Shutterbug

By greatestB

23.4K 815 261

I love you and you don't know yet. It's a secret I wish you knew. In the mean time, don't let anyone have you... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
[Announcement]
Kabanata 9
Kabanata 10

Kabanata 5

1.2K 59 14
By greatestB

note: nareformat yung laptop so nawala yung sampung updates ko dito sana sa Shutterbug kaya heto at nagsimula muli akong magtype. pasensya na sa sobrang tagal. thankyou nga pala kay Commanderfluffy dun sa dating book cover!

--

Kabanata 5

Rice Cake

Naglalakad ako ngayon pabalik sa bahay. Inutusan kasi akong bumili ng ingredients. Tutal 1st year highschool naman na ako, pwede na akong lumabas labas kahit mag-isa lang. Pero syempre sa malapit lang. Magagalit kasi si Mama kapag umaalis ako ng bahay ng walang kasama kapag sa mga malalayo.

"Ma, eto na po." nilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa. Nandito ang mga katulong namin pero tinutulungan nila si Mama para makapaghanda ng dinner. Ako na rin kasi nagpresenta kay Mama na ako na lang bumili dahil wala rin naman akong ginagawa.

"Thankyou, baby!" tumango na lamang ako at saka pumanik sa aking kwarto. Matagal na akong graduate ng Grade 6. Ang bilis nga naman ng panahon dahil magdadalawang taon na pala kami dito sa Korea pero wala pa rin akong kaibigan. Tanging yung mokong lang... ay hindi pala. Hindi ko naman kasi yun kaibigan.

Binuksan ko ang pintuan sa veranda. May veranda kasi ako at lagi ako rito lalo na kapag gabi. Malamig kasi ang simoy ng hangin di tulad dun sa loob ng kwarto. Oo, naka-aircon naman kaso iba pa rin talaga kapag sariwa ang hangin ang nalalanghap.

Umupo ako sa upuan ko at itinaas ang paa dun sa isang upuan. Tumingala ako para makita ang mga nagniningning na mga bituin. Ang sarap talaga kapag nahihiwagaan ka sa paligid. Tahimik at ang tanging maririnig lamang ay ang mga kuliglig sa tabi.

Habang nagpapahinga ay nakarinig ako ng sitsit. Napabalikwas tuloy ako at napatingin sa harap ko.

"Pssst! Pangit!!" kumunot ang noo ko ng makita ko nanaman ang pinakapangit na lalaki sa balat ng lupa. Katabi ng bahay namin ang kanilang bahay at halos hindi talaga ako makapaniwala! Akalain mo yun? Hanggang sa bahay hindi ako matatahimik dahil parati siyang nandito sa bahay para magpasikat kina Mama.

"Nandyan ka nanaman sa lungga mong bulok. Kaya nabubulok ka rin eh pffft hahahaha!" umirap ako sa bwisit na isang to. Ganyan yan parati kapag nakikita niya ako sa veranda ko. Ewan ko ba at nakikiepal nanaman. Wala nanamang magawa.

Tumayo na ako at humalukipkip. Tinignan ko siyang tumatawa ng sobrang lakas. Hindi ba siya nahihiya at gabi na? Wala talaga tong pakundangan. Tumalikod na ako at narinig ko siyang sinisigaw ang aking pangalan.

Sinara ko na ang pintuan at pinatayan siya ng ilaw. Bahala siya diyan tutal sanay na siyang lagi kong pinagsasarahan ng pinto. 

Bumaba na lang ako ng sala dahil wala rin namang magagawa sa kwarto. Narinig kong parang natataranta si Mama dun sa kitchen kaya naman pumunta ako dun. Halos silang lahat ay may ginagawa. Yung dalawa naming katulong ay hindi rin magkanda-ugaga.

"Mama, ano pong nangyayari?" tanong ko sa gitna ng kanilang mga ginagawa.

"I forgot to tell you na kailangan ng rice cake!" napasapo si Mama sa kanyang noo. Tumango na lamang ako at inilahad ang aking kamay.

"Ako na po ang bibili. Ilan po?" ako na lang uli ang bibili tutal napakabusy nila dito. At tsaka wala rin naman akong ginagawa. Gusto kong lumabas ng bahay.

"No, napakalate na at baka mamaya may kumidnap pa sayo." napaawang ang aking bibig at umiling na lang sa iniisip ni Mama. Ganyan siya parati kapag lumalabas ako ng mag-isa. Minsan niya lang talaga akong pinapayagang umalis mag-isa.

"Mama, I can handle it. And besides I'm Thirteen! I'm a Teen now!" sagot ko. Bumuntong hininga si Mama at naningkit ang kanyang mga mata na para bang sinusuri ako. Napakunot ang aking noo ng bigla siyang ngumiti.

"Okay, isama mo si Baekhyun." nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Mama. Hindi lang ito ang una kundi ginawa na rin niya ito dati at hindi ko talaga nagugustuhan kapag kasama ko ang lalaking yun. Feeling ko lagi akong mapapahamak kapag siya ang kasama ko.

"Mama, hindi na siya kailangang isama. Pwede naman yung mga bodyguards, diba?" right, nandito naman ang mga bodyguards namin so sila na lang ang isasama ko.

"Lou Ren, sa tingin mo hindi ka pagkakaguluhan sa market kapag bodyguards ang kasama mo? I'll be calling your Tita Nam Soo." hinawakan ko agad ang kamay ni Mama sa pagkuha ng kanyang cellphone sa bulsa. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at tumango na lamang. Tatawagan niya pa kasi ang Mommy nung mokong na yun.

Lumabas na ako ng bahay at tumingin sa katabing bahay namin. Sinusumpa ko ang bahay nila kung bakit dito pa sa tabi naming bahay sila tumira. Edi sana maayos ang buhay ko ngayon. Bwiset talaga!

Kumatok na ako sa kanila at pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay ang taong butiki agad ang bumulaga sa akin.

"Ay shokoy!" sigaw niya pagkakita sa akin. Tumaas naman ang aking kilay.

"Ay hindi pala shokoy!" ngumisi siya kaya naman umirap ako. Malamang hindi ako shokoy dahil tao ako. Siya kasi butiki kaya ganyan. Kainis! Dapat hindi ako nagpapaapekto sa isang to eh. Ayaw kong malaman na naapektuhan ako sa mga pinaggagawa niya.

"Hippopotamus pala pwahahahaha!" walang emosyon akong tumalikod sa kanya at nagsimula ng maglakad. Mas gugustuhin ko pang maglakad mag-isa kesa kasama ang isang yan. Nakakapang-init lang ng ulo.

"Hey Hippowpow! Wait for me!" sinabayan niya na ako sa paglalakad. Hindi ko siya iniimik tutal wala rin naman akong sasabihin sa kanya at ayaw ko rin talaga siyang kausap. Lagi ko nga yang iniiwasan sa school dahil ayoko talaga siyang kasama.

"Alam mo, kapag ako sumikat, who you ka talaga sa akin! Ngayong hindi pa ako gaano sikat, binabalewala mo lang ang kagwapuhan ko pero kapag ako naging mala-Rain? Si Idol Jung JiHoon? Naku, bahala ka diyan! Hindi talaga kita kilala!" umiling na lamang ako. Lagi niya yan sinasabi sa akin na balang araw daw ay magiging sikat siya. As if naman.

Pumasok na kami sa market. Gabi na at marami pa ring tao dahil na rin siguro sa mga papauwi pa lang sa kanilang mga bahay. Katabi kasi nito terminal ng mga bus kaya pagkababa mo ng bus ay pwede kang mamili dito sa wet market bago umuwi.

"Tatlo pong rice cake!" sabi ko dun sa tindera na tumango. Malamig na ngayon dahil magDi-Disyembre na. Malapit na ang Pasko pero parang hindi ko dama. Marami na ring mga Christmas lights sa daan. 

"Hi Miss!" nagulat ako ng may lumapit sa aking lalaki na hulo ko'y dalawang taon ang tanda sa akin. Luminga linga ako para hanapin ang mokong kaso nawala siya sa tabi ko. Nanlamig tuloy ang kamay ko pero hindi ko pinakita sa taong kaharap ko ngayon na natatakot ako sa kanya.

"Ang suplada mo naman!" lumunok na ako at tinignan ang tinderang busy'ng busy sa order ko. Lahat ng tao ay may sari-sariling ginagawa. Madali lang gumawa ng paraan para makahingi ng tulong dahil marami namang tao dito.

"Ano ba!" sumigaw na ako ng bigla niya akong hawakan. Napatingin sa amin ang ilang mga tao kaya naman ngumiti ang lalaking ito na para bang sinasabing wala siyang ginagawang masama.

"Wag kang maingay, Miss. Nakikipagkaibigan lang naman ako. Crush kasi kita." kumindat siya sa akin kaya naman kinilabutan ako sa kanya. Hinapit niya ang braso ko. Nagpupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas.

"Bitiwan mo siya." napalingon ako sa pamilyar na boses. Great! Nandito na ang lalaking kinaiinisan ko at hindi ko alam kung maililigtas niya ako sa maliit niyang katawan. Sana lang talaga at maloko niya ang lalaking nakahapit sa akin ngayon.

"Oy pre! Ako nauna sa kanya. Crush ko siya kaya umalis ka na, pwede ba? Alis!" nagpupumiglas pa rin ako. Naamoy ko kasi ang amoy alak na damit ng isang to. Nakakahilo ang amoy.

"Oy pre, anak ko yan!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong sinabi niya? Anak niya ako? Nagpapatawa ba siya? Sino namang kakagat sa biro niyang yun? Tanga na lang ang magpapaniwala sa kanya.

"Anong sabi mo?" matawa-tawang sabi ng lalaki ngayon. Napairap na ako sa inis. Gagawa na nga lang siya ng palusot, yung hindi pa kapani-paniwala. Loko loko talaga ang isang to. Hindi na yata magbabago.

"Sabi ko, ako Tatay niya." halos matawa ang lalaki ngayon. Siguro kung hindi lang ako hawak hawak nitong lalaking to ay nakisabay na ako sa pagtawa sa kanya.. Nanggigil na ako ngayon. Masyadong mahigpit ang pagkakakapit niya sa aking leeg kaya naman kinagat ko na siya sa kamay.

"Aray! Aba humanda ka sa akin!" hinila ko na ang mokong para makatakbo. Kung hindi ko pa yata siya hihilahin ay tutunganga lang siya dun at hindi pa aalis sa kinatatayuan. Hindi ko na rin nakuha yung rice cake.

"Magtago tayo diyan!" tumatakbo pa rin kami ngayon at naramdaman kong nagtawag pa ng ilang kakampi yung lalaki. Masyado nang madilim sa parteng pinagtatakbuhan namin kaya naman nahirapan pa ako kung saan kami magtatago.

Nakakita ako ng isang eskinitang wala masyadong tao kaya naman tumakbo na ako papunta dun. Nagtago agad kami dun sa dalawang malaking trashbin. Pumunta kami sa likod nun kahit medyo may pagkabaho. Nakita naming nagsitakbuhan na yung mga naghahabol sa amin. Napabuntong hininga ako.

"Wow." napatingin ako sa walang kwentang kasama ko. Siguro kung hindi niya ako kasama ay kanina pa siya naabutan nung mga naghahabol sa amin. Loko loko kasi ang isang to. Pati buhay pinaglalaruan.

"Ang galing mo pala tumakbo?" naglalakad na kami pauwi ngayon at kanina ko pa siya hindi iniimik. Uuwi kasi akong walang dalang rice cake. Paniguradong magagalit sa akin si Mama. Ang tagal na nga naming bumili tapos uuwi pa akong walang dala.

"Para kang kangaroo kanina! Ang galing ah! Pwede ka nang kabayo!" hindi ako lumingon sa kanya. Nakakainis kasi may nangyari na ngang ganito tapos nang-aasar pa rin siya. Kung hindi dahil sa akin ay malamang naabutan na siya ng mga sira-ulong lalaking yun.

"Lou Ren~! Pansinin mo ako~ Yuhoo~" umirap na lang ako. Isip bata talaga ang isang to. Kailan kaya siya titino? Yung hindi na siya mang-aasar. Nakakahalata nga ako sa isang yan eh dahil parang ako lang yung lagi niyang inaasar. 

Nakita ko siya dati nun na may inaasar siyang babae pero nagsosorry naman siya agad tapos minsan hindi naman siya nangaasar. Minsan pinupuri niya pa nga yung iba na hindi kailanman niya sa akin ginawa. Hindi niya ako tinatrato ng katulad sa iba. Ako lagi yung inaasar niya. Ako lagi yung laman ng bibig niya. Ako lagi yung nakikita niya kapag gusto niyang magpasikat. Hindi niya alam na nasasaktan na rin ako minsan sa mga biro niya. Akala niya kasi porket hindi ako umiimik ay ayos lang para sa akin. Akala niya kasi hindi ako nasasaktan.

"Lou Ren!"

"Oy pangit!"

"Psst daga!"

"Ano ba!" sumigaw na ako at nilingon siya. Kanina niya pa ako tinatawag sa pangalan ko at sa mga hayop na tinutulad niya sa akin. Kanina pa ako naiirita sa kanya. Kanina pa ako naiinis. Kanina pa ako galit dahil ako lang lagi yung inaasar niya.

"Ano ba kasing problema mo? Ano ba kasing gusto mong mangyari ha? At higit sa lahat, BAKIT MO BA AKO LAGING INAASAR?!" mabilis na ang bawat paghinga ko. Feeling ko konting kalabit na lang sa akin ay tutulo na ang mga luha ko. 

Inaamin kong natakot ako sa nangyari kanina dahil naramdaman ko yung nakatusok na kutsilyo sa aking bewang. Hindi ko pinahalatang natakot ako dahil kung gagawin ko yun, mas lalo lang akong matatakot. Alam ko sa sarili ko na mahina ako, pero ayokong isipin yun parati dahil lalo lang akong magiging talunan.

"Huh? Kasi... wala lang... pangit mo kasi hehehe." nag-init ang pisngi ko sa kanyang pagngisi at naramdaman ko ang mainit na daloy ng aking dugo sa aking kamay. Unti-unti kong nakitang napahandusay siya sa sahig ng dumapo ang kamao ko sa kanyang mukha. Sinuntok ko kasi siya.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...