Scarred

De BeyondTheLetter

233K 4.4K 6.5K

[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay il... Mais

Try mo rin Magsulat. : )
From the Readers
About The Story
Prologue: A Look into the Future
Chapter 1: In a Glimpse
Chapter 2: Rock, Scissors, Paper
Chapter 4: A String of Hope
Chapter 5: Under Our Flaming Skies
Chapter 6: An Interlude
Chapter 7: What Are Friends For?
Chapter 8: A Token of Promise
Chapter 9: Harder Than You Know
Chapter 10: A Misguided Heart
Chapter 11: Into the Flames
Chapter 12: Taking the First Steps
Chapter 13: Someone Elses Arms
Chapter 14: Reflections
Chapter 15: Look On Up
Chapter 16: Spring in Winter
Chapter 17: Heart on a String
Chapter 18: Last Call
Chapter 19: Beyond a Dream
Chapter 20: Through Her Eyes
Chapter 21: His True Colors
Chapter 22: The Truth About Liars
Chapter 23: A Thousand Miles
Chapter 24: All Mine
Chapter 25: The Sun and The Moon
Epilogue: Those Three Words
Encore [1]: The Secret
Encore [2]: The Confirmation
Encore [3]: The Frontman
Encore [4]: The Overture
Encore [5]: The Collaboration
Encore [6]: The Moonlight
Finale: The Dream (Ending 2)
PostScript
Character Profile - Dante
Extra - List of Characters
Fan Art Compilation
Willav You Always, Anne Margaret.

Chapter 3: A Restless Dream

1K 33 36
De BeyondTheLetter

(Dante)

"Ituro mo na kasi kay kuya kung paano gawin 'yan," nasasabik na sambit ni Dante sa limang taong gulang na kapatid na babae habang nakangiting ino-obserbahan ito.

Naka-indian sit silang pareho sa sahig ng sala habang nakatalikod ito sa kanya. Narinig niya pa kung paanong pumilas ito ng isang pahina mula sa notebook na excited na hiniram nito sa kanya bago siya sandaling nilingon at mapang-asar na binelatan.

"Nakita ko na kaya kung paano mo ginagawa. Ayan o, kita ko sa gilid!" panunukso pa niya sa nakababatang kapatid.

"Kuya naman e, andaya mo!" Inis na sabi nito bago nakabusangot ang mukha na umambang papaluin siya ng isang kamay.

"Biro lang naman e. Ang tagal kasi. Naiinip na si kuya."

"Tapos na," masiglang sambit nito. Mabilis itong tumayo mula sa sahig habang pilit pa rin na itinatago mula sa kanya ang hawak.

Excited na umayos naman si Dante sa pagkakaupo sa sahig bago malambing na nagsalita, "Patingin nga ang ginawa ng mahal naming bunso."

Sa halip na lumapit sa kanya ay ihinakbang nito ng paatras ang mga paa palayo. Ilang dipa rin ang inabot nito bago tuluyang huminto at kumaway na tila ba nagpapaalam.

Nagsisimula na siyang maguluhan dahil biglang naging kakaiba ang ikinikilos ng kapatid.

Habang nakatayo nga sa malayo ay dahan-dahan nitong inilabas ang ikinukubli sa likuran. Tulad ng inaasahan niya, isa 'yong bulaklak na ginawa mula sa itinuping papel.

"Ta-da!" sambit pa nito matapos i-angat sa kaliwang kamay ang hawak.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dante matapos masaksihan ang mga sumunod na nangyari.

Bigla na lamang kasing nagliyab ang hawak nitong bulaklak na papel at unti-unting gumapang patungo sa maliliit nitong mga kamay. Nakakapanindig balahibo ang eksenang iyon subalit walang kahit anong ipinapakitang emosyon o reaksyon ang kapatid sa nangyayari na para bang hindi nito nararamdaman ang nagbabagang apoy na kumapit na sa manipis nitong balat paakyat sa suot nitong puting damit.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, walang ginawang kahit anong aksyon si Dante. Nakatayo lamang siya habang lumuluhang pinapanood kung paanong unti-unting nilalamon ng apoy ang kapatid na hanggang ngayo'y nakangiti pa rin at nakatingin sa kanya.

"Patawarin mo na si kuya," nanginginig na tuhod na sambit niya bago ipinunas ang likod ng palad sa tumutulong luha at uhog dahil sa nararamdamang matinding takot at kalungkutan. Dante looked at his hands and noticed how small they were.

Sa puntong 'yon ay alam na niyang nasa loob lamang siya ng isang panaginip. It can't be real. It can't be true. This isn't exactly how it happened. Sinubukan niyang ihakbang ang mga paa upang lapitan ang kapatid subalit bago pa man siya tuluyang makalapit ay bigla na lamang siyang napapikit at naiharang ang braso sa mga mata. Sa isang iglap kasi'y naglaho ang kanina'y mala-impyernong apoy at napalitan ng pagsabog ng isang nakasisilaw na liwanag.

Hindi pa man tuluyang naimumulat ang mga mata ay gising na gising na agad ang diwa ni Dante. He was already awake but he decided to keep his eyes closed for a few seconds.

Habang nanatiling nakahiga sa damuhan ay humugot siya ng isang malalim na paghinga at ninamnam ang napakabangong simoy ng hangin. Nangangamoy bulaklak iyon at talagang nanunuot sa kanyang ilong.

Dahan-dahang iminulat ni Dante ang mata na agad na sinalubong ng liwanag ng kakasikat pa lamang na araw. Sandali niyang ikinusot ang kamao sa mata bago tuluyang ibinangon ang katawan mula sa damuhan. Nakita niya pa kung paanong nagliparan ang maliliit na ibon na nanginginain sa talahiban nang ipagpag niya ang nagsikapit na dumi sa hoodie jacket na inilatag niya upang maging sapin sa magdamag.

Eksaktong pitong taon na mula nang lisanin siya ng mga magulang kaya't sa sementeryo siya nagpalipas ng gabi upang alalahanin ang mga ito.

Hindi niya alam kung anong oras na nang makatulog siya subalit ang huling natatandaan niya ay ikinukuwento niya sa harap ng puntod ng mga magulang ang totoong nararamdaman para sa babaeng kung tutuusin ay kakakilala niya pa lamang---si Scar.

Marahang iniluhod muli ni Dante ang isang tuhod sa tapat ng isa sa mga lapida bago hinawakan ang nakaukit na pangalan doon, "Miss na miss ko na kayo," sambit niyang may mapait na ngiti sa labi. "Babalik ako dito sa birthday mo, Stephie. Pangako 'yan ni kuya."

*****

"Twelve." Hindi pa rin makalimutan ni Dante ang pagkakabanggit ni Scar sa salitang 'yon. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung paano kaya kung noong umpisa pa lamang ay nalaman na niya kaagad ang tunay na edad nito? Ganito pa rin kaya ang mararamdaman niyang panghihinayang?

"San ka pupunta?" nakakunot noong tanong ni Nigiel habang sinusundan siya.

"Uuwi na," tugon niyang walang pinapakitang kahit anong emosyon. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa harangan nito ang daraanan niya.

"Tsk. Pasensya na kung kinailangan pa naming magsinungaling sa'yo. Alam kasi naming hindi ka sasama kapag nalaman mo ang totoong rason," paliwanag ni Nigiel. Sinabi kasi nitong napa-away na naman ang kaibigang si Drei kaya napilitan siyang sumama kahit pa marami sanang gawain sa maliit na talyer ng tiyuhin.

"Hindi pa rin talaga 'ko makapaniwalang sobrang bata pa niyang pinsan ni Maica." Umiiling-iling na sambit ni Mumoy habang nakatuon ang tingin kay Scar na nasa loob ng bakuran ng parke. "Pero mukhang tinamaan din talaga sa'yo, p're. Kinulit kami ng kinulit niyan kaya 'di kami makatanggi. She really wants to see you."

Sandaling ibinaling din ni Dante ang tingin sa babae na ngayon ay nakangiti habang kinukuwentuhan ng kung ano ng kasama nitong si Drei.

Malayo ito sa puwesto nila kaya't imposibleng marinig niya ang ano mang pinag-uusapan ng mga ito. Nakaupo ang mga ito sa mga baitang ng hagdanan sa stage na nasa gitna ng parke. Marami ring batang masayang naglalaro sa loob dahil sadyang ginawa ang lugar para sa mga bata. Mayroong duyan, padulasan, estatwa ng iba't ibang hayop at kung ano-ano pang makikita sa isang pampublikong palaruan.

"Ano bang plano mo p're?" seryosong tanong ni Nigiel sa kanya.

"Plano? Saan?"

"Anong saan? Kanino. Alam mong 'yang si Scar ang tinutukoy namin," singit naman ni Mumoy bago nakapamulsang sumandal sa puno.

Napahinto siya at napaisip sa sinambit ng kaibigan bago mariing sumagot, "Wala."

"Paanong wala? P're, tayo pa bang maglolokohan? Ang tagal na nating magkakaibigan," sambit ni Nigiel. Sinang-ayunan naman ni Mumoy iyon sa pamamagitan ng pagtango-tango.

Sabihin na nating iba nga ang nararamdaman ko para sa kanya, pero mali talaga, mas maigi nang ako na lang ang umiwas.

Hindi na lamang umimik si Dante, sa halip ay sinipa ang naapakang maliit na bato sa madamong lugar.

"Isang tanong, bro. Huli na 'to at hindi ko na uulitin, gusto mo ba siyang makausap o hindi?" seryosong tanong ni Nigiel sa kanya.

Napaisip si Dante at napabuntong hininga. "Siguro."

"'Yun naman pala e," mabilis na tugon nito bago may isinenyas kay Mumoy na agad namang sumaludo at naglakad palayo. Mabilis itong pumasok sa bakuran ng parke. Ilang sandali pa ay bumalik itong kasama na si Drei.

Sandaling ibinaling muli ni Dante ang paningin kay Scar na ngayo'y nagtungo sa may duyan at naupo doon. Sa totoo lang, masaya siyang masilayan muli ito kahit sa malayo lamang.

"Ang daldal ng batang 'yon. She's smart. Masarap kausap. Kaso may pagka-isip bata pa ngang talaga. Biruin mong walang kahirap-hirap na napaamin ko na may crush siya sa'kin?" natatawang pagkukuwento ni Drei sabay ngisi kay Dante, "biniro ko ngang liligawan ko siya pagtanda niya pero sinimangutan lang ako at sinabing magsusumbong raw sa'yo kapag nakausap ka niya." Lumapit pa ito sa steel fence ng parke at kinawayan si Scar na nanatiling nasa loob. Kumaway naman ito pabalik subalit agad na natigilan nang madako ang tingin kay Dante.

"Ano pang hinihintay mo? Lapitan mo na. Baka maunahan ka pa nitong babaerong kaibigan mo, kilala mo naman 'to, basta maganda, alam na, patay na, yari na," pagbibiro ni Mumoy matapos tapikin si Drei sa balikat.

"Sus. Gano'n talaga. Ayokong matulad sa'yo. Disi-otso ka na hindi ka pa rin nagkaka-girlfriend. Kaya ka natutukso ni Maica noon e. Umamin ka nga sa'kin, 'di kaya bakla ka, 'Moy?" Tinapik din nito pabalik ang kaibigan sabay mabilis na nakaiwas sa hahablot sana ditong kamay ng inaasar na kaibigan. Kumaripas ito ng takbo palayo habang tatawa-tawang sumisigaw. "Bakla ka, Mumoy! Woo!"

"Tsk. Humanda ka sa'kin 'pag inabutan kita," napapangusong tugon ni Mumoy sabay habol sa lumalayo nang kaibigan.

"Paano p're? Sibat muna kami. Sabihin mo nang gusto mong sabihin sa kanya. Linawin mo para 'di na umasa kung sakali, halos umiyak na kasi 'yan kanina kaya hinayaan muna naming libangin ni Drei habang kinukumbinsi ka naming kausapin siya. Balitaan mo na lang kami." Sinuntok nito ng mahina ang braso niya bago sinundan ang dalawang naghahabulang kaibigan.

Hindi malaman ni Dante ang gagawin. Ayaw naman niyang basta na lamang iwanan itong nag-iisa kaya wala na siyang nagawa kung hindi lapitan na lamang ito. Kinakabahang naglakad siya patungo sa puwesto nito at tahimik na umupo sa bakanteng duyan. Hindi alam ni Dante kung ano bang dapat niyang sabihin kaya hinintay niya na lamang na ito ang unang kumausap sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga?" halos bulong na sambit nito. Napakahina. Hindi iyon naintindihan ni Dante.

"Bakit ganyan ka?" sabing muli nito. Sa pagkakataong 'yon, napakalakas na ng boses nito na halos isigaw na sa kanya, "bakit hindi ka na nagparamdam sa'kin simula noong ihinatid mo 'ko? I thought we're okay! Napakasama mo!"

"S-sorry," tanging iyon lamang ang kanyang nasabi kahit nais niyang magpaliwanag.

"Sorry? Porke't nalaman mong bata pa 'ko, ayaw mo na sa'kin? Gano'n ba 'yon? Ha? Bakit mo pa sinabi sa'king gusto mo 'ko?" lalong lumakas ang boses nito at tila maiiyak na.

Muling hindi nakapagsalita si Dante. Nakukunsensya siya sa sinabi nito. Tulad noong una, hindi niya magawang titigan ito.

"'Kay! Fine! Ayoko na rin sa'yo!" bulalas ni Scar bago mabilis na bumaba sa duyan at tumakbo papalayo sa kanya, "I hate you!"

Sinubukang habulin ito ni Dante ngunit nang maaabutan na niya ito ay bigla itong huminto at muling humarap sa direksyon niya. Agad na napansin ni Dante ang namumuong luha sa kulay abo nitong mga mata.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit subalit ang pakiramdaman niya ay para siyang tinutunaw na kandila matapos makita iyon.

"Bakit mo pa ba 'ko sinusundan? alam ko ang daan pauwi. Matanda na 'ko!" singhal nito bago tuluyang tumakbo kasabay ng tuluyang pagdaloy ng luha sa magkabilang pisngi.

__________________________________

End of:
Chapter 3: A Restless Dream

Next:
Chapter 4: A String of Hope

[ SCARRED ]

Continue lendo

Você também vai gostar

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
172K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...