When Day 32 Starts...

By JhingBautista

5.6M 103K 6.7K

[MY THIRTY DAY PLAN's sequel] Tapos na ang trial period... totohanan na ang kasunod. If I make even a single... More

Foreword
Prologue
Chapter 1 - Day 32
Chapter 2 - Red
Chapter 3 - Operation: Win His Heart
Chapter 4 - Captivated
Chapter 5 - Common Ground
Chapter 6 - Indirectly
Chapter 7 - Reservations
Chapter 8 - Different
Chapter 9 - Sick
Chapter 10 - Still Sick
Chapter 11 - Best Friend
Chapter 12 - Love Bug
Chapter 13 - Understanding Kent
Chapter 14 - Commitments
Chapter 15 - Past, Present and Future
Chapter 16 - Just Another Day
Chapter 17 - LDR
Chapter 18 - Hello, New York!
Chapter 19 - Absence Makes the Heart Go...?
Chapter 20 - Homesick
Chapter 21 - Back at One
Chapter 22 - Take It or Leave It
Chapter 23 - Starry Sky
Chapter 24 - Dear Past
Chapter 25 - Goodbye
Chapter 26 - Caught, Claimed and Committed
Chapter 27 - Prep
Chapter 28 - Perks of Being Engaged
Chapter 29 - Conditions and Compromise
Chapter 31 - Wedding Jitters
Chapter 32 - I Do
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter: Chaste Kisses
Special Chapter: Pasta
Special Chapter: Sushi
Special Chapter: Gentleman
Special Chapter: Towel
Special Chapter: Hugs

Chapter 30 - Best Man

112K 2.3K 142
By JhingBautista

"Mag-aasawa ka na."

"Inunahan mo naman kami, bunso."

Pinagitnaan ako ng dalawa kong kuya. Kinuha ng isa ang remote saka inilipat ang channel. I rolled my eyes. Basketball na naman. Kapag dito talaga sa bahay, hindi ako makanuod ng matiwasay.

"Kuya, nanunuod ako!"

Itinago ni Kuya sa may pwetan nya yung remote. Saka sya dumila. Ito namang isa, umakbay sa akin.

"Bunso, sigurado ka na ba?" tanong ng pangalawa. Siya yung pinakang-kamukha ni tatay at hindi masyadong sakit ng ulo. Palibhasa middle child.

"Oo naman," sagot ko sa kanya. "Kayo, kuya, kailan nyo balak mag-asawa?"

"Saka na kapag may aasawahin na," natatawa nilang sagot.

Yung mas panganay kong kuya ang mas gwapo. Hindi naman sa pinagku-compare ko sila pero hindi kasi maiwasan. Mas pansinin ito at mas marami nang naging girlfriend. Medyo playboy din kaya hindi makapag-settle sa isa. He's already 32 at parang wala pa yatang balak mag-asawa.

Yung pangalawa naman ang seryoso sa babae. In his 28 years of existence, dalawa pa lang ang naging girlfriends nya. Isang 7 years at isang three years. Yung seven years nyang girlfriend ang inakala naming lahat na makakatuluyan nya pero nakipag-break ito sa kanya noong 7th year anniversary nila. Nainip yata sa kahihintay na mag-propose sya kaya ayun, iniwan sya. Sigurista kasi ang kuya ko. Sa sobrang segurista, kahit gahiblang doubt lang sa isang bagay, hindi nya magawang palampasin. And he was having doubts about her. Ayun, he let her go.

Mag-dadalawang taon na rin mula nung magkahiwalay sila but I think it's still not over for the both of them. His girlfriend, Cy, went abroad last, last year to work. Kakauwi lang ulit nito last month. And I think may balak si Kuya na makipagbalikan. Nahuli ko sya minsan na nag-i-stalk ng profile nito. Si Cy naman, after 2 years, wala pa kaming nababalitaang naging boyfriend. Mukhang naghihintay pa rin kay kuya. Sana lang magkalakas na ng loob ang kapatid ko na mag-propose.

"Nak, may natawag sa phone mo!" sigaw ni nanay mula sa kusina.

Kumawala ako mula sa pagkakaakbay ni kuya saka ako tumakbo papuntang kusina. For sure, si Kent yung tumatawag. Weekend kasi ngayon at base sa previous arrangements namin, kapag weekend, doon ako sa bahay nya. Ang kaso, tinatamad akong pumunta.

"Hello."

"O, ano? Bakit wala ka rito?" tanong nya.

"Kailangan bang nandyan ako every weekend?" pabalik kong tanong sa kanya.

"Oo. Yun ang usapan, di ba?"

"Tinatamad ako."

"Ang daya mo naman."

Napabuntong-hininga ako. Ilang linggo na lang, ikakasal na kami. Hindi na nga ako mapakali e. Magkasama na kami tuwing weekdays. Pati weekend, magkasama pa rin kami. I just want to be with my family for the whole weekend. Feeling ko kasi, kapag nag-asawa na 'ko, hindi na magiging tulad ng dati yung relationship namin. It's like going away for college. Ang dami kong mamimiss out kung sakali. Ayaw ng tatay ko na bubukod kami ng bahay hanggat hindi pa kami nakakapag-asawa. Kaya hanggang ngayon, nakatira pa rin kaming tatlo nina kuya sa bahay namin.

Yung panganay ang matagal na nilang inaantay na makapag-asawa para makabukod na. Nakakalungkot nga naman na 32 na ito pero wala pa rin ni girlfriend na mukhang seseryosohin. Ako itong bunso at nag-iisang babae ang mauunang ikasal. Medyo nalulngkot si tatay dun. Feeling ko ayaw nya pa akong bitawan. Kung pwede nga lang na ikadena nya ako sa bahay, baka gawin nya e.

"Jazz, labas naman tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kahit saan."

Pumasok si tatay mula sa likod-bahay. Nang makita nitong may kausap ako sa phone, he mouothed Kent's name. When I nodded, he held out his hand. Hinihingi yung phone ko.

"Kakausapin ka raw ng tatay ko," sabi ko kay Kent bago ko ibigay kay tatay yung phone.

Lumabas si tatay nang nakadikit sa kaliwang tenga ang cellphone ko. When he came back moments later, nakangiti na ito.

"O sige. Heto na si Jasmine," paalam ni tatay kay Kent. He gave the phone back to me saka ito umakyat sa second floor.

"Ano'ng sabi sa 'yo ng tatay ko?" tanong ko kay Kent.

"Wala naman. Nangumusta lang," sagot nya. "O ano, labas tayo?"

"Saan nga kasi?"

"Mall. May bibilhin ako."

"Okay. What time ka dadaan?"

"I'll be there in 30 minutes."

"Okay."

"Isama natin si Toby."

Natigilan ako bigla. Ano na naman kaya ang pinaplano nya at kailangan pang isama si Toby sa lakad namin?

"Seryoso ka?"

"Yeah. Best man sya, di ba? Kailangan sya ng groom."

"Baka naman alilain mo si Toby ha."

"Hindi 'yan. Sabihan mo sya ha? I'll be there in thirty minutes."

"Okay."

"Bye."

Kent didn't bring his car. Nang pumunta sya ng bahay, pera at phone lang ang dala nya. So nag-commute kami papuntang mall. We had to take the bus at saktong may mauupuan pa. Naturally, magkatabi kami ni Kent sa upuan. Si Toby, nasa bandang unahan namin.

Nang may sumakay na babae, agad na tumayo si Toby to offer his seat. Tumayo ito sa tabi ko. Sa next stop namin, may sumakay ulit na ilang pasahero. One is an elderly woman who stood next to Toby.

I waited for Kent to stand up. When he didn't budge, tinitigan ko syang mabuti.

"What?" kunot-noo nyang tanong.

"Can't you take a hint?" bulong ko. I glanced on the woman standing next to me saka ko ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"I paid for my seat," he said.

"Grabe, ang un-gentleman mo! Mabuti pa si Toby..." naiiling kong sabi. I stood up and offered the woman my seat. She smiled gratefully at me saka nito sinimangutan si Kent. Umalalay naman sa 'kin si Toby na nailing na lang din.

When the bus came to an abrupt halt, napakapit ako kay Toby. Mahina kasi akong mag-balanse sa bus kaya madalas akong napapasubsob. Kapag nandyan si Toby, kampante akong may sasalo sa 'kin. He didn't let me down, as always.

Nagpatingin ako kay Kent. He was throwing us dagger looks. Grunting, he stood up while the bus was filling in new passengers. Kinuha nya ako mula sa pagkaka-alalay ni Toby.

"Gusto nyo ng equality pero ayaw nyong tumayo sa bus. Ang unfair nyo rin e," reklamo nya.

"Understood na kasi yun. Kung gentleman ka, kahit hindi ka na pakiusapan, kung may babae na nakatayo sa bus, ibibigay mo agad yung upuan mo."

"Chivalry is dead, Jazz. Women have to deal with it."

"Hindi pa. Nandyan pa si Toby."

Sumimangot sya sa sinabi ko.

He was holding my hand while we were walking inside the mall. Nakasunod lamang sa 'min si Toby, carefully keeping his distance.

Una kaming pumasok sa isang store for men's wear. Silang dalawa ang magkausap tungkol sa pagpili ng damit. Kung wala nga siguro ako doon, baka napagkamalan silang couple. Sa panahon pa naman ngayon, kaduda-duda kapag dalawang gwapong lalaki ang magkasama. Kaya minsan ayaw lumabas ng dalawa kong kuya na sila lang. Hindi pa naman sila magkamukha kaya ilang beses na rin silang natanong kung sila ba.

Nang makabili si Kent ay naglakad-lakad na ulit kami. Hindi ko alam kung saan kami sunod na pupunta. I was getting worried with Toby. Kanina pa ito nakasunod ng walang imik.

Maya-maya'y tumigil si Kent sa tapat ng isang lingerie store. He gave me a knowing smile.

Pinandilatan ko sya. "I'm not going in there with you!" reklamo ko.

"Sino'ng may sabing pwede kang umayaw?" nakangisi niyang tanong.

I opened my mouth to protest nang kuhitin naman ako ni Toby. "Jazz, may bibilhin lang ako ha," paalam niya.

"Sige." Tinanguan naman ito ni Kent. "Text text na lang."

Walanghiyang best friend 'yan, mang-iwan ba! Hindi na tuloy ako nakapalag nang hilahin ako ni Kent papasok ng store. Sa lakas ba naman nya e, isang hila lang sa 'kin, dala ako agad.

Tuwang-tuwa si Kent sa pag-i-scan ng mga racks ng lingerie. Ngali-ngali ko ngang kunin at itago ang engagement ring nya para mapagkamalan syang bakla ng mga nasa loob ng store. He was the only guy inside kaya hindi maiwasang pagtinginan sya ng mga mamimili.

Kumuha sya ng tatlong iba't iba ang design. Isang kulay black at dalawang kulay red. They were so sexy and so revealing, I had the urge to run out of the store. Itinapat nya ang mga ito sa katawan ko.

"Kailangan na bang bumili ng ganito?"

Tumango sya. "It's for my imagination."

My face went red. "You pervert!" I hissed.

Tumawa naman sya. "Don't be shy, Jazz. Masasanay ka rin."

Masasanay saan? Sa pagsusuot ng lingerie o sa kahalayan nya? Tingin ko hindi ako masasanay sa kahit alin sa dalawa.

May lumapit sa 'ming saleslady at tinulungan kaming makapili ng lingerie na kakasya sa 'kin. Tinanong nito kung ano ko si Kent and he proudly took my hand and showed her our rings. Nahawa ako sa pagngiti nya. Napangiti na rin ako.

He bought a lot of stuff from that store. Things that I can't even imagine myself wearing. But he was happy so I stopped complaining. Siguro nga kailangan ko na talagang masanay habang maaga pa.

Pumunta kami ng food court para hintayin si Toby. Doon na lang kami maghahapunan bago umuwi.

"Kent, yung totoo, bakit mo isinama si Toby?"

"Bakit? Bawal ba?"

I frowned at him. "Nakakalito ka. Dati, ayaw na ayaw mong kasama si Toby. Ngayon naman, ikaw pa ang nag-volunteer na isama sya. Am I missing something here?"

"Gusto mo talagang malaman kung bakit?" Tumango ako. "Baka magalit ka."

"Kagalit-galit ba yung reason mo?"

He shrugged. "Medyo."

"Okay. Papatapusin muna kita bago ako magalit."

Tiningnan muna nya akong mabuti bago sya nagsalita. "I want him to feel like a third wheel. And before you get angry, here's why: Ikakasal ka na pero hindi pa rin sya nakakamove on sa 'yo. Kahit ang tatay mo, gusto na ring putulin ang pag-asa ni Toby na magkakabalikan pa kayo. So I wanted to show him that you're happy with me, that you're not having second thoughts about marrying me. Masaya ka naman siguro sa 'kin, di ba?"

"Oo naman."

"E di ipakita mo sa kanyang masaya ka."

I bit my lip. Hindi ko yata kaya ang ipinapagawa nya. Kinakain ako ng kunsensya every time na nakikita kong sisimangot si Toby. I don't want to cause him any pain kasi best friend ko ito. I love Toby, siguro nga sa ibang paraan, but I love him enough to not want to inflict him any more pain.

"E kasi naaawa ako sa kanya."

"Jazz, mas maawa ka sa kanya kung patuloy syang aasa sa 'yo. If he sees just a slightest doubt in you, he might take his chance again. Hindi masama ang maawa pero limitahan mo rin. Kahit ano namang iwas mo, makakasakit at makakasakit ka pa rin e."

"Hindi mo kasi naiintindihan e. It's not that easy. We've been together since we were kids. Kumbaga sa puno, malalim na ang ugat ng pinagsamahan namin. I don't want to lose my best friend, Kent."

He held my hand and gave it a squeeze. "I know it's not easy. But if you won't amputate a severely infected leg, the infection will spread throughout the whole body. It's the same as hoping, Jazz. If you won't stop him from hoping sooner, he will fall into this delusion that there is still a chance for you to be together. Masasaktan sya, oo. Pero kung habang maaga ay masasaktan na sya, mas maaga niyang matatanggap na wala na talaga. Mas maaga syang makakamove on. Ayaw mo ba nun?"

"Syempre gusto ko," I answered. The sooner he moves on from me, the better. Baka ginugugol lang ni Toby ang oras nya sa pag-asa sa 'kin. Sayang ang panahon. He should be looking for that girl who he's meant to end up with. Ang hirap kasi kapag stuck ka sa isang tao. Kahit alam mong mali ang maghintay, ayaw mong umalis sa pag-asang may mangyayari pang maganda.

"Mahal mo naman ako, di ba?" tanong nya.

"Oo naman."

He smiled. "Then stop frowning." He smoothened the frown on my forehead with his thumb. "Things will get better. Trust me."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Sana nga."

Alam ko namang pinipilit lang ni Toby na panatilihing strictly as friends lang ang relationship naming dalawa kahit alam namin pareho na hindi pa roon ang gusto nito. He was doing it for me. But I want him to do it for himself. I don't want him to just do it because he didn't want me to feel guilty about it.

I want him to keep it together for himself. Kasi kahit anong tulong ang ibigay mo sa isang tao para makamove on sya, kung sya mismo sa sarili nya ang ayaw gumalaw, then he will remain stuck.

I don't want him to be forever stuck with his feelings for me. Syempre, gusto ko rin syang sumaya. Sana lang bigyan nya ng chance ang sarili nya na sumaya.

"Let's talk about your lingerie," he whispered on my ear. Thirty minutes na kaming naghihintay sa food court pero wala pa rin si Toby. Kapag pa naman tumatagal na kasama ko si Kent, hindi maiwasang mapunta sa kahalayan ang usapan. That's his way of spicing things up kasi.

"Kent—"

"Come on, Jazz. Humor me."

"Ang pasaway mo 'no. Kamanyakan na naman 'yang nasa isip mo."

He gave out a hearty laugh. "You know me."

Sumandal ako sa balikat nya saka bumuntong-hininga. "Ang tagal naman ni Toby."

"Baka umuwi na 'yon."

"Hindi 'yan. Magtitext yun sa 'kin kung sakali."

"Alam mo, minsan nakakapagselos na 'yang pagiging close nyo."

"Iba kasi yung closeness ng best friends kesa sa couple. Mas kumportable kapag best friends."

"Are you uncomfortable with me?" he asked.

Tumango ako. "Minsan," pag-amin ko.

"Hindi pwede yan. Once we get married, gusto ko sobrang kumportable mo na sa 'kin. Yung tipong kaya mong maghubad sa harap ko."

"Manyak."

He chuckled. "Seriously, though... ayokong mailang ka sa 'kin. Ang sagwa naman kung maiilang ka sa sarili mong asawa."

Tumingala ako sa kanya at ngumiti. "Just over a year ago, you were so allergic to marriage. Ngayon, kung makapagsalita ka, parang mas excited ka pang ikasal kesa sa 'kin."

"Alam ko kasing hindi mo 'ko iiwan sa altar."

He looked so endearing. He looked like he was about to burst into tears but he looked so happy at the same time. I couldn't stop myself from kissing him. PDA man kung PDA. I just feel like kissing him in public. He was smiling from ear to ear. Who said that only women bloom when in love? He's blooming with happiness. And I'm proud to say that I'm the reason why.

"Right on time."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Tumingin sya sa gawing kaliwa ko. I followed his gaze with curiosity. There, not so far away, was Toby. Likod lang nito ang nakita ko but I knew it was him. He was walking away. There's graveness in his steps. I knew that he saw me kiss Kent.

Gusto kong tumayo para habulin si Toby but I stopped myself. Kent's right. Mabuti pang ipakita ko rito na wala na itong pag-asa sa 'kin. Maybe he'll stop chasing the wrong girl. Maybe he'll stop chasing after me.

In a matter of weeks, I will no longer be available to anyone but Kent. And Toby has to understand that I won't be changing my mind. Not now, not ever.

I will make sure that Kent would not undergo the same thing he had experienced before. He will not be left at the altar for the second time.

Sorry, Toby.

Continue Reading

You'll Also Like

24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
9.5M 293K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
6.8M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...