May ‘sang binibini sa bandang harapan;
Kanyang buhok parang kay sarap hawakan,
Napakaganda ng korte ng katawan;
Kitang-kita kahit dito sa likuran!
Unti-unti, akin siyang nilapitan.
Gusto kong malaman ang kanyang pangalan,
Pati phone number para siya’y matawagan.
Siya’y sadya ko lang napupusuan.
‘Di na nagdalawang isip na sya’y lapitan;
Gusto kong makita, kanyang kagandahan!
Agad ko siyang kinalabit sa likuran,
Miss, pwede ba kitang maging kasintahan?
Sa aking nakita, ako’y natigilan,
Nung humarap mukha’y pang-ati-atihan!
Diyos ko po! Ako ay kinilabutan!
Ano ba ‘tong gulong aking pinasukan.