin, will you marry me... today?"

Natigagal siya sa sinabi nito. Today? As in ngayong araw? This day?

"What?" Mahinang tanong niya rito.

"I just can't wait anymore. I won't make any promises. But are you willing to explore all the things in life with me?" Muling tanong nito.

"Pero ngayon talaga, Marco? I mean, there are so much to fix when it comes to wedding." Naguguluhang tanong niya rito.

"Love, it's a yes or a no question. Please answer me. Huwag mo muna isipin ang ibang bagay. I'll ask you once again. Adrienne Marie Martin, WILL YOU MARRY ME?" malakas na tanong nito.

Ngumiti siya ng malawak rito. "YES! YES! OO!" She was crying with joy when Marco is putting the ring on her. Mabilis na binuhat siya ni Marco at pinaikot-ikot sa ere. Loud cheers from their families and friends caught her attention. Naroon buong pamilya niya, ang pamilya ni Marco, ang barkada nito. Pero nagulat siya sa mga nakita. Reporters and their cameramen, Journalists and other media were also there.

Nagtatakang tinignan niya si Marco that was smiling from ear to ear. "What are they doing here?" Tanong niya rito.


"I want to show the whole world how much inlove I am with you. And I am marrying the most beautiful journalist that entered my world, and I also want to be with her in her world." Makahulugang sabi nito.

Nagsimula nanamang mamuo ang mga luha niya. She cupped Marco's face. "I love you." Mahinang usal niya.

Marco kissed her palm, tears are also evident in his eyes. "And I love you too,love." And then he crossed the distance between them claiming her lips in front of all the people around them and in front of the whole world.

----------
Song used. Marry me by Jason Derulo. Maganda iyan guys!
VOTE AND COMMENT PO :)

Follow. @kendeyss (twitter/instagram/ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

503K 20.8K 21
"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing wi...
1.1M 20.1K 32
What is a damsel in distress means? According to the dictionary it means that a young woman in trouble and needs to be rescued by a prince, like in f...
5.3M 136K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...